Tikbalang 7

1217 Words
(Stanley's Pov) Kuyom ang mga kamao ko at nagtitimpi ring umalpas ang galit ko para sa babaeng iyon. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakatagpo ng babae na pabalang ako kung kausapin. Kung hindi lang ito kaibigan ni Tine. Hindi ako pupunta sa bahay nito. Gusto ko na talagang pilipitin ang leeg nito. Hindi ko rin alam kung bakit naging kasundo ito ng aking kapatid. Lalo at asal kalye ito kung kumilos. Hindi ako papayag na manatili ang aking mahal na kapatid sa poder ng baliw na babaeng iyon. Hindi talaga matanggap ng isipan ko na binastos ako nito at hindi ginalang bilang lalaki. Damn it, woman! "Umalis ka na sa harap ng bahay ko Tikbalang! Baka gusto mong maligo ng ihi na galing sa arinola!" narinig kong sigaw ng babae sa loob ng bahay. Kaya naman lalo akong na asar sa babaeng ito. Nagdesisyon na lamang akong umalis sa tapat ng bahay nito. Hanggang sa marinig kong tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag ang inutusan kong private investigator. Mukhang may nakuha na itong impormasyon para sa babaeng baliw na iyon. Kaya naman agad kong sinagot ang pagtawag nito. "Mr. Spark, sa dating restaurant na lang tayo magkita," anas sa akin ng private investigator. "Okay," maikling sagot ko sa lalaki. Pagkatapos ay agad na i-off ang cellphone ko. Malalaki rin ang mga hakbang ko papunta sa kotse ko. "Let's go," anas ko sa driver ko. Agad naman nitong pinatakbo ang kotse. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa T. G. restaurant. Maliksi akong bumaba para pumasok sa loob. Hinanap ng mga mata ko ang taong kausap ko. Agad ko naman itong namataan. "Mr. Spark," anas nito sa akin nang makita ako at makalapit dito. Kumamay pa nga ito. At pagkatapos ay agad na kaming naupo sa silya. Bago kami nagsimulang mag-usap ay nag-order muna kami ng makakain. "Ano'ng nalaman mo sa pagkatao ni Tamara Gally? Isa ba siyang drug adik? Oh, dancer sa club? Ano sabihin mo. Para mailayo ko agad ang aking kapatid sa kanya. Baka mapahamak lamang si Tine!" "Hey! Mr. Spark. Relax. Masyado mo namang hinuhusgahan ang pagkatao ni Miss, Gally," pagsaway sa akin ng private investigator na kinuha ko. "Hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala sa kapatid ko. Lalo at hindi niya pa lubos na kilala ang babaeng iyon!" Nakita kong umiling-iling ang lalaking investigator. Pagkatapos ay agad nakita ang brown envelope at inabot sa akin. Maliksi ko naman iyong kinuha at binuklat. "Isa siyang casher sa Fuentebella's Mall. Wala na rin siyang mga magulang. Namatay ang ama at ina niya sa sunog na pinagmulan ng kuryente. Kasalukuyan namang nasa school si Tamara nang mangyari iyon. Nang mamatay ang mga magulang niya ay nahinto na na rin siyang mag-aral. Kaya naman nagdesisyon na lang siyang maghanap ng trabaho para sa mga gastusin niya. Nang mag-apply nga siya sa Fuentebella's Mall, ay agad siyang nakapasok doon. Hindi naman mahigpit ang asawa ni Mr. Fuentebella kaya hindi nahirapan si Miss, Gally," mahabang salaysay ng lalaking kaharap ko. "Iyan lang ba ang nakuha mong impormasyon sa babaeng iyon? Wala ba siyang bahid na kriminal? Oh, baka nagulong na siya?!" muling tanong ko sa lalaki. "Wala na, Mr. Spark. Ilang beses akong nag-imbestiga kay Miss, Gally. Ngunit wala talaga akong makitang habo niya. Kaya safe ang iyong kapatid na tumira sa bahay niya." Kumunot naman ang aking noo. "Di ba ang sabi mo ay nasunog ang bahay nila? Tapos casger lamang ang trabaho ng babaeng iyon? Saan siya kumuha ng pera upang makabili ng bahay?!" Muling tumawa ang lalaking imbetigador. "Hindi ko pala nabanggit sa 'yo. Na naging malapit sa isa't isa si Tamara at ang asawa ni Mr. Fuentebella, na si Mrs Ella Fuentebella. At ang bahay na tinitirhan ni Miss Gally ay pagmamay-ari ng mag-asawang Fuentebella," muling anas ng lalaki. "So, kung malapit ang babaeng iyon sa mag-asawang Fuentebella. Ang ibig lang sabihin noon ay mas gusto niyang kadikit ang mga mayayaman? Kaya siguro tudo lapit siya sa aking kapatid dahil nalaman ng babaeng iyon na may makukuhang mana si Tine!" "No comment, Mr. Spark. Mahirap maghusga ng tao lalo na kung wala namang basihan. Saka hindi mo ba naisip na si Miss, Gally ang tumulong sa kapatid mo noong naglayas siya? Paano na lang kung walang Tamara Gally? Saan kaya pupulutin ang nag-iisang kapatid mo?" Hindi na lang ako nagsalita. May point naman ito. Ngunit hindi pa rin mababago ang isip ko laban sa babaeng iyon. At malakas ang aking pakiramdam na may baho pa ang babaeng iyon na tinatago. At iyon ang dapat kong alamin. Hindi pa rin mapalagay ang loob ko. Hanggang sa binigay ko na lamang ang aking bayad sa lalaki. "Ipapatawag na lang kita kapag may ipag-uutos pa ako sa 'yo," anas ko. At pagkatapos ay nagmamadali na akong tumayo para kausapin ang aking kapatid na pasaway. Sa ayaw at sa gusto nito ay papauwii ko na ito dahil nag-aalala na rito si Mama at Lola. Wala namang sinasabi si Tine kung bakit ito umalis sa lugar namin. Nagulat na lang kaming lahat nang umalis ito nang walang paalam. Napapailing na lamang ako. Pagkatapos ay agad kong kinuha ang cellphone ko para i-text ang magaling kong kapatid. Gusto ko itong makausap ng maayos. Agad naman itong nagreply at sumang-ayon sa gusto. Sinabi ko na lang na kung saan kami magkikita. Muli akong bumalik sa restaurant na pinanggalingan ko. Kaysa naman lumayo pa ako. Ay dito na lamang kami mag-uusap. Naghanap na lamang ako ng ibang table na puwedeng mapwestuhan ko. Nang makakita ako ay maliksi akong naupo at nag-order na rin habang hinihintay si Tine. Hindi naman ako nakatagal sa paghihintay sapagkat agad kong natanaw na paparating ang aking kapatid. Subalit biglang kumunot ang noo ko nang makita ko ang kasama nito. "Kuya Stanley!" pagtawag sa akin ni Tine at kumaway pa nga ito sa akin. Tanging pagtango lamang dito ang naisagot ko. Hindi ko kasi nagustuhan ang ginawa nito. Alam naman na mag-uusap kami nang masinsinan ay nagsama pa ito ng taong baliw. Hanggang sa makarating sila sa tapat ng table ko. Agad naman silang naupo. Tinawag ng babae ang waiter at nag-order ito nang makakain. "Ano'ng pag-uusapan natin, kuya," tanong sa akin ni Tine. Kaya naman hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad kong sinabi rito ang balak ko. "Kailangang isama na kita pauwi sa probinsya, Tine." Ngunit kumunot ang noo ko nang makita kong tumingin muna ito sa kasama nito. "Puwede bang mauna ka na kuya. Susunod na lamang ako. Pangako uuwi na ako," anas nito sa akin. "Okay," maikling sagot ko. Alam ko naman na tumutupad si Tine sa kanyang pangako. "Thank you so much, Kuya Stanley," masayang sabi ni Tine sa akin. Hanggang sa magpaalam muna ito na pupunta sa washroom. Kaya ang tanging naiwan ay kami na lang ng babaeng baliw. Maliksi akong bumaling dito nakita kong patuloy lamang ito sa pagkain at tila walang pakialam sa paligid. "Tomboy ka ba? May gusto ka ba sa aking kapatid?" tanong ko rito. Lalo namang nagsalubong ang aking kilay nang bigla nitong tapikin ang kanyang tainga. At tila may hinahabog na langaw roon. "Ano ba kayo! Huwag nga kayo bulong nang bulong sa aking tainga. Kumakain ako, eh. Ang ingay-inagay mo!" biglang sabi nito. Na kinainit naman ng aking ulo. "f**k!" hindi ko mapigilang sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD