bc

Yes, I do, Father (Paghanga Series #1)

book_age16+
22
FOLLOW
1K
READ
HE
tragedy
bxg
highschool
small town
rejected
civilian
like
intro-logo
Blurb

Si Yuzhen Mie Aquino ay isang babaeng nangarap mahalin ng totoo. Sa pangarap na mahanap ang 'the one' ay halos lahat ng lalaking kaniyang natitipuhan ay tinuturing niya itong crush. Isang araw, makikilala niya ang isang lalaki na kakaiba sa lahat ng naging crush niya. Bukod sa nakakaakit na itsura ni Oli ay naakit rin si Yuzhen Mie sa kakaibang pag-uugali nito. Kaya naman ginawa niya lahat para mapansin siya ng lalaki. Brian Oliver Sarmiento ay isang nagsisilbi sa simbahan bilang isang sakristan. Mas mahalaga sa kaniya ang responsibilidad sa simbahan kaysa sa paglalakwatsa o pakikipagrelasyon. Hindi bago sa kaniya na pinagkakaguluhan at hinahabol siya ng mga kababaihan ngunit may isang tao na tatatak sa kaniyang isipan. Mamomoblema siya ng sobra kung paano takasan ang pangungulit ni Yuzhen Mie sa kaniya.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Best wishes, Yumi. Sa wakas, ikakasal ka na rin sa kaniya." Nag-iimpit sa kilig na pagbati ni Mayyang sa akin nang pumasok ito sa kwarto kung saan ako namalagi upang bihisan ng makeup artist na ni-hire ko. Maingat niya akong niyakap para hindi magulo 'yong buhok ko na katatapos lang ayusin ni Ferry, ang bakla na pinsan ko. "Thank you so much, Bestie." Mangiyak-ngiyak na wika ko. Tinugon ko ang yakap niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tuwa sa bawat paalala na sinasabi niya sa akin. Hindi lang ako ang masaya sa araw na ito kundi pati na rin ang mga taong nakapaligid sa akin. Today is my wedding day. Hinintay ko ang araw na ito dahil bata pa lamang ako, pinangarap ko na 'to. Pinangarap ko nang makasal sa taong magmamahal sa akin ng totoo. Ganito pala talaga ang pakiramdam, hindi ko maipaliwanag 'yong tuwa at excitement. 'Yong mga napapanood ko lang sa mga telebisyon, heto, mangyayari na sa akin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko kaya bago ako humiwalay sa mapapangasawa ko kagabi ay umiyak ako ng todo sa harapan niya. Bata pa lamang ako, pangarap ko na ring ikasal ng magarbo. 'Yong tipong maganda ang trahe de boda na isususot ko. 'Yong maganda ang mga isusuot ng mga abay ko na kasali mismo sa kasal ko. 'Yong tipong ang araw na 'yon ang pinakamagandang mangyayari sa buhay ko. Tapos maraming bisita ang darating para saksihan nila ang pag-iisang dibdib namin ng lalaking pinakamamahal ko. Dati, talagang minamadali ko ang panahon. Hinihiling ko na sana ibigay na kaagad sa akin 'yong lalaking mamahalin ko nang sa ganoon ay makapaghanda ako. Hiniling ko na kapag 'yong unang crush ko, iyon na mismo ang mapangasawa ko. Hiniling ko na sana kung sino ang nangako sa akin ng panghabambuhay na kasal, iyon na ang mamahalin ko. Ngunit, hindi pala porket humiling ka ay diringgin at tutuparin talaga ng tadhana. Matapos ang madamdaming pag-uusap namin ni Mayyang, naiwan ako rito sa kwarto kaya naman nagmuni-muni muna ako. Tumayo ako at sinuri ang wedding gown na isusuot ko. Hinawakan ko ang mga diamond na nakapalamuti rito at namamangha pa rin ako kahit ilang beses ko na itong nakita at hinawakan. Pumikit ako at sinabi sa sarili kong ikakasal na ako sa araw na 'to. Sa loob-loob ko, talagang masaya ako pero hindi ko maintindihan kung bakit para may kulang. Hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi kasing saya ang puso ko ngayon kagaya sa inaasahan ko. He's the one who ruin my dream but I'm still into him. "Papakasalan kita balang araw, babe." Hinawakan niya ang kamay ko saka hinimas iyon ng bahagya pagkatapos ay hinalikan niya ang likod bf palad ko. Nakatitig lamang ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon sa akin. "Ni hindi nga tayo sigurado kung itinadhana talaga tayo para sa isa't isa e." Depensa ko saka ngumuso na parang bata. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa saka pinisil nito ang pisngi ko. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko at kanya 'yon iniipit sa likod ng teinga ko. Pagkatapos ay tinitigan niya ako ng diretso. "Diringgin ng Diyos ang panalangin ng mga tunay na nagmamahal, babe." Anito at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa mukha at napapikit ako noong maramdaman na hinalikan niya ang noo ko. Paano ako makakalimot sa nakaraan kung paulit-ulit akong binabalikan ng mga alaalang pilit kong binabaon sa limot. I was happy yet I'm sad. Masaya dahil nararamdaman ko naman 'yong pagmamahal na pangarap kong makuha galing sa taong pinili ko. Malungkot ako hindi dahil 'di ganoon kagarbo ang kasal ko o kasing cheap ng susuotin kong wedding gown, kundi dahil minumulto ako ng nakaraan ko. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin siya. Naaalala ko pa rin siya sa mga bagay-bagay patungkol sa kanya, sa mga lugar na dati naming pinupuntahan. Lahat sariwa sa utak ko at kahit anong pilit kong paglimot, hindi ko kaya, hindi ko magawa. Dahil para sa akin, dumating na ang tamang tao, kaso pinahiram lang pala. "Yumi, isusuot mo na ang wedding gown mo." Hindi ko namamalayan na pumasok si Ferry sa kwarto kaya dali-dali kong inayos ang sarili ko. Nginitian ko siya at tinulungan niya akong isuot ang medyo magarbo kong wedding gown. Humarap ako sa salamin at namangha ako sa hitsura ko. Napakaganda ko. Pinuri rin ako nina Ferry at para daw silang nakakita ng totoong prinsesa. "Ang ganda-ganda mo, Yumi." Papuri ni Mama at niyakap ako. Yumakap na rin si Papa sa akin. Naiiyak na naman ako dahil bukod sa akin, masaya rin sila sa araw na ito. Natagalan kami sa loob ng kwarto dahil kinunan pa kami ng litrato nina Mama. Pagkatapos ay bumaba na kami, todo alalay sila sa akin hanggang sa makapasok ako sa wedding car. Nauna nang umalis ang sinakyan nina Mama at nahuli itong akin. At habang nasa byahe ako, sinabi ko sa sarili ko na wala nang bawian ito. Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ito ang nakatadhana sa akin kaya tatanggapin ko. Puno ako ng excitement at kaba, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Normal kaya ito? Imposibleng umatras siya sa kasal, apat na taon na kaming magkarelasyon. Kailanman hindi ko siya pinag-isipan ng masama. At habang palapit kami ng palapit sa simbahan, mas lalong lumalakas ang kabog ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Iniisip kung ano ang mga susunod na mangyayari. Kinakailangan kong maging handa . Huminto na ang wedding car sa tapat ng simbahan. Naabutan namin na nagkukumpulan ang mga tao sa labas. Gusto kong lumabas pero hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Parang may pumipigil sa akin na hindi ko alam kung ano. Hanggang sa lumapit si Ferry at kinatok ang bintana ng sasakyan. Mabilis ko 'yon na ibinaba at hinintay ang kanyang ibabalita. "Bestie, may problema." Puno ng pag-aalala sa kanyang boses, hindi rin siya mapakali. Kunot-noo ko siyang sinulyapan. "Bakit, hindi ba siya sumipot sa kasal namin?" Tanong ko sa kanya. Umiling ito. "Hindi makakarating 'yong Pari." "E paano na 'yong kasal namin? Hindi pwedeng 'di matuloy 'to." Depensa ko at umiinit na ang ulo ko. Napasapo ako sa noo ko't hindi na alam ang gagawin. Lahat ay problemado na kung paano matutuloy ang kasal namin. Pinakalma ako ni Ferry at sinabing dumito muna ako sa loob ng sasakyan at sila na ang bahalang umayos ng gulo. Pero, kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang mag-alala. Ibinuhos namin lahat ng pagod at puyat namin para sa araw na 'to, hindi pwedeng masayang dahil lang sa hindi makakarating 'yong pari. Napatingin kaagad ako sa labas nang patakbong lumapit si Mayyang. Todo ingat siya dahil baka matapilok siya dahil sa suot na gown, isa rin siya sa mga abay na kinuha ko. "Ano, naayos na ba? Matutuloy na ba ang kasal namin?" Kaagad kong tanong. Humihingal siyang tumango. "May pari nang mamununo ng misa sa kasal niyo." Napataas ako ng kilay nang mapansin ang kakaibang awra ni Mayyang pagkasabi noon. Dapat ay maging masaya siya dahil matutuloy din sa wakas ang kasal ko. Ngunit, hindi ganoon ang nababasa o nakikita ko sa mukha niya. Puno iyon ng pangamba at takot sa hindi ko malamang dahilan. "Bakit yata hindi ka masaya? ? May problema ba?" "Bestie, ano kasi." Hindi niya masabi ang nais niyang sabihin. Napakagat siya sa kanyang labi at nahihiya akong tinitigan. Sinundan ko siya ng tingin upang malaman kung bakit siya ganoon. "Mayyang, bakit?" "Yumi, hindi ko alam kung matutuwa ka ba o hindi." Pinagtaasan ko siya ng kilay at sinundan lamang siya ng tingin. "Si Father Oli kasi ang pari na mamumuno ng misa sa kasal niyo." Wika niya saka napayuko. Pagkarinig ko sa pangalan niya, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa o hindi dahil matutuloy ang kasal namin. Hindi lang basta alaala ang bumalik sa isip ko kundi pati na rin ang mga pangarap ko na plinano ko kasama ang isang tao. Bakit siya pa? Bakit sa ganitong pagkakataon pa ulit kami nagkita? Hindi ba pwedeng sa ibang lugar, sa ibang pagkakataon? Bakit sa araw pa mismo ng kasal ko? Bakit sa dinami-dami ng pari na sasalo sa misa, bakit siya pa? Bakit 'yong taong nangako sa akin ng kasal ang magiging pari mismo sa kasal ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
249.9K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.0K
bc

Rewrite The Stars

read
98.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook