Paglabas ko ng building ay may nakaabang na ngang sasakyan para sa akin. "Good morning, Ma'am. Ako po ang nautusan ni Sir Nick na maghahatid sa inyo sa Delavega's condo building," magalang na sabi ng isang naka-unipormadong lalaki. Yumuko pa siya ng kaunti sa aking harapan. Sa tingin ko ay siya nga kaya tumango na ako sa kaniya. Ipinagbukas niya ako ng pinto ng sasakyan. Bago ako pumasok sa loob ay naramdam kong nakamasid siya sa akin mula sa itaas. Hindi na ako tumingala at pumasok na lang sa loob ng sasakyan. Wala pang isang oras ang itinagal ng aming biyahe at kaagad din kaming nakarating sa lugar. "Salamat, kuya. Mag-iingat po kayo," nakangiti kong sabi sa driver matapos niya akong pagbuksan ng pinto. "Okay lang po iyon, Ma'am. Goodluck po sa inyo." Binigyan ko na lamang siya ng