Chapter Four

2263 Words
TULAD nga ng sinabi ng kanyang mommy, na gusto nitong sulitin ang bawat sandali ay nagtungo sila sa isang probinsya kung saan merong sariwang hangin at tahimik na paligid. Hindi man sabihin, nakikita ni Kylie na mabilis mapagod ang mommy niya pero pinipilit lang nito para masulit nito ang bawat sandali na kamasa sila. Nakikita niyang ngumingiti ang mommy niya pero may pagkakataon na nahuhuli niya itong umiiyak. Nang unagang iyon plano nilang magpunta sa flower farm dahil isa iyon sa mga tourist spot sa Paso De Blast. Pagkatapos niyang maligo ay isang simpleng white dress ang isinuot niya at tinernuhan niya iyon ng rubber shoes. Hinayaan lang niyang nakalugay ang buhok niyang may natural na pagkakulot. Tanging pulbo at lip tint lang ang inilagay niya sa kanyang mukha. Hindi sa pagmamayabang hindi na kailangan ni Kylie ang magpaganda ng sobra dahil natural na angkin na niya ang ganda na pagkakaguluhan ng mga kalalakihan. Nang masiguro niyang maayos na ang kanyang itsura ay agad na siyang lumabas sa kwarto niya at dumiretso sa sala. Eksaktong pagdating niya 'dun malungkot na lumabas si Rome mula sa kwarto ng mga ito. "Where's mom?" tanong niya. Nagbuntong-hininga ito. "She can't make it today. Sobrang nanghihina ang katawan niya. She wanted to go but her body can't," anito. Halatang puyat si Rome pero hindi pa rin maiaalis ang taglay nitong kagwapuhan. Hindi mo aakalainin na tatlumpung-tatlo na ito. "So, hindi na tayo tuloy?" tanong niya. "Alam kong hindi lang ako ang nakakapansin na pinipilit lang ng mommy mo na maging malakas sa paningin mo. Pero kapag kaming dalawa na lang pagod na pagod na siya." Nakaramdam siya ng pagkakunsensya sa sinabi nito. Alam naman niya iyon. Alam niyang ayaw ipakita sa kanya ng mommy niya na nahihirapan o napapagod ito. "I know," tanging nasabi niya. "But if you want, pwede kang tumuloy doon at mamasyal." Napasimangot siya. Mamamasyal siya ng mag-isa? "Ayoko. Boring kung ako lang mag-isa." "I can't come with you. Alam mo naman na hindi ko pwedeng iwan ang mo-" "Sige na samahan mo na si Kylie, Rome." Sabay silang napatingin ni Rome sa pinto kung saan nakatayo ang mommy niya. Halata sa mukha nito ang panghihina pero pinilit pa rin nitong tumayo. Agad itong nilapitan ni Rome para alalayan. "Hon, bakit tumayo ka pa?" "Naririnig ko kasi kayong dalawa. Sige na samahan mo na si Kylie na mamasyal sa flower farm," sabi ng kanyang ina. Gustong-gusto niyang matuloy sila sa flower farm lalo na kung kasama si Rome, pero nasaan naman ang kunsensya niya kung maiiwan ang mommy niya na nag-iisa sa bahay? "No need, Mom. Sa ibang araw na lang." "Tama si Kylie," sangayon sa kanya ni Rome. Mabilis na umiling ang mommy niya. "No. Kaya nga tayo nagpunta rito para magbakasyon. I don't want to ruin our vacation because of me." "You're not ruining our vacation, Mom. Kailangan mo munang magpahinga and when you get better, pwede na tayo pumunta sa flower farm," aniya. Tipid na ngumiti ang mommy niya. "Huwag niyo akong intindihin." "Hindi naman pwede na hindi ka namin intindihin, Hon," si Rome. "I know, I know. Gusto ko lang naman na mag-enjoy kayo. Siguro magandang pagkakataon din ito para maging close kayo ni Kylie." Nakita ni Kylie ang mariin na pagpikit ni Rome sa sinabi ng kanyang ina. Alam niya kung ano ang ibig-sabihin ng mga binitawang salita ng mommy niya. Gusto ng mommy niya na maging okay sila ni Rome bago man lang ito mamatay. "Hon..." "Rome, please? Do this for me. Samahan mo na si Kylie na mamasyal." Nagbuntong-hininga siya. "You don't have to this, Mom." Malungkot ang mga matang tumingin sa kanya at kay Rome. "Hindi niyo ba ako pwedeng pagbigyan? Ang gusto ko lang naman maging okay kayong dalawa." "I know what you mean, Mom. Hindi mo kailangan gawin ito dahil hindi ka pa mawawala. And for your information, okay kami ni Tito Rome," pagsisinungaling niya sa huling sinabi. "Hindi ako bulag, Kylie, para hindi makita kung ano ang mga nangyayari sa paligid ko at lalong hindi ako bingi para hindi marinig kung ano man ang mga pinag-uusapan ninyo ni Rome. Ayokong magsinungaling na tatagal pa ako dahil ramdam ko na hindi na mangyayari 'yon. Kaya sana pagbigyan ninyo ako kahit sa ganito lang," malungkot na sabi ng kanyang ina. Rome sighed deeply. "Okay. Fine. If you really want me to go with Kylie, I'll do it. If this really what you want," sabi ni Rome na halatang napilitan. Doon na matamis na ngumiti ang mommy niya. Doon din niya nakita na talagang mahal ni Rome ang kanyang ina dahil handa nitong gawin ang lahat para lang ikagaan ng loob ng kanyang ina. "Thank you, Hon," ang ina niya at humalik ito sa pisngi ng asawa. "Anything for you, Honey." Iniabot ng kanyang ina ang kamay nito sa kanya kaya agad siyang lumapit dito para hawakan ang kamay nito. Nagulat siya nang ipagpatong nito ang mga kamay nilang dalawa ni Rome. "Sige na umalis na kayong dalawa." "Are you sure you'll be okay here?" may pag-aalalang tanong ni Rome. "I'll be fine, Hon." "Please call me immediately if you feel something wrong," si Rome. Sinapo ng kanyang ina ang mukha ni Rome. "I will, Hon." Tumingin ito sa kanya. "Enjoy, dear." Mapait niya itong nginitian. "Sure, Mom." Tahimik lang sila ni Rome na umalis ng bahay hanggang sa byahe papunta sa Flower Farm. Paminsan-minsan na tiningnan ni Kylie si Rome na ang buong atensyon ay nasa kalsada. Ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon ni Rome na mapag-isa ng ganito. She felt happy and sad at the same time. Masaya siya dahil isa ito sa mga pangarap niya ang masolo si Rome. Pero malungkot siya dahil alam niyang ginagawa lang ito ng lalaki para sa mommy niyang walang kasiguraduhan ang buhay. Pinipigilan lang niya ang sarili para sa mommy niya. "I'm sorry," wala sa loob na sabi niya. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nasabi. "For what?" tiim-bagang tanong nito. Nagkibit siya ng balikat. "Dahil alam ko naman na napipilitan ka lang na gawin 'to." Nagbuntong-hininga ito. "Just don't mind me, Kylie. Hindi sa ayokong gawin 'to, hindi ko lang maiwasan na mag-alala para sa mommy mo." "Then you wouldn't agree with what mommy wants." "I don't want to make her feel sad." Itinuon niya ang mga mata sa labas ng salamin. "You really love her." "I do. I really do. Kung pwede ko lang ipagpalit ang buhay namin gagawin ko. I'm willing to give my life to her." Nakuyom niya ang kamao. Pinipigilan niyang makaramdam ng selos dahil wala siyang karapatan na maramdaman iyon, walang wala. Hindi rin niya iyon dapat na maramdaman dahil alam niyang hindi tama. "Mom is very lucky to have you." "No. I'm lucky to have her. If wouldn't for her, baka nasa mental hospital na ako ngayon. Siya ang nag-alis sa akin noon sa kalungkutan." Tiningnan niya ito. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito dahil wala siyang kaalam-alam sa pagkatao nito. Saglit siya nitong tiningnan bago muling itinuon nito ang tingin sa daan. "Let's just go there then go home," anito. Hindi na niya ito sinagot. Tumahimik na lang din siya hanggang sa makarating sila sa Flower Farm. Hindi malabis ang pagkamangha ni Kylie habang tinatanaw ng tingin ang paligid ng flower farm. Nasa bungad pa lang sila pero hindi na matawaran ang ganda ng lugar na iyon. Bumaba na rin siya nang bumaba si Rome sa sasakyan. Dumiretso ito sa ticket booth para magbayad ng entrance nilang dalawa. Tinatakan sila ng lalaki sa braso nang makabayad si Rome. "Let's go," anito na nauna nang maglakad. Nang tuluyan silang makapasok, ang ganda sa labas ay walang wala sa ganda na nasa loob. Mabilis niyang nilabas ang mamahalin niyang cellphone at isa-isang kinunan ang paligid. Kung titingnan mo, ang mga bulaklak ay tila kumikinang sa ilalim ng sinag ng araw. Nang makita niyang dumapo ang magandang paro-paro sa kulay lilac na bulaklak ay agad niya iyong kinuhaan ng litrato. Ever since she was a child, pangarap na niya ang maging photographer. Kaya nag-eenjoy talaga siya kapag ganito na nakakakita siya ng magagandang view para picturan. "Your mom will love this place," sabi ni Rome dahilan para ikatingin niya rito. "Balik tayo rito kapag bumuti ang pakiramdam niya," sabi nito na tumingin sa kanya. "Yeah, sure." Tinutigan niya ito. Dapat niyang sulitin ang araw na kasama niya ito dahil nasisiguro niyang hindi na mauulit ang ganitong pagkakataon. "Let's go there," aniya na tinuro ang tulay na pinuno ng ibat-ibang mamagagandang klase ng bulaklak. Pagkarating nila doon ay wala pa rin siyang ibang inatupag kundi ang kuhaan ng litrato ang magagandang bulaklak. "Give me your phone. Kukuhaan kita ng litrato," anito na ikinagulat niya. "K-kukuhaan mo ko ng litrato?" "Yes." "O-okay." Inabot niya ang cellphone rito at pumuwesto sa gitna ng tulay na gawa sa kahoy at nag pose." "Okay. 1, 2, 3.. " Pagkatapos siya makuhaan sa ganu'ng pose ay ginawa naman niya ang iba't ibang pose. "Beautiful," sabi nito na ikinatibok ng puso niya ng mabilis. Nang makita ni Rome ang naging reaksyon niya ay tumikhim ito at agad na ibinalik sa kanya ang cellphone. "Sa ibang spot naman tayo," anito na naunang naglakad. Hawak ang pisngi na sinundan niya ito. Sunod nilang pinuntahan ay ang flower river. "Oh my gosh!" Hindi niya napigilang bulalas nang makita ang paligid ng river. Ang ilog ay napapalibutan ng ibat-ibang magagandang bulaklak, hindi lang iyon meron din doon na iba't ibang kulay at laki ng paro-paro. Ang tubig din ay maraming nakalutang na mga bulaklak. Mula sa falls meron din mga kasamang bulaklak na bumabagsak. "Ang ganda!" aniya. "Gusto mo kuhaan ulit kita ng litrato?" alok ni Rome. "Sure," aniya na agad iniabot ang cellphone rito sabay pose sa may tabi ng puno at nakikita rin sa view ang magandang ilog. Itinutok sa kanya ni Rome ang camera ng cellphone niya tsaka ito nag bilang at narinig niya ang pag-click ng camera. "Thank you." Akmang kukunin na niya ang cellphone mula rito ay may babaeng lumapit sa kanila. "Gusto niyo bankuhaan ko kayong dalawa ng litrato?" tanong nito habang malapad na naka ngiti. "K-kami?" "Oo. Para may picture naman kayong mag-jowa. Ang ganda niyo pa namaj pagmasdan," sabi ng babae. "Sure. Thank you," si Rome. Nagtataka na tiningnan niya si Rome dahil hindi man lang nito tinama ang maling tingin sa kanila ng babae. Inabot ni Rome ang cellphone sa babae tsaka ito tumabi ng pagkakatayo sa kanya. At sa hindi niya inaasahan ay inakbayan siya nito. "Smile, Kylie," anas nito na ang mga mata ay nasa camera. Kurap-kurap na tumingin siya sa camera ng cellphone niyang hawak ng babae. Suaulitin talaga niya ang pagkakataon na ito. Ang isa niyang braso ay yumakap sa bewang ni Rome tsaka siya ngumiti sa harap ng camera. Pagkatapos nilang kuhaan ng litrato ay nagpasalamat sila sa babae. Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang tiningnan niya ang kinuha sa kanilang litrato. "Nagugutom ka ba? Let's eat," anito na hinawakan siya sa braso at iginiya siya palapit na maliit na kainan na gawa sa kahoy ay puno rin iyon ng mga bulaklak. "What do you want to eat?" tanong nito habang ang mga mata ay nasa menu." "I want flower ice cream," aniya. "What flavor?" "Gumamela," "Okay." Habang ito ay bumili sa counter siya naman ay naghanap na ng mauupuan nilang dalawa. Pumuwesto siya sa may bandang bangin para tanaw nila ang malawak na karagatan na nasa ibaba niyon. Napapikit siya at suminghot ng sariwang hangin. Kung pwede lang sana na forever silang ganito ni Rome, pero alam niyang hindi at imposible. Mali man niyang isipin na kung marahil wala ang mommy niya baka may pagkakataon na sila ngayon ni Rome. "Kain na," sabi ni Rome na ikinadilat niya ng mga mata. Inilapag ni Rome ang tray na naglalaman ng flower ice cream, flower waffle, fries, burger at flower tea saka ito naupos sa kaharap niyang upuan na yare sa puno. "This place is a really breathtaking sight," aniya. "Yeah. That's why my abuello loves this place so much. Ayaw niyang iwan ang lugar na ito." "Oo nga pala, nasabi mo na dito ka nagkaisip at lumaki. I never had a chance to ask you where your parents are?" tanong niya habang nagsisimula ng kumain. Nilunok muna nito ang nginunguyang pagkain bago siya sinagot. "Maliit pa lang ako hiwalay na ang mg magulang ko. Nang iwan ni dad si mom, nagpunta si mom sa America at iniwan ako sa lolo ko kaya siya ang nagsilbing magulang ko. Noong nag-eighteen ako kinuha ako ni mom at doon pinag-aral sa America hanggang sa magtapos ako ng college. Nang mag-asawa ulit si mom, I decided to go back here and help my abuello to run his company," mahabang kwento nito. "If you don't mind, bakit naghiwalay ang parents mo?" curious niyang tanong. "Because my dad became obsessed with my mom." "Hindi ba ganu'n naman ang pagmamahal?" kunot ang noong tanong niya. "No. That's not love. Kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo siya ikukulong sa mga bagay na ayaw niya. Sinakal ni dad ng sobra si mom. So their relationship didn't work." Napatango siya kahit hindi niya pa lubusang maintindihan. "You'll understand when you get older." Napanguso siya. "I'm older enough to understand what love is." "No. You're still a child. Oh wait." Napatigil siya nang punasan ni Rome ang gilid ng labi niya gamit ang hintuturo nito. Kahit man ito ay nagulat sa nagaw. "Umh... Pagkatapos mong kumain umuwi na tayo," anito na umiwas ng tingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD