After ng masinsinan naming pagpaplano kung paano ba namin mapapasok ang ilalim ng nadiskubreng tunnel nila Empress at Skipper ay saka pa lang ako nakauwi. Naglalakad na ako sa iskinita nang may mamataan ako sa 'di kalayuan. Tatlong tao na sa tingin ko ay nagtatalo. Nag-aambahan ng suntok ang dalawa at ang isa naman ay tagasigaw. "Gavi, tama na! Tama na 'yan!" sigaw ng babae na pamilyar ang tinig sa akin. "Alyz, is my girlfriend! So back off!" Boses ni Gavi 'yon ah. Nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa kanilang kinaroroonan hanggang sa tuluyan na akong makalapit. Hindi ko sila malampasan dahil nakaharang sila sa daraanan ko. "Girlfriend o palipasang oras mo lang?" maangas na tanong ni Ehrwin kay Gavi habang nagpupunas ito ng kaniyang ilong na napansin kong maraming dugo. Hindi p