"Yumi, magpapapicture ka lang kay pogi ha! Huwag kang gagawa ng kalokohan kung ayaw mong malintikan sa'kin." Paalala sa'kin ni Kuya Yohan pagkababa ko ng motor.
"Oo," sagot ko at hindi na nag-antubiling titigan pa si Kuya. Sabik na sabik kasi akong makita si Oli at magpapicture na sa kanya para maibsan na 'tong inis ko.
"Hihintayin kita dito mamaya." Usal niya.
Hindi na'ko sumagot at patakbong pumaroon sa entrance ng kombento. Wala ng katao-tao ang paligid ng simbahan, tanging mga crew lang ng cattering ang nagkalat. Nakasara na rin 'yong simbahan kaya nakakabingi 'yong katahimikan. At dahil mag isa nalang ako, naisip ko na malaya akong makakapagpapicture kay Oli.
Dumungaw ako sa bintana at sa may pintuan ng kombento. Nakita ko si Oli na nakaupo sa sofa, busy sa pagtitipa sa kanyang selpon. Hindi ko mawari kung may katext ba sya o naglalaro ng mobile legend.
Gumawa ako ng konting ingay para mapansin nya ako pero mukhang hindi nya ako narinig. Nagkunwari pa 'kong inuubo pero wala pa rin 'yon epekto sa kanya. Nababagok na 'ko at nangangati na ang katawan ko na makapagpapicture sa kanya.
Sampung minuto na yata ang lumapas pero hindi niya pa rin ako napapansin na nakatayo rito sa salamin na pintuan ng kombento. Hindi naman ito tinted kaya imposibleng hindi nya ako makita. Sadyang busy lang sya sa selpon nya't mukha syang pagod.
"Uy! Miss, gabi na, anong sadya mo rito? May maitutulong ba 'ko?" Sulpot ng isang boses sa likod ko. Liningon ko ito at nakilala kaagad si Roddie, 'yong isang sakristan na kasama ni Oli.
Kumaway ako sa kanya at napapahiyang ngumiti. "Hi, uhm, gusto ko sanang magpapicture kay Oli kung pwede pa." Kagat labi pa 'ko pagkatapos.
Napatingin kaagad si Roddie sa tinitignan ko, sa pwesto ni Oli.
"Oo naman, pasok ka." Alok nito sa'kin at pinagbuksan ako ng pintuan.
Halos tumalon ang puso ko sa tuwa dahil sa wakas makakapagpapicture na'ko kay Oli. Habang papalapit kami sa gawi ni Oli ay bumibilis naman ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko nga ay nag-iinit na ang pisngi ko dahil sa kilig.
"Oli, may magpapapicture daw sa'yo." Pagpukaw ni Roddie kay Oli na abala pa rin sa kanyang selpon. Hindi manlang nya kami tinapunan ng tingin.
Nagsalita sya sa walang kabuhay-buhay na tono. "Sino pre?"
"Itong magandang babae na mukhang sumadya dito para sa'yo." Nakangising saad ng katabi ko.
Napangiti ako dahil napansin niya ang kagandahan ko.
Para akong nakuryente nang magtama ang tingin namin ni Oli. Nahiya yata sya sa postura nya kaya umayos sya ng upo saka ito tumayo palapit sa'kin.
"Goodevening," bati nya sa'kin na halos ikinamatay ko na. Napakaganda ng boses nya at kakaiba ang naging epekto non sa buong sistema ko. Para akong tatakasan ng katinuan ko dahil kay Oli.
"Hi, Oliver." Kumaway pa 'ko sa kanya't halos mapunit ang labi ko sa laki ng ngiti ko. "Pwede pa bang magpapicture sa'yo?" Tanong ko sa kanya sa pabebeng boses.
Grabe! Sobrang bango niya. Matangkad rin sya siguro hanggang balikat nya lang ako. Kinakailangan ko pang tumingala para matitigan ang mukha nyang napakagwapo. Hindi sya maitim at hindi rin maputi, 'yon bang sakto lang 'yong kulay ng balat nya. Matangos ang ilong at medyo makapal ang kilay niya. Sobrang ganda rin ng pilikmata niya't wala akong makita na tigyawat sa anumang sulok ng mukha niya. Mas makinis pa ang mukha niya kaysa sa'kin.
"Sige," blangko ang mukha na sagot nito sa akin.
At sa excitement ay kaagad kong iniabot kay Roddie 'yong selpon ko upang kunan nya kami ng litrato. Pagkabigay non ay inayos ko na ang sarili ko saka lumapit ng konti kay Oli.
Omg!
Pakiramdam ko huminto 'yong pagdaloy ng dugo sa katawan ko nang maramdaman na inakbayan ako ni Oliver sa balikat ko. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa, amoy na amoy ko 'yong nakakaadik niyang pabango. Natameme ako dahil sa pang-aakbay na ginawa niya sa'kin. Gusto ko ngang huminto ang oras ang para matagal syang nakaakbay sa 'kin. Feel na feel ko kasi 'yong pang-aakbay nya sa'kin. Iniimagine ko na magjowa kami nong time na 'yon. Gusto ko syang yakapin para mas sulit 'yong pagsama ko kay Kuya.
"Heto na, pumwesto na kayo." Wika ni Roddie at ipinuwesto na 'yong camera.
Naghanda na rin kami ni Oli. Nakatatlong pose kami na nakaakbay lang sya sa'kin. Abot hanggang langit ang ngiti ko dahil sa posisyon namin. Gusto ko nga 'yong mag-eye to eye contact kami para mas romantic sana kaso nakaramdam bigla ako ng hiya.
"Thank you." Wika ko pagkatapos makapagpapicture sa kanya.
Ngitian nya ako ng matipid saka nagsalita. "Welcome."
Nagpaalam na si Roddie dahil may mahalaga daw syang gagawin. Hindi ko nakalimutang magpasalamat sa pagtulong niya sa'kin. Kumaway na rin si Oli bago ito umalis at tinalikuran na ako pero napahinto sya nang magsalita ako.
"Yuzhen Mie." Pagpapakilala ko.
"Huh?" Pagtataka nya, mukhang hindi nya nagets ang sinabi ko.
Natawa ako ng mahina dahil sa reaksyon nya. "Yuzhen Mie ang pangalan ko." Inilahad ko 'yong kaliwang palad ko sa kanya. Napatingin sya roon at mukhang nagulat sya kaya binawi ko kaagad dahil sa hiya. "Sorry ah, naabala ba kita?"
Umiling sya saka nag-iwas ng tingin. "Ingat ka pauwi, Miss."
Napangiti naman ako dahil ramdam ko 'yong concern sa tono ng boses nya. "Thank you."
* * *
"'Di ka nakakasawang tignan, pagmasdan ang 'yong mga mata." Masiglang pagkanta ko habang nakatingin sa picture namin ni Oli kagabi. Kulang na nga lang ay sambahin ko na 'yong pagmumukha niya.
Ni hindi ako nakatulog kagabi pagkauwi namin ni Kuya. Kilig na kilig ako at hindi na alam kung ano ang gagawin. Nakailang sita si Ate Yuna sa'kin dahil napakaingay ko bandang alas dose ng hatinggabi. Nag-iimpit ako sa kilig kahit gustong-gusto kong tumili ng malakas dahil sa kilig. Hindi ko namamalayan ang oras kaya inabot ako ng alas dos ng madaling araw kakatitig sa picture namin ni Oli.
Kinaumagahan ay para akong lantang gulay na pumasok pero napalitan ng sigla pagkakita kay Oli. At kagaya ng dati pinagkakaguluhan na naman siya. Papasok pa lang sya sa may pintuan, madami ng naghihintay sa upuan nya para magpapicture. And guess what, sina Megan and friends ang mga impaktang 'yon. Hindi lang ako puyat baka nandon na rin ako, nakikipag-away.
"Goodmorning Oli." Pagbati ko pero mukhang hindi nya ako narinig dahil nilagpasan nya lang ako. Nawala tuloy 'yong ngiti sa labi ko sa pandededma niya. Mukhang hindi nya ako nakilala o nabadtrip sya dahil binulabog ko ang pamamahinga nya kagabi?
Buong discussion ay hindi ko maiwasan ang magnakaw ng tingin kay Oli. Napapansin ko kasi na nagtatawanan sila ni Mayyang at naiinggit ako. Hindi tuloy ako makapagfocus dahil sa inggit. Pinipiga ko nga ang utak ko na mag-isip ng paraan kung paano ako mapapansin ni Oli. Mukha kasing inaapproach na sya ng ibang classmate ko. Nakita ko kanina na nakikipagtawanan na sya sa grupo nina Jocel. Nakakainggit.
"Mayyang, alam mo ba ikaw ang pinakadabest na kaibigan sa buong mundo." Wika ko at inakbayan pa sya. Papunta kami sa canteen upang magmeryenda. At gagawa ako ng paraan para maging seatmate ko si Oli sa likod.
"Naku! Salamat." Kinikilig na tugon niya.
"Anong gusto mong meryenda? Tara, ililibre kita."
"Talaga? Ang bait mo naman."
Sumagot ako. "Syempre, dapat bigyan ng award 'yong the best na kaibigan na tulad mo."
Napayakap si Mayyang dahil sa sinabi ko. Naiiyak pa nga sya dahil ngayon ko lang daw sya sinabihan ng ganon. Ang hindi nya alam, inuuto ko lang sya. Syempre, dapat paamuhin muna bago hingan ng kapalit. Sisiguraduhin ko na worth it 'yong panlilibre ko sa kanya.
"Sige na, maupo ka na ron at bibili na 'ko ng miryenda natin." Itinuro ko sa kanya 'yong bakanteng lamesa doon sa gilid. Tumango naman sya at kaagad na nagtungo sa pwestong itinuro ko. Pumaroon na rin ako sa cashier para bumili ng makakain namin. Mabuti na lang hindi ganon kahaba 'yong pila kaya mabilis akonh nakabili ng meryenda namin.
"Kumain ka ng marami, bestfriend." Wika ko habang isa-isang inaalis sa tray 'yong mga pinamili kong pagkain. Napansin ko naman na pinapanood nya ako't nakataas ang kanyang kilay. "O, bestfriend, bakit ganyan ka naman makatingin sa'kin?"
"Pocha! Amoy na amoy ko 'yang pang-uuto mo, Yumi."
Natawa ako sa naging reaksyon ni Mayyang. Talagang kabisadong-kabisado na niya ako kapag ganitong may hihilingin ako sa kanya. Bukod sa madali siyang makaramdam, madali rin siyang mauto.
"Oh, anong kailangan mo? Huwag mo 'kong ngitian dyan, alam kong may kailangan ka. Amoy na amoy ko 'yang kalandian mo." Dinuro niya pa ako sa mukha kaya napahagikgik ako ng tawa.
"Mabuti naman at naamoy mo."
Naglakad ako palapit sa kanya at pasimple siyang inakbayan. "Mayyang, suportado ka naman sa kalandian ko, 'di ba? Baka naman pwedeng palit tayo ng upuan, pwedeng ako nalang don sa pwesto mo uupo mamaya?" Malumanay pero may bahid ng pang-uuto ang tono ng boses ko.
"Sinasabi ko na nga ba e." Napapalakpak pa sa ere si Mayyang na animo'y tumama ang kanyang hinala dahil sa hiling ko. "-kaya ka kakaiba tumitig sa'kin kaninang nagkukulitan kami ni Oliver e. Crush mo siya 'no?"
Napangiti ako't nagpipigil ng kilig. Naririnig ko pa lang kasi ang pangalan ni Oli, nawawala na ako sa katinuan, paano pa kaya kapag tabi na kami mamaya?
"Kaya bago pa masira 'yong friendship natin, pumayag ka na, okay?"
"Oo na, sige na. Pasalamat ka 'di ako ganon kapatay kay Oli at baka isa na rin sana ako sa mga karibal mo. Oo, gwapo siya pero ekis siya sa'kin."
"Wow! Kaya pala imbes na sa discussion ni Maam ang tingin ay na kay Oli, 'no?" Patutsada ko.
"Ah basta, hindi ko siya bet. Sayong-sayo...ay.. hindi pala, marami ka pa lang karibal."
Sa sinabi niyang 'yon ay nawala ang ngiti ko saka nabatukan ko siya. Naririnig ko pa lang na marami akong karibal pagdating kay Oli ay kumukulo na ang dugo ko.
"Aray! Makabatok ka naman!" Reklamo niya dahilan para maguilty ako.
"Bestie, sa dami ng sperm cell ni Papa na kalaban ko non para makapasok sa egg cell ni Mama, ako ang nanalo, hindi ba? Kaya sisiw lang si Oli sa'kin 'no." Patutsada ko.
Napabuga siya ng hangin. "E sperm cell ka non, e tao ka na ngayon, shunga!"
Ako naman ang nakatanggap ng batok sa kanya. Kaya bago pa kami magbugbugan ay dali-dali na kaming kumain dahil maya-maya ay magsisimula na ang afternoon class namin. Hindi na nga ako makapaghintay na makatabi si Oli dahil feel ko mas gaganaan akong mag-aral.
Ala una ng hapon ang start ng afternoon class namin at medyo late na kami pero wala pa sa kalahati ng section namin ang naroon. Pagpasok pa lang namin ni Mayyang ay na sa pwesto na ni Oli ang tingin ko.
Nakaupo siya roon sa may bandang likod, nagbabasa ito ng libro habang may nakasalpak na earpods sa magkabila nitong teinga. Mukha naman siyang walang pakialam sa paligid at wala pa naman 'yong guro namin sa Filipino.
Noon ko lang napansin na maraming estudyante ang nakaabang sa may bintana malapit kay Oli. Palagi naman ganoon, simula nong dumating siya pero ni isang segundo hindi siya nag-aksaya ng panahon para bigyan iyon ng atensyon.
"Uy! Maupo ka na don bago pa magbago isip ko." Sinabayan pa ni Mayyang ng mahinang pagtulak sa likod ko. "Galingan mong lumandi ah para worth it naman 'yong pagpayag ko sa gusto mo."