Bago pa tuluyang sumara ang pinto ng elevator ay agad ko ng dinampot ang folder na nailaglag ko kanina at mabilis kong naiharang ang aking kanang kamay sa bakal na pinto.
Muling bumukas ito kaya naman nakalabas ako at sinundan si Nick na naglalakad na sa hallway. Dito yata ang office niya.
Palinga-linga ako habang sumusunod sa kaniya hanggang sa pumasok siya sa isang glass door. Muntik pa akong mauntog nang bigla itong sumara. Mabuti na lang at hindi naka-lock kaya nakapasok rin ako.
Pagdating sa loob ay malawak na opisina ang aking nadatnan. Maraming cubicle na bawat isa ay may lamang empleyado at abala sa mga kaniya-kaniya nilang trabaho.
Natanaw ko si Nick na ngayon ay nasa dulo na at papasok na sa isa pang glass door kaya naman mabilis din akong sumunod doon.
Pagdating sa labas ng pinto ay may isa pang mesa akong nadatnan na may sexytery na litaw ang puno ng dibdib. Pulang-pula ang nguso, gayundin ang pisngi na para bang sinapak. Nagpipilantikan ang mga daliri na may sobrang hahabang kuko at namumula rin na parang tinudtod ng martilyo.
Abala siya sa pagtutok sa kanyang cellphone.
"Hi, good morning! Dito ba ang office ni Mr. Delavega?" tanong ko sa kaniya habang ngiting-ngiti.
"Anong kailangan mo?" tanong niya habang nasa phone pa rin ang kanyang paningin. Nangingiti pa siya na para bang kinikilig.
"Ah..mag-a-apply."
Pasimple kong sinilip ang kanyang phone kaya naman nakita kong stories sa w*****d ang binabasa niya. Kilig na kilig pa siya.
"Wala dito si boss."
"Wala? Eh magkasabay nga kami kanina sa elevator eh."
Tumingala siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Wala nga siya dito. Makakaalis ka na," mataray niyang saad.
"Eh nakita ko nga siya ditong pumasok," pamimilit ko.
"Ba't ba ang kulit mo?! Sinabi ng wala dito si bo-"
"Eherm."
Pareho kaming napalingon ng babaeng malapit ko nang masapak sa pinto na nasa may gilid lang namin. Nabungaran namin doon si Nick. Nakakunot ang kanyang noo at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Ah, S-sir. Hehe. M-may naghahanap po pala sa inyo. H-hindi ko po kasi kayo napansin eh. A-akala ko ay w-wala pa kayo," utal na saad ng babae habang paulit-ulit na yumuyukod sa harapan ni Nick.
Paano ba niya mapapansin eh abala siyang pakiligin ang sarili sa kanyang binabasa.
"Pack your things," kalmadong saad ni Nick sa kanyang sekretarya. Natigilan naman ako sa kanyang sinabi.
"S-sir?" Ngayon ay para ng maiiyak ang babae.
"You're fired," aniya pagkatapos ay tumalikod na siya pero muling huminto sa harapan ng pinto ng kanyang opisina.
"P-pero, Sir!" umiiyak na sabi ng babae pero hindi na siya nito pinansin.
"Woman, follow me."
"A-ako po ba, S-sir?" tanong ko na may kasamang pagturo sa aking sarili.
Pero hindi na siya sumagot at pumasok na sa loob. Mabilis naman akong sumunod. Sinulyapan ko pa si girl na nagsisimula nang mag-impake ng kanyang mga gamit habang umiiyak.
Tumingin din siya sa akin at inirapan ako. Hindi ko na lang pinansin at pumasok na ako sa loob.
Pagpasok ko sa loob ay isang malawak ding opisina ang bumungad sa akin. Matatagpuan sa gitna ang office table ni Nick at naroroon siya. Prenteng nakaupo habang nakatutok ang kanyang paningin sa laptop. Naka-reading glasses na siya ngayon na kanina ay wala naman.
Sa likod nito ay full glass na wall at matatanaw mula dito ang labas, ang kalawakan pero masikip na siyudad.
May mga sofa din dito sa may malapit sa entrance. Uupo ba ako o lalapit na sa kaniya? Naalala ko 'yong ginawa niyang panghahalik sa akin kanina sa loob ng elevator.
"Ano pang itinatanga-tanga mo d'yan?!" Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang siyang sumigaw.
Muling kumabog ng malakas ang aking dibdib at naramdaman ko na naman ang pagkirot nito. Parang kanina lang ay ninakawan na naman niya ako ng halik sa elevator!
"Ah..s-sorry po." Napayuko na lang ako habang lumalapit sa kaniya.
"What are you doing here?" medyo kalmado na niyang tanong.
"Ah..m-mag-a-apply po ng t-trabaho," nakayuko ko pa ring sagot.
Nakita ko naman mula sa gilid ng aking mga mata ang pag-upo niya ng tuwid at pagtitig sa akin ng taimtim.
"Ano naman ang kaya mong gawin?"
"T-tagalinis po. K-kahit janitress lang po, S-sir."
"Application form mo."
"Heto po." Mabilis kong ipinatong sa table ang folder na naglalaman ng personal data ko.
Binuksan naman niya ito at binasa ng ilang segundo lang.
"You can start now...at my building."
Saglit akong natigilan at natulala sa sinabi niyang iyon. Ang bilis! Pasok agad ako?! Parang gusto ko tuloy magdiwang lalo na at doon niya ako ilalagay sa building niya kung saan ay naroroon din ang aking target.
"T-thank you po, Sir," masayang sabi ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot at dinampot niya ang phone na nasa ibabaw ng table at may tinawagan.
"Ms. Luna, I'll send you the new janitress as a cleaner to our building right now. Paki-assist na lang siya.....yeah....a'right."
Pinatay na niya ang tawag at saka bumaling sa akin. "Now, go," sabi niya at muli na siyang bumaling sa kanyang laptop.
"T-thank you po. Mauun---wait, Sir. S-saan nga po ulit 'yon?" alanganin kong tanong sa kanya. Baka kasi sumigaw na naman siya eh.
Muli siyang tumunghay at tumitig sa akin. Kinabahan ako nang bigla siyang tumayo at dahan-dahang lumapit.
Napalunok naman ako at mas lalong dumoble ang kabog ng aking dibdib. Napansin ko ang paghinga niya ng malalim bago nagsalita.
"Why are you still asking? Don't you know already?" tanong niya habang nakatitig ng taimtim sa aking mga mata.
Oo, alam ko naman na talaga pero syempre, kailangan kong ipagkaila iyon. Wala na nga akong natitirang pride para sa sarili ko eh. Halata na niyang palagi akong nakasunod sa kaniya at siguro ay iniisip niyang patay na patay ako sa kaniya.
Kaya nga siguro ginawa niya 'yong mga paghalik-halik sa akin dahil alam na niyang gusto ko siya at hindi ako tumatanggi sa mga halik niya.
Baka sinasamantala lang niya ang pagkakataon at pinaglalaruan lang ako dahil wala naman siyang feelings para sa akin.
"Ahm..h-hindi ko pa po alam, Sir."
"Ows? Hindi ba at stalker kita?"
"Ah..n-no, Sir. P-pero sige po, hahanapin ko na lang po. Sige po, mauuna na po ako." Mabilis na akong tumalikod at nagsimulang humakbang paalis ngunit napahinto rin nang muli siyang magsalita.
"Next time, don't follow me wherever i go. You look like a stalker. It doesn't suit you," aniya mula sa aking likuran.
Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa aking pisngi. Parang gusto ko na lang lumubog mula sa aking kinatatayuan.
"Y-yes po, S-sir. S-sorry po." Napakagat ako sa aking labi at feeling ko ay tutulo ang aking mga luha.
Narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga at mga yabag niyang palapit sa akin.
Nakita ko ang mga sapatos niyang nagtungo sa aking harapan kasunod ay ang mga daliri niyang lumapat sa aking baba at iniangat ito.
Nagpantay ang aming paningin ngunit wala pa rin akong mabasang kahit anong emosyon sa kanyang mga mata.
"And next time....don't call me Sir again...nor po. Understand?"
Napanganga ako sa kanyang sinabi at hindi makasagot. Anong ibig sabihin niyon?
"Hey," untag niya sa akin kasabay ng pagpitik ng kanyang daliri sa aking noo.
"Aw," daing ko at hinimas ang nasaktan kong noo.
"Have you heard me?" parang naiinis na niyang tanong.
"Y-yes, S--N-nick." Napakagat akong muli sa aking labi at muling yumuko.
"Say it again."
Huminga muna ako ng malalim upang maibsan ang nararamdaman kong kaba bago muling sumagot, "Nick."
"A'right, go. May maghahatid sa 'yo doon."
Tumango na lang ako at saka nagmadaling lumabas ng kanyang opisina. Saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag.