Chapter 2

1880 Words
"What if bakla talaga siya?" Pinagdilatan ko ng mata si Mayyang nang marinig ang sinabi niya tungkol kay Harvey. Naibahagi ko sa kanya ang tungkol sa sinabi sa akin ni Megan kanina. At magmula nong time na 'yon ay halos matulala na ako kakaisip kung ano ang ibig niyang sabihin. Ni hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko kay Harvey. "Hoy! Hindi bakla ang Papa Harvey ko, imposible 'yang sinasabi mo." Depensa ko't inirapan siya. Padabog kong isinubo 'yong tinuhog kong spaghetti sa hawak kong tinidor. Halos mawalan na 'ko ng gana kakaisip kay Harvey. "What if lang naman 'di ba?" Tugon niya na animo'y kinukumbinsi ako. "At what if, may iba siyang gusto?" "Isusumpa talaga kita kapag 'di ka pa tumigil diyan sa kakawhat if mo." Pagbabanta ko't itinuro sa kanya 'yong hawak kong tinidor. Mabuti na lang napigilan ko ang sarili ko't baka naitusok ko sa mata niya 'yon. Akala ko pa naman makakatulong siya sa problema ko, mas lalo pala niya akong papatayin sa pag-ooverthink. Psh. "Eto naman, hindi mabiro." "Wow! Biro pa lang 'yong sa'yo? Tangina, halos apakan mo na pagkatao ko sa mga what if mo tapos sasabihin biro lang 'yon?" Pangrarant ko sa kaniya at konti na lang ay sasabunutan ko na siya. Pinagtawanan niya lamang ako. Hindi na'ko umimik pa at iniwan na lang siya para bayaran 'yong kinuha kong spaghetti saka coke. Pagkatapos ay bumalik ako sa pwesto namin kanina upang kunin 'yong mga gamit ko. "Uy! Nagbibiro lang naman e." Panunuyo nito, napansin niya ang panglukot ng mukha ko sanhi ng pagsimangot ko. Nakanguso pa ako na animo'y bibe. Nagdadabog akong naglakad palabas ng kantina, sinundan naman niya ako pero hindi ko siya pinansin. "Oo na, hindi na bakla 'yong Papa Harvey mo. Binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina." "Wala na, nasabi mo na e." Pag-iinarte ko saka nagmamartsang naglakad ulit. Napansin kong napakamot siya sa kanyang ulo at pasimpleng bumuntong-hininga. Wala na siyang maisip na ibang paraan para suyuin ako kaya namaj nanahimik na lang siya habang nakasunod sa akin. Kahit anong pagwiwili ang gawin ko sa sarili ko, naiisip ko pa rin si Harvey. Aaminin ko, nagdududa na rin ako sa kanya. Pero, wala naman akong sapat na katibayan para maniwala sa lahat ng paninira ni Megan sa kanya. What if sinisiraan lang siya ni Megan sa akin. Bukod kasi sa inggit ang babaeng 'yon sa katalinuhan ko, maski kagandahan ko hindi niya pinalampas. Inggiterang palaka talaga siya kahit kailan. "He loves me, he loves me not. He loves me, he loves me not." Halos maduling na ako kakatingin sa hawak kong bulaklak na nasa kamay ko habang isa-isang inaalis ang mga petals noon. Gigil na gigil akong malaman kung mahal ba ako talaga ni Harvey o hindi. Masasabi na bang baliw ako't inaalam ko sa bulaklak ang magiging kapalaran ko? Namilog ang mata ko pagkaalis sa huling petals nung bulaklak. Nagulat si Mayyang sa biglang paghiyaw ko't pagyugyog sa balikat niya. Napatingin rin 'yong mga taong kasabay namin na naglalakad sa hallway ngunit hindi ko magawang mahiya. "Omg! Mayyang, he loves me!" Pagkatapos ay humiyaw ulit ako ng malakas. Halos mapatakip pa siya sa kanyang teinga sa lakas ng boses ko. "Aray naman, kumalma ka nga." Suway nito sa akin, pilit niya akong pinapakalma dahil siya ang nahihiya sa pag-eeskandalong ginagawa ko rito sa may hallway. "Umayos ka, Yumi, pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Pinagdilatan niya pa ako at pasimpleng kinurot, hindi naman 'yon masakit kaya hindi ako napaaray. "Mayyang, he loves me." Saka ako tumili ulit ng malakas, nasabunot ko pa siya ng malakas kaya napahiyaw siya. "Omg! Harvey loves me. Sabi sa'yo e." "Tanga ka talaga 'no? Pati bulaklak 'di mo pinalampas. Maski dyan nagpapaniwala ka? Adik ka ba?" "Adik kay Harvey." Sinabunutan niya ako ng mahina dahil sa sinabi ko. Halos isumpa na ako ng kaibigan ko sa mga pinaggagagawa ko. Kaya naman bago pa siya 'di makapagtimpi sa akin, nauna na siyang pumasok sa classroom samantalang ako bumalik sa canteen upang bumili ng makakain para kay Harvey. Magkikita kami mamaya sa park, nakakahiya naman kung wala akong ibibigay sa kanya. Kulang na lang ay sambahin ko si Harvey sa utak ko. Kahit nasa kalagitnaan ako ng klase, siya ang iniisip ko. Hindi ako makafocus kakaisip sa kanya. Nagdadaydreaming ako sa kanya kung tutuusin. Sa kanya na halos umiikot ang mundo ko. Malakas naman ang boses ni Maam Percy pero wala manlang akong marinig kahit narito mismo ako sa harapan. Halos masulatan na niya 'yong buong blackboard at halos maubos na ang oras niya ay wala pa rin akong naiintindihan sa mga pinagsasasabi niya. Nalulutang ang buong sistema ko dahil kay Harvey. Iba nga talaga kapag inlove. "What do you think is the answer, Yuzhen Mie?" Biglang tanong sa akin ni Maam, narito na siya sa harapan ko. "I think he loves me, Maam." Nabalik lamang ako sa reyalidad nang marinig ang malakas na tawanan ng mga kaklase ko. At doon naproseso sa utak ko ang naging sagot ko sa tanong ni Maam. Salubong ang kilay nito na tumingin sa akin habang nakakrus ang kanyang mga braso sa dibdib niya. Sobrang sama ng tingin niya sa akin at mukhang nahalata niyang hindi ako nakikinig sa pagdidiscuss niya. Kaya naman napakagat ako sa pang-ibabang labi ko't napakamot ng bahagya sa ulo ko. "Anong pinagsasasabi mo, Yumi? Are you listening to my discussion or not? Kanina ka pa tulala at mukhang hindi nakakasabay sa pagdidiscuss ko. Isa't kalahating oras na akong nakatayo rito't nagdadada, tulala ka pa rin na parang walang sa sarili." Panenermon nito sa akin, napayuko ako dahil sa hiya. "Sorry po." Ani ko. "Maam, parang 'di ka naman po sanay kay Yumi. Malamang nagdadaydreaming na naman siya sa crush niya." Sinabayan pa ni Megan ng mapang-asar na tawa. Sinabayan rin siya ng mga alipores niyang pinaglihi sa kuto. At dahil sa sinabi ni Megan, gulat na tumingin si Maam Percy sa akin. Nagtama ang tingin namin at ako 'yong unang umiwas. Tiyak tatalakan na naman ako nito, dinaig niya pa si Mama at Ate. Naiinis ako ng sobra kay Megan kaya pasimple ko siyang pinagtaasan ng kilay at inirapan. Kahit kailan talaga epal ang bruhang 'yon. Wala na yata siyang ginawa kundi abangan ang mga mangyayari sa buhay ko. Siya kumbaga 'yong number one basher kong ubod naman ng kapangitan. "Yumi, baka naman pwedeng sa oras ng klase ko ay isantabi mo 'yang pagnanasa mo dyan sa crush mo? Alalahanin mo, running for valedictorian ka. Matalino ka't masipag mag-aral, huwag mo namang hayaan na dahil lang sa lalaki ang sisira sa'yo." Tumango ako dahil may katwiran naman si Maam. "Sorry po ulit, Maam." "It's okay but promise me hindi na 'to mauulit pa." "Opo." Sinubukan kong makinig sa discussion ni Maam Percy kahit fifthteen minutes na lang ay time na. Pero kahit anong gawin ko si Harvey talaga ang naiisip ko. Napasabi na lang ako sa sarili ko na sa quizzes at exam na ako bumawi. Hindi naman mahirap aralin 'yong mga lesson ni Maam Percy. Kaya ko naman magself study kaya for sure hindi ako mahihirapan. "Class dismiss." Anunsyo ni Maam kaya dali-dali kong inayos ang mga gamit ko't patakbo na akong lumabas ng classroom namin. Hindi ko alam kung ilang tao 'yong nabangga ko habang nakikipag-unahan ako sa gate palabas. Ni hindi ko nagawang humingi ng 'sorry' dahil sa pagmamadali. At dahil malapit lang din ang park dito ay tinakbo ko na. Nagdoble ingat pa 'ko dahil dala ko 'yong pagkain na ibibigay ko kay Harvey. At sa bawat minuto na lumilipas ay nararamdaman ko ang kakaibang pagtibok ng puso ko. Baka normal lang 'to dahil humihingal ako sa pagtakbo. Hindi ko na lang 'yon pinansin at nagmadali pa lalo dahil nakakahiya kung malate ako. "Yumi.." Para bang nawala 'yong pagod ko sa pagtakbo pagkarinig sa boses ni Harvey. Nakaupo na siya sa may bench at mukhang kanina pa niya ako hinihintay. At sa takot na baka maturn off siya sa akin, pasimple kong inayos ang sarili ko. "Hi Harvey, sorry nalate ako. Kanina ka pa ba?" Usal ko. Linapitan ko siya at pasimpleng naupo sa tapat niya. Ibinaba ko 'yong bag ko sa right side ko saka iniabot kay Harvey 'yong dala kong pagkain para sa kanya. "Para sa'yo nga pala." Alanganin niyang kinuha 'yong paperbag na inaabot ko sa kanya pero kalaunan ay kinuha niya rin ito. Ngumiti siya ng maliit sa akin pagkatapos ay tumingin sa ibang direksyon. Para naman akong timang na nakatitig sa kanya ng diretso. Kaya naman noong nailang siya ay napakamot ito ng ulo at nagsalita. "Ba't ganyan ka makatingin sa'kin, Yumi?" Naiilang nitong tugon sa akin. Sinuri niya pa ang kanyang sarili kung may mali ba dahil sa kakaibang titig ko sa kanya. "Ang gwapo mo talaga, para kang anghel na bumaba mula sa langit." Malanding usal ko at pinisil ang kaliwa niyang pisngi saka humagikgik ng mahina. Nagulat naman ako ng marahan niyang hulihin ang palapulsuhan ko't inalis iyon sa pagkakahawak ko sa pisngi niya. Buong pagkatao ko talaga ay nagulat sa ginawa niya. Tumingin ako sa mga mata niya ngunit parang umiiwas siya. Sinusubukan ko siyang kausapin sa mata pero umiiwas talaga siya. Kaya naman ang masayang puso ko kanina ay napalitan ng pangamba. Pakiramdam ko talaga ay may mali kay Harvey. "Bakit?" Tanong ko. "I'm sorry, Yumi." Usal niya, kinabahan naman ako pagkarinig sa sinabi niya. "Sorry kasi nairealize mong mahal mo na'ko? Harvey, it's okay." Mungkahi ko't tinusok ang dibdib niya gamit ang isang daliri ko. Hindi manlang siya ngumiti o tumawa manlang. "Let's stop this, ayoko ng ganitong setup, Yumi." Seryosong usal niya, nakatitig ako ng diretso sa kanya dahil inaabangan ko talaga ang mga susunod niyang sasabihin. Omg! Hindi kaya magcoconfess na siya sa'kin? "Harvey, ano ka, alam mo namang gustong-gusto kita 'di ba? Dapat una pa lang sinabi mo nang ayaw mo ng ganitong setup para sana hindi ka na nahirapan." Usal ko. "Yumi, hindi ganon.." "Eto naman, ang dami-dami pang pasikot. Bakit hindi mo nalang aminin na mahal mo'ko. Hindi naman na kita pahihirapan pa e. Kung ayaw mo na ng ganitong setup, edi totohanin na natin. Mahal kita, mahal mo'ko 'di ba? Ano pang ginagawa natin, let's make it official na. Don't get me wrong, hindi porket 'di na 'ko magpapaligaw ay easy to get na. Sadyang mahal lang kita kaya ayaw na kitang pahirapan pa." Naeexcite kong usal na abot hanggang teinga ang ngiti ko. "Tsaka alam mo ba, kahit ang daming nagsasabi na may baho ka raw tinatago, hindi ako naniniwala. Baka nga mas mabaho pa sila kaysa sa sikreto mo 'di ba? Hahaha! Lalo na 'yong Megan na 'yon na akala mo naman maganda e pinaglihi naman sa kuto." Pagpapatuloy ko. Ito ang pinakahihintay kong mangyari sa lahat. May kabayaran na rin lahat ng paghahabol ko sa kanya. Sulit na kumbaga lahat ng gastos ko sa kanya at pati na rin 'yong mga pagpupuyat ko para kulitin siya sa messenger gabi-gabi. "Yumi.." "Bakit parang 'di ka masaya? Ayaw mo bang maging official lo----" "Bakla ako, Yumi." Halos malaglag ang panga ko pagkarinig ng sinabi ni Harvey sa akin. Para bang huminto ang buong mundo ko't nagpaulit-ulit sa pagdinig ko ang boses ni Harvey. No! This can't be real!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD