PAGKAUWI nila Kylie sa bahay ay agad silang naalarma dahil madilim ang buong bahay. Mabilis na bumaba si Rome sa sasakyan at patakbo itong pumasok sa loob ng bahay at agad niya itong sinundan.
"Tanya!" sigaw nito sa pangalan ng kanyang ina nang hindi ito makita sa loob ng kwarto.
"Mom!" tawag na rin niya sa pangalan nito at nagsimula na rin hanapin ang kanyang ina paligid at kabuohan ng bahay.
"Kylie here!" sigaw ni Rome mula sa ligod ng bahay kung nasaan ang maliit na hardin.
Patakbo siyang nagtungo doon at ganu'n na lang ang paghigit niya nang hininga nang maabutan ang kanyang inang walang malay na nakahandusay sa lupa.
Agad itong binuhat ni Rome at dinala sa kwarto ng mga ito habang siya ay nakasunod lang dito.
"Kumuha ka ng maligamgam na tubig. Pupunasan ko ang mommy mo," anito nang mailapag nito ang kanyng ina sa malambot na kama.
Hindi agad siya nakakilos dahil tila naninigas ang kanyang katawan.
Nilingon siya nito. "Kylie!
Napapiksi siya nang tawagin siya nito. "B-buhay pa si mommy diba?"
"Yes. Nawalan lang siya ng malay. Kumuha ka na ng tubig para mapunasan ko na siya."
Agad siyang tumalima at kumuha ng maligamgam na tubig mula sa kusina at inilagay iyon sa maliit na planggana bago bumalik sa kwarto at inilapag sa bedside table.
"Ako na ang bahala rito," anito.
Buntong-hiningang lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kwarto niya. Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kwarto niya para pakalmahin ang sarili dahil sa nakita niyang nangyari sa kanyang ina.
Seeing her mother unconscious make her weak. Gusto niyang sabunutan at saktan ang sarili dahil kanina lang wala siyang pakialam basta masulit niya ang oras na kasama si Rome.
Marahan niyang inilatag ang sarili sa malambot na kama at niyakap ang sariling katawan bago mahinang umiyak.
Nagsisimula na siyang makaramdam ng takot dahil iniisip niya paano na siya kapag nawala na ang kanyang ina. Saan na siya titira? At sino na ang mag-aalaga sa kanya?
Sa oras kasi na mawala ang kanyang ina pwedeng abandonahin o pabayaan na siya ni Rome dahil wala a yung dahilan para manatili pa siya sa mansion ng lalaki.
Umiyak siya nang umiyak hanggang sa hindi na niya namalayan ang sarili na nakatulog siya. Nagising na lang siya dahil sa malakas na ulan, sinabayan pa ng pagkulog at pagkidlat.
Nagising siya na basa ng pawis ang noo niya dahil walang kuryente, marahil dahil sa malakas na ulan.
Marahan siyang bumangon. Kinuha niya ang cellphone niya na nasa loob ng dala niyang bag kanina at ginamit ang flashlight ni'yon. Walang ingay na lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa baba para sana kumustahin ang ina niya at si Rome. Nasa paanan pa lang siya ng hagdanan nang marinig niya ang pag-uusap ng mga ito.
"Rome, alam kong hindi na ako magtatagal," narinig niyang sabi ng kanyang ina habang agaw nito ang hininga.
Humakbang siya palapit sa bahagyang nakabuka na pinto ng kwarto ng mga ito. Doon nakita niya so Rome na nakaluhod sa gilid ng kama habang hawak nito ang kamay ng kanyang ina.
"Don't say that, Tanya. Makakasama pa kita ng matagal," garalgal ang boses na sabi ni Rome.
"Alam mong hindi na mangyayari pa 'yan." Sinapo ng kanyang ina ang pisngi ni Rome.
"May kahilingan ako sa'yo, Rome—"
"No. Ayokong makinig. Please, huwag muna ngayon. Hindi ko pa kaya," pigil ni Rome sa iba pang sasabihin ng kanyang ina.
"Hon. Don't do this. Pagod na ako. Napapagod na ako," mahinang sabi ng kanyang ina.
Natutop niya ang bibig habang pinipigilan ang sarili na mapahagulhol. Alam niyang namamaalam na ang kanyang ina at nagsasabi na ito ng huling habilin.
"Rome, my honey... Please, pakinggan mo ang kahilingan ko."
Nakayukong tumango si Rome. Tinatago nito ang mukha sa kanyang ina. Umiiyak ito pero pinipigilan nito ang sarili na umiyak ng malakas.
"Tell me," napipilitang sabi ni Rome.
"I'm worried for Kylie. I want you to take care of her until she can live on her own. Sana kahit wala na ako ituring mo pa rin siyang anak at pamilya. Pakiusap huwag mo siyang pababayaan."
"I won't. I promise."
"Thank you, honey. Sorry kung iiwanan kita agad. Kung papipiliin ako pipiliin kong mabuhay pa at manatili sa tabi mo, but I can't. Gusto ko pang lumaban pero hindi na kaya ng katawan ko. Mahal na mahal kita, Rome. Ikaw ang isa sa magandang dumating sa buhay ko. God knows how much I love you."
Tutop ang bibig na humakbang siya palayo sa kwarto ng mga ito at nagtungo sa sala tsaka naupo sa sofa. Doon hinayaan niyang pumatak nang pumatak ang mga luha niya.
Her mother loves her so much. Kahit sa huling sadalinng buhay nito wala itong ibang inisip kundi ang kapahamakan niya. Bakit ngayon lang niya nakikita ang mga pagpapahalagang iyon ng kanyang ina? Kung kailan kukunin na ito ng may kapal.
"Kylie."
Napatingin siya kay Rome na malapit sa kanya.
"Your mother wants to talk to you," anito na umiiyak pa rin.
Marahan siyang umiling. Alam na niya ang mangyayari. Magpapaalam ito sa kanya at pagkatapos mawawala na ito. Ayaw niyang mangyari iyon.
"Kylie.."
"Hindi ko kayang makita siyang ganu'n, Rome," aniya.
"Mahirap din sa'kin 'to pero kailangan natin tanggapin kung siya na mismo ang may kagustuhan na magpahinga."
Masama niya itong tiningnan. "Bakit parang ang dali sa'yo na sabihin 'yan?"
"Akala mo ba madali lang para sa'kin na tanggapin na iiwan ako ni Tanya? Mukha lang madali para sa'kin 'to, pero ng totoo sobrang sakit ng puso ko. Pinipilit ko lang maging matapang sa harap ni Tanya pero ang totoo hinang-hina ako!" tiim ang bagang sabi nito.
Humihikbing patuloy na pumapatak ang mga luha niya.
"Puntahan mo na si Tanya. Hinihintay ka niya," anito na tinalikuran na siya.
Pinilit niya munang pakalmahin ng sarili bago tumayo at humakbang papunta sa kwarto nito. Ilang beses siyang nagbuntong-hininga bago niya tinulak pabukas ang pinto.
Naabutan niya itong nakapikit na tila payapang natutulog. Humakbang siya palapit dito at naupo sa upuang nasa tabi ng kama.
"Mom?" aniya na hinawakan ang kamay nito.
Marahan na nagmulat ang kanyang ito at pagkakita sa kanya at tipid itong ngumiti.
"Hi, my baby girl. Dalagang dalaga ka na... Parang kailan lang buhat-buhat pa kita."
Pumatak ang mga luha niya habang tinitingnan ang maganda nitong mukha kahit pa namumutla na ito at nanunuyot ang mga labi.
"Alam mo ba, noong una kitang kinarga parang nagkaroon muli ng pag-asa ang buhay ko. Ikaw ang naging lakas ko sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko. Mahal na mahal kita Kylie Rose. Mahal na mahal."
Dinala niya ang kamay nito sa kanyang bibig. "I'm sorry, Mommy. I'm really sorry. I have not been a good daughter to you. Lagi ko pinasasama ang loob mo at palagi kitang binibigyan ng problema. Hindi ko man po masabi sa'yo, pero mahal na mahal kita."
Mapai itong ngumiti. "Kahit kailan hindi kita tiningnan ng ganu'n, Dear. Alam kong may pagkukulang din ako kaya waa kang kasalanan."
Mabilis siyang umiling. "Naging mabuti kang ina sa'kin. Ginawa mo ang lahat para mabigyan ako ng agandang buhay pero hindi ko nakita 'yon. Wala akong ibang initindi kundi sarili ko lang. Naging makasarili ako."
"Kylie dear, gusto kong mag-aral ka ng mabuti at magtapos sa kursong gusto mo para magkaroon ka ng magandang buhay. Si Rome...ibinilin kita kay Rome dahil alam kong maaalagaan ka niya ng mabuti."
Mapait siyang ngumiti. Kung alam lang nito ang totoo niyang damdamin para sa stepfather siguradong madi-disappoint ito.
"I know you like Rome."
Gulat na napatingin siya rito.
"Gusto mo siya hindi bilang isang ama kundi bilang isang lalaki."
"Mom..."
Mapait itong ngumiti. "Hindi ako bulag at manhind para hindi makita at maramdaman."
"I-I'm sorry, Mommy."
Sinapo nito ang pisngi niya. "Rome is a nice guy, Kylie. Don't hurt him, please? Wag kang gumawa ng bagay na ikababago niya. Wag kang maging mapusok dahil sa nararamdaman mo para sa kanya. Hindi kita pipigilan kung ano man ang gusto mong tahakin kapag nasa tamang edad ka na. Mahal kita at mahal ko rin siya kaya ayokong dumating yung araw na magkasakitan kayong dalawa."
"Kung ganu'n, bakit sa kanya mo pa rin ako inihabilin kahit na alam mong may damdamin ako para sa kanya?"
"Dahil alam kong sa kanya lang mapapabuti ang buhay mo." Umubo ito at inabot ang hininga.
"Mahal na mahal kita, anak. Iyan ang lagi mong tatandaan."
Muli itong umubo at pilit na binabawi ang paghinga. Alam niyang nahihirapan na ito sa paghinga tanda na malapit na bawiin ang buhay nito.
"Rome! Rome!" tawag niya sa lalaki.
Dali naman itong pumasok sa kwarto at agad na dinaluhan ang kanyang ina.
"Rome... Mahal...kita..." iyon lang at walang malay na bumagsak ang ulo nito.
"Tanya!"
"Mommy!"
Sabay na sigaw nilang dalawa nang makitang wala ng buhay ang kanyang ina.
Mahigpit itong niyakap ni Rome habang walang patid ang pagluha nito. "Tanya!"
Hinawakan niya ang kamay ng ina na mainit pa. Dinala niya iyon sa kabyang pisngi at dinama. Dadalhin niya sa kanyang ala-ala ang pagmamahal nito ng walang kapantay.