CHAPTER 3 ESTELLA

1486 Words
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad patungo sa kanilang direksyon. Abala silang dalawa sa pag-uusap kaya naman halos hindi na nila napapansin ang paligid. "I'll bring you to your school tomorrow," ani Nick sa babae. "Naku, hindi na may motor naman ako eh," sagot naman ni Cail. "Ayan ka na naman sa motor na 'yan eh," tila inis na saad ni Nick. Nang matapat na ako sa kanila ay hinayaan ko ang sarili kong bumangga sa braso ni Cail. "Aw!" daing niya nang tumama ito sa kanan kong braso. Bakas sa kanyang mukha ang sakit dahil sa lakas ng naging impact niyon sa kaniyang braso ngunit para sa akin ay wala lang iyon. Ni katiting ay wala akong naramdaman. "Hey! Pwede bang tingnan mo 'yang dinaraanan mo?!" sigaw sa akin ni Nick. "I'm sorry po," kaagad akong humingi ng paumanhin habang nakayuko ang aking ulo. Nakita ko mula sa peripheral vision ko ang tangkang pagsugod sa akin ni Nick ngunit kaagad itong pinigilan ni Cail. "Hey, calm down. It's okay. I'm okay," saad niya habang hinihimas-himas niya ang kanang braso niyang tumama sa akin. Mahina lang ang pagkakabangga namin pero alam kong magdudulot iyon ng malaking pasa sa braso niya. "Next time, don't be stupid," mariing ani Nick habang dinuduro ako. "Hey, stop it. Hindi naman niya sinasadya eh, come on. Let's go. Miss, pasensiya ka na," wika ni Cail sa akin habang pilit hinihila si Nick palayo. "Wait, you look familiar. Do i know you?" tanong ni Nick habang nakatitig na sa akin. Nanatili akong nakayuko at kahit kaunti ay nakaramdam ako ng kasiyahan at munting pag-asa na kahit papaano ay napapansin niya rin pala ako. Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa aking baba at iniangat ito hanggang sa magpantay ang aming paningin. Tila may kuryenteng dumaloy sa aking balat hanggang sa ugat na nagmula sa mainit niyang kamay. Nilabanan ko ang titig niya. Pansin ko ang pagkunot ng kanyang noo. Pakiramdam ko ay bigla na lamang bumagal ang paligid at tanging kaming dalawa lang ang taong naririto. Ilang sandali lang ay binitawan na rin ito at kaagad din akong natauhan. Nakatitig pa rin siya sa akin at parang hinahalungkat pilit kung saan niya ba ako nakita. Hindi niya maalala. FLASHBACK~ FOUR YEARS AGO - Bulacan "Lola, nililipad-lipad po yata ang bubong natin ng hangin. Baka po tangayin ito. Titingnan ko lang po sa labas. Hahanap po ako ng maidadagang mabigat sa bubong para hindi tangayin," sabi ko kay lola na nakahiga na sa katre at inuubo-ubo. Malakas ang ulan at hangin. Mukhang malakas ang bagyong ito. Malas pa yata ang pagkakabakasyon namin ngayon dito sa Bulacan. Dinalaw kasi ni lola si lolo na dito nakalibing sa Bulacan. Taga Bulacan kasi si lolo at ang kubo nila dito ay buhay pa rin hanggang sa ngayon. Pagkatapos pa siguro nitong bagyo, saka kami makakabalik ng Manila. Lumabas na ako ng bahay para tingnan ang bubong ng kubo namin. May bitbit akong flashlight na ibinalot ko sa plastic para hindi mabasa dahil gabi na ngayon. Malapit kami sa ilog at maaaring nanganganib din ang pagtigil namin dito dahil mukhang mataas na ang tubig nito base sa aking naririnig na malakas na lagaslas ng tubig. Gabi na ngayon at madilim ang paligid kaya wala akong gaanong maaninaw. Basa na rin ako ng ulan. Hindi rin naman ako pwedeng magpayong dahil tatangayin lang ito ng malakas na hangin. Nagpatingin-tingin ako sa paligid nang matanawan kong may mga nagliliwanagang maliliit na ilaw sa may 'di kalayuan. "Parang sa tulay 'yon ah," bulong ko sa aking sarili. Medyo malapit din kami sa tulay kaya inaninaw kong mabuti kung ano bang meron doon. "May mga tao?" Parang mga tao 'yong nakikita ko doon. Lumapit pa ako ng kaunti para maaninag ko silang mabuti. Pinatay ko ang flashlight na hawak ko para walang makapansin sa akin. Nang medyo makalapit na ako ay natanawan ko ang isang grupo ng kalalakihan. May hawak silang babae at lalaking......tinanaw ko itong mabuti. "Nakasako?" bulong kong muli sa aking sarili. May natanaw din akong dalawang lalaki pa sa 'di kalayuan sa grupo na magkahiwalay ng pwesto at nanonood sa grupong ito. Narito naman ako sa may ibaba nang tulay sa gilid ng ilog. Napanganga ako nang biglang ihagis ang lalaking nakasako sa rumaragasang ilog! At sumunod din ang babae! Nag-panic ako. Anong gagawin ko?! Kung lulusong ako sa tubig at ililigtas sila ay hindi ako sigurado kung magtatagumpay ako dahil sa lakas ng alon at ragasa ng tubig! At hindi rin ako maaaring magtagal sa tubig dahil sa kalagayan ng kanang braso ko at kanang binti ko! Hindi ko na sila maaninaw sa tubig. Mabilis silang tinangay ng alon. Bumalik ang aking paningin sa tulay para muli lang mapanganga... 'Yong isang nanonood na lalaki na sa tingin ko ay hindi magkaintindihan sa kaniyang kinatatayuan at parang hindi alam ang gagawin ay tumalon din sa nangangalit na ilog! Anong ginawa niya?! Susundan ba niya 'yong dalawang naunang tumalon?! Dito na ako tuluyang nawala sa sarili at mabilis din akong tumalon sa tubig para sundan ang lalaki! Hindi ko binitawan ang hawak kong flashlight. Mabuti na lang pala at nakabalot ito sa plastic! Mabilis akong tinangay ng malakas na alon pero pilit akong lumaban kahit sa palagay ko ay wala akong magagawa! Malawak ang ilog na ito at napakalakas ng agos! Samahan pa ng malakas na ulan at hangin sa ibabaw nito sa tuwing ako'y lilitaw ang ulo upang makasagap ng hangin! Paglutang ko ay mabilis akong nagpalingon-lingon sa ibabaw ng tubig upang hanapin ang lalaki. Nakita ko siyang mas nauuna sa aking tangayin ng alon. Palubog-lubog na siya sa tubig at nahihirapan nang kumampay! Hindi pa yata siya marunong lumangoy! At sa nakikita ko ay mukhang nalulunod na siya! Mabilis kong ikinampay ang aking mga kamay at paa kahit pakiramdam ko sa aking kanang bahagi ng kamay at paa ay nawawalan na ito ng lakas! Hindi p'wede! Bago pa ako makalapit sa kanya ay tuluyan na itong lumubog. Hintayin mo 'ko! Mabilis din akong lumubog sa tubig at itinutok kung saan-saan ang hawak kong flashlight na binuhay ko na upang makita siya! Sobrang lakas ng alon at tinatangay pa rin ako! Nasaan ka na?! Mas lumangoy pa ako sa ilalim. Madilim ang paligid, samahan pa ng malabo at maruming tubig! Marami ring sagabal na mga kahoy-kahoy, mga ilang basura at mga halaman na sa palagay ko ay mga waterlily! Pero hindi ako tumigil! Nauubusan na ako ng hangin! Aangat na sana ako upang sumagap ng hangin nang may mahawakan akong malambot na parang........katawan! Hindi ko ito binitawan at mabilis kong itinapat ang flashlight dito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang hindi na gumagalaw! Nakanganga na siya at bahagyang nakadilat ang kanyang mga mata! Niyakap ko siya mula sa likuran gamit ang kanan kong braso at saka malakas kong ikinampay sa tubig ang kaliwa kong braso upang makaahon sa tubig. Mabigat siya dahil mukhang malaking tao siya samahan pa ng malakas na agos kaya mas nahirapan akong umahon pero hindi ako nawalan ng pag-asa lalo na ngayong hawak ko na siya! Nang makaangat ako sa tubig ay halos higupin ko ang lahat ng hangin para lang makahinga! "Haahhh!! Haahhh!! Haahh!!" Ilang beses akong naghabol ng hininga habang tinatangay pa rin kami ng alon. Nang medyo kumalma na ako ay saka ako kumampay patungo sa gilid ng ilog. Hindi na halos gumagalaw ang kanang binti ko kaya mas lalo akong nahirapan. Pero kaya ko 'to! *** "Gumising ka na! Sige na!" sigaw ko sa kanya habang wala akong tigil sa pagbayo sa dibdib niya! Naiiyak na ako dahil parang walang pagbabago sa kanya! Inilapat ko ang labi ko sa malamig niyang labi at binigyan siya na hangin. Nagpapalinga-linga rin ako sa paligid, baka sakaling may maligaw na tao para mahingan ko ng tulong! Nangangatal na rin ako sa lamig! "Sige na, pakiusap! Gumising ka na!" Wala ng tigil sa pag-agos ang aking mga luha sa pisngi. "Uhuu! Uhuu! Uhuu!" Bigla siyang umubo at maraming tubig ang lumabas sa kanyang bibig. Agad kong inalalayan ang ulo niyang mai-angat at ma-itagilid upang mailabas niya ng maayos ang mga nainom niyang tubig. Nakahinga ako ng maluwag! Nailigtas ko siya! Ini-unan ko ang ulo niya sa aking kandungan. Hinang-hina siya. Namumungay ang mga mata niyang tumitig sa akin. "W-who a-are y-you?" hindi ko na halos marinig ang kanyang tinig at hirap na hirap siya sa pagsasalita. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya nang makita kong pilit niyang ini-aangat ang nanghihina niyang mga braso patungo sa akin. Nang maibaba ko ang aking mukha ay saka niya nahawakan ang aking pisngi. Halos pikit na ang kanyang mga mata. At bago pa siya tuluyang mawalan ng malay ay bumigkas siya ng hindi ko kilalang pangalan na ikinasikip ng aking dibdib. . . . "E-estella."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD