PRESENT TIME
"How's the usb? Tama ba ang nakuha ko?" I asked my fellow agents. We're here in our safehouse with complete armories na ako mismo ang namumuno.
This organization named Delta created by Mr. Vincent Parker, my grandfather. It's a private, secretive government organizations fields with agents that involved in some operations.
Ang Delta organizations ay pangatlo na kaniyang itinatag. The first is the Alpha headed by Cedric Jeong Parker. The second is the Beta headed by Liam Travis Grey Parker at ito ang pangatlo, the Delta na ako naman ang namumuno. I am Angelica Leyland Parker also known as Agent A.
At kaming tatlo na leader ng mga organizations na ito ay magkakapatid sa ama. I'm not sure kung alam rin nilang ang Delta ay nag-e-exist. Based from my observations about them ay mukhang magkakakilala na ang dalawang organisasyon. Kami na lang ang hindi pa. And also, i'm not sure kung alam din ba ng dalawa kong kuya na mayroon pa silang bunsong kapatid na babae na nag-e-exist sa mundong ito.
Noong itinayo ng aming lolo ang organizations na ito ay isa pa lamang siyang Police Lieutenant General pero dahil sa dami ng mga naresolbang kaso sa tulong ng tatlong organizations ay umangat siya sa pinakamataas bilang Police General. At ang dating Police General ay nawala sa kanyang pwesto at bigla ring naglaho na parang bula.
Not many within the government are aware organizations exists. And this separation from the majority is to protect the groups from other accountability of organizations operations and from the Government officers with illegal gambling.
Organizations fields agents are often responsible for all assignments and operations that will be given by the officers of the government na nakakaalam lang nito. And as a field agents, we had to set up private safehouses, accounts and armories for our own use at walang dapat nakakaalam nito for our own safety.
"Yeah, it's better kung mapapanood mo ang video na 'to," he said at isinaksak na sa monitor ang usb na nakuha ko sa drawer ni Mr. Wong na ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan. At patuloy sila sa pag-iimbestiga dahil wala naman silang alam na agents ang may kagagawan ng pagkamatay niya.
Nagplay ang video.
"TAMA NAAAAA!!!! AAAHHH!!!" sigaw ng hubo't-hubad na babae habang parehong nakatali sa krus na yari sa tabla ang kaniyang mga kamay at paa. Habang ang anim na kalalakihan ay abala sa pagkuha ng video at paggamit ng iba't ibang uri ng machine sa maseselang parte ng nakagapos na babae.
"Aaaahhh!! Aaahhh!" ungol muli ng babae. Hindi ko maintindihan kung nasasaktan ba siya o nasasarapan base sa kanyang pag-ungol.
"Enough," sabi ko kay Silver at agad niya naman itong ini-stop.
Ito ang kasalukuyan naming tinatrabaho sa ngayon. May nakapagbigay impormasyon sa PNP tungkol dito sa mga nawawalang mga babae at ipinasa naman ito sa amin ni General.
Inaalok muna nila ang mga babaeng ito. Inoofferan ng malaking halaga kapalit ang ganitong uri ng trabaho. Kapag natapos na nila ang isang shoot ay ibebenta at ipo-post naman nila ito sa isang social media sites like p**n sites.
Dito sila kikita ng malaki. And based from the information gathered by our fellow agents ay kapag hindi sila nakakakuha ng mga bagong recruit na girls ay basta na lang nila itong dinudukot at gagawing slave.
Mas priority din nila ang mga virgin pa na babae dahil dito ay milyon-milyon ang kanilang kinikita. Pagkatapos nila itong pagsawaan ay ikinukulong nila sa isang safehouse at doon nagkakaroon ng mga malawakang bilihan para sa mga mayayaman at mga ibang lahi.
Si Mr. Wong ay isa sa anim na mga lalaking nasa video. So, may lima pa. At ang isa ay ang mismong founder na siyang pinaka-importante sa lahat. So anim pa din ang kailangan naming hantingin
"May personal data na kami ng anim na taong ito at ang isa ay business investors ng mga Delavega at namamalagi ngayon sa isa sa mga hotel nila." Makahulugan ang bawat mga titig sa akin ni Silver habang nagsasalita.
"I'll take that one," walang emosyon kong sagot. Kaagad naman siyang ngumisi.
Pumalakpak siya upang makuha ang atensyon ng aming kasamang agents.
"So, let's plan it."
***
"Puntahan mo na siya mamaya. We have to end it. Masyado na tayong tumatagal," dinig kong sabi ni Estella.
"Let him go. You can't get anything from him," sagot naman ni Nick kay Estella.
Nakaupo ako ngayon sa katabi nilang table. Nakatalikod ako sa gawi nila kaya naman hindi nila ako napapansin at naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan.
"Hindi mo pa nakukuha ang lahat. Meron pang mga resthouse. Kailangang makuha mo 'yong lahat. Gusto mo bang mapunta ang lahat ng iyon kay Rick. I'm really sure na kay Rick na 'yon ibibigay ng parents mo dahil hawak mo na ang buong company," giit ni Estella.
"Tsk," dinig ko ang pagsinghal ni Nick.
"Sundin mo ang lahat ng sinasabi ko dahil totoo ang lahat ng iyon. Kapag naubusan siya ng pera ibebenta niya lang 'yon dahil wala naman siyang sariling business na p'wedeng pagkakitaan. At saka huwag mong kalimutan ang mga nagawa ko sa 'yo ha."
Blackmail.
Tinap-tap ko ang aking mga daliri sa mesa. Ini-magine ko sa aking isipan ang kanyang hitsura. Ilang piraso ba ng kanyang katawan ang masarap hatiin? Tsk. Masaya 'to.
"Fine. I'll be there tonight."
"Good!" Bakas ang kasiyahan sa tinig ni Estella.
Sa tagal ko ng nagbabantay kay Nick ay kilala ko na rin ang lahat ng mga taong nakapalibot sa kaniya. Maging si Estella mismo, ang babaeng inakala ni Nick na nagligtas sa kaniya noong muntik na siyang malunod sa ilog sa Bulacan sa kasagsagan ng bagyo.
Naramdaman ko na ang kanilang pagtayo at pagdaan sa aking tabi.
Naunang lumampas sa akin si Estella at naiwan pa sa aking likuran si Nick. Pinakiramdaman ko siya. Nanatili lang ako sa bahagyang pagkakayuko at kunyari ay abala sa iniinom kong iced tea.
Ngunit hindi ko maramdaman ang kahit kaunti niyang pagkilos pero ramdam ko ang kanyang presensiya sa aking likuran. Ano bang ginagawa niya?
Naiinip na ako sa ginagawa niya. Bakit ang tagal niyang umalis?
"Are you following me?"
Namilog ang aking mga mata nang marinig ko nagsalita sa aking likuran.
Kumabog ng malakas ang aking dibdib. Hindi ko alam kung para saan? Natatakot ba ako? Pero parang hindi naman. Bakit ako matatakot sa kaniya? Eh kaya ko nga siyang ibalibag gamit lang ang isa kong kamay.
Haharap ba ako o hindi?
Huminga ako ng malalim saka napagdesisyunang tumayo. Nagsimula na akong humakbang paalis ngunit may mga bisig na bigla na lamang humapit sa aking baywang at iniharap sa kaniya.
Napalunok ako dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. Pansin ko ang kanyang pagngisi.
"Stalker ka no?" bulong niya at mas lalong inilapit ang kanyang mukha sa akin.
Napatitig ako sa kanyang mga labing namumula-mula.
"Do you want it?" bulong niya pa rin sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumitig lang sa kanyang mga labi.
Mas inilapit pa niya ito sa akin hanggang sa gahibla na lang ang agwat nito. Langhap ko na ang pinaghalong amoy ng menthol at iced tea na siguro ay ininom niya rin kanina.
Hindi sana ako pipikit ngunit tuluyan ng lumapat ang kanyang mainit na labi sa akin.
Parang gusto kong maiyak dahil sa itinatagal kong pagsunod-sunod sa kaniya ay ngayon lang ako nagkaroon na chance na ma-experience ito.
Kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon at tinangka kong gumanti ng halik sa kaniya ngunit..
...bumitaw siya sa akin at agad lumayo.
"Nice. I like the taste of your lips. Taste of iced tea. Next time, i want something different," nakangisi niyang sabi bago tuluyang tumalikod at lumabas ng restaurant.
Next time?
Napatingin ako sa paligid. Ang lahat ng mga customer ngayon ay nasa akin na ang atensyon.