Chapter one
KATOK sa pinto ang nagpagising sa mahimbing na pagtulog ni Kylie. "Ma'am Kylie," tawag ni Sundy mula sa labas ng kwarto ko habang mahina nitong kinakatok ang pinto.
Inis na umungol siya, itinaklob ang makapal na kumot sa kanyang mukha at muling pinagpatuloy ang masarap na pagtulog.
"Ma'am Kylie, gumising na po kayo. Hihintayin daw po kayo ng mommy mo sa komedor," sabi pa ni Sundy na hindi tumigil sa huli.
Inis na bumangon at nagdadabog na pinagbuksan ito ng pinto. "Hindi mo ba nakikita na natutulog pa ako? Manhid ka ba?!" inis kong tanong sa kanya.
Si Sundy ay dalawamput dalawang taon na at ito ang ikinuha sa kanya ng mommy niya bilang personal niyang yaya.
"Pasensya na, Ma'am, pero si Ma'am Tanya po mismoang nag-utos na gisingin kayo para makasabay kayo sa umagahan. Kadarating ang din kasi ni Sir Rome, kaya gusto ka nila makasabay kumain."
Tila biglang nawala ang inis niya nang marinig niyang dumating na ang stepfather niyang si Rome.
"Talaga? Dumating na siya?"
"Oho, kaninang umaga ho."
Mabilis na humarap sa salamin si Kylie para ayusin ang nagulo niyang unat at mahabang buhok. Naglagay ang siya ng konting pulbo sa mukha at nagwisik ng mamahaling pabango bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa komedor. Hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit o magsuot ng bra. She wanted to look sexy in Rome's eyes.
Yes, Rome is her stepfather, pero meron siyang tinatagong paghanga sa lalaki. Rome is now thirty seven years old, pero hindi ito nagmumukhang matanda dahil sa kagwapuhan nitong taglay. At wala siyang pakialam sa edad nito ang mahalaga sa kanya ay gusto niya ito.
She was sixteen nang ipakilala ng kanyang ina si Rome at sinabing magpapakasal sila nito. Mayaman si Rome kaya tuluyang nabago ang buhay nila. Kung noon sa pinagtagpi-tagping yero lang sila nakatira, ngayon ang mansion na tinitirahan nila ay isa sa pinamalaking bahay na nasa exclusive subdivision.
Dati sa isang pribadong paaralan lang siya nag-aaral, ngayon sa isang international school na. Noon wala siyang baon ni piso, ngayon, libo-libo pa. Meron siyang mamahaling mga gamit, cellphone, damit, at kung anu-ano pa. Hindi siya nagko-commute kundi hatid sundo pa siya ng sasakyan niyang BMW na iniregalo pa sa kanya ng stepfather niyang si Rome.
Rome change their life. Ibinigay nito ang lahat-lahat ng wala sila noon. Pero sa totoo lang para kay Kylie kulang pa ang lahat ng mga ito para sa kanya, Because she doesn't want anything but Rome's time and attention. Ayun nga lang palaging intrimitida ang mommy niya dahil sa tuwing umuuwi galing ibang bansa ang stepfather niya umaalis ang mga ito para magbakasyon sa bansang gustong puntahan ng mommy niya at siya ay maiiwang mag-isa sa mansion.
Pagkapasok ni Kylie sa komedor ay naabutan niya ang dalawa na naglalambinga. She rolled her eyes at basta na lang pumasok sa pintuan.
"Good morning!" malakas niyang bati.
"Good morning Ky—" mabilis na umiwas sa kanya ng tingin si Rome at ibinaling sa pinggan nito.
"Kylie, hindi ka man lang nagpalit ng damit mo. You don't even wear a bra!" sermon sa kanya ng mommy niya.
Walang pakialam na naupo siya sa upuan na nasa left side ni Rome. "What's wrong with my dress?" patay-malisya niyang tanong.
"What's wrong? My god, Kylie! Kita hanggang balat ang pantulog mo!"
"And so?" taas kilay kong tanong.
"Kylie,"
Nabaling ang tingin niya kay Rome nang tawagin nito ang pangalan niya. Ang malalim at ang buo nitong boses ay tila musika sa aking pandinig.
"Yes?"
Walang emosyon siya nitong tinitigan sa mga mata. "Change your dress. I mean it."
"But—"
"You're already eighteen years old so, act your age."
"Rome—"
"Magpapalit ka o wala kang allowance for a month? Don't try my patience, Kylie," may pagbabantang sabi nito.
Nakuyom niya ang kamao. Gusto pa sana niya magprotesta perosa huli ay siya na rin ang sumuko. Inis na tumayo siya at mabibigat ang mga hakbang na lumabas siya ng komedor at bumalik sa kwarto niya para magpalit ng damit.
She really hates him! She hates him because he always push her away.
"OH BAKIT parang problemado ka ata, Rome?" tanong sa kanya ng pinsan niyang si Jerusalem nang bisitahin siya nito sa opisina niya.
Nagbuntong-hininga siya. "Wala naman."
Naupo ito sa gilid ng office table niya. "Dahil na naman ba sa anak ng asawa mo?" tanong nito na para bang alam na alam na nito ang dahilan.
Hindi siya sumagot at kunway inabala amg sarili sa harap ng laptop.
"Silent means yes. So, ano na naman ang ginawa nitong batang 'to?" sabi ni Jerusalem nang hindi siya sumagot.
"Wala naman. Pero parang hindi siya tumatanda. She's not wearing a bra like she doesn't care."
"At sinasadya niya 'yun ipakita sa'yo?"
Nagkibit siya ng balikat. "I don't think so."
"Oo 'yun 'yon! Ano pa nga ba ang ibang dahilan niya kung bakit niya 'yun ginagawa? That kid is trying to seduce you, dude."
Mabilis na umiling si Rome. Hanggat maaari ayaw niya na ganu'n ang isipin para sa bata. Ayaw niya magkaroon sila ng dahilan ni Tanya para may pag-awayan at iyon ang pagmulan ng hindi nila pagkakaintindihan.
"Jeru, huwag mong pag-isipan ng hindi maganda 'yung bata."
"Ano pa ba ang dapat na isipin sa ginagawa niya? Mula't sapul naman talaga si Kylie ang naging sakit sa ulo mo. Bakit kasi hindi kayo nag-anak ng sa inyo ni Tanya?"
Malungkot na napasandal siya sa office chair niya. "We tried many times at nagawa na rin namin magpa-check up kung saan saang hospital kahit sa labas pa ng bansa, pero pare-pareho lang ang inasabi ng mga doctor na hindi na pwede magbuntis pa si Tanya. Masaya naman ako kahit hindi nia ako mabigyan ng anak. Hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya dahil lang 'dun. Pareho naman namin ayaw na mag-ampon so, hindi na namin pinag-uusapan ang tungkol sa ganyang mga bagay," mabaha niyang sagot.
"Pero tandaan mo, ang anak ang isa sa dahilan para tumibay ang relasyon ng mag-asawa."
"We have Kylie. Mahal ko siya bilang tunay kong anak."
"Pero hindi kayo pareho ng intensyon, Rome."
Marahas na muling nagbuntong-hininga si Rome. "Itigil mo na ang kakaisip mo ng ganyan sa bata, Jerusalem. Maybe para sa kanya walang malisya yun because she's comfortable with me. Kaylangan lang talaga ipamulat sa kanya na hindi dapat dahil hindi na siya bumabata. Soon she's turning eighteen at iyon dapat ang kailangan namin ipaintindi sa kanya."
Jerusalem rolled his eyes. "Okay, convince yourself, Rome."
Umiiling-iling siya. Ayaw na niya mas palawakin pa ang usapin tungkol doon at baka kung saan pa iyon mapadpad.
"By the way, why are you here?" pag-iiba niya.
Umayos ito ng tayo. "Birthday ni Rouge, mamang gabi raw sa Red Door," anito.
"Magpapaalam muna ako kay Tanya."
Ngumisi ito. "Okay. Update ka na lang kung makakapunta ka. Mauna na ako," anito na humakbang na papunta sa pinto, pero muli sia nitong nilingon. "Gusto lang kita balaan dyan sa anak-anakan mo, Rome. Kung ayaw mong masira ang buhay mo, stay away from her." Iyon lang at tuluyan na itong lumabas ng kwarto.
Naiiling na tinapos na niya ang ginagawa.
NAIINIP na nakahalumaba si Kylie sa terrace ng kwarto niya habang nakatanaw sa labas ng mansion. Hinihintay niya kasi ang pagdating ni Rome at hanggang ngayon kasi wala pa ito. Dati-rati naman kapag nag oovertime ito mga nine dumarating na ito, pero ngayong alas-onse na wala pa.
Inis na pumasok ako sa loob ng kwarto ko at tuluyang lumabas tsaka dumiretso sa kwarto ng mga magulang niya.
Hindi na siya kumatok pa basta na lang binuksan ang pinto. Doon niya nadatnan ang kanyang ina na nagpapahid ng ointment sa braso nitong may malaking pasa.
"Kylie!" Nagulat ito nang makita siya.
"Hindi ka ba marunong kumatok?!"
"Bakit may pasa ka sa braso?" tanong niya imbis na sagutin ito. "Did Rome do that to you?"
"What? No! Hindi si Rome ang gumawa nito, and please, Kylie, call him tito, uncle, kung ayaw mo siyang tawaging papa o daddy." Binaba na nito ang manggas sa braso nito para matakpan ang pasa.
Gusto mangiwi ni Kylie. He will never call Rome papa or daddy. Ayaw din niya itong tawaging uncle o tito.
"Bakit wala pa siya?" tanong niya.
Nangunot ang noo nito. "Sino?"
"Asawa mo hindi mo alam kung bakit wala pa rito?"
"Birthday ng kaibigan niya kaya wala pa siya rito. Nasa bar sila ngayon at baka mamaya pa 'yun."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Pinayagan mo siya?"
"Why not?"
"Mom, maraming babae roon! Paano kung mambabae siya tapos makahanap siya ng iba?"
Nagbuntong-hininga ang kanyang ina. "Hindi 'yan magagawa sa'kin ni Rome, Kylie."
"Paano ka nakakasiguro?"
"I just know it and I trust him. At kung mambabae man siya it's his choice, wala ako magagawa roon."
"Mom! How could you say that?!" aniya rto. Naiinis siya dahil parang wala lang rito ang sinabi. Hindi man lang niya bakita ang pangamba sa mukha nito.
"Kylie, stop overeating. Hindi ganu'ng klaseng lalaki si Rome."
Inis-miran niya lang ito at naiinis na bumalik na lang sa kwarto niya. Naiinis ako dahil bakit sa mommy lang niya nagpaalam si Rome? Ano tingin nito sa kanya hangin lang?
Kinuha niya ang cellphone mula sa night stand at agad na tinawagan ang number ni Rome. Naka ilang ring iyon bago iyon sinagot ni Rome.
"Hello, Kylie, bakit ka napata—"
"Anong oras ka uuwi?" putol niya sa iba nitong sasabihin.
"Bakit may nangyari ba?"
Naingay ang paligid kaya kinakailangan nitong sumigaw.
"I'm asking you, Rome. Anong oras ka uuwi?"
Saglit itong tumahimik. "Bakit mo natanong? Nagpaalam ako sa mommy mo—"
"At sa'kin hindi?"
"Kylie—"
"Next time, magsasabi ka rin sa'kin para alam ko. Okay?" iyon lang at pinutol na niya ang linya.
Kinuha niya ang tuwalya at nagpasya na lang na maligo para malamigan ang nagiinit niyang ulo.