Naglakad kami sa hallway at dumiretso sa isang pinto. "Pumasok muna kayo rito at pakakainin ko kayo ng masasarap," malambing na ani tanda. Tuwang-tuwa ang babae. Magsa-swipe na sana ang matanda nang biglang tumunog ang kanyang phone na hawak niya. "Excuse me lang sandali," paalam niya at naglakad palayo. Saka niya lang ito sinagot nang makarating na siya sa dulo ng hallway. "Come on," sabi ko sa babae sabay hila papasok muli ng elevator na muntik na namang magsara pero kaagad kong naikalang ang kanan kong braso. "Teka, saan tayo pupunta?" Tila ayaw magpahila ng babae dahil pinipigilan niya ang aking lakas kaya naman inilipat ko sa kanang kong kamay ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. "A-aray!" daing niya pero hindi ko siya pinansin. Tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng elevat