"Tangina ka, all this time pinaglalaruan mo 'ko?" Pagmumura ko ng malala kay Harvey. Naibato ko sa kanya 'yong hawak kong libro at tumama iyon sa dibdib niya. Hindi ko napansin na umaray sya dahil hindi naman ganon kalakas ang pagkakabagsak ng libro.
"I'm sorry." Usal nito na parang aso na nagmamakaawa. "Gusto ko naman talagang umamin e kaso hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Yumi, napakabait mo kasing tao e, nakita ko 'yon simula nong araw na kinulit mo na ako. Siguro, nagpauto lang ako sa mga kaibigan ko kaya nagawa kong paglaruan ka." Pag-aamin niya na lalong ikinainis ko.
Hindi ko akalain na sa ganitong kalagayan mapupunta lahat ng effort na inilaan ko sa kanya. Akala ko talaga parehas kami ng nararamdaman. Akala ko nahanap ko na 'yong lalaking magmamahal sa akin ng totoo kagaya ng pinapangarap ko, pero nagkamali pala ako.
"Nagpauto ba talaga o sinadya mo?" Prangka ko rito at pinagdilatan.
Akma niyang hahawakan ang braso ko nang mabilis ko 'yon na iniiwas. Pakiramdam ko nandiri ako bigla sa kanya lalong-lalo na sa sarili ko. I respect the third gender pero sa ganitong klase ng tao, hindi ko yata kaya.
"Yumi, hindi ko intesyon na saktan ka." Usal niya at doon na lumitaw ang malabakla niyang boses. Napansin ko pa kung paano nagbago ang paraan ng pagsasalita niya't pagsasalita. At mukhang ipinapakita na niya sa akin 'yong totoong katauhan. Aaminin ko, hindi ko maiwasang masaktan dahil talagang minahal ko ng sobra si Harvey.
"Gago ka ba? Hindi mo intesyon pero tinuloy mo?" Saka ako tumawa ng mapakla. "Sinong ginago mo? Ang sabihin mo, sinamantala mo 'yong pagiging maeffort ko sa'yo. Ginawa mo 'kong tagasupply ng makakain mo't mga gusto mong gamit. Letse ka! Alam mo bang halos maiwaldas ko lahat ng ipon ko para sa'yo? Kung kailan ubos na saka ka lang umamin, ha? Tangina ka."
Muntik ko pa syang masampal dahil gigil na gigil ako. Mabuti na lang at nakayanan kong pigilan ang sarili ko. Paulit-ulit syang humihingi ng sorry sa akin pero para akong bingi na hindi sya naririnig. Gigil na gigil akong pagbuhatan sya ng kamay para sana mabawasan 'tong galit ko. Muntik ko ng makalimutan na matino akong babae dahil sa kanya.
"Sana mapatawad mo'ko, Yumi."
Napailing ako habang nakatitig ng masama sa kanya. "Gusto kitang gantihan pero Diyos na ang bahala sa'yo. Salamat sa pang-uuto mo sa'kin." Wika ko at tinalikuran na sya. At bago tuluyang makalayo sa gawi niya ay bumalik ako saka kinuha 'yong hawak niyang paperbag kung saan nakalagay 'yong mga pagkain na bigay ko sa kanya. "Akin 'to, hindi deserve ng manlolokong kagaya mo ang kumain ng ganito. Tangina ka." Pagmumura ko at padabog na hinablot sa kanya 'yung hawak na paperbag.
Dali-dali ko syang iniwan at wala akong nais sa mga oras na 'yon kundi ang mapalayo sa manlolokong 'yon. At habang binabagtas ang daan pauwi, hindi ko na napigilan pa ang mapaluha. Pakiramdam ko, nakagawa na naman ako ng napakalaking katangahan sa buhay ko. Halos sambahin ko na ang taong 'yon tapos sa huli, ako ulit 'yong talo.
Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko na bukas ang simbahan. Para bang may sariling utak ang mga paa ko na humakbang papasok roon. Puwesto ako sa pinakalikod, lumuhod ako at nakatingin sa harapan. At doon ko na halos hindi napigilan pa ang umiyak.
"Lord, ano bang mali sa'kin? Ano bang kasalanan ko't ayaw mo pang ibigay 'yong hinihiling ko sa'yo? May takot naman ako sa'yo e. Lahat naman ng nasa sampung utos mo sinusunod ko. Araw-araw naman akong nagpapasalamat sa mga biyaya mo't hindi ko nakakaligtaan na humingi ng tawad sa mga kamalian ko. Pagod na po akong umasa na mamahalin ako ng taong akala ko gusto rin po ako. Lord, ibigay nyo na po si the one sa'kin, please?" Umiiyak na tugon ko sa Diyos.
Nasanay ako na kapag may mali akong nararamdaman, sa diyos ko inilalabas. Doon ako mas komportable at kailanman walang makakapantay sa comfort na kaya nitong ibigay sa akin. At sana sa huling iyak kong ito ay dinggin na kaagad ng Diyos ang hinihiling ko.
Pagkarating sa bahay ay nagkulong ako sa banyo at doon umiyak ng todo. Mukhang napansin ni Mama ang kakaibang awra ko kaya sinundan niya ako hanggang sa labas ng banyo. Nakatatlong katok siya pero hindi ko pa rin pinagbuksan dahil humagulgol ako sa iyak.
"Yumi, bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Mama sa akin saka ulit sya kumatok sa pintuan ng banyo. Hindi ko sya sinagot bagkus tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Halos mahirapan na din akong huminga.
"Anak, nag-aalala ako dito, magsabi ka naman sa'kin." At doon na ako nakonsensya kaya pinagbuksan ko na siya. Walang sabi-sabi ko syang niyakap at naiyak sa dibdib niya. Naramdaman kong hinaplos niya ang likod ko at ginawa ang lahat para mapatahan ako.
"Mama, bakla si Harvey. Niloloko lang pala niya ako." Pagsusumbong ko na parang bata sa ina ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mama kaya naman napaangat ako ng tingin at sinimangutan siya.
Sumagot si Mama na nakangisi. "Sabing huwag kang maghabol sa lalaki e, 'yan tuloy, pinagtripan ka. Hayaan mo kasing ikaw ang habulin nila. Yumi anak, hindi naman paligsahan 'yong pagkakaroon ng boyfriend e. Wala namang pinagkaiba 'yong may karelasyon sa wala, siguro kilig lang 'yong lamang. Kaya bago ka pa masaktan ulit, isaisip mo na 'yong natutunan mo sa Harvey na 'yon." Paalala nito at hinaplos ang mukha ko.
Naiyak ako ng todo lalo na nong concern rin sina Kuya at Papa sa akin. Sabi pa nga nila ay ituro ko ang bahay ni Harvey at susugurin nila ito. Kinakawawa ko naman ang taong 'yon kaya hindi ko na ipinagbigay alam kina Papa. At kagaya ng inaasahan ko, hindi comfort ang natanggap ko kay Ate kundi panglalait.
"May pabigay-bigay ka pa ng regalo, lolokohin ka lang pala." Kantyaw sa akin ni Ate at bahagya pa syang tumawa ng nakakainis.
Inirapan ko siya't pinakyuhan gamit ang daliri ko dahilan para sitain kaagad ako ni Mama. "Yumi, huwag ganyan."
"Si Ate naman kasi, Mama," sumbong ko na parang bata, itinuro ko pa si Ate Yuna na nakasandal sa hamba ng pintuan.
"Aba! Totoo naman ah, halatang uto-uto ka kasi kaya ka laging niloloko. Masyado ka kasing nagpapadala sa kagwapuhan ng mga crush mk. Hmp." Depensa nito sa maawtoridad na tinig.
Lalo pa akong nainis sa mga sinabi niya. Kahit kailan talaga matabas ang dila ni Ate. Kahit yata maloko ako ng libo-libong lalaki ay uunahin niya pa rin ang bumunganga. Isasampal niya pa rin sa akin ng paulit-ulit ang mga pagkakamali ko sa paghahabol ng mga lalaki. Role na ata niya 'yung ibash ako bago nya ako damayan.
"Yuna, ilugar mo nga 'yang pangkakantyaw mo dito sa kapatid mo. Hindi mo ba nakikita, naloko sya. Pwede bang damayan mo muna bago mo siya sermonan?" Suway ni Mama sa kanya.
"Deserve naman niya." Anito at tumawa ng malakas paalis.
Niyakap na lang ako ni Mama at sinabing huwag ko na lang pansinin si Ate Yuna. Inutusan niya akong pumirmi na at maghahanda na siya ng hapunan namin. Tutulungan ko dapat si Mama pero pinigilan niya ako. Magpapahinga na lang daw ako at tatawagin kapag kakain na.
Naghalfbath muna ako saka inilabas 'yong mga notebook ko para tapusin lahat ng assignment ko para maaga akong makatulog mamaya. At kahit na anong focus ang gawin ko, hindi maalis sa isipan ko ang pag-amin ni Harvey sa akin kanina.
Tanda ko nitong nakaraang araw, kapag ganitong oras abala na dpaat ako sa paghahanda ng mga ibibigay ko kay Harvey. Dinaig niya pa ang rebulto kung sambahin ko't kinakailangan ko pa syang bigyan ng alay. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganon na lang ako ibash ni Ate Yuna.
Kinuha ko ang selpon ko sa tabi ng lamp shade ko. Binuksan ko 'yon at nagtungo sa messenger ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para buksan ang chats namin ni Harvey. Hindi ko namamalayan na napaibig akong magbackread sa mga usapan namin. Napapangiti ako at natatawa kapag nandoon ako sa parte na ang saya naming dalawa. Hanggang sa bumalik na naman sa alaala ko ang pag-amin niya sa akin kanina.
Nawala ang ngiti sa labi ko at nakakaramdam na naman ako ng kirot dito sa dibdib ko. Aaminin ko, tanga man ako pero talagang mahal ko si Harvey. Sa lahat ng naging crush ko, sa kanya ko naramdaman 'yong kakaibang spark o kilig. Maalaga syang tao at aaminin kong napapasaya niya ako noon. Kaya hindi ko akalain na hahantong kami sa ganitong sitwasyon.
"Yumi, agahan mong umuwi bukas at pupunta tayo ng simbahan." Utos ni Mama sa akin ng nasa hapag kainan kami.
"Ma, kayo na lang po ang pumunta. Tinatamad ako e." Sagot ko.
"Jusko kang bata ka. Kung sa crush mo sinisipag ka pag inaaya ka don ka naman tinatamad?" Napahilamos si Mama sa kanyang mukha.
"Ma, parang 'di ka naman sanay dyan sa anak mo. Kailan pa naging palasimba 'yan?" Sabat ni Ate sa usapan.
Sumabat na rin si Kuya sa usapan. "Nagiging palasimba lang yata 'yan kapag gwapo ang sakristan e."
Nagtawanan silang dalawa ni Ate at sinuway naman sila kaagad ni Mama. "Uy, tama na kayo. Nasa harap tayo ng grasya." Ibinalik ni Mama sa akin ang tingin. "At ikaw, sasama ka sa ayaw at sa gusto, maliwanag?"
"Bakit pa, Ma? Sasama naman na si Ate sa'yo e."
"Nagbabakasakali akong mahimasmasan ka ng konti kapag isinama kita. Tsaka, dumating na kasi 'yong bagong pari dito sa parokya natin. E alam mo na, naghanda kami ng konting welcome party para sa kanya." Paliwanag ni Mama.
"Naalala ko, may project pala akong gagawin, Ma. Babye." Patakbo na akong pumunta sa kwarto ko. Todo tawag pa si Mama sa akin pero hindi na ako nag-abalang lingunin sya dahil tyak pipilitin niya ako.
"Todo stalk ka na naman sa bading na 'yan." Nabalik ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Mayyang. Dala-dala niya 'yong tray kung saan nakalagay ang mga pagkain namin. Sya na 'yong nagprisintang mag-order ng makakain namin tutal naman tulala ako't animo'y tinakasan ng katinuan.
"Napadaan lang sa timeline niya." Palusot ko. Kinuha ko sa tray niyang dala ang milkshake na pinabili ko sa kanya. Sumimsim ako doon ng mapansin na pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Sus! Kilala kita mula ulo hanggang paa, Yumi." Asik niya. Umupo na sya sa tapat ko't inilapag ang plato ng carbonara sa harapan ko. Umorder rin pala sya ng turon, tig-isa kami. Gutom naman ako sa tingin ko pero parang wala akong gana.
"Mayyang, totoo ba lahat ng 'to o nananaginip lang ako?"
"Gaga! Kinakailangan pa ba kitang sampalin para matauhan kang niloko ka talaga ng Papa Harvey mo, ha?" Pagtataas nito ng boses.
"What if nananaginip lang ako?"
"Jusmiyo!" Napakamot sya sa kanyang ulo. "Ano bang nahithit mo't nagkaganito ka?"
"Sampalin mo nga 'ko."
Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan pagkaramdam sa malakas na sampal sa akin ni Mayyang sa pisngi ko. Damang-dama ko ang bigat ng palad niya na tumama sa pisngi ko't namanhid 'yon bigla. Napahawak ako roon saka siya tinignan ng masama.
"Ba't mo'ko sinampal?"
"Sabi mo sampalin kita, sumunod lang ako." Aniya.
Napabuga ako ng hangin. "Nakakainis! Ano bang dapat kong gawin para makaganti sa Harvey na 'yon? Hindi pwedeng ako lang ang iiyak, dapat pati sya mamoblema at magdusa."
"Gigil na gigil 'te?" Usisa ni Mayyang. "Alam mo, hayaan mo na lang kaya. Karma na ang bahala sa kanya at ikaw naman, magmoveon na. Kung magmukmok ka naman dyan kala mo jinowa ka." Depensa niya't inirapan ako.
Pinagdilatan ko sya at itinutok ang hawak na tinidor sa kanya dahilan para magulat sya. "Ganon? Hindi na pwedeng magmukmok kung 'di jinowa? Bakit, wala ba 'kong karapatan mabroken sa panloloko niya sa'kin?"
Hinawakan niya ang kamay ko't inalis ang pagkakatuktok ng tinidor sa kanya. Pinakalma niya ako. "Yumi, alam mo ba kung ano ang gamot dyan sa galit mo?"
"Malamang hindi, manggigigil ba ako ng ganito kung alam ko?" Inirapan ko pa sya at napabuga ng hangin sa inis.
"Girl, acceptance is the key ika nga." Tinapik niya pa ang balikat ko saka ipinagpatuloy ang paglamon.
"Ganon lang 'yon kadali? Ano 'yon parang hangin lang 'yong panloloko niya sa akin na dumaan lang tas pagdaan dedma na? Aba! Hindi pwede!" Depensa ko.
"Nagsorry naman na 'yong tao sa'yo saka kahit naman anong gawin mo hindi mo na sya mababago." Tugon ni Mayyang na nakapagpahinto sa'kin. "Sige nga, kung gaganti ka sa kanya masisiguro mo bang mababago mo sya para mahalin ka nya? Mapipilit mo ba syang mahalin ka kapag nakaganti ka?"
"Lakas mo mangonsensya 'no?" Pagtataas ko ng kilay sa kanya.
"Para matauhan ka."
Nagpatuloy na kami sa paglamon dahil malapit ng mag ala una para sa afternoon class namin. Sa nakaraang araw, naging tahimik ang buhay ko. Nakapagfocus ako sa pag-aaral ko at nagawa kong bigyan ng oras ang sarili ko para makapag-isip. At tama naman si Mayyang, hindi ko naman masisigurado na mamahalin ako ni Harvey kapag ginantihan ko sya.
Napaaga ang pasok namin at wala pa ang teacher kaya naman nagscroll muna ako sa f*******:. Nagulat ako ng magpop ang message ni Harvey sa screen ko. Natigilan ako at nagdadalawang isip akong iseen ang chat nya sa akin. Alam ko naman na iisang chat lang ang mababasa ko mula sa kanya. Kung hindi hihingi ng sorry ay gusto niyang lumabas kami para makabawi sa akin. Ewan ko ba sa sarili ko, gusto kong gumanti pero ako naman 'tong umiiwas. At bago ko pa sya mapagsalitaan ng kung ano-ano ay ibinalik ko na sa bulsa ko 'yong selpon at naisipan na lang na magbasa.
"Girls, huwag kayo masyadong lumapit kay Yumi baka mahawaan kayo ng pagiging assumera, maloko rin kayo." Pagpaparinig ni Megan sa akin, akay-akay niya 'yong mga alipores niya na nakatambay sa likuran ko.
Nagkunwari akong 'di ko sila naririnig, ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa sa librong hawak ko. Nagulat ako bigla ng hilain ni Megan 'yong isang upuan sa harapan ko't itinapat 'yon sa akin. Umupo sya roon at tumingin sa akin ng diretso.
"Kumusta, Yumi? Balita ko naloko ka raw." Sarkastimong usal niya. Alam ko naman na lumapit sya para asarin ako.
"Anong pakialam mo?"
Nagulat siya sa sinagot ko dahilan para pagtaasan niya ako ng kilay dahil siguro sa inis. "Yumi, nextime kasi hwag ka masyadong assumera. Bago mo ipagmayabang, siguraduhin mong mahal ka rin. 'Buti pa sa exam magaling kang pumili ng answer pero sa lalaki hindi." Tinapik niya ng marahan ang pisngi ko saka ito tumayo't tinalikuran ako. Rinig na rinig ko ang nakakaasar niyang paghalakhak.
Bago pa 'ko sumabog sa galit ay pumasok na ang teacher namin sa mathematics. Nagsimula na itong magturo at nagfocus na lang ako para naman mabawasan 'yong inis ko kay Megan. Kahit naman anong pang-iissue ang gawin niya sa akin, hindi pa rin niya ako matatalo sa recitation.
"Excuse me, Miss Abella." Napatingin kaming lahat sa Principal nang kumatok ito sa pintuan.
"Yes Maam, pasok po kayo." Magalang na tugon ni Maam Abella at sinalubong ang principal.
"Good afternoon Maam." Bati naming lahat dahilan para mapangiti ito sa tuwa. Nagsiupo na kami pagkatapos dahil mukhang may mahalagang iaanunsyo ang principal.
"Nandito ako para ipaalam sa inyong lahat na may bago kayong classmate. Hijo, halika ka." Sinenyasan niya 'tong tao na nasa labas. Nakaabang kaming lahat sa pagpasok ng bago naming kaklase, lahat kami nakatingin sa may pintuan.
At halos mapaawang ang labi naming lahat ng pumasok ang isang lalaki na matangkad at animo'y isang model sa kagwapuhan nitong taglay. Parang nagslowmotion ang paligid ko pagkakita sa kanya. Napakaamo ng mukha niya na parang anghel na bumaba mula sa langit. Lahat kaming kababaihan ay napanganga sa kagwapuhan niya. Sobrang lakas ng dating niya.
"Can you introduce yourself, hijo?" Ani Principal.
Nahihiyang tumayo ang lalaki sa harapan, halatang mahiyain sya.
"Good day everyone, ako nga pala si Brian Oliver Sarmiento, Oli for short. Galing ako ng Nueva Ecija, bale bagong lipat lang kami dito sa Cavite. Ikinagagalak ko kayong makilala." Pagpapakilala nito sa mahinhin na boses.
"Kaano-ano mo 'yong bagong dating na pari dito?" Tanong ni Madam Principal.
Sumagot ito sa magalang na tugon. "Tito ko po."
"Wow! So, ikaw ay sakristan?"
"Opo, since grade four." Sagot nito.
"Okay class, iapproach niyo si Brian Oliver at iwelcome sya dahil part na sya ng section niyo." Ani Principal at sumang-ayon naman kami. "Hijo, welcome to our school and have fun."
Ngumiti na ang binata saka nagpaalam na ang principal, iniwan nito si Oliver.
"Hijo, maaari ka ng maupo sa tabi ni Mariyah." Tinuro ni Maam Abella ang bakanteng upuan na katabi ni Mayyang. Sumunod naman kaagad si Oli, naupo na sya sa tabi ng kaibigan ko. At halos sampalin ko ang sarili ko dahil inaya ako kanina ni Mayyang na maupo roon pero nag-inarte ako. Sana ngayon katabi ko si Oliver. Psh!
I think, God already gave the man I wished for.
THANK YOU
VOTE AND COMMENT
GODBLESS US ALL