CHAPTER 6 CHEWING GUM

1235 Words
Angel's POV Ilang beses kong kinalma ang aking sarili bago nagsimulang humakbang papasok sa entrance ng building kung saan ang office ng mga Delavega. Habang ngumunguya-nguya ng chewing gum upang mabawasan ang pagiging tense ko. Hawak ko ng mahigpit ang aking bag at folder na naglalaman ng aking personal data. Tama kayo, mag-aaply ako. Mag-aaply bilang.....janitres. Hehehe. 'Yon lang kasi ang alam kong paraan para makapasok ako at makapag-ikot-ikot sa buong building ng hotel. Pwede naman sanang kumuha na lang ako ng isang unit pero naisip ko, paano ako magmamasid sa paligid ng hotel? Kung may unit ako, eh dapat sa loob lang ako ng unit tumambay. 'Di katulad ng janitress, malilibot ko ang buong lugar. Huminto ako sa entrance at hinarap si kuyang guard na abala sa pagbabasa ng dyaryo. "Good morning po. Ahm kuya, saan po ang office ng Delavega?" magalang kong tanong sa kanya. "Anong kailangan mo doon?" tanong niya habang nasa dyaryo pa rin ang kanyang atensyon. "Ahm, mag-aaply po," sagot ko habang ngumunguya-nguya pa rin ng chewing gum. Bahagya kong sinilip ang binabasa niya at nakita ko 'yong matandang intsik na pinatay sa bathtub sa sarili niyang hotel. "Anong aaplyan mo? Grabe naman talaga ang pagkakapatay dito sa intsik na ito ah. Ginawang baboy. Tsk. Tsk. Tsk," sabi niya na may kasamang pag-iling. "Eh baka po nambababoy siya," sagot ko din. "Ha?" Lumingon na siya sa akin. "Bakit ka sumasabat? Kinakausap ba kita?" "Opo. Magkausap kaya tayo kanina pa. Ako nga po 'yong mag-aaply eh." "Oh, eh 'di pumasok ka na sa loob. Sumasabat ka pa sa binabasa ko eh, hindi ka naman kasali," pagtataboy niya sa akin. Sira-ulo din ito eh. "Nakakasira po kasi ng ulo kung mag-isa lang kayong magsasalita at walang kausap." "Sinasabi mo bang sira ang ulo ko?" Nakakunot na ang kanyang noo. May suot pa siyang reading glasses at halata na sa kanya ang katandaan. Siguro ay malapit na siyang magsingkwenta. Payat pero medyo malaki ang tiyan. "Parang gano'n na nga po. Hehehe." "Aba't loko 'to ah." Umasta siyang babanatan ako. "Sige po ah!" natatawa kong paalam sa kaniya at mabilis na akong tumakbo papasok sa loob nang makita kong naiinis na siya. Ngunit napahinto ulit ako nang maalala kong hindi niya sinabi kong saan ang office ng mga Delavega. Ano ba naman 'yan? Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papasok sa loob habang patuloy pa rin ako sa pagnguya. First time ko pa lang naman makapasok dito dahil sa labas lang naman ang tambayan ko. Nasa hallway na ako at palinga-linga ako sa paghahanap ng elevator ngunit.. "Ah," napa-igik ako sa sakit at napahawak sa kaliwa kong braso nang tumama ito sa aking nakasalubong. "Whooaa! Careful, my lady," masiglang sabi ng aking nakabangga. Napatingin ako sa kaniya at napatitig. Parang ngayon ko lang ulit siya nakita. Charlie Delavega. Siya ay isa sa mga pinsan Nick Delavega. Ang alam ko ay magkakapatid ang kanilang mga ama. "Are you alright?" tanong niya. "O-opo. Okay lang ako. Sorry po," nakayuko kong sabi sa kanya. "It's okay. Next time, tingin-tingin ka rin sa paligid especially kung may gwapong katulad ko ang pakalat-kalat. Sayang naman kung mapapalampas mo ang chance na masilayan ang angking kong kagwapuhan," sabi niya habang humihimas sa kanyang baba. "Malala na 'to," bulong ko sa aking sarili. "What? Are you sayin' something?" "Ah..opo, Sir. Itatanong ko lang po sana kung saan ang office ng mga Delavega." "Oh..wait. Babae ka ba ni Nick? Pihikan 'yon ah. Oh baka si Rick....pero pihikan din 'yon eh," kunot-noo niyang tanong at mas pinakatitigan pa ako ng mabuti. "Buti pa nga sila pihikan eh. Samantalang ikaw, nagbibilang," bulong kong muli sa aking sarili. "Ano ulit 'yon? Pogi ako? Bubuyog ka ba? Bakit bulong ka ng bulong?" "Ah, sabi ko po lumalakas na 'yong hangin. Parang babagyo eh. Sige po, mauuna na ako." Umalis na ako sa kanyang harapan at siya naman ay nakita kong sumilip sa glass wall sa labas ng building. May nakita na akong elevator sa may gitna ng hallway. Agad akong nagdiretso doon. Iniluwa ko na ang aking chewing gum sa nakita kong trashcan na nasa gilid ng bago pumindot sa button ng elevator. "Wala naman ah!" dinig kong sigaw niya mula sa 'di kalayuan. Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako sa elevator nang ito ay bumukas. Pagpasok ko sa loob ay muli akong natigilan. Saang floor ko pipindutin? Haayst! Naman! Pumindot na lang ako ng kahit alin. Hmmnn...number 8 na lang kaya. Total favorite number ko 'yon eh. Infinity. Kaagad itong umandar paitaas. Nakakaisang floor pa lamang ng nadadaanan nang ito ay huminto. Siguro ay may sasakay dito. Dahan-dahan na itong bumukas at bumungad sa aking harapan ang lalaking nagpapakabog ng husto sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay napako akong bigla sa aking kinatatayuan at hindi ko makuhang gumalaw. Dahan-dahang umakyat ang aking paningin mula sa kanyang black shoes, paakyat sa kanyang black formal pants, paakyat sa kanyang black business suit. May suot pa siyang stripe na black and white necktie.....hanggang sa mapunta na ang aking paningin sa kanyang mukha. Napalunok ako nang makita kong nakatitig din siya sa akin. Pakiramdam ko ay mapuputol ang aking hininga. Gusto ko na yatang mahimatay. Sasaluhin kaya niya ako? Pakiramdam ko ay masusuka ako o maiihi o mapapadumi dahil sa halo-halong nararamdaman ko sa aking tiyan! Humakbang na siya papasok habang nakatitig pa rin sa akin. Wala akong mabasang reaksyon sa kanyang mukha. Napayuko ako nang hindi ko na makayanan pa ang kanyang taimtim na pagtitig. Napausod ako ng kaunti sa kanan nang maramdaman kong halos magkadikit na ang aming mga kamay at pakiramdam ko ay makukuryente ako kapag tuluyan itong naglapat! Muling sumara ang pinto ng elevator pero hindi pa ito umaandar paakyat nang bigla niya akong kabigin. Isinandal niya ako sa pader habang hawak niya ang magkabila kong kamay sa aking likuran. Naramdaman ko pang nalaglag ang hawak kong folder. At natulala na lang ako nang angkinin niya ang aking mga labi. "Hmnn," napaungol ako sa kabiglaanan pero hindi ko tinangkang lumaban. Napatingala ako nang bumaba ang kanyang mga labi sa aking leeg at marahang sinipsip ang aking balat. "Aah," halos pabulong kong ungol. Muling umakyat ang kanyang labi sa aking panga at bumalik sa aking labi. Siniil niya ako ng mapusok na halik. Marahan pa niyang sinipsip at kinagat-kagat ang aking itaas at ibabang labi. Tinangka ko muling gumanti ngunit... ...kaagad din siyang bumitaw. Napanganga na lamang ako habang habol ko ang aking paghinga. Hawak pa rin niya ang aking mga kamay sa aking likuran at halos gahibla pa rin ang layo ng aming mga mukha. Napansin ko ang kanyang pagngisi. "Nice. Your lips taste different now. Mixture of mint and sweetness. Anong kinain mo?" bulong niya sa aking labi. Langhap na langhap ko ang napakabango niyang hininga. Gustong-gusto ko siyang sunggaban! Pakiramdam ko ay inaakit niya ako. "Ch-chewing gum." Ultimo tinig ko ay hindi ko na halos marinig. "Nice," nakangiti niyang sagot kasabay ng pagbitaw niya sa aking mga kamay. Bahagya na siyang lumayo kasabay ng pagbukas ng pinto ng elevator. "Next time, i want more," aniya at saka lumabas ng elevator at walang lingong-likod na naglakad palayo. Napanganga na lang ako habang hinahabol siya ng tingin. Next time?! More?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD