Chapter Six

1588 Words
AGAD na bumalik sa Manila sila Kylie para doon iburol ang kanyang ina. Marami ang nalungkot at naghinayang sa pagkamatay ng kanyang ina. Ang iba naririnig niyang siya ang sinisisi dahil masyado raw siyang naging sakit sa ulo at madalas nagbibigay ng problema sa magulang niya. Halos wala siyang tulog dahil mas gusto niyang samahan ang mommy niya. Gustong-gusto niyang titigan ito dahil para lang itong natutulog at hindi man lang nawala ang taglay nitong kagandahan. Sa dalawang araw na nakaburol ang mommy niya, hindi pa nagpapakita sa kanila si Rome. Nang umuwi siya sa mansion ang sabi magdamag lang daw ito umiinom. Uuwi raw ng lasing tapos aalis kinaumagahan. Ngayon ang ikatatlong araw ng burol ng mommy niya pero ni anino ni Rome hindi niya nakikita. Buntong-hiningang lumabas si Kylie sa kwarto para magpahangin sa labas. Napapagod na kasi siyang salubungin ang mga nakikiramay at naapagod na rin siyang makipagplastikan. "Alam mo, sayang talaga si Tanya eh." Napahinto siya sa paglalakad nang marinig niya ang pag-uusap ng dalawang babaeng nakiramay. "Sinabi mo pa. Siguradong na-stress siya dahil sa maldita niyang anak," sabi ng babaeng may katabaan. "Ewan ko ba. Ang bait-bait naman ni Tanya pero minalas siya pagdating sa anak," sabi ng babaeng payatot. "Buti na lang din mabait si Rome. Pero paano na si Kylie ngayon?" iyung babaeng mataba. "Baka naman kukupkupin pa rin ni Rome ang batang 'yon," iyung babaeng payat. "Naku! Kawawa siya. Mamalasin ang buhay niya pagnagkataon." "Tsk! Tsk!" Pagkatapos mag-usap ay naglakad ang mga ito palayo sa lugar na iyon. Pinagmasdan lang niya ang mga ito hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Kung masa mood lang siyang makipag away ay inaway na niya ang mga mosang na iyon. Pero kahit anong gusto niyang patulan ang mga ito ay pinili na lang niya ang manahimik. Minabuti na lang niyang bumalik sa loob ng kwarto kung nasaan ang mommy niya at nanatili na lang na nandoon hanggang sa isa-isang nagsialisan ang mga nakiramay sa pagkamatay ng mommy niya. Habang nagbabantay ay nanonood ng movie si Kylie sa tablet niya para hindi siya antukin. Pasado alas-dose nang bumukas ang pinto at iniluwa ni'yon si Rome. Binaba niya ang tablet na hawak at tumayo siya para salubungin si Rome. Nang makalapit siya rito agad niyang nalanghap ang amoy ng alak sa katawan nito. "Where have you been, Rome?" galit na tanong niya. Tiningnan siya nito. "Call me uncle or tito, Kylie," anito na nagpatuloy sa paglakad palapit sa mommy niya. "Two days kang hindi nagpakita. Hinahanap ka ng mga tao, Rome. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko! Tapos magpapakita ka rito ng lasing? Habang ako pagod at puyat!" Tumigil ito at hinarap siya. "Stop calling me by my name, Kylie. Asawa ako ng mommy mo." "Yeah? Asawa ka pero hindi ka mahagilap kung nasaan ka!" "Hindi ba pwedeng nag isip-isip lang ako? I need to cool my head to accept this, Kylie. Mahirap para sa akin ang pagkawala ng mommy mo." "At ako hindi nahihirapan? Baka nakakalimutan mong anak ako na nawalan ng ina. Akala mo ba hindi masakit para sa'kin ang pagkawala ni Mommy? Nasasaktan din ako, Rome! Iniwan na ako ng nag-iisa kong pamilya!" She cried. Nagbuntong-hininga ito at nasapo ang ulo. "I'm sorry. Kinailangan ko lang talagang mapag-isa," anito na naiyak na rin. "Wala na ang mommy ko. Wala na ang pamilya ko," umiiyak pa rin niyang sabi. "You still have me, Kylie. Nangako ako sa mommy mo na ako muna ang magiging guardian mo hanggang sa maging legal age ka na." Umiling siya. "You don't understand, Rome. You don't understand..." sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya. Ang bigat bigat ng dibdib niya dahil sa sakit dulot ng pagkamatay ng taong nagmahal sa kanya ng lubusan. Humakbang palapit sa kanya si Rome at niyakap siya nito. "I'm sorry for leaving you for two days. Hindi ko naisip na nahihirapan ka rin." Gumanti siya ng pagkakayakap dito. Doon niya naramdaman ang init ng pakiramdam na hatid ng pagyakap nito sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata at dinama lang ang sarap na hatid ng yakap nito. "YOUR mother has a beautiful face, " sabi ni Rome habang titig na titig sa nakahimlay niyang mommy na nasa loob ng nitso. Nasa tabi siya nito at nakatitig lang din da mommy niya. Tipid siyang ngumiti. "You're right. Tingnan mo nga para lang siyang natutulog," sangayon niya. Narinig niya ang marahas nitong paghinga habang titig na titig ito sa kanyang ina. "I'm gonna miss your mom. Honestly, I don't know how I would start without her. Pero hindi pwedeng hindi ko ipagpatuloy ang buhay ko dahil magagalit si Tanya. Nangako ako sa kanya na patuloy akong mabubuhay kahit wala na siya." "My mom loves you so much," aniya. "I know." "She told me how much she loves you and how much you mean to her. Sobra siyang nagpapasalamat dahil dumating ka sa buhay niya, sa buhay namin, Rome," aniya na tumingin dito. "You changed our lives. Pero hindi naman dahil 'dun kung bakit ka minahal ni mommy. Minahal mo kasi siya kung sino siya at tinanggap mo siya bilang siya ng walang pagdadalawang isip." "Hindi naman kasi mahirap mahalin si Tanya. She's sweet and caring at higit sa lahat hindi niya kailangan magpanggap para magustohan lang ng lahat." Totoo ang lahat ng sinabi nito. Sweet at maalaga talaga ang mommy niya kaya marami itong naging kaibigan. At ito naman ay kabaliktaran niya. Marami nga nagsasabi na malayong malayo silang mag-ina dahil sa ugali niyang hindi gusto ng lahat. Muli niyang tinitigan ang ina. "Kung alam ko lang na maagang mawawala si mommy, sana naging mabuti na lang akong anak sa kanya. Tama sila na ako ang malas kay mommy kaya rin siguro siya nagkaroon ng sakit." "Kanino mo na rinig 'yan?" kunot ang noong tanong nito. "'Yan naman ay naririnig ko sa lahat kahit sa mga dumalaw kay mommy, which is true. Hindi ko itatanggi 'yan." "That's not true. Oo matigas ang ulo mo pero hindi ka malas para sa mommy mo at never 'yan naisip ni Tanya dahil para sa kanya ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya." Mapait na nguniti si Kylie. Hindi niya makuhang paniwalaan si Rome dahil ang tingin sa kanya ng lahat ay masama at alam niya iyon. Kung anu-ano na nga ang tawag sa kanya. Malas, salot, demonyita at iba pa. "Sinasabi mo lang 'yan dahil kaharap mo 'ko. Alam kong minsan mo na rin akong pinag-isipan ng masama kaya nga diba iniiwasan mo 'ko?" Natigilan ito at hindi nakasagot. Alam din naman niya na tama siya at hindi naman siya manhid para hindi iyon maramdaman. Umiwas ito ng tingin sa kanya at muling tinuon sa kanyang ina. "I know you know I like—" "You should rest, Kylie. Ako na muna ang bahalang magbantay sa mommy mo." "Rome—" "Kylie, please respect your mother." Inis na tinitigan niya ito. "Hindi ba pag-iwas 'yan?" "Umiiwas ako dahil iyon ang dapat na gawin. It's not right for you to feel that." "Masama ba na gusto kita?" Tiningnan siya nito. "Oo. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa isip mo para makaramdam ka ng ganyan. Pero nasisiguro ko na dala lang yan ng malikot mong imahinasyon." "Hindi. Alam kong totoo ang nararamdaman ko para sa'yo, Rome." Mariin itong pumikit. "Stop." "And mom knows about it." Bumukas ang mga mata nito at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "What?" "Alam ni mommy na may nararamdaman ako para sa'yo." "Sinabi mo?" "I didn't. Nararamdaman daw niya." "f**k!" Mariin nitong hinilamos ang sariling mukha. "And I'm not denying it." Galit na hinawakan siya nito sa braso. "How could you do that? Alam mong mamamatay na ang mommy mo, Kylie!" "Hindi naman galit si mom." Umiiling-iling ito. "Hindi ko inaasahan na makakaya mong gawin 'yan sa mommy mo." "Bakit ko naman kasi itatago kung totoo naman ang nararamdaman ko para sa'yo?" "Binitawan siya nito at tinalikuran. "You should go. Ako na ang bahala rito." "Rome—" "Go, Kylie Rose," mariin nitong sabi. Natigilan siya dahil iyon ang unang pagkakataon na narinig niya ang ganung tono ng boses nito. Boses na alam niyang galit na ito. Nagbuntong-hininga siya at walang paalam na lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya ay agad na sumalubong sa kanya ang sasakyan ni Rome na minamaneho ng driver nitong si Bong. "Saan po tayo, Ma'am Kylie?" tanong nito nang makasakay siya. "Sa bahay," walang emosyong sabi niya. Minaniobra na nito ang sasakyan paalis sa lugar na iyon. Pagkarating sa bahay ay agad siyang dumiretso sa kwarto niya para maligo at nang matapos siyang maligo at magbihis ay muli siyang lumabas ng kwarto niya at nagtungo sa kwarto ng kanyang ina at ni Rome. Nang buksan niya ang pinto, naalala niya ang mommy niya na laging nakangiti sa kanya sa tuwing papasok siya sa kwarto ng mga ito. At tila niya naririnig ang boses nito na tinatawag siyang dear. Humakbang siya papasok at pinagmasdan ang malaking kwarto ng mga ito. Nagtungo siya sa vanity mirror ng mommy niya at naupo sa harap ng salamin. Buntong-hiningang nilibot niya ng tingin ang buong kwarto. Bawat sulok ni'yon ay may ala-ala ng mommy niya. Humakbang naman siya palapit sa kama at marahang nahiga kung saan humihiga ang mommy niya tsaka niya niyakap ang unang ginagamit nito. Tumulo ang mga luha niya sa isiping hinding-hindi na niya makakasama ang mommy niya at hinding-hindi na niya ito makikita pa kahit na kailan. Sa ganu'ng tagpo, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD