NILIBOT ni Kylie ang mga mata sa kabuohan ng sala ng bagong bahay na titirahan niya. Hindi iyon kaliitan at hindi rin naman kalakihan. Malaki at malawak ang bagong bahay na binili sa kanya ni Rome pero higit na malaki pa rin ang mansyon na inalisan niya.
Wala na siyang mairereklamo dahil kumpleto na ang mga gamit at masasabi niyang talagang pinaggastosan talaga ni Rome ang bago niyang bahay.
Ang isa pa sa ikinaganda ni'yon ay malapit sa institute na pinapasukan niya kaya hindi niya kailangan gumising ng maaga para magadali.
"Maganda naman ho pala ang bahay na ibinigay sa'yo ni Sir Rome, Ma'am Kylie," sabi ni Sundy na nasa kanyang likuran.
"Yeah."
"Malaki pa ito para sa ating dalawa."
"Meron tayong makakasama rito," aniya rito na naka ngiti.
Nangunot ang noo nito. "Sino naman, Ma'am Kylie?"
"Makikilala mo siya mamayang gabi o bukas ng umaga."
Tumango-tango lang ito.
"Mabuti pang ayusin na natin ang mga gamit natin para maaga tayong matapos."
"Tulungan ko ho muna kayo, Ma'am."
"Wag na, Sundy. Ako na ang bahala sa mga gamit ko. Tatawagin na lang kita kapag kailangan ko ng makakatulong," aniya na bitbit ang ilang bag na umakyat sa magiging kwarto niya.
Eksaktong tapos na siya mag-ayos ng mga damit niya sa kabinet nang marinig niyang may dumating na sasakyan kaya agad niya iyong sinilip sa veranda na kanuog ng kwarto niya.
Si Rome ang dumating. Bumaba ito mula sa sasakyan nito at aga na pumasok sa loob ng bahay. Buntong hiningang lumabas siya ng kwarto dahil kahit ayaw niya itong makaharap ay wala siyang choice kundi ang harapin ito.
"Hi, I came here to clarify some things," anito nang mababa niya ito sa sala.
"Ano 'yon?"
"Ang bahay at lupa na kinatitirikan nito ay nakapangalan sa'yo." Inilapag nito ang malaking envelope sa center table. "Ang magbabayad sa kuryente at tubig ay ako kaya wala kang dapat na isipin sa mga bayarin. Kasama na ang allowance mo sa pagkain at iba mo ang pangangailangan. Bukod 'dun patuloy ka pa rin makakatanggap ng monthly allowance mo at ang bayad sa tuition fee mo kaya wala kang ibang intindihin kundi ang pag-aaral mo," mahaba nitong sabi.
"Hanggang kailan?" tanong niya.
"What?"
"Hanggang kailan mo gagawin 'to?"
"Hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral."
"Paano kung hindi sangayon ang mapapangasawa mo?"
Hindi ito agad nakasagot. "Wala siyang magagawa at hindi niya ako pwedeng pagbawalan dahil kahit patay na si Tanya may iniwan pa rin akong pangako sa kanya."
Tumango-tango siya. So, talaga pa lang magpapakasal na ulit ito at hindi na magpapapigil pa.
"Can I ask you something?" tanong niya.
"Ask away."
"Kaya ka ba magpapakasal kay Isabella dahil sa'kin? Para iwasan ako?"
Umiwas ito ng tingin sakanya at hindi nakasagot.
"Answer me, Tito Rome," sinadya na niyang tawagin itong Tito.
"Yes," pag-amin nito.
Natawa siya. "You know, hindi mo siya kailangan pakasalan para iwasan ako. Ako na ang iiwas. Promise I won't bother you again."
Hindi ito nakasagot at nanatili lang nakatitig sa kanya.
"Kung wala ka ng kailangan aakyat na ako."
Akmang aakat na siya nang muli itong magsalita.
"Dahil ba kay Dave?"
Muli niya itong hinarap. "Dave has nothing to do with us. Oo palagi ko siyang nakakasama pero maniwala ka sa hindi, magkaibigan lang kami. Actually, isa siya sa mga nagbibigay ng advice sa akin. He's a good friend, Rome."
Tumango-tango ito. "Okay. Mag-iingat ka rito. Kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako—"
"Kapag may kailangan ako si Mariam ang tatawagan ko," putol niya sa iba nitong sasabihin.
"Okay, call Mariam then. Alis na ako." Iyon lang at umalis na ito.
Tinanaw niya lang ito hanggang sa tuluyan itong nawala sa paningin niya. Sa tingin niya ito na ang huling pag-uusap nila ng lalaki.
"ANG laki naman ng bahay mo, sigurado ka bang patitirahin mo 'ko rito? Hindi ba nakakahiya?" tanong ni Mariam habang nililibot nito ng tingin ang buong kabahayan.
"Of course not. Masyadong malaki ang bahay na 'to para sa ating tatlo," aniya.
Nakakunot ang noong tiningnan siya nito. "Tatlo?"
"Kasama ang yaya ko." Tinuro niya si Sundy na nasa bandang kusina. "Sundy, si Mariam. Siya ang makakasama natin dito sa bahay."
"Hi, Ma'am Mariam," bati nito sa dalaga.
"Naku, wag mo na akong tawaging ma'am. Mariam na lang. Makikitira lang naman ako rito."
Hinarap siya ni Mariam. "Maraming salamat talaga sa pagpapatira mo sa'kin dito, Kylie. Wag kang mag-aalala, mag bibigay ako ng share ko para hindi naman nakkahiya."
"No need. Ipunin mo na lang 'yan o di kaya ipadala mo na lang sa pamilya mo para mas matuwa ako," nakangiti niyang sabi.
"Maraming salamat talaga, Kylie."
"Tama na 'yang pasasalamat mo na 'yan
Naririndi n ang tenga ko kakapasalamat mo. Mabuti pang ipakita ko muna sa'yo ang magiging kwarto mo bago tayo kumain ng hapunan. Halika."
Excited na hinila niya ito paakyat sa second floor at dinala ito sa magiging kwarto nito.
"Hindi ba masyado naman itong malaki para sa'kin? Okay na sa'kin kahit maliit lang," sabi ni Mariam nang makita ang kwartong gagamitin nito.
"Tigilan mo na nga 'yang hiya-hiya mo. Ituring mo na rin itong bahay mo, Mariam," aniya.
Hinawakan siya nito sa kamay. "Bakit napakabuti mo, Kylie? Hindi mo 'ko lubusang kilala pero pinatuloy mo 'ko sa tahanan mo."
"Dahil tulad mo rin akong laking mahirap bago ako nakatamonng ganitong karangyaan. Naiintindihan ko rin na malaki ang pangangailangan mo para sa mga kapatid mo. Alam ko rin naman na mabuti ang tao."
Pumatak ang mga luha nito pero agad nito iyong pinunasan. "Salamat sa pagtitiwala at sa kabutihan."
"Yan na naman tayo sa pasasalamat. Tsaka mo na ako pasalamatan kapag nakabawi ka na o hindi kaya kapag nakahanap ka na ng lalaking mabibigyan mo ng anak," pabiro niyang sabi.
Natawa ito. "Wag kang mag-alala, ikaw ang unang makakaalam kapag nahanap ko na siya. At kapag mayaman na ako ikaw ang una kong ililibre," natatawa rin nitong sabi.
"Masaya akong meron akong makakakwentuhan sa gabi. O siya, iwan mo muna ang mga gamit mo dyan. Mamaya mo na 'yan ayusin pagkatapos natin kumain ng hapunan."
"TALAGA lumapita ka na sa ibang bahay? Bakit biglaan naman ata?" hindi makapaniwalang tanong ni Olga.
Nagbuntong-hininga siya. "Marami ang nangyari habang abala ako sa immersion."
"Tulad ng ano?" kunot ang noong tanong nito.
"You don't need to know. Basta ang isa sa dahilan ng biglaang paglipat ko ay dahil ikakasal na ulit si Rome."
"What?! Kanino naman?"
"Sa ex niyang si Isabella," walang gana niyang sabi.
"Isabella? Isabella Morata?"
Nagtatakang tiningnan niya ito. "How did you know?"
"Hello?! Isang sikat na modelo si Isabella. Ikaw lang ata ang hindi nakakakilala sa kanya."
Kaya pala parang nakita na niya ito kung saan at hindi lang niya maalala. Iyon pala isang modelo si Isabella. Now she knows.
"Pero nakakagulat naman ang binalita mo sa'kin. Pero okay ka lang ba?" worried nitong tanong.
"I'll be fine. Para rin naman sa'kin to," aniya na tipid itong nginitian.
"Are you sure?"
"Yes. Don't worry."
"Gusto mo mag club na lang tayo tonight?"
Mabilis siyang umiling. "May iba akong lakad. Kung gusto mo, sumama ka na lang sa'kin so, you can meet my new friends."
Nangunot ang noo nito. "Ayos lang bang sumama ako?"
"Silly! Oo naman no! The more the merrier."
Pagsapit ng uwian ay sinundo sila ni Dave.
"Siya ba ang new friend mo?" bulong sa kanya ni Olga.
"Dave, si Olga nga pala ang best friend ko. Si Dave ang kaibigan din ni Ro—Tito Rome." Pagpapakilala niya sa dalawa.
Tumingin si Dave mula sa review mirror para matingnan si Olga na nasa back seat.
"Hi, Olga. Nice to meet you. Don't worry hindi ako pumapatol sa bata."
"Hi! Mabuti naman kung ganu'n kasi hindi ako mahilig sa matatanda."
Natawa lang si Dave sa sinabi ni Olga.
"Wait. Daanan natin si Mariam sa Highland," aniya.
Napakunot ang noo ni Dave. "Mariam? Who's Mariam?"
"Ang bagong secretary ni Rome at bago kong kaibigan na magiging kaibigan ninyo na rin."
"You like making friends huh."
Ngiti lang ang isinagot niya rito.
Pagkasundo nila kay Mariam ay dumiretso sila sa paborito niyang kainan na restaurant. Habang masaya silang kumakain bigla siyang siniko ni Olga at tinuro ang kumakain sa kabilang lamesa.
"Hindi ba ang Tito Rome mo yan at ang kasama niya ay si Isabella?"
Napatingin naman siya sa tinuro nito at awtomatikong nawala ang mga ngiti niya sa labi nang makitang sweet na kumakain ang dalawa. Tila may humiwa sa puso niya sa tagpong nakita niya.
"Don't look, Kylie," sabi ni Dave sa kanya.
Inalis niya ang tingin sa mga ito. "I'm fine," pagsisinungaling niya.
"No. You're not. If you want to cry just cry. Hindi mo kailangan pigilan."
"I'm fine," ulit niya.
Ito na ang reyalidad na kailangan niyang tanggapin na hindi talaga sila ni Rome para sa isa't isa. Malayong malayo silang dalawa. Kumbaga si Rome ang langit siya naman ang lupa. Sa estado rin ng buhay ay walang wala siya. Hindi magkakaroon ng marangya ang buhay niya kundi dahil kay Rome. Dapat pa rin niyang magpasalamat dahil binigyan siya nito ng bahay at lupa at patuloy pa rin siya nitong sinusuportahan kahit hindi na dapat.
Pinagpatuloy nila ang pagkain, pagkatapos tulad ng nakagawian dumiretso sila sa sine para manood ng mga pagong palabas.
"ARE you feeling better now?" tanong sa kanya ni Jerusalem nang tabihan siya nito sa pagkakaupo. Kasalukuyan silang nasa bar at umiinom.
"I don't know," aniya na tinungga ang hawak na bote.
Akala niya magiging magaan na ang loob niya kapag nawala na sa puder niya si Kylie pero lalong bumikat ang kalooban niya. Gabi-gabi niya iniisip kung maayos lang na ang kalagayan ni Kylie.
Pinipilit niyang maging okay at ipagpatuloy ang buhau dahil iyon ang dapat at para rin kay Kylie.
"Oh ayan na pala si Dave," sabi ni Jerusalem na tinuro ang paparating na lalaki.
"You're late," niya na masama itong tiningnan.
"Hinatid ko pa kasi sila Kylie at si Mariam sa bahay," anito na nagbukas ng bote.
Kunot ang noong tiningnan niya ito. "Si Mariam? Sa bahay ni Kylie nakatira?"
"Hindi mo alam? Hindi ba pinaalam sa'yo ni Kylie or hindi ba sinabi sa'yo ng sekretarya mo?"
Umiling siya. Natural lang na hindi iyon sasabihin sa kanya ni Kylie. Wala rin namaj siya magagawa kung sino ang gusto nitong patirahin sa bahay nito.
"Ayaw mo nun may look out ka kay Kylie?"
Pagak siyang natawa sabay iling. "I don't want to do that and I don't have to do that. Kumusta si Kylie?" tanong niya sa huli.
"She's fine don't worry. Mas okay na siya ngayon kumpara noong nagsasama pa kayo. She's growing up now. Marami na rin siyang nari-realize sa buhay," anito.
"Tulad ng?" tanong niya.
"Tulad ng mabuting umalis siya sa puder mo at na-realize niyang hindi nga talaga kayo pwede."
Nalungkot siya sa sinabi nito. Naniniwala naman siya na nagma-matured na ang isip ni Kylie at masaya siya dun.
"Pero tama si Kylie, Rome. Hindi mo kailangan pakasalanan si Isabella kung dahil lang kay Kylie. Kaya na niya ang sarili niya believe me. Sooner or later magkakaroon din siya ng jowa at tuluyan ka na niyang makakalimutan."
Masama niyang tiningnan si Dave. Kung nakamamatay lang ang tingin tiyak pinaglalamayan na ito sa mga oras na iyon.
"What?"
"Hindi nakakatuwa. Ang gusto ko mag-focus siya sa pag-aaral at hindi maghanap ng boyfriend."
"Dagdag inspirasyon lang. Makakabuti rin iyon para tuluyan ka ng mawala sa isip niya."
Napapailing na siniko ni Jerusalem si Dave. "Sira ulo ka talaga."
"Ano? Wala naman mali sa sinabi ko. Oh, diba ito naman ang gusto ko, Rome? Ayan nangyayari na."
Hindi naman niya itatanggi 'yon na gusto niyang magkaroon ng normal na buhay si Kylie pero ang magkaroon agad nito ng boyfrien ay wala sa plano niya. Gusto niya pag-aaral muna nito ang atupagin nito hindi ang ibang bagay.
"Thank you for taking care of her, Dave," aniya.
"No worries. Masaya rin naman sila kasama," anito na tumungga.
"Sila?" si Jerusalem.
"Kylie and her friends. Ang I'm one of the girls. Kulang na lang magpakabakla ako para sa kanila. And I'm doing this for you, fucker," sabi ni Dave sa kanya.
"I owe you a lot."
"A lot, my friend."