CHAPTER 4 LTO

938 Words
FLASHBACK ANGEL's POV Nawalan siya ng malay at matagal-tagal ang aming pinaghintay bago dumating ang tulong. Hindi ko siya iniwan sa gitna ng malakas na ulan at bagyo sa takot na baka pagdating ko ay wala na siya o baka may mangyaring masama sa kanya. Niyakap ko lang siya sa buong oras naming paghihintay. Hindi ko na kasi siya kayang buhatin dahil ang buong kanang braso at paa ko ay hindi na gumagalaw dahil sa tagal na pagkakababad sa tubig. Sasabihan ko nga si lolo na baka may paraan silang p'wedeng gawin sa paa at kamay ko na p'wede sa tubig ng pangmatagalan. *** "Anong nangyari dito?" tanong ng nurse pagdating namin sa clinic na aming pinagdalhan sa kaniya. May ilang residente ang nakakita sa amin sa tabing ilog na siyang tumulong sa amin na madala ang lalaking ito sa clinic. "Nalunod po," sagot ko naman. Agad naman nila itong ipinasok sa loob at ginamot. Hindi na ako nakapasok sa loob dahil basang-basa pa rin ako. Siguro ay inabot ng halos isang oras ang ipinaghintay ko sa labas nang tawagin ako ng nurse. "Kilala mo ba, miss 'yong pasyente? Kaano-ano ka niya?" "H-hindi po eh. Nakita ko lang po siya sa may tulay. Nadulas po yata kaya nahulog sa ilog." "Gano'n ba. Sige, umuwi ka na lang muna para makapagpalit ka. Nanginginig ka na sa lamig eh. Baka ikaw naman ang magkasakit. Balikan mo na lang siya. Maayos naman na ang kalagayan niya. Kailangan niya lang ma-confine para makapagpahinga at mabantayan ang kondisyon niya," mahabang paliwanag ng nurse at tumango naman ako sa kaniya. "P-pwede ko po ba siyang silipin sandali?" "Oh sige." Nauna na siyang tumalikod at sumunod naman ako papasok ng clinic. Pagpasok ko doon ay malinis na siya at napalitan na rin siya ng suot. Huh? Napaisip tuloy ako kung pati ba 'yong underwear ng lalaking ito eh pinalitan din nila? Kung pinalitan eh 'di.......n-nakita nila? Oh my holy. Medyo lumapit ako sa kaniya kaya naman mas natitigan ko na siya ngayon ng maayos at maliwanag. Kanina kasi ay madilim sa ilog kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Napatitig at napanganga ako sa kagwapuhan niya. Mukhang mayaman siya base sa kanyang kutis. Hindi ko napigilang hawakan ang kanyang pisngi. "Miss, sige na. Balikan mo na lang siya," biglang sabat ng nurse mula sa aking tabi kaya naman muntik na akong mapatalon sa gulat. "Ah..s-sige po. Babalik na lang po ako," sabi ko at muli pa akong sumulyap sa lalaki bago ako tuluyang tumalikod at lumabas ng clinic. Napansin kong malayo-layo na rin pala ang napadparan naming lugar dahil sa pagtangay sa amin ng malakas na agos ng tubig sa ilog. Mabuti at medyo kabisado ko ang lugar dito sa Bulacan. Nag-tricycle na lang ako at nagpahatid sa amin saka ako kumuha ng bayad sa bahay at iniabot kay mamang driver. Tulog na tulog si lola pagdating ko. Naligo, nagbihis at nagpahinga ako. Ang plano ko sana ay bumalik agad ng clinic ang kaso ay hindi ko namalayang nakatulog ako. Kinabukasan, pagbalik ko ng clinic ay wala na siya. May babaeng kumuha daw at nagpakilalang girlfriend nito. May girlfriend na pala siya. Bagsak ang katawang bumalik ako ng bahay. Mga ilang taon pa ang lumipas bago ko siya muling nakita. *** MANILA Gabi. Naglalakad ako sa kalye nang may marinig akong malalakas na busina ng sasakyan. Napalingon ako sa pinanggagalingan ng malalakas na ingay at nakita ko ang isang kotseng mabilis ang takbo at nagpapagewang-gewang sa kalye. May ilang sasakyan na rin siyang nasagi. Malapit na siya sa gawi ko kaya naman inihanda ko na ang sarili ko. May tinamaan pa siyang isang sasakyan bago dumating sa aking kinaroroonan. Yumuko na ako at itinaas ang aking kanang braso. Bago lumapat ang aking kanang kamay sa nguso ng kotse ay nakita ko pa siyang nagpa-panic sa loob ng kotse habang hawak ang manibela. Sumisigaw siya sa loob pero hindi ko marinig pero parang ang ibig niyang sabihin ay tumabi ako. Lumapat ang aking kamay sa nguso ng kotse at malakas ko itong pinigilan. Sumagitsit ang gulong nito at sumadsad naman ang aking nga paa paurong sa kalsada. Ibinigay ko ang aking buong pwersa upang mapahinto ang sasakyan. Maya-maya ay huminto na rin ito. Mabilis na lumabas ang lalaking sakay nito at sinugod ako. "Are you f*****g insane?! I'm shouting at you from inside! I said, stay away! What if I killed you? Because of you, I will be a fcvking criminal!" mahabang sigaw niya pero hindi ako umimik at nanatili lang ako nakatitig sa kaniya. Kahit medyo madilim ang paligid ay namukhaan ko pa rin siya. Halos dalawang taon yata ang lumipas simula noong nangyaring trahedya sa Bulacan. Huminga siya ng malalim at tumitig lang sa akin. Alam kong hindi niya ako makikilala dahil hindi naman niya ako nakita noong gabing 'yon at ibang pangalan pa ang nabanggit niya. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "T-thank you and s-sorry for shouting at you," sabi niya kaya lumuwag naman ang aking pakiramdam. "O-okay lang. Sige." Kumalas na ako sa pagkakayakap niya at mabilis na tinalikuran siya. "Hey! Ihahatid na kita!" sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin pa. Natandaan ko ang plate number sa nguso ng kanyang kotse at 'yon ang naging susi para makilala ko siya. Pinahanap ko sa LTO ang lahat ng information tungkol sa kaniya. At simula noon ay palagi ko na siyang natatanaw mula sa malayo. Lahat ng kaniyang ginagawa sa araw-araw. Binabantayan siya sa anumang panganib o aksidenteng maaaring dumating sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD