"SO, kaya mo 'ko pinapunta rito para iyakan lang?" nakahalumbabang tanong sa kanya ni Dave.
Nasa isang coffee shop sila at kanina pa siya nitong pinapanood lang sa pag-iyak. Wala siyang ibang pwedeng matawagan maliban kay Olga kundi ito lang. At dahil busy si Olga, no choice siya kundi si Dave ang tinawagan niya.
"Bakit hindi mo ako i-comfort imbis na nagrereklamo ka dyan?" humihikbi niyang sabi.
"Ano ba kasi ang dahilan ng pag-iyak mo? Kung sinasabi mo kaya sa'kin diba? Hindi 'yung iniiyakan mo lang ako nang iniiyakan."
Inirapan niya ito. Wala man lang siyang nakitang pagki-care sa lalaking ito. Paano niya ba ito naging kaibigan?
Sinabi niya ang naging dahilan ng pag-iyak niya.
"Gusto ipakasal ni Tita Veronica si Rome kay Isabella?" ulit nito sa sinabi niya.
"Oo nga! Hindi mo naman kailangang ulitin pa."
Tumawa lang ito ng pagak.
"Kilala mo ba si Isabella?" tanong niya.
"Yes. Nakilala namin siya nila Rome noong college. Noon pa man palagi na siya nakasund kay Rome at lantaran nitong ipinapakita ang gusto nito para sa kaibigan ko."
"At naging sila?"
Nagkibit ito ng balikat. "Hindi ko alam kung naging sila ba basta bigla ko na lang nalaman na ikakasal na silang dalawa."
"At gusto ba 'yun ni Rome?"
"Hindi ko rin alam. Knowing Rome, masunurin ito sa mga magulang niya. Nagbago lang siya noong nakilala niya si Tanya, your mother."
"Paano mo nasabi na nagbago siya dahil kay mommy?"
"Kasi nagawa niyang suwayin ang magulang niya para lang pakasalan si Tanya kahit todo pigil na ang mga ito. Isa lng ang ibig-sabihin ni'yon. Rome really loves your mother."
Napanguso siya. Hindi naman siya nakaramdam ng inis or what nang marinig 'yun. Masaya pa nga siya dahil totoong minahal ni Rome ang mommy niya, ayun nga lang may konting selos siyang naramdaman.
"Iniisip mo ba na magagawa ulit suwayin ni Rome ang magulang niya dahil sa'yo?" seryosong tanong nito.
"Hindi ko pa iniisip 'yan," aniya.
"Dapat lang. Kasi ibang-iba ang sitwasyon ninyo ni Tanya. Si Tanya nasa tamang edad na unlike you, thirty years ang tanda sa'yo ni Rome. Kaedaran mo lang pamangkin niya."
Ang inis na nararamdaman niya ay lalong nadagdagan ng dahil sa lalaking 'to.
"You're not helping," inis niyang sabi.
"Sinasabi ko lang ang totoo."
"Kung ikaw ba ang nasa sitwasyon ko, anong gagawin mo?"
"Tinatanong mo talaga ako?"
"Oo. Dali na! Sagutin mo na."
"Okay. Sige. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, hahayaan ko kung anong desisyon ang gagawin ni Rome," sagot nito na hindi man lang pinag-isipan angsagot.
"Bakit?" kunot ang noong tanong niya.
"Dahil kung seventeen years old pa lang ako, wala talaga akong magagawa. Isa pa, iisipin ko na bata pa naman ako marami pang lalaking dadaan sa buhay ko. At kung ako rin ang nasa katayuan ni Rome, gagawin ko rin ang lahat para maiwasan ka."
Napanguso siya. Madali ba talagang gawin na hayaan na lang niya ang lahat? Iniisip pa lang niya na muling magpapakasal si Rome sa iba nasasaktan na siya.
"Ganu'n ba talaga kakumplikado?"
Tumango ito. "Napakakumplikado, Kylie. Kung kapakanan mo ang iniisip ni Rome, tama lang din ang ginagawa niya. Wag mong isipin na wala siyang pakialam sa'yo dahil ginagawa niya iyon. Ginagawa niya 'yon because he cares for you. Ayaw niyang malagay ka sa alanganin."
Napayuko siya at hindi na naman napigilan ang mapaiyak.
"Pinagtitinginan na tayo rito. Iniisip tuloy nila na nakikipaghiwalay na ako sa'yo at nagmamakaawa ka naman sa'kin na wag kang iwan."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Yuck."
Natawa ito. "Sumabay ka lang sa agos ng buhay, Kylie. Masakit man but I know you'll be fine. Trust me."
Pagkatapos niyang magdrama sa harap ni Dave na never niyang ginawa sa iba ay inaya siya nitong manood ng sine para malibang naman siya. Pagkatapos manood ng sine ay pinakain muna siya nito sa isang fastfood bago hinatid sa bahay.
"Thank you for making me feel good, Dave," aniya rito nang ihinto nito ang sasakyan sa harap ng mansion.
"No worries. Masaya akong makatulong na mapagaan ang nararamdaman mo."
Bumaba ito ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto.
"Salamat. Sa susunod ulit. Masarap ang libre eh," aniya nang makababa.
"Aba! Abusado ka naman ata?"
Natawa siya. "Marami ka naman pera."
"Abusado ka pa rin."
"Kylie!"
Napatingin sila kay Rome na galit na naglakad papunta sa kanila at galit siyang hinila palayo kay Dave.
"Aray!" daing niya dahil nasaktan siya sa ginawa nito.
"Rome, wala akong ginawang masama kay Kylie. Sinamahan ko lang siya at—"
Hindi na natuloy ni Dave ang iba pang sasabihin nang malakas itong suntukin ni Rome.
"Rome!" awat niya rito. "Ano ba?!"
Dinuro siya nito. "Sinabihan na kita, Kylie, pero hindi ka nakikinig sa'kin!"
"Nagpasama lang naman ako kay Dave kasi masama ang loob ko! Sobrang sama ng loob ko, Rome and it's because of you!" sigaw niya rito habang dinuduro niya ang dibdib nito.
Natigilan si Rome.
"Hindi ko gagawin kung ano man ang iniisip mo, Rome. Sinamahan ko lang talaga si Kylie," si Dave.
"Leave," pagtataboy ni Rome kay Dave.
"Okay. Kylie, aalis na ako. Pag-usapan niyo ng maayos 'yan. And please, Rome, don't hurt her."
"I don't need your f*****g advice. Just leave."
Hindi na muling nagsalita pa si Dave. Sumakay na ito sa sasakyan at minaniobra iyon paalis sa mansion.
"Let's talk," sabi ni Rome na nagpatiunang pumasok sa loob ng mansion at sumunod naman siya rito hanggang sa opisina nito.
"I'm sorry," anito nang makaupo siya. "Sorry sa nagawa ko noong nakaraang gabi. Hindi ko dapat ginawa 'yon dahil maling-mali."
Hindi siya umimik. Hinayaan lang niyang magsalita nang magsalita si Rome.
"Two months from now, magiging eighteen ka na. Hindi na tamang tumira ka kasama ko."
Tiningnan niya ito. "Bakit hindi mo na lang ako diretsahin na ayaw mo na akong makasama at binabalak mo ng magpakasal ulit?"
"Hindi naman sa ganu'n— nagbuntong-hininga ito. "I can't be with you, Kylie. I don't want to ruin your life because I know you have a great future waiting for you. Ayokong dahil sa'kin mawala iyon sa'yo. Gusto kong mag-focus ka sa pag-aaral mo at magkaroon ka ng magandang kinabukasan."
"And?"
"Hahanapan kita ng bagong bahay at ipapasama ko sa'yo si Sundy at ang ibang kasambahay."
Mapait siyang napangiti. "Nakapagdesisyon ka na pala,"
"Kylie—"
"No. I understand. Gawin mo kung ano ang gusto mo." Tumayo na siya pagtapos ay lumabas na ng kwarto at dumiretso sa sarili niyang kwarto.
LAST day na ng OJT ni Kylie sa kumpanya ni Rome kaya hanggat maaari inaayos na niya ang mga dapat niyang ayusin. Darating ang bagong sekretarya ni Rome dahil hindi na babalik ang dati nitong secretary dahil ayaw na raw pagtrabahuhin ng asawa. Papasok lang ito ngayon para i-orient ang magiging bagong secretary.
"Kumusta ang pagiging secretary kay sir Rome?" tanong ni Mayet sa kanya nang mag lunch break sabay silang tatlo ni Mariam ang magiging bagong secretary ni Rome na kumain sa canteen.
"Ayos naman," aniya.
"Hindi ba siya masungit?" tanong naman ni Karina.
"Na-meet mo siya kanina, ano ang masasabi mo?" balik tanong niya rito.
"Mukha naman siyang mabait and he's very professional," sagot naman nito.
"Actually, Mariam, si Kylie ay stepdaughter ni sir Rome."
"Ay ganu'n ba? So, magiging boss din pala kita pagdating ng panahon?" si Karina.
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko alam at hindi ko naman naisip na magtatrabaho ako rito."
"Bakit naman?"
"Patay na kasi ang mommy ko kaya wala na talagang dahilan para magkaroon pa ako ng connection kay Ro—Tito Rome."
Tumango-tango ito. "Pero mukha namang mabait si sir Rome," si Mariam.
"Mabait talaga si sir Rome. Kapag nagustohan niya ang trabaho ko bibigyan ka nun ng bonus. Tulad ko, siya ang sumagot sa wedding ring naming mag-asawa," si Mayet.
"Talaga? Mabait nga kung ganu'n."
"Nabalitaan kong bago ka lang dito sa Manila?" si Mayet kay Mariam.
"Oo eh. Kailangan kong makipagsapalaran dito at iwan ang pamilya ko para kumita. Wala kasing buhay sa probinsya at pahirapan humanap ng trabaho," si Mariam.
"Kung meron ngang mag-alok sa'kin na bigyan lang siya ng anak at babayaran ako ng milyon papatusin ko sa hirap ng buhay ngayon," dagdag pa ni Mariam. Pabiro nito sinabi iyon pero alam niyang may laman.
Bigla siyang napaisip. Kailan lang noong nag-usap si Jerusalem at Rome parang narinig niya na kailangan ni Jerusalem ng babaeng bibigyan sia ng anak. Pero hindi na niya sinabi pa iyon kay Mariam baka kasi nagbibiro lang ito.
"May inuupahan ka na ngayong bahay?" tanong ni Mayet.
"Nakikitira pa lang ako sa kaibigan ko pero kailangan ko ng humanap ng malilipatan kasi nagrereklamo na rin ang magulang nito dahil marami na sila sa bahay."
"Bakit hindi ka na lang tumira kasama ko?" alok niya kay Mariam na ikinatigil nito.
"Lilipat ka na ng bahay?" si Mayet.
"Oo. Kailangan. Alam ko naman na hindi lingid sa kaalaman mo na ayaw ng pamilya ni Tito Rome sa amin ng mommy ko."
"Sabagay. Tama na rin na bumukod ka kung may kakayahan ka naman na. Sigurado rin na hindi ka pababayaan ni sir Rome hanggang sa kaya mo ng mag-isa."
Hindi na siya umimik. Ayaw na rin niyang pag-usapan pa ang bagay na may kaugnayan kay Rome.
"Sabihan mo lang ako kung gusto mong tumira sa lilipatan kong bahay, Karina, welcome ka 'dun anytime," sabi na lang niya para malihis ang usapan.
Tinapos na niya ang pagkain para maaga niyang matapos ang trabaho at nang makauwi na.
PAGKAUWI niya galing sa opisina ay agad siyang nagtungo sa kwarto niya para isa-isang ayusin ang mga gamit niya. Tinulungan siya ni Sundy na mag-impake mula sa damit niya hanggang sa ibang mga gamit pa niya.
"Nakakalungkot naman, Ma'am Kylie, talaga bang aalis na tayo rito?" maya'y tanong sa kanya ni Sundy.
"Kung gusto mong hindi sumama pwede naman. Hahanap na lang ako ng kapakit mo," walang emosyong sabi niya.
"Wala naman ho akong sinabi na ayokong sumama, Ma'am, ang aking lang nakakalungkot dahil mag-isa na lang dito si Sir Rome. Bakit naman kasi nangingialam na naman si Señora Veronica?"
"Wala na akong magagawa pa 'dun. Isa pa, wala na rin naman na akong karapatan na manatili rito dahil wala na si mommy."
"Sana hindi na lang namatay si Ma'am Tanya. Nakaka-miss tuloy ang tawa niya," sabi nito.
Nagbuntong-hininga siya. Kung buhay pa ang mommy niya siguradong hindi mangingialam ang Veronica na iyon. At hindi niya kailangan na umalis dito sa mansyon. Pero marami na ang nagbago dahil sa pagkamatay nito kasa na 'dun ay nawala na rin ang karapatan niya sa mansyon.
Kasalukuyan silang naglalagay ng mga gamit niya sa malaking karton nang dumating si Veronica at kasama nito si Isabella at basta na lang pumasok sa kwarto niya.
Mabilis naman na tumayo si Sundy. "Magandang gabi ho, Señora Veronica," bati nito sa ginang. Pero siya nagpatuloy lang sa paglilipat ng mga gamit niya.
"Buti naman may kusa ka na at hindi na kailangan pang utusan," mataray na sabi sa kanya ng ginang.
"May kusa naman ho ako at nakapag-usap na ho kami ni Tito Rome."
"Mabuti kung ganu'n. Gusto ko kasi na wala ka na rito bago pa tumira rito si Isabella."
"Naku, Tita, ayos lang ho sa akin kahit nandito si Kylie," si Isabella.
Lihim niyang inikot ang mga mata. Halata namang plastik ito. Kunwaring mabait pero ang totoo nakatago ang malademonyo nitong pag-uugali.
Plastik niya itong nginitian. "No it's okay. Wala na ang mommy kaya wala ng dahilan para manatili pa ako rito. Isa pa, ayoko na rin namang tumira pa ako rito. Mas gugustohin ko ng manirahan mag-isa kaysa makasama ang ibang tao."
Nakita niya ang pagpitik ng kilay nito. "Well, gusto rin naman ni Rome na umalis ka na rito. At tama ka wala na rin naman na ang mommy mo kaya wala ng dahilan para manatili ka pa rito. Isa pa, balak ko rin ipa-renovate ang buong mansion dahil kailangan ng palitan ang dapat palitan."
"Naku! Tama 'yang naisip mo. May kailala akong magaling na interior designer, irerekomenda ko siya sa'yo, siguradong magugustohan mo siya."
"Sige ho tita."
Nauna nang lumabas ang ginang. Tumingin ulit sa kanya si Isabella. "Pack well, Kylie. I can't wait for you to get out of here. Sooner or later ako na ang magiging bagong reyna sa bahay na 'to," anito bago tuluyang lumabas.
"Sino ba 'yun, Ma'am Kylie? Napaka engrata naman! Kung umasta akala mo magiging asawa ni Sir Rome," si Sundy.
"Siya nga ang bagong magiging asawa ni Tito Rome."
"Kaya naman pala kung umasta akala mo kung sino. Walang wala pa rin siya sa kabaitan ni Ma'am Tanya."
Nagbuntong-hininga siya. "Hayaan na natin sila. Ang mahalaga aalis na tayo rito, kung sasama ka pa?"
"Naku! Mas gugustohin kong sumama sa'yo, Mama Kylie kahit na maldita ka. I mean dihamak na mas mabait ka kaysa babae na 'yon."
Tipid siyang napangit. "Dami mong sinasabi tapusin na lang natin ito nang makapagpahinga na tayo."
"Yes, Ma'am Kylie."