"Magpa-drive na lang kaya tayo? May driver ka naman eh," alok ko kay Nick habang inaayos ko ang suot niyang long sleeve. Lalabas kami ngayon dahil ngayon ang final rehearsal ng mga abay para sa gaganaping kasal ni Cail and Rick. Nick is the bestman since he's Rick's brother at hindi na ako magtataka kung si Caithy ang bridesmaid because she's Cail's sister. Ayos lang naman iyon sa akin but I still can't help but be jealous 'cause my boyfriend can be with another girl. Ni hindi nga ako napasali sa mga abay dahil hindi pa naman ako naipapakilala ni Nick sa kanyang family. Mas lalo namang hindi kami close ni Cail at alam kung ang grupo niya ay nagsimula nang mag-imbestiga tungkol sa akin dahil kay kuya Cedric na ngayon ay bihira ko lang nakikita. But I just let them go. I don't have to hi