Chapter Nineteen

2047 Words
MABILIS na lumipas ang mga araw para kay Kylie. Inabala niya ang sarili sa pag-aaral. Bahay at school lang palagi ang inaatupag niya maliban na lang kung mag-aaya sila Dave na kumain sa labas at manood ng sine. It's been months mula nang umalis siya sa puder ni Rome at ilang Lingo na lang ay magbi-birthday na siya. Pagkatapos ng klase nila ay sabay sila ni Olga na lumabas ng school. Nawala ang ngiti niya sa mga labi nang makita ang babaeng naghihintay sa labas ng school. Nginitian siya nito at bahagyang kinawayan. Wala siyang choice kundi ang lapitan ito. "Hi, maarte nitong bati sa kanya." "May kailangan ka ba?" Napatingin siya papel na inabot nito sa kanya. Isa iyong invitation card. "Gusto sana kitang imbitahan sa engagement party namin ni Rome." Tumingin siya rito. "For what?" "I just want you to be there. Syempre dahil sa naging parte ka na rin ng buhay ni Rome gusto kong masaksihan mo ang isa sa masayang araw ni Rome." "Hindi naman sa ayokong pumunta, baka kasi hindi ako makapunta dahil busy din ako sa studies ko." "O baka dahil hindi mo matanggap na nagawa nang kalimutan ni Rome ang ina mo at muli siyang magpapakasal?" Gusto sana niyang patulan ang pagmamaldita nito sa kanya pero naisip niya na hindi worth it na paglaanan niya ito ng panahon. Kinuha niya ang invitation card a nasa kamay nito at binasa ang nilalaman ni'yon. "Sige pupunta ako," walang gana niyang sabi para matigil lang ito. Patuya siya nitong nginitian. "Aasahan ko ang pagpunta mo," anito na sumakay na sa sasakyan. "Sigurado bang pupunta ka?" tanong sa kanya ni Olga nang mawala na ang sasakyan sa paningin nila. Nagbuntong-hininga siya. "Oo." "Kung wag na lang kaya? Kaya mo na bang harapin si Rome?" "Kailangan. Kung hindi ako haharap sa kanila iisipin ng impakta na 'yon na bitter ako." "Sigurado ka bang magiging okay ka lang?" Tipid niya itong nginitian. "I'll be fine. Don't worry." Pagkatapos nilang magpaalam sa isa't isa ay dumiretso na siya sa waiting shed kung saan siya pumapara ng taxi para makauwi. Papara na sana siya ng taxi nang may huminto na mamahaling kulay puting BMW sa harapan niya. Bumaba ang bintana niyon at dumungaw si Dave mula sa loob. She rolled her eyes. "New car?" "Yes. Kabibili ko lang at gusto ko i-test drive." Tinaasan niya ito ng kilay. "Kaya pinagyayabang mo?" Ngumisi ito. "Road trip tayo?" Napangiti na rin siya. Lagi talaga itong good timing. "Sure!" aniya na sumakay. "Samahan mo akong kumain ng bulalo," Napakunot noo siya. "Saan naman?" "Sa Batangas." Bulalo sa Batangas pa?" "Why not? They said bulalo is the best in Batangas kaya gusto kong tikman." "Kahit saan basta libre." Natawa ito. "Kailan ba kita hindi nilibre?" "Kaya nga gusto kita kasama kumain dahil palagi akong libre." Umiling ito. "Okay. Let's go to Batangas!" Pagkarating nila sa Batangas ay agad nilang hinanap ang dinadayong kainan ng bulalo roon at agad silang umorder. Hindi nga ito nagkamali dahil talaga namang masarap ang bulalong kinain nila. Pagkatapos nilang kumain, kinuwento niya rito ang pagpunta kanina ni Isabella at pagimbita nito sa kanya sa engagement party. "Talaga nagpunta lang siya sa school mo para ibigay sa'yo ang invitation card?" hindi makapaniwalang tanong nito. "So, alam mong engaged na sila?" tanong niya. "Yes. Hindi ko na sinabi sa'yo dahil alam kong ayaw mo ng makarinig ng kahit na anong tungkol kay Rome." Uminom muna ito ng tubig bago muling nagsalita. "Pwede ka namang hindi pumunta." "No. Pupunta ako. Kapag hindi ako pumunta iisipin ng babaeng iyon na bitter ako." "Sigurado akong hindi alam ni Rome ang tungkol dyan." "Wala rin naman akong pakialam kung alam niya o hindi." KINABUKASAN, nagpasama siya kay Olga na pumunta sa mall para bumili ng susuotin niya sa engagement party. Ayaw naman niyang magmukha siyang kaawa-awa dun at pamulaan ng ibang bisita. "Bagay ba sa'kin?" tanong niya kay Olga nang lumabas siya mula sa dressing room. Isa iyong kulay pulang halterneck long gown na Hanggang sakong ang haba at may slit sa kaliwang hita niya. "Hmmm... Next," sabi ni Olga. Muli siyang pumasok sa loob ng dressing room para magsukat ng panibagong gown. Hindi na naman nito iyon natipuhan at ang mga sumunod pang mga gown na sinukat niya. Dahil walang nagustohan si Olga na dress sa mga naunang shop na pinuntahan nila kaya inaya na lang niya ito sa isang boutique kung saan bumibili ang mommy niya. "Kylie!" agad na bati sa kana ni Moris ang siyang may-ari ng boutique. "Hindi ko inaasahan ang pagpunta mo. Kumusta ka na?" Saglit siya nitong niyakap at bineso. "Nalungkot ako sa pagkawala ng mommy mo. Sorry kung hindi ako nakapunta." "It's okay." "Ano nga pala ang ipinunta mo rito?" "Umh... I need a dress sana," "Anong okasyon?" "Engagement party." "Engagement party." Saglit itong nag-isip. "Oh! I have one for you. Siguradong babagay 'yon sa'yo. I'll get it for you." Saglit sila nitong iniwan para kunin ang gown na sinasabi nito sa kanya at pagbalik ay bitbit na nito ang isang kulay itim na dress. "Try it on," excited na sabi ni Olga sa kanya kaya agad niya iyong sinukat. Isa iyong halterneck at bukas ang dibdib niyon hanggang sa puson. Ang haba niyon ay hanggang sakot at talaga namang nakikita ang seksi na hubog ng katawan niya. "Perfect!" sabi ni Olga nang makita nito ang itsura niya. "Bagay?" aniya. "Anong bagay ka dyan, you look perfect. Di ka papakabog. Tingnan lang natin kung ano ang sasabihin ng babaeng iyon kapah nakita ka." Natawa lang siya sa kaibigan. Talagang very supportive ito pagdating sa ganitong mga bagay. Alam niyang mamaliitin siya ni Isabella kaya hindi pwedeng magmukha siyang kawawa dun. "Kukunin ko na 'to," aniya kay Moris. Hinubad na niya iyon at agad na binayaran sa kahera. Pagkatapos magbayad ay inaya na niyang kumain muna si Olga bago ito hinatid sa bahay nito at dumiretso na ng uwi sa bahay niya. Pagdating niya ay natigilan siya sa pagpasok nang makita niya ang hindi inaasahang bisita. Tumayo si Mariam mula sa pagkakaupo sa harap ni Veronica dahil ito ang kumakausap. "Maganda ang bahay na ibinili sa'yo ni Rome. Talagang pinaggastusan pa niya ang bago mong matitirahan kahit hindi naman na dapat," si Veronica. "Why are you here?" tanong niya. Hindi na niya kailangang maging magalang sa harapan nito dahil hindi niya ugaling magpakitang tao. "Gusto ko lang makita ang mga bagay na pinaggastusan sa'yo ng anak ko. Kapag ikiasal na si Rome hindi ako makakapayag na makikinabang ka pa rin sa pera niya." "Hindi ako humihingi. Kusa niya iyong binibigay." "Dahil pakiramdam niya obligasyon pa rin niyang gawin iyon at hinahayaan mo dahil kailangan mo rin. Sa tingin mo saan ka pupulutin kapag wala ka ng natatanggap na pera galing sa kanya? Siguradong babalik ka kung saan ka nanggaling." Nagbuntong-hininga siya. Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang ipinunta pa nito rito. Ang gusto lang naman niya ay magkaroon ng tahimik na buhay pero ang mga ito mismo ang lumalapit sa kanya para guluhin pa siya. "Ano ho ba talaga ang kailan mo, Mrs. Santhunder?" "Ang gusto ko, tigilan mo na ang pagtanggap ng tulong mula sa anak ko. Gusto kong ibalik mo ang lahat ng ito sa amin," taas ang noong sabi nito sa kanya. Nakuyom niya ang kamao. Sino ba ito para manghimasok? "May karapatan akong tanggapin ang mga bagay na binibigay sa'kin ni Rome. Kung ano mab iyon kayo na ang dapat na mag-usap. Hindi ko na trabahong magpaliwanag sa'yo. Kung wala ka ng ibang sasabihin bukas ang pinto sa pag-alis mo," aniya na nilagpasan ito. "Bastos ka talaga tulad din ng ina mo. Mabuti nga at namatay na siya at nawala sa buhay ng anak ko," anito na nagpahinto sa kanya. Nakuyom niya ang kamao. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay 'yung binabastos ang mommy niya lalo na't wala na ito para ipagtanggol ang sarili. "Hanggat kaya ko pang galangin ka mabuti pang umalis na ka na. Sundy ihatin mo na si Mrs. Santhunder," aniya na dumiretso sa kwarto niya. "BAKIT nagpunta ka pa sa bahay ni Kylie?" tanong niya sa kanyang ina pagkarating nito sa mansion. "Hindi ba pwede? Gusto ko lang makita kung anong klaseng bahay ang binili mo sa kanya. Dapat nga binigyan mo lang siya ng isang milyon at bahala na siya kung ano ang gawij niya sa pera niya!" "Anong sinabi mo sa kanya?" "Sinabihan ko siya na huwag ng tumanggap ng tulong galing sa'yo. Aba! Sinabi ba naman sa'kin na may karapatan siyang tumanggap mula sa'yo. Ang kapal talaga ng mukha! Manang mana sa ina niya!" "Mom! Wala kang karapatan na sabihan ng ganu'n si Kylie dahil meron talaga siyang karapatan. Nananagimik na siya sana kayo rin!" "Sige, ipagtanggol mo ang anak ng hampas-lupang babaeng 'yon!" Nagbuntong-hininga siya. "Wala namang ginawang masama sa'yo si Kylie kaya walang dahilan para magalit ka sa kanya ng ganyan." "Bakit hindi? Tulad din siya ng ina niyang mukhang pera!" "I said enough! Kapag pumunta ka pa sa kanya, I swear mawawalan ka ng isang anak!" Sikmat niya rito bago ito iniwang mag-isa. "Abat—" natigilan naman si Veronica sa inasta ng anak. Hindi nito akalain na masisigawan nito. "ANONG ginagawa mo rito?" tanong niya kay Rome nang pumunta ito kinagabihan. Akala niya lipas na ang damdamin niya para sa lalaki dahil matagal na ng buhat niya itong nakita pero hindi pa pala. Ngayong muli niya itong nakita tila nanumbalik lahat ng damdamin niya para rito. Tulad pa rin ng dati, ang bilis-bilis pa rin ng t***k ng puso niya kapag nakakaharap niya ito. "Gusto ko lang humungi ng pasensya dahil sa pagpunta rito ni mom. Hindi ko alam kung paano nito nalaman na dito ka nakatira." "Ayos lang. Hindi naman na ako nagulat dahil alam ko naman na nature na ng ina mo ang mangialam sa mga bagay-bagay tulad ng ginawa niya noong nabubuhay pa si mommy." Habang tinititigan niya ito, nakikita niya ang pagbabago ng mukha nito. Meron itong manipis na bigote at balbas na halatang hindi nito na-shave ng ilang Lingo. Hindi naman ito ganito dati, bakit na nito pinapabayaan ang sarili? Nagbuntong-hininga ito. "Ako na ang humihingi ng pasensya sa mga nasabi niya." "May sasabihin ka pa?" walang emosyong tanong niya. Pinipilit niyang patigasin ang emosyon niya pero ang totoo gusto na niya itong sugurin ng yakap dahil miss na miss na niya ito. Parang gusto pa niyang pasalamatan ang pagpunta ni Veronica dahil muli niyang nakita si Rome. "How are you?" maya'y tanong pa nito. "As you can see, I'm totally fine." "That's good." Gusto pa sana magtanong nang magtanong ni Rome pero pinigilan na lang niya ang sarili niya. Masaya na siyang makita na ayos lang ito. Masasabi niya na tama lang talaga ang ginawa niyang inihiwalay ito sa kanya. "Oo nga pala, nagpunta rin si Isabella sa school," sabi niya na ikinagulat nito. "Bakit? May mga sinabi rin ba siya sa'yo na hindi maganda?" "Iniimbitahan niya akong pumunta sa engagement party ninyo. Anyway, congratulations." "Ganu'n ba? Kung hindi mo gustong pumunta mabuti pang wag na lang," anito. "Para ano? Para isipin niya na bitter ako? Alam ko naman na may gusto siyang ipamukha sa'kin at gusto kong ipakita sa kanya na wala ako g pakialam. Wag kang mag-alala, kapag pwede na akong magtrabaho, hindi na ako tatanggap ng kung ano mula sa'yo." "Kylie..." "I'm fine, Tito Rome. Ayoko na rin ng magulong buhay. Gusto ko ng payapa at tahimik na buhay at hindi mangyayari 'yan hanggat meron pa akong kaugnayan sa'yo." "I'm sorry." "Ito naman ang gusto mo diba? Kaya wala ka dapat na ihingi sa'kin ng tawad. Gawin mo kung anong makakabuti sa'yo at gagawin ko rin kung ano ang makabubuti para sa'kin." "Kylie..." "Kung wala ka ng sasabihin mabuti pang umalis ka na. Malaman pa ni Isabella na nagpunta ka rito baka pati siya sumugod na rin dito." Muli itong nagbuntong-hininga ng malalim. "I'm really sorry for what happened today. Mauuna na ako," anito na tumalikod na. Habang tinatanaw niya ang pag-alis nito, parang gusto niya itong takbuhin at pigilan. Pero pilit niyang pinipigilan ang sarili niya. Bago pa siya makagawa ng bagay na labag sa loob niya, minabuti niyang sinarado ang pinto at bumalik sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD