Chapter 1

2230 Words
"Huwag mong galawin 'yan ate, kay babyboy ko 'yan." Halos isumpa ko si Ate nang mapansin kong akma niyang papakialaman 'yong nakapaperbag na nakalapag sa kama ko. Mabuti na lang at saktong kakalabas ko nang banyo upang magtoothbrush. Patakbo akong lumapit sa kama at kinuha ang paperbag saka ipinasok sa bag ko. Taas-kilay akong tinitigan ni Ate Yuna mula ulo hanggang paa. Para niya akong pinandidirihan na hindi ko maintindihan. Sa mga titig niya, para nitong sinasabi na nagsisisi siyang naging kapatid niya ako. Sa kakaibang titig niya sa akin at napatingin na rin ako sa sarili ko sa full length mirror na nasa tapat ko. Maayos naman ang awra ko. Nakacomplete uniform naman ako. Plantsado naman 'tong suot kong uniporme, ni walang gusot na makikita. Makitab rin ang suot kong black shoes saka hindi rin madumi ang puting medyas ko. Aminado akong hindi ako dugyot tignan dahil naglagay ako ng light makeup sa mukha ko saka maayos na nakalugay ang narebound kong buhok. "Ate, bakit ganyan ka naman makatingin sa'kin? Mukha ba 'kong tae?" Tanong ko sa kanya. Nakapameywang akong humarap sa kanya. Abala kanina siyang inaayos 'yong mga libro niya na dadalhin niya sa school. "Hindi, pero mas mukha kang desperada." Tugon niya at inirapan ako. Ipinagpatuloy niya ulit ang pag-aayos ng mga librong dadalhin niya. "Yumi, tigil-tigilan mo na 'yang paghahabol mo sa mga lalaki ah. Ang bata-bata mo pa, bakit kaya hindi 'yang pag-aaral mo ang atupagin mo." Panenermon ni Ate Yuna. "Nag-aaral naman ako ng mabuti, Ate. Nasa toplist pa naman ako, napeperfect ko pa rin naman 'yong mga quizzes at exam ko. Sumasali naman ako sa lahat ng extra curriculum activities, 'di ba? Saka, hindi naman ako umabsent, depende na lang kung lagnatin ako o dapuhan ng sakit." Sagot ko saka naglagay ng pabango sa buong katawan ko. Hinarap ako ni Ate Yuna at pinagtaasan ng kilay. Nakahalukipkip ang mga braso nito sa kanyang dibdib habang diretso ang titig nito sa akin. "Alam ko naman na pinagbubuti mo ang pag-aaral mo, ang sinasabi ko ay 'yang paghahabol mo sa mga lalaki. Hindi ka ba nagsasawa? E halos kada linggo, nirereject ka ng mga nagugustuhan mo. Hindi ka ba nadadala na sayang lahat ng effort mo sa kanila. Imbes na sa kanila mo ipakain 'yang mga binibili mo, ideretso mo na mismo dyan sa sikmura mo. Bukod sa mabubusog ka, mabubuhay ka pa ng matiwasay." Prangka ni Ate Yuna sa akin. Hindi na ito bago sa akin, araw-araw na yatang ganito ang ganap sa pagitan namin ni Ate. Araw-araw kasi akong may dala sa school na paperbag na may lamang pagkain. Hindi ito para sa akin kundi para mismo sa crush kong hinahabol-habol ko. Tsaka, nakasanayan ko na 'to. Hindi niya natatanong pero maeffort ako sa mga taong nagugustuhan ko. "Ate, pera ko naman 'yong mga pinambibili ko sa mga binibigay ko kay Harvey. Tsaka, ayaw mo noon, gwapo ang magiging boyfriend ko once nagustuhan na niya ako. At alam mo ba, minessage niya ako sa messenger kagabi. O, 'di ba, sign na 'yon na malapit ko na siyang makuha." Nag-iimpit sa kilig na depensa ko. Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Ate saka niya ako pinektusan sa mukha. Napaaray ako't napamura ng malala. Napahilot ako sa noo kong nasagi ng kamay niya. Sana lang hindi 'yon magkaroon ng sugat para hindi ako maglagay ng band ai, panget pa naman 'yon tignan. "Ate naman e." Reklamo ko. "Hindi ka talaga nadadala 'no? Nagchat lang sa'yo, akala mo naman gusto ka na agad. Hindi ba pwedeng nagchat lang para sabihing tantanan mo na siya dahil nakakairita ka." "Uy! Nairita bang nagsabi siya ng 'I think I like you?'" Muntik akong pektusan ulit ni Ate Yuna sa sinabi ko. Kaya bago pa ako masaktan sa pamemektus niya, mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto namin. Mabuti na lang nahablot ko kaagad 'yong bag ko na nasa kama. Pinagtawanan ko pa siya habang pababa ng hagdan. "Bitter ka kasi hindi ka krinasback ng crush mo. Bleh." At dahil sa sinabi ko, hinabol niya ako sa may hagdanan. Kumaripas ako ng takbo dahil panigurado mapepektusan na naman ako sa mukha. Naging basher lang naman si Ate magmula noong malaman niyang hindi pala siya gusto ng crush niya. Iyong bestfriend pala niya ang gusto ng lalaki. "Hoy! Umagang-umaga nag-aaway na naman kayo." Bungad na sermon sa amin ni Mama nang mapansin na naghahabulan kami ni Ate. Kaagad akong nagtago sa likod ni Mama at ginamit pa panangga laban kay Ate na gigil na gigil sa akin. Todo suway si Mama sa kanya pero hindi siya nakikinig. Lalo pa siyang nainis nang binelatan ko siya. "Mama, pagalitan mo nga si Yumi, kung ano-ano sinasabi sa'kin." Pagsusumbong ni Ate na parang bata. Huminto na siya sa pagdakma sa akin. Nakanguso siya habang nakakrus ang mga braso sa dibdib nito na nakatingin sa akin. Konti na lang ay iiyak na siya sa pagiging pikon niya. "Bakit, ikaw naman 'tong nauna e." Depensa ko. "Ma, sinabihan ba naman ako ng desperada." Pagsusumbong ko rin. Pumagitna si Mama sa pagitan naming dalawa namin ni Ate Yuna. Nanatili pa ring masama ang tingin ni Ate sa akin. Gusto ko nga siyang pagtawana kaso natakot ako dahil baka makatanggap ako ng kurot kay Mama. Masakit pa naman 'yon lalo na kapag maliit na kurot. Abot hanggang buto ang sakit non. "Kayong dalawa, araw-araw na lang kung mag-away kayo. Hindi ba kayo nagsasawa?" Panimula ni Mama kaya parrhas kaming natahimik ni Ate. "Yuna, ikaw na ang magpakumbaba tutal ikaw ang mas nakakatanda." Panenermon ni Mama kay Ate. "Ma, pinagsasabihan ko lang naman po siya. Napapadalas na kasi 'yong pagbibigay niya ng regalo sa mga lalaking nagugustuhan niya. Alam na nga niyang ayaw sa kanya ng lalaki, pinagsisiksikan niya pa rin ang sarili niya. " Depensa ni Ate Yuna habang nakatingin sa akin ng masama. Dahil sa sinagot ni Ate, napatingin si Mama sa akin. Noong magtama ang tingin namin, kaagad akong umiwas. Alam kong sesermonan ako ni Mama dahil una pa lang, hindi siya sang-ayon sa mga pinaggagagawa ko sa buhay. "Yumi, napag-usapan na natin 'yan, 'di ba?" "Opo." "E ba't nababalitaan ko na naman na nagbibigay ka ng mga regalo sa mga lalaki? Jusmiyo Yuzhen Mie! Hindi ba't sinabi ko na sa'yo, bata ka pa, marami ka pang makikilala. Tsaka, hindi naman bawal magkacrush pero 'yong halos sambahin mo na, jusmiyo anak, huwag namang ganun. Kababae mo pa namang tao. Ano na lang iisipin ng ibang tao sa'yo." Panenermon ni Mama. Napasapo pa siya sa kanyang sentido dahil sa mga ginagawa ko. Araw-araw na yata akong pinapaalalahan ni Mama na huwag maghabol sa mga kalalakihan. Pero, hindi ko siya magawang sundin. Masaya ako sa ginagawa ko. Alam ko naman na babae ang pagkatao ko pero nagmamahal lang naman ako. "Mama, hindi naman ako humihingi ng pambili sa mga binibigay ko sa kanila e. Galing lahat 'yon sa ipon ko." "E saan galing 'yong mga ipon mo, hindi ba't sa allowance na binibigay ko sa'yo?" Napakamot ako sa ulo ko. "Dito ako masaya, Ma." "Anak, hindi naman kita pinagbabawalan magkagusto sa lalaki, ang akin lang, ayokong masaktan ka. Akala mo ba hindi ko alam na nakailang reject ka na sa mga nagiging crush mo? Bilang ina, masakit sa part ko na hindi ka kayang mahalin ng mga taong minamal mo ng totoo." Paalala sa akin ni Mama. Pero imbes na madala sa mga paalala ni Mama ay sumagot ulit ako. "Pasasaan pa't nagkacrush ako sa maraming lalaki kung hindi ako maghahanap ng kapalit. Ma, hindi ako masasaktan kasi marami akong reserba." Pagmamayabang ko sa kanya. Napasapo ulit siya sa kanyang noo at halos hindi na niya alam kung ano ang sasabihin sa akin. Maski si Ate naubusan na rin ng pasensiya sa akin. Mabuti na lang at nauna nang umalis si Kuya dahil tiyak tatalakan na naman ako non pagnalaman ang tungkol sa paghahabol ko ng mga lalaki. Pagkatapos kong kumain at sabay na kaming pumasok ni Ate. Todo suway siya sa akin habang naglalakad kami papunta sa sakayan. Abala kasi akong nagtitipa dito sa hawak kong selpon kaya naman nakatanggap ako ng mahinang sabunot. "Aray naman, Ate." "Ano ba't todo pindot ka dyan sa selpon mo? Dalian mo nga baka wala tayong masakyan." Singhal niya sa akin at inambangan niya ako ng sabunutan, mabuti na lang nakailag ako. "Kachat ko 'tong babyboy ko e. Bleh! Mainggit ka." "Psh! As if naman seryoso 'yan sa'yo. Malay mo niloloko ka lang nyan. Ang bilis mo naman kasing maniwala, engot." Aniya at naglakad na ulit. Sumunod na lang din ako sa kanya at palihim na binelatan. Inis na inis na talaga ako sa pagiging kontrabida niya. "Atleast ako pinansin, ikaw ba?" "Yumi, tumigil ka diyan kung ayaw mong mapektusan ulit sa mukha." Pagbabanta niya sa akin pero imbes na matakot ako ay pinagtawanan ko lang siya ng malala. "Omg! Ate, niyaya ako ni Harvey lumabas. Nakakaiyak." Halos tumalon ang puso ko nang makita ang chat ni Harvey sa akin na gusto niyang lumabas na kasama ako. Hindi ko talaga inaasahan. Napatalon pa ako sa mukha't pinaghahampas ng mahina si Ate. Tumagos yata sa buto ko ang kilig na naramdaman ko pagkabasa sa chat ni Harvey sa akin. "Psh! Niyaya ka lang lumabas, hindi sinabing jojowain ka. Dalian mo na nga. Baka mawalan pa tayo ng masasakyan dyan sa kalandian mo e." Singhal nito sa akin at ipinagpatuloy ang paglalakad. "Inggit ka lang." Bulong ko saka siya sinundan. Dahil sa message na natanggap ko kay Harvey naging maganda ang mood ko maghapon. Todo recite ako sa klase namin at naging maganda ang pakikitungo ko sa mga chaka kong classmates. Minsan lang ako maging masaya kaya susulitin ko na. Sino naman ang hindi gaganahan pagkabasa sa chat ni Harvey sa akin. After ng morning class namin, bago ako kumain ng lunch ay sinadya kong puntahan si Harvey sa building nila. Grade 10 ako samantalang siya ay grade eleven, bale nasa kabilang building siya. Kaya kahit kumakalam na ang sikmura ko sa gutom, inuna ko pa rin siyang pinuntahan. "Bakit ka nandito, Yumi?" Gulat na gulat na ani ni Harvey pagkakita sa akin. Hindi ko siya nakita sa classroom nila kaya naisipan ko na siyang ichat kanina para tanungin kung nasaan siya. Ang daming tao na nakatingin sa akin kaninang hinahanap ko si Harvey. "Dinalhan kita ng food mo, baka kasi hindi ka pa kumakain. Here, may toblerone din akong binili para sa'yo panghimagas mo." Iniabot ko sa kanya 'yong dala kong paperbag. Kinuha naman niya ito sa akin pagkatapos ay pinagmasdan ang paligid na animo'y may pinagtutuguan. "May pinagtataguan ka ba?" Tanong ko. "Ah, baka may makakita sa atin, alam mo na maraming chismosa. Syempre, ayokong pag-usapan tayo ng buong campus." Sagot niya at nginitian ako. "Ganun ba." Tumango siya. "Nga pala, salamat dito." Itinaas niya 'yong paperbag na bigay ko. "Sige na, bumalik ka na sa building niyo baka malate ka sa afternoon class mo e." Hindi ko alam kung pangtataboy ba 'yon o paalala. Nawala tuloy 'yong ngiti sa labi ko pero hindi ko nalang pinansin 'yong sinabi niya sa akin. Dinedma ko nalang at baka magkasagutan pa kami. "Sige, mauna na ako. Kainin mo 'yan ha?" "Oo, ingat." Aniya. Naglakad na ako paalis pero bago pa man ako makalayo ay hinarap ko ulit siya. "Harvey, tulot ba tayo bukas?" Tanong ko. "Oo, ichachat na lang kita kung saan tayo magkikita. See you." Aniya at kinindatan pa ako bago siya tuluyang umalis. Halos mapahiyaw ako sa kilig dahil sa ginawa niya. Pakiramdamko tuloy tumaas ang dugo ko papunta sa pisngi ko. Lord, sign na ba 'to na magkakajowa na ako? Omg! Sa wakas, mararanasan ko na rin ang makrassback. Sa dami ng lalaking pinag-aksayahan ko ng oras at panahon, ngayon, naamoy ko na ang tagumpay ko. Pakiramdam ko worth it lahat ng pagod at nagastos ko kay Harvey. "Blooming ka ata ngayon, Yumi? Anong meron?" Tanong sa akin ni Megan, 'yong babaeng kinaiinggitan ng sobra ang beauty ko. Well, paanong hindi siya maiinggit sa akin e halos magkasingmukha sila ng aso niyang palagi niyang flineflex sa f*******:. Peke ko siyang nginitian tutal ayaw kong masira ang magandang mood ko. Hindi ako makakapayag na masira ng isang bulldog ang araw ko. Aminado naman akong hindi kami close at hindi ko rin naman siya bet kausap. "Krinassback na kasi ako ng crush ko." Pagmamayabang ko. Tumaas ang kanyang kilay pagkarinig sa sinabi ko. "Wait, don't tell me, it was Kuya Harvey, 'yong grade eleven student dyan sa kabiling building na laging laman ng myday mo?" "Tumpak ka dyan, girl." Saka ko mayabang na hinipan ang bubblegum na nginunguya ko. Nabigla ako nang pandirihan niya ako, sinuri ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay tumawa ito ng nakakairita habang nakatitig sa akin ng diretso. "Oh, huwag mong sabihing naiinggit ka na naman." Biro ko sa kanya. "Psh! Why would I? As if naman walang tinatagong baho ang isang 'yon. Well, bakit pa ako magtataka e halatang wala ka pang alam." Tumawa ulit siya at doon na ako naguluhan ng sobra. Anong sinasabi niya? "Sagarin mo nang kiligin, after you find out his true color, baka pandirihan mo mismo pati 'yang sarili mo." Usal niya at pinagtawanan ako ng malala bago niya ako tuluyang iwan. Naiwan tuloy akong puno ng pagtataka kung ano ang ibig niyang sabihin. Anong meron sa'yo Harvey na hindi ko alam?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD