Asar, Talo 8

1311 Words
Gusto ko tuloy matawa nang marinig ko ang boses ng lalaki na pikon na pikon sa akin. Nakakaasar naman kasi ito. Itanong ba naman na tomboy ako? Sa ganda at sexy kong ito magiging pusong lalaki lang? Aba nga naman! Kaya naman lalo ko pang inasar ang lalaking tikbalang. Hindi pa rin akong nagpakaimik-imik. At patuloy pa rin ako sa pagkain ko na tila walang kasama rito sa table. "Mr. Spark, Is that you?" narinig kong boses ng isang babae. Ngunit hindi pa rin ako bumaling sa kanila. Hinintay ko ring magsalita si Tikbalang. "Yeah," tanging sagot ng lalaki. "How are you? Bakit ka nandito sa lunsod? May ka-date ka ba?" muling tanong ng babae. Ngunit ramdam kong bumaling siya sa akin. "Is this the woman you're dating?" "No! Hindi pa ako nababaliw para i-date ang babaeng may tama ang utak," walang prenong anas ng lalaki. Na kina-usok ng ilong ko. Kaya naman maliksi akong bumaling sa dalawang abnormal na nag-uusap. Sabay taas ng kilay ko. "Excuse! Pinapatamaan mo ba ako?" nakataas ang kilay ko nang magtanong ko rito. "Ano sa tingin mo?" sagot naman niya sa akin. Ako naman ay tumikhim muna bago magsalita. "Miss, ako ay humihingi sa 'yo ng paumanhin sa mga pinagsasabihin ng aking pasyente. Minsan po talaga ay kung ano-ano ang sinasabi ni Mr. Spark. Minsan naman ay basta na lang na nanakal," anas ko sa babae. Nakita ko namang dumilim ang mukha ni Tikbalang. Habang nakatingin sa akin. "What do you mean?" muling tanong sa akin ng babae. "Hmmmm! Ang totoo niyan kalalabas lang niya sa mental hospital. At ako ang nakatalagang nurse niya. Kaya lang kami nandito kasi gusto niyang mamasyal. Minsan kasi nag-iisip bata na rin siya," anas kong pinalungkot ko pa ang mukha ko. "I'm warning you, woman!" Spark said angrily. Ngunit hindi pa rin ako nagpatinag. At tuloy-tuloy pa ring umataki ang bibig kong matabil. Saka, ito ang na una. Kaya hindi naman puwedeng hindi ako gaganti sa tikbalang na ito. Ako pa talaga ang inasar mo, ah! Hanggang sa muli na naman akong tumingin sa babae. At mas lalo ko pang pinalungkot ang mukha ko at tila naaawa sa kalagayan ni Stanley Spark. "Miss, minsan naman ay okay siya kung makipag-usap. Minsan talaga ay hindi. . . Katulad na lang kanina noong nasa bahay kami. Akala ko'y nanood lang ng tv. Hindi pala..." muli muna akong bumaling kay Spark. Para makita ko ang istura ng mukha nito. Bago ko ipagpatuloy ang susunod kong sasabihin. "Ano'ng ginawa niya kanina sa bahay niya?" tanong muli ng babae. At gusto talagang malaman ang ginawa ni Spark. "Woman!" Nanlilisik ang mga mata ni Spark. At may kasamang pagbabanta. Ako naman ay kinagat ko muna ang labi ko. Bago ko simulan asarin ang isang Stanley Spark. At sa aking sasabihin ay iwan ko lang kung hindi ito magwala at baka masakal ako. Subalit hindi ako natatakot sa tikbalang na ito. At marunong akong lumaban ng patas. "Ganito kasi iyan. . . habang nanonood siya ng Tv. Nakita ko siyang..." Muli na naman akong tumigil sa pagsasalita sabay ngisi ng kakaiba kay Stanley Spark. "Ano'ng nakita mo?" muling tanong ng babae. "Nakita ko siyang tumatae sa sala at pinaglalaruan iyon!" walang paligoy-ligoy na sabi ko. "Damn you, woman!" sigaw ni Spark. Nakita ko ring humakbang ito at balak akong lapitan Kaya naman maliksin akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at pagkatapos ay matulin akong tumakbo papalabas ng T. G. Restaurant. Gusto kong tumawa nang malakas ngunit nagpigil ako. Baka isipin nang mga makakakita sa akin ay isa akong baliw na babae. At sure akong galit na galit sa akin ang tikbalang na iyon. Siguro kung naabutan ako ay tiyak na masasakal ako nito ng wala sa oras. At nang makalabas na ako ng restaurant ay roon lamang ako tumigil sa pagtakbo. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko para i-text si Tine. Upang ipaalam dito na nauna na akong umalis. Wala naman sana akong balak sumama rito. Subalit sadyang makulit lamang ang babae. At talagang hindi umalis sa kwarto ko hanggang hindi ako pumapayag. Nahilot ko tuloy ang noo ko ng wala sa oras. Muli ko na sanang ibabalik ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko dahil tapos na akong magtext kay Tine. Subalit bigla namang tumunog iyon. At nakita kong tumatawag ang Boss ko. Kaya naman maliksi ko itong sinagot. At baka mahalaga ang sasabihin nito sa akin. "Boss," anas ko agad. "Mag-ingat ka sa mga kilos mo. Dahil mayroon tao ang nagpapa-imbestiga sa pagkatao mo," iyon agad ang bungad sa akin ni Boss Zach. "Salamat sa paalala, Boss. Napapansin ko na rin iyan noong nakaraang araw. May taong palaging nakasunod sa akin. At napag-alam kong si Mr. Spark," anas ko. "Pina-iimbestigahan ka niya. Dahil nasa poder mo ang kapatid niya. Mag-iingat ka pa rin sa kanya Agent. Lalo at hindi rin basta-bastang tao si Mr. Spark. Hindi niya puwedeng malaman kung sino ka, Agent," muling paalala nito sa akin. "Maraming salamat sa paalala, boss! Ako na ang bahala sa lalaking iyon," anas ko sa aking boss. "Sige. Tumawag lamang ako para paalalahanan ka. At iyong usapan natin bukas. Dahil dumating na ang mga files at kasama roon ang kaso na hahawakan mo Agent," saad ng boss ko. "Sige boss, maaga ako bukas," sagot ko. Hanggang sa mawala na sa kabilang linya ang boss. Ako naman ay agad na umalis sa lugar na ito. Hindi naman ako natatakot na baka may makakilala sa akin sa loob ng restaurant. Dahil iisang tao lang ang nakakaalam na ako ang may-ari ng restaurant na iyon. Isa lang naman iyon sa mga negosyo na aking naipundar. Ngunit bago ko nakamit ang lahat nang tinatamasa ko ngayon ay nagpalabas muna ako ng dugo at pawis. Isabay pang nasa ilalim ng lupa ang isang paa ko habang nasa gitna ng laban at nakikipagsagupaan sa mga kriminal na nagkasala sa batas. Siguro kung nabubuhay sina inay at itay ay labis silang matutuwa sa akin. Ngunit hindi pa rin maiiwasan ang panay sermon sa akin ni Inay dahil sa pag-aalala. Sobrang mis ko na sila. Malungkot na lang akong nagbuntonghininga. Ngunit bigla akong napatingin sa kotseng tumigil sa aking harapan. Napataas tuloy ang kilay ko. Kasalukuyan na kasi akong naghihintay ng taxi na dadaan. Mayamaya pa'y bumukas na ang bintana ng kotse. At tumambad sa aking harapan ay ang mukha ni Tikbalang. Nanlilisik pa rin ang pagmumukha nito habang nakatingin sa akin. "Ge in the car!" galit na utos nito sa akin. Na tila isang hari kung umasta. Ngunit hindi ako nagpasindak sa tikbalang na ito. Seryoso rin akong tumingin sa lalaki. Hanggang sa marahan akong humakbang papalapit sa bintana. "Ano'ng tingin mo sa akin pokpok? Hmmm! Puwede naman akong sumakay sa kotse mo. Basta bibigyan mo ako ng sampung milyo," nakangising anas ko. "What the..." Bigla ko namang tinakpan ang bibig nito gamit ng hintuturo ko, dahilan kaya hindi natapos ang balak nitong sabihin. "Kung hindi mo kayang ibigay ang sampung milyon na gusto! Hindi ako sasakay ng kotse mo. Aba! Mahirap kaya mag-upo-upo sa loob ng kotse mo. Tapos lalamigin din ako. Wala akong dalang jacket. Kaya hindi mo ako basta makakaladkad sa loob ng sasakayan mo, lover boy," anas ko. Sabay kindat sa lalaki, na lalong kinaasar nito. Subalit hindi pa ako tapos. Dahan-dahan ko namang inilapit ang mukha ko sa lalaki. Hanggang sa wala ng isang dangkal ang layo namin sa isa't isa. "Gwapo ka nasa. Ngunit puro kulangot naman ang ilong mo," baliw na turan. Pagkatapos ay nagmamadaling umalis sa harap ng kotse nito. "Tamara Gally! Come back here!" narinig kong sigaw ni Tikbalang. Subalit hindi ako tumigil sa pagtakbo. Mahirap nang maabutan ni Tikbalang. Baka tuluyan na akong ihampas sa tambutso ng kotse nito. Subalit bigla akong napalingon at nakita kong pinatakbo nito ang kotse at may balak yata akong habulin. "Anak ng tinapa,oh!" bulalas ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD