Chapter Twenty

2174 Words
PINAKTITIGAN ni Kylie ang sarili niya mula sa reflection ng salamin na nasa kanyang harapan. Alam niyang maganda na siya pero hindi niya akalain na may mas igaganda pa pala siya. Bagay na bagay sa kanya ang black dress na suot-suot niya at nagawa ni'yon na lalong patingkadin ang kaputian niya. Bumagay sa kana ang make-up at ang ayos ng buhok niya na si Olga mismo ang gumawa. Olga really has a future when it comes to pagpapaganda at fashion. No wonder why she wants to have her own parlor and boutique. "You really look beautiful, Kylie," puno ng paghangang sabi nito sa kanya habang titig na titig din ito sa salamin. "Tiyak maraming lalaki ang magkakandarapa sa'yo ngayong gabi," sbi pa nito. She snorted. "Hindi 'yan ang dahilan ng pagpunta ko sa engagement party nila Rome at Isabella." "Baka kamo pati si Rome hindi na maialis pa ang tingin sa'yo dahil sa ganda mo. Parang ikaw pa ang na-engage kaysa sa Isabella na 'yon." Napailing siya. "Ang dami mong alam." "Naku! Dati iniidulo ko si Isabella pero ngayon hindi na dahil sa ipinakita niya sa'yong pag-uugali. Akala mo kung sino na umasta porket ikakasal na kay Rome. Eh, mukha namang sapilitan lang ang kasal." Hindi siya nagbigay ng kumento sa sinabi nito. Wala naman na siyang pakialam pa kung sapilitan o hindi ang pagpapakasal ng dalawa. Oo nasasaktan siya pero kailangan niyang tanggapin iyon at wala siyang balak na pigilan o hadlangan ang magaganap na kasalan. Napatingin siya sa pinto ng kwarto niya nang bumukas iyon at sumilip mula roon si Mariam na bihis at naka make-up na rin tulad niya. Imbitado rin ito dahil empleyado ito ni Rome. "Nandyan na ang sundo natin," naka ngiti nitong sabi. Ang tinutukoy nito ay si Dave. Nagprisinta kasi ito na ito ang magsusundo at maghahatid sa kanila pauwi. "Sige susunod ako," aniya at muling pinagmasdan ang sarili mula sa salamin. "This is your night, Cinderella. Enjoy and have fun," sabi ni Olga na ikina iling niya. Kahit kailan talaga puro ito kalokohan. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga bago kinuha ang gagamitin niyang bag. "Salamat sa pagpapaganda sa'kin, fairy god mother," nakangiti niyang sabi sa kaibigan. "Basta wag mong kakalimutan ang mahiwagang chismis pagkauwi mo." She rolled her eyes. "Marites ka talaga ng taon." "Aba! Hindi ako papahili. Kapag sinaktan ka ng Isabella na 'yon sabihin mo lang sa'kin at rereabak ako!" Natatawang umiling siya. "Puro ka talaga kalokohan. Walang mangyayaring ganu'n at kung meron man alam mong hindi ako papaapi. Wala kaya sa bukabulatyo ko ang salitang api." "Ganyan dapat. Aba! Hindi pwede mabaliwala ang ganda girl! Ipamukha mo sa babaeng iyon na sa ganda pa lang kabogera ka na!" "Ewan ko sa'yo. Ang dami mong alam. Aalis na nga ako, alam mo naman na ayaw ni Dave na naghihintay." "Sige, bye! 'Yung chika don't forget." Muli na lang siyang napailing at nagpatuloy sa paglabas ng kwarto niya at dumiretso sa naghihintay na sasakyan. "Let's go," sabi niya pagkasakay niya sa shotgun seat. "Is that really you?" pabirong tanong ni Dave. "Siguradong may mai-in love ngayong gabi." "Sino naman aber?" kunot ang noong tanong niya. "Baka kapag nakita ka niya magbago na ang isip niyang pakasalan si Isabella." So, he's talking about Rome. "Para kang si Olga, puro kayo kalokohan. Tara na ng makarating at nang makauwi agad." "Yes, madam." PAGKARATING nila sa venue kung saan gaganapin ang party, habang pababa siya sa marmol na hagdan ay napapansin ni Kylie ang ilang mata ng mga alalakihan ay napapatingin sa kanya at sinusundan ang bawat pagbaba niya. Napatingin siya sa kaliwa niya nang kunin ni Dave ang kamay nita at inaklo iyon sa braso nito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Kunwari you're not available para walang magtangkang lumapit sa'yo ngayong gabi," bulong nito sa kanya. Napailing na lang siya. "Nasaan si Mariam?" "May kailangan pa raw siyang asikasuhin kasama si Jerusalem." Napatango na lang siya. Agad siyang inakay ni Dave paupo sa table kung saan sila nakadestino. Marami na ring bisita amg nandoon at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang program ng party. Ilang minuto pa ang lumipas, ang maliwanag na paligid ay bahagyang dumilim at ang spot light ay umikot ikot sa paligid. "Hello, everyone. Welcome to this wonderful celebration of Rome and Isabella’s engagement. Thank you for joining us today to share in their joy and love," pagsisimula ng emcee. "My name is Avie and I am Isabella's friend. I have known her since college. I am so happy and proud to see Rome and Isabella take this next step in their relationship. They are a perfect match for each other and I can’t wait to see them tie the knot. Tonight is a celebration of love, commitment, and the promise of a lifetime of happiness. It is a time to come together as family and friends to share in the joy of this special moment. But before anything else, please welcome our love birds!" Pumailanlan ang nakaka-in love na musika. Sabay at magkahawak ang kamay na bumaba sa hagdan sila Rome at Isabella. Todo ngiti si Isabella sa lahat. Maganda ito sa suot nitong white dress at kumikinang ang maliliit na brilyante na nakadikit sa gown na suot nito. Matapos na ipakilala sila Rome at Isabella ay isa-isang pinuntahan ng mga ito ang mga guest na nasa kaniya kaniyang lamesa hanggang sa huminto ang mga ito sa lamesa nila. "Hi, Kylie. I'm glad you came," masiglang sabi sa kanya ni Isabella. "Thank you for inviting me here. Congrats sa inyo," aniya. Nang tingnan niya si Rome ay titig na titig ito sa kanya. Napilitan siyang nginitian ito. "Congrats, Tito Rome." "Salamat," mahina nitong sagot. "Maiwan muna namin kayo," paalam ni Isabella bago nito hinila palayo si Rome papunta sa katabing lamesa. "Are you okay?" pukaw sa kanya ni Dave. Tipid niya itong nginitian. "Yes. Magppahangin lang ako sandali," aniya na tumayo at naglakad palabas ng reception. Nang makalabas siya ay tila doon lang siya nakahinga ng maluwag. Huminto siya sa fountain at tumayo lang sa harap ni'yon habang pinapanood ang mga naglalarong mga tubig. Napahawak siya sa dibdib niya dahil nakakaramdam siya ng selos nang makita niyang magkahawak ang dalawa habang may ngiti ang mga ito sa labi. "Why are you here?" Napatingin siya kay Rome na naka tayo sa kanyang tabi. Bakit ito nandito? Sinundan ba siya nito? Inalis niya ang tingin dito at ibinalik sa fountain. "Nagpapahangin lang. Ikaw bakit ka lumabas? Baka hanapin ka ni Isabella." "You look beautiful tonight, Kylie," anito na ikinatingin niya rito. "And you look handsome. Pero mas gwapo ka ng walang bigote at balbas." "Sige magsi-shave ko mamaya." "Hindi mo naman kailangang gawin dahil sinabi ko." "Gusto kong gawin dahil sinabi mo," seryosong sabi ni Rome habang titig na titig ito sa kanya. "Mabuti na ang inimbitaan ako ni Isabella rito para makapagpasalamat ako sa'yo. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo. Siguro ito na ang huli nating pagkikita." Nangunot ang noo nito. "What do you mean?" "Gusto kong ihinto mo na ang pagpapadala sa'kin ng pera. Ayoko ng makakatanggap ng kahit na ano mula sa'yo, Rome." "Pero paano ang pag-aaral mo? Ang ilang pangangailangn mo?" "Hindi mo na kilangan pang problemahin 'yon. Ako na ang bahala sa sarili ko." "But why?" "Ayoko ng magkaroon pa ng kahit na anong ugnayan pa sa'yo. Ikakasal ka na ulit kaya mabuti rin na putulin na natin kung ano man ang naglalapit pa sa ating dalawa. Isa pa, ayoko na rin na makita ka pagkatapos ng gabing ito." "Kylie..." Nang akmang hahawakan siya nito ay mabilis niyang iniwas ang katawan niya rito. "Sige, babalik na ako sa loob." Malalaki ang mga hakbang niya na bumalik sa loob ng venue at naupo sa tabi ni Dave. "Kinuhaan na kita ng pagkain mo," anito pagaupo niya. Nakita nito ang panginginig ng mga mata niya, tanda na maiiyak na siya. "Hey, what's wrong?" "I want to leave now," anas niya. "Hindi ko na kayang manatili pa rito, Dave." "Are you sure?" Tumango siya. "Please take me out of here." Inalalayan siya nitong tumayo at inakay paalis sa lugar na iyon. "Where do you want to go?" maya'y tanong nito sa kanya habang nasa daan sila. "Just drive," aniya na ang mga mata ay nakatuon sa labas ng bintana. Hindi na ito nagtanong pa basta nagmamaneho lang ito kahit saan sila abutin. Malayo-layo na ang narating nila nang pumatak ang mga luha niya. Doon bumuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya pati na ang damdamin niyang bumalik para kay Rome. Akala niya handa na siyang makita si Rome kasama ng ibang babae, hindi pa pala. Ang sakit lang na nakikita niyang masaya ito habang siya ay tila nagluluksa pa rin. Daig pa niya ang iniwan ng boyfriend sa sobrang sakit. Lalo siyang naiyak nang himasin ni Dave ang likuran niya para i-comfort siya. "Gusto mo bang kumain to make you feel better? Saan mo gustong kumain? Sabihin mo lang," Hindi niya mapigilang matawa. Talaga bang pagkain lang ang katapat niya? "Langhiya ka, nag-eemote na nga ako inudlot mo pa," aniya na tinuyo ang nabasang pisngi. "Hindi kasi bagay sa'yo ang umiyak. Sayang ang ganda mo kung iiyak ka lang." Humikbi siya. "Akala ko kasi kaya ko nang makita si Rome na may ibang babae ng nagmamay-ari sa kanya hindi pa pala. Akala ko naka move on na ako sa damdamin ko para sa kanya, hindi pa pala." "It takes time to heal, pero maghi-heal ka rin. Nandito lang ako para ilibre ka sa masasarap na restaurant." Inis-miran niya ito. "Hindi ako makapag-emote sa'yo eh." "Ikain na lang natin 'yan. Saan mo gusto?" "I want to drink. I want to get drunk until I pass out. Gusto kong makalimot kahit sandali," aniya. "Kahit kapalit ni'yon hangover?" Tumango siya. "Gusto kong uminom." "Sige, sasamahan kitang uminom hanggang sa malasing ka." "Thank you, Dave." NAGTATATALON si Kylie sa gitna ng dance floor habang sinasabayan ng sayaw ang nakakaindak na tugtugin. Bahagya na siyang may amats dahil na rin sa dami ng nainom niya. May mga kalalakihan na rin ang nakikipagsayaw sa kanya at hinahayaan lang siya ni Dave pero alam niyang nakabantay lang ito sa kanya. "Woooh!" sigaw niya habang hawak niya ang basong naglalaman ng alak. Sa mga oras na iyon ay nawawala na sa isip niya si Rome at kinagiginhawa iyon ng kalooban niya. Samantala... Habang nagsisiya si Kylie si Dave naman ay nasa gilid lang at nakabantay lang sa dalaga na nalalango na sa alak. Nakikita ni Dave na marami ng kalalakihan ang lumalapit sa dalaga para maisayaw ito, pero nakabantay lang siya dahil isang maling hakbang lang talagang sasabog ang mukha ng lalaking mambabastos kay Kylie. Napailing siya nang makita niyang yumakayap na ang dalaga sa isang lalaki habang todo indak ito sa dance floor. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang slack at binidyuhan ang ginagawa ni Kylie at sinend iyon kay Rome. Ilang minuto pa ay tumawag ito sa kanya. "Where the f**k are you?" agad nitong tanong nang sagutin niya ang tawag nito. Sinabi niya ang lugar na kinaroroonan nila at wala pang trenta minutos na dumating ito. "f**k you for letting her drunk! Galit na sabi ni Rome habang dinuduro siya nito sa dibdib. "And f**k you for letting other boys touch her!" sabi pa nito. "You don't own her to stop her from doing that." "f**k you and die!" sikmat nito sa kanya bago nito nilapitan si Kylie. "Good luck, fucker," naiiling niyang sabi sabay tungga sa hawak niyang baso. "Hi, handsome." Napatingin siya sa babaeng lumapit sa kanya. Maganda ang babae at napakainosente ng mukha nito. Maputi ito pero hindi ganu'n kaseksihan ang katawan nito, but she's still hot in his eyes. "Hi," ganting bati niya. Hindi niya ito masyadong pinagtutuunan ng pansin dahil hindi ganitong klaseng babae ang tipo niya. "Umh, nagkakasiyahan kasi kami magkakaibigan. Naglalaro kami ng truth or dare, at ako ang na-dare nila para halikan ka." Kunot ang noong binaling niya ang tingin dito. Tinapunan din niya ng tingin ang tatlong kaibigan nitong nasa lamesa hindi kalayuan. "What?" "Will you let me kiss you?" tanong niya. One kiss won't hurt him right? Isa pa para magkaroon din ng saysay ang pagpunta niya rito. "Sure—" Pagkasabi niyang iyon ay agad na lumpat ang mga labi ng estrangherang babae. Pumulupot pa ang mga braso nito sa leeg niya para palalimin ang halik nilang dalawa. Ang p*********i niya ay nabuhay nang dahil sa halik nitong halatang walang karanasan. "Fifteen," anito na pinakawalan na siya. "Thank you for letting me kiss you," anito at basta na lang siyang iniwan. Tulala naman siyang napatitig sa kawalan. Hindi iyon ang unang halik na natikman niya pero daig pa niya ang hinalikan sa unang pagkakataon. Pinilig niya ang ulo. Hindi dapat siya maapektuhan sa simpleng halik lang. Muli siyang tumungga ng alak para mahimasmasan. Nang ibinalik niya ang tingin kung nasaan sila Rome kanina ay wala na ang mga ito roon. Iniwan siya ng wala man lang paalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD