"BAKIT mukhang bad mood ka?" tanong ni Jerusalem sa kanya pagkatapos ng meeting nila.
"Don't ask," wala sa mood na sabi niya.
Wala siyang ganang makipag-usap kahit na kanino ngayon lalo na kung hindi related sa trabaho. Gusto nga niyang batukan ang sarili dahil kung umasta siya at para siyang batang may LQ sa jowa niya.
Aminado siyang wala siya sa mood dahil sa nangyari kagabi, dahil sa pagtatalo nilang dalawa ni Kylie at idagdag pa na sumama ito sa Dave na iyon.
"Sige kung ayaw mong sagutin si Kylie na lang ang tatanungin ko."
Akmang aalis ito sa tabi niya nang mabilis niya itong pinigilan sa braso.
"Ngayon alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan and it's because of your stepdaughter," anito sa mahinang boses.
Masama niya itong tiningnan. "Fine! Dahil nga sa kanya. Happy now?"
"May LQ kayo?"
"What? Wala," pagsisinungaling niya.
"Sige, si Kylie na lang ang tatanungin ko—"
"What the hell— fine! We have a problem, pero hindi iyon LQ."
"Ano naman ang problema niyo?" usisa pa nito.
Kunot ang noong tinitigan niya ito. "Kailan ka pa naging chicmosa, Jerusalem? Banal pa naman din 'yang pangalan mo pero pakialamera ka," puno ng sarkasmo niyang sabi.
Natawa ito. "Kung umakto ka kasi daig mo pa ang teenager na nasawi sa pag-ibig."
"Ang dami mong napapansin."
"For your information, hindi lang ako ang nakakapansin pati na ang mga empleyado mo."
Ganu'n ba siya ka-transparent?
"Hindi ka sumasagot at lalong pagalit ka kung magsalita. Dahil sa sinasabi mong problema naaapektuhan ang trabaho mo. Ano bang nangyari? Hindi ka naman dating ganyan."
Napakunot noo siya. "Anong hindi dating ganito?"
"Ganyan 'yung apektado lahat. Kahit may problema ka you always stay calm. But now? You're really different."
Nagbuntong-hininga siya. Aminado naman siya lately na nagiging mainitin ang ulo niya kahit sa maliit na bagay basta may kaugnayan kay Kylie. Aminado rin siya na hindi siya ganito noon kahit pa noong buhay pa si Tanya at nalaman niyang may taning na ang buhay nito. Ngayon lang siya naging ganito and it's because of Kylie.
"Care to tell me?" tanong nito nang silang dalawa na lang ang naiwan sa conference room.
Dapat nga ba niyang sabihin dito ang namagitan sa kanila ni Kylie?
"No need. Hindi ka rin naman makakatulong," aniya na inayos ang mga papeles na nasa harapan niya.
"Try me," pangungulit nito.
"Hindi na. Magiging maayos din ang lahat."
"Did you do something not right to Kylie?"
Natigilan siya. "Like what?"
"Ginawa mo ang dapat na hindi mo ginawa and in the end nagsisisi ka kung bakit mo 'yon ginawa?"
Hindi siya nakapagsalita.
"Silent means yes?"
Marahas siyang nagbuntong-hininga. Naliban kay Dave ay kilalang kilala na siya nito.
"Why did you do that? Akala ko ba hindi mo magagawang maakit sa tukso?"
"Sinubukan ko pero nadala ako dahil sa alak," aniya.
"Dahil nga ba sa alak o dahil sa ginusto mo rin? Kilala kita Rome, hindi ka basta madadala ng alak kaya imposibleng dahil sa alak kung bakit mo nagawang kunin ang kainosentihan ng stepdaughter mo."
"Hindi pa umabot sa ganu'n. Nagawa kong kontrolin ang sarili ko."
"Hanggang kailan mo makakayang kontrolin ang sarili mo? Kapag nasagad ka na?"
Nagbuntong-hininga siya. Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
"What you should do is stay away from that girl. Umiwas ka na hanggat maaga pa bago ka pa makagawa ng bagay na ikasisira mo."
"Paano?"
"Get married again."
NAPATAYO mula sa pagkakaupo sa swivel chair si Kylie nang makita niyang lumabas mula sa elevator ang ina ni Rome pati na rin ang kapatid nitong si Lancelot. Natigilan pa ang ginang nang makita siya.
"G-Good morning po, Ma'am," aniya na hindi alam ang gagawing pag-approach sa ginang.
Simula naman noong ikasal ang mama niya at si Rome ay wala silang magandang pag-uusap nito dahil against ito sa pagpapakasal ng dalawa.
"What are you doing here?" tanong nito sa kanya imbis na gantihan ang pagbati niya.
"Mom,"
Sabay silang napatingin kay Rome nang lumabas ito mula sa conference room kasama si Jerusalem.
"Nakauwi ka na pala. Bakit hindi mo 'ko sinabihan para sunduin ka," si Rome na yumakap at humalik sa ina nito.
"Because I wanted to surprise you."
"Nasopresa mo nga ako," nakangiting sabi ni Rome.
"Hi, Tita Veronica! Long time no see," bati naman ni Jerusalem. "Hey Lance. How are you?"
"I'm good."
Nang muli siyang tingnan ng ginang ay tumikhim si Rome. "Doon tayo sa opisina ko." Inakay ni Rome ang mga ito papasok sa loob ng opisina ni Rome.
"Bumili ka ng miryenda at pakidala sa loob," si Jerusalem. Inilapag nito ang tatlong libo sa lamesa. "Thanks," sabi nito bago sumunod kia Rome papasok sa loob ng opisina.
Bagsak ang balikat na sinunod niya ang utos ni Jerusalem. Dahil alam niya ang gusto ng mga ito ay sa isang mamahaling coffee shop siya nagtungo at binilhan niya ng miryenda ang apat. Pagkabili ay agad na rin siyang bumalik sa opisina.
Tatlong katos muna ang ginawa niya bago niya tinulak pabukas ang pinto. Napatingin sa kanya ang apat nang pumasok siya.
"Excuse me, ito na ang miryenda niyo." Isa-isa niyang inilapag ang mga pinamili sa paikot na lamesa.
"Ngayong byudo ka na, bakit hindi ka ulit mag-asawa?"
Natigilan siya sa sinabing iyon ng ina ni Rome. Alam niyang sinadya nitong marinig niya iyon.
"Bakit hindi niyo ituloy ni Isabella ang naudlot niyong pagpapakasal sana noon?"
Mas lalo siyang natigilan sa sinabi ng ginang. So, may nakaraan pala si Rome at Isabella kaya ganu'n na lang ang tagpo ng dalawa nang makita niya.
"Nagkita na ba ulit kayong dalawa?" tanong naman ng ginang.
"Yes. Nandito siya noong nakaraang araw."
"Mabuti kung ganu'n. Alam mo namang gustong-gusto ko ang batang 'yon. Ewan ko ba sa'yo kung bakit nagawa mong magpakasal sa babaeng—"
"Mom, please," pigil dito ni Rome.
"Bakit totoo namang disgrasyada ang ina ng batang 'yan."
"Mom, please stop."
Kuyom ang kamaong lumabas siya sa opisina ni Rome. Kinuha niya ang bag niya at walang paalam na umalis. Hindi niya alam kung saan siya pupunta basta ang gusto lang niya ay malayo sa lugar na iyon pati na kila Rome.
"YOU shouldn't have said that in front of the kid," sabi ni Rome pagkalabas ni Kylie.
"Abay nagsasabi ang naman ako ng totoo na disgrasyada ang ina niya. Mabuti nga at namatay na ang babaeng iyon nang makalaya ka na sa kalokohan mo!"
"Mom, hindi naman tama na pagsalitaan mo ng hindi maganda ang asawa ko."
"Asawa mo? My god, Rome, patay na ang babaeng tinatawag mong asawa!"
"Even so. It's still not right for you to disrespect her, especially, she is no longer here to defend herself," mariin niyang sabi.
Hindi naman talaga siya makakapayag na pagsalitaan ng hindi maganda nang kahit na sino si Tanya maski pa ang kanyang ina kahit na wala wala na ang asawa niya.
Noon pa man nang ipakilala niya si Tanya rito ay lantaran na ang pagdisguto nito kay Tanya. Tinuloy niyang pakasalan si Tanya kahit pa todo pigil ang kanyang ina.
"Bakit ba nandito ang batang 'yan?" maya'y tanong pa nito.
"Nag-ojt siya rito sa kumpanya ko."
"Don't tell me, sa'yo pa rin nakatira ang batang 'yan?"
"Yes. Nakiusap si Tanya na ako muna ang mag-alaga sa anak niya hanggang sa mag eighteen years old siya. Isa pa, may karapatan si Kylie sa mansion dahil conjugal property namin iyon ni Tanya," hindi niya tinanggi ang bagay na 'yon.
"What?! Nahihibang ka na ba, Rome? Hindi mo na obligasyon ang batang 'yan. Kung ano man ang mangyari sa kanya ay wala ka na pananagutan pa 'dun!"
"Hindi naman pwedeng basta ko na lang pabayaan ang bata porket wala na si Tanya."
"Bigyan mo ng bahay at pera. Enough na 'yon para makapagsimula siya ulit."
"Hindi sapat 'yon. Minorde-edad pa rin siya para pabayaan na lang. Kailangan pa rin niya ng patnubay ng nakakatanda."
Nagbuntong-hininga ito. "Sana nga magawa mo siyang itakwil sa buhay mo kapag tumuntong siya sa tapang edad. Ayoko na ng sakit sa ulo. She don't deserve our family at lalong hindi ko siya matatanggap na maging miyembro ng pamilya natin. Never!"
Napabuntong-hininga siya. "Please let's not talk about her. Iyan ba ang ipinunta mo rito?"
"Mag-usap na lang tayo sa ibang araw." Tumayo na ito. "Nagagawa talagang sirain ng mag-inang 'yan ang araw ko," sabi pa nito bago ito tuluyang lumabas ng opisina niya.
"See you when you see me, brother," si Lancelot na sumunod sa kanilang ina.
"See that? Malaking gulo kapag hindi tuluyang iniwasan si Kylie. Kaya kung ako sa'yo hanggat maaga pa at hanggang kaya mo pang umiwas, layuan mo na ang batang 'yon."
"Hindi ganu'n kadali ang gusto ninyong mangyari. Kailangan pa rin ni Kylie ng gagabay sa kanya."
Tinaasan siya nito ng kilay. "Iyon lang ba talaga ang inaalala mo? O baka naman hindi mo magawang iwanan si Kylie dahil gusto mo na siya?"
Natigilan siya. Gusto na nga ba niya si Kylie?
"Silent means yes. Don't deny it. I'm telling you, Rome, malaking gulo itong papasukin mo kapag hindi ka pa nag-isip-isip ng tama."
Ano nga ba ang dapat niyang gawin?