Chapter 6

1778 Words
"Miss, namali ka yata ng naupuhan." 'Yong abot hanggang langit kong tuwa ay biglang naglaho sa sinabing 'yon ni Oli. Matapos niyang maibalik sa loob ng kanyang bag ang earpods nito at ang kanyang libro ay sa wakas napansin na niya ako. Hindi ko nga mahulaan kung natutuwa siya o naiinis sa'kin dahil sa reaksyon na nakapinta sa mukha niya. Sinikap kong maging pormal sa harapan niya dahil baka maturn-off ito sa akin. "Huh? Hindi ah ..Dito talaga ako nakaupo.." Bago niya ako sinagot ay may hinalungkat muna siyang tao sa paligid at hula ko ay si Mayyang. Nakita niya si Mayyang na naroon sa harapan, masinop na nakikinig sa pagtuturo ng guro namin. "Sigurado ka? Kahapon si Maria 'yong katabi ko dito e." "Nagkapalit lang kami kahapon kasi....kasi naiingayan siya sa harapan.." Palusot ko kahit hindi naman totoo. Wala na akong natanggap na sagot. Nakinig na siya sa pagtuturo ng guro sa harapan. At ako naman ay hindi makapokus dahil hindi ko maiwasan ang pagnakawan ng tingin ang napakagwapong mukha ni Oli. Sobrang nakakabaliw pa 'yong bango niya tas feeling ko isang artista 'tong katabi ko. Napansin ko na medyo malayo ang upuan namin sa isa't isa kaya pasimple akong umusog palapit sa kanya. "Hehe! Gusto ko makalanghap ng fresh air kaya umuusog ako ng konti palapit sa may bintana." Palusot ko kahit ang totoo wala namang pumapasok na hangin galing sa labas. At sa ikalawang pagkakataon ay dinedma na naman niya ako. Napapikit ako sa kagagahan ko kahit halata naman na hindi interesado 'tong nilalandi ko. "Okay class, isa-isang pupunta dito sa harapan upang bumunot ng numero dahil magkakaroon tayo ng activity by pair." Sa pagiging tulala ko, hindi ko halos napansin na natapos na ang guro sa pagdidiscuss. Aligaga tuloy inayos ang sarili lalo na at magkakaroon kami ng activity at by pair pa. What? By pair? Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Isa lang naman ang gusto ko e, ang makagrupo si Oli. Ang masolo siya at maging kaclose. Kaya sa bawat tao na pumupunta sa harap upang bumunot, hinihiling ko na wala sa kanila ang magiging kapartner ni Oli. Para akong sasabak sa madugong laban habang bumubunot ako. Napapikit pa ako sabay hiling na sana parehas kami ni Oli ng number na mabubunot. Matapos kong bumunot ay bumalik na ako sa likod ay pagkaupo ko ay dahan-dahan kong sinilip kung anong numero ang nakalagay sa papel na nabunot ko. #2 Shit! Sana parehas kami ni Oliver ng makukuhang number. At noong siya na ang tinawag ni Maam na bubunot ay lahat ay excited. Tanging siya na lang ang hindi nakakabunot sa aming lahat. Lahat ay gustong makagrupo si Oliver, hindi lang ako. May isang porsyento lamang na ako ang maging kapartner niya sa aming magkakaklase. "Brian Oliver, halika na dito sa harapan at bumunot ng numero." Pagkatawag ni Maam sa kanyang pangalan ay pumunta na siya sa harapan. Maririnig ang bawat hiling ng lahat na sana makagrupo nila si Oliver kagaya nong gusto ko. Sa inis ay tumabi muna ako kay Mayyang. "Nakabusangot ka diyan? Anong nangyari sa'yo, aber?" Tanong ni Mayyang. "Bwisit talaga 'tong mga classmate natin, ang eepal." "Wow! Nagsalita 'yong hindi umaasa na makagrupo si Oli. Girl, gagawa lang tayo activity, hindi pa naman usapang kasal e." "Kahit na.." "Ano ba numero mo?" "Dos." "Ay hindi tayo partner, tres sa'kin e." Naghiyawan ang lahat habang kasalukuyang bumubunot si Oli. Maski yata yong guro namin ay excited kung sino ang magiging partner ni Oli. Nagkumpulan na ang mga kaklase ko sa harapan upang mag-abang na lalong ikinakulo ng dugo ko. "Oli, anong number ka? Shesh! Sana uno para magkapartner tayo." Pagdadaldal nong bakla naming kaklase kaya napaulanan iyon ng palya at tawanan. "Maaari mong sabihin sa kanila ang numero mo, Brian Oliver, dahil mukhang inaabangan nila kung sino ang maswerteng magiging partner mo." Pakikisosyo ng guro namin na natutuwa sa nagaganap. Sinilip ni Oli ang numerong nakasulat sa kapirasong papel na hawak niya pagkatapos ay walang gana niya itong ipinakita sa klase. "Number three." Sa lakas ng hiyawan ng mga kaklase ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. s**t! Sabi na e, malas talaga ako pagdating sa bunutan na yan e. Kanino ko ba narinig na tres ang nabunot niyang number? "Mayyang, 'di ba, number three ka?" Epal na usal ni Mark na katabi nito kaya lahat ng tingin ay napunta sa gawi namin. Bago pa makasagot si Mayyang ay tumayo na ako at pasimpleng ipinalit 'yong hawak niyang papel s akin para may maipakita akong ebidensya. "Anong si Mayyang? Ako kaya, ako 'yong nakabunot ng number three, heto nga oh." Itinaas ko pa 'yong papel na nabunot ni Mayyang kanina. Ang lahat ay hindi kumbinsido kaya pasimple kong siniko si Mayyang upang ipaglaban na tama ako. "Ay sorry! Akala ko number three yong akin, dos pala. Nadulingan ko, pasensya na." Napakamot pa siya sa ulo nito pagkatapos ay pasimple siyang bumulong sa akin. "Ponyeta ka! Dinamay mo pa 'ko sa kalandian mo ah. Pag talaga wala ka pang mapala dyan kay Oli, makikita mo." Matapos magbigay ng instructions si Maam ay nagsimula na kaming pumunta sa mga kagrupo namin. Since magpartner kami ni Oli ay sa likod nalang kami puwesto. "Anong gusto mong topic natin?" Tanong ni Oli sa akin at muntik niya pang makita ang pagtulo ng laway ko sa pagtutulala. "Ikaw.." "Ha?" "I mean, ikaw, anong gusto mo. Baka may suggestion ka, medyo wala akong maisip na na magandang topic ngayon e." Sagot ko dahil yon ang totoo, namental block ako bigla dahil sa presensya niya. Napatango na lamang siya at sinimulan niyang gumawa. At sa hiya na wala akong maiambag ay kinalimutan ko saglit ang kalandian ko sa kanya. Sineryoso ko muna ang activity namin at noong natapos ko na ay pinacheck ko sa kanya. "Icheck mo nga 'to kung okay na." Para akong malalagutan ng hininga nang lumapit sya sa akin, as in yong sobrang lapit. Magkatabi kami, nasa left side ko siya at amoy na amoy ko 'yong pabango niya. Konti nalang ay abot na ng nguso ko ang teinga niya sa sobrang lapit niya. Abala siyang binabasa 'yong natapos kong activity namin at kinuha ko ang pagkakataon na iyon para kumuha ng litrato ng kasama siya. Magandang pose to kaya pasimple kong inopen ang camera ng selpon ko't kunwari ay stolen shot. At sa kamalas-malasan ay nagflash ito kaya napatingin siya sa gawi ng selpon ko. Napadilat ako sa kaba at napamura sa kaloob-looban ko. Nagkatinginan kami pagkatapos ay sinikap kong mag-isip ng palusot dahil mapapahiya ako kapag nagkataon. "Anong ginagawa mo? Kumukuha ka ba ng litrato?" Malumanay na tugon niya sa akin. Hindi ko mawari kung galit siya o naiinis e. "Ahh.. hindi ah.. bat naman ako kukuha ng litrato natin? May text lang kaya nagflash..." Napansin ko na hindi siya kumbinsido sa naging palusot ko. "Ka-kahit tignan mo, wala. Bakit, sa selpon mo wala bang flash kapag nakakatanggap ka ng text?" Agresibong usal ko. Hindi ito sumagot at umayos na ng upo. Tutal natapos na namin 'yong activity ay siya na ang nag-antubiling magpasa. Mabilis naming nagawa ang activity at marami pang oras. Talagang minadali kong matapos yon para malandi ko sana si Oli pero nakatutok na siya sa pagbabasa sa kanyang libro. "Ehem!" Pekeng ubo ko para makuha ang kanyang atensyon pero wala pa rin. "Mahilig ka palang magbasa ng libro 'no?" Nginitian niya lang ako ng matipid saka niya ibinalik sa libro ang kanyang tingin. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko dahil nagmumukha akong uhaw sa atensyon niya dito. Well, uhaw naman talaga ako. Nahihiya na pati kaluluwa ko sa pagiging papansin ko e. "Ano 'yang binabasa mo?" Sinulyapan niya ako at blangko lamang 'yon tingin na iginawad nito sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hintuturo niyang daliri dahil may itinuturo ito. At doon isinampal ng reyalidad ang kagagahan ko dahil nasa harapan ng libro ang title ng binabasa niya. "Ah, hehe, unang tipan pala, oo sorry." Tanga-tangang usal ko dahil nakabuklat na nga 'yong maliit na libro na hawak niya at makikita dito ang title na 'Ang Unang Tipan' ay nagtanong pa talaga ako. Ang gaga mo, Yumi! Sa takot na maging katawa-tawa ulit sa harapan niya ay minabuti ko na ang manahimik na lang. Baka hindi lamang nagsasalita si Oli pero baka naiirita na ito sa kadaldalan ko. Habang seryosong-seryoso siyang nagbabasa, ako naman ay nag-iisip ng paraan para maging close kami. Madaldal siguro ang isang ito pero nahihiya pa dahil bago lang naman siya dito. Baka nag-aadjust pa lang siya. O baka totoong tahimik siya at seryoso talaga ito sa mga bagay-bagay. Hayst! Ang hirap niyang basahin. "Brian Oliver, ayon dito sa isinulat mo, 'love is not always what you see and what you feel'. Any explanation?" Maski ako ay hindi nakuha ang ibig-sabihin ni Oli sa sentences na iyon. Para siyang may pinaghuhugutan na hindi ko alam. Although maganda naman pero hindi ko alam kung ano ang mensahe na ipinapaabot nito. Lahat ay nakaabang sa isasagot ni Oli, lalong-lalo na ako dahil interesado ako na malaman kung ano ba ang 'love' para sa kanya. Iyon kasi ang napili naming topic kanina na dapat bigyan ng explanation. Nahihiyang tumayo si Oliver sa harapan paano kasi, nakaabang na naman 'yong mga kaklase ko na animo'y bulldog na uhaw sa atensyon mula kay Oli. "Ang pagmamahal po kasi para sa akin, hindi lang 'yong mga naipapakita o naipaparamdam ng isang tao sa'yo." Panimula nito. "Any brief explanation for that?" Saad ni Maam na mukhang hindi parin nakukuha ang ibig nitong sabihin. "Ang tunay na pagmamahal, hindi palaging binabase sa kung ano ang sinasabi sayo, pinaparamdam sa'yo, o pinapakita. Love for me is Him." Nakuha namin ang ibig niyang sabihin nang banggitin niya ang isang tao na hindi namin inaasahan. "-kasi, hindi ko man Siya nakikita, nahahawakan, nararamdaman, ramdam ko pa rin 'yong pagmamahal Niya. At sa tingin ko, iyon ang pinakamagandang depinisyon ng pagmamahal." Pagpapatuloy niya na nagpatahimik sa amin lahat. Gash! Walking greenflag! Wala ni isa sa amin ang nakapagsalita, maski ang guro namin ay natahimik. Halata naman kasi na relihiyoso itong si Oliver. Paano, sakristan tapos tito niya pa 'yong bagong pari dito sa amin. Nakakabilib. "Matanong ko lang, Oliver, bukod sa Kaniya, may ibang nagparamdam na ba sa'yo ng totoong pagmamahal? Kagaya ng nobya, ganon." Tanong ng siga sa amin na si Dex, tropa ko rin. Lahat tuloy kami ay nakaabang sa isasagot ni Oli. Dito ko malalaman kung nagkagusto na ba siya sa isang tao. Nasubukan na niya kaya 'yong magmahal, masaktan at magmoveon? "Never pa ako nagkaroon ako ng nobya.." At narinig namin ang mahina nitong pagtawa na animoy nahihiya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD