"Ano bang nangyari? And then, is it true that you just came here to argue about the pictures you saw of Gavi with the girl in a hotel?" tanong ko kay Alyz habang naglalapag ako ng mga plato sa mesa para sa aming pagkain. "Hindi naman dahil lang doon eh. Ikakasal na si Cail, 'yong bestfriend ko at kinuha niya akong abay sa kanyang kasal kaya ako narito," sagot din naman niya habang kumukuha ng kanin sa bandehado. Ako naman ay natigilan. Kanina ay nagulat din ako na magkakilala pala sila ni Erhwin. Hindi ko lang napagtuunan ng pansin dahil sa pagtatalo nila ni Gavi. "Wait. Sinong Cail ang tinutukoy mo?" "Bestfriend ko, si Zhujhen Cail Marcial. Bale kaming apat ni Gavi, Erhwin, Cail at ako ay magkakaibigan. Ang crush dati ni Gavi ay si Cail." "Hmmn.." Napatango-tango ako at may pumasok