Multo 6

1145 Words
Hanggang sa makita kong binabaklas na ng lalaking inutusan ko na alisin ang pantalon ng boss niya. Halos mataranta naman ito. At nababanaag ko ring maputla ng mukha nito. "S-Sige! Magsasalita na ako!" sigaw ng lalaki. Napangisi tuloy ako dahil sa sinabi nito. "Ayon naman pala magsasalita ka rin naman. Pinatatagal mo pa," anas ko sabay iling ng ulo. Hinintay kong magsalita ito. Subalit lumipas na ang isang minuto ay hindi pa rin umiimik ang pasaway na lalaki. "Magsasalita ka pa ba? Oh, hindi na? Madali akong kausap!" galit na sabi ko sa lalaki. "D-dalhin namin sa probinsya ang mga bata para doon pagpalimusin," nauutal na sabi nito. Biglang kumunot ang aking noo. Mukhang may mali sa kanyang sinabi. "Alam kong hindi totoo ang iyong sinabi. Okay lang! Dahil pagdating natin sa lugar na pupuntahan natin. Alam kong kakanta ka rin ng nakakaakit," sabi ko pa sa lalaki. Bahala na si Boss Zach ang magpaamin dito. Malakas ang kutob kong kabilang sila sa malaking sindikato. Hindi sila kikilos basta-basta kung walang humahawak sa kanila. Hanggang sa makarating kamin sa lugar na sinasabi ni Boss Zach. Nagpadala agad ako ng mensahe rito kanina na kung saan ko dadalhin ang mga nakuha kong mga lalaki at mga bata. Mayamaya pa'y natanaw ko na ang mga tauhan ng boss ko. "Manong, dito na lang," anas ko. Kaya tumigil na ang sasakyan. Maliksi kong binuksan ang pinto para makapasok ang mga tauhan ng boss ko. Dahil sila na ang bahala sa mga lokong lalaki. Ganoon din sa mga kawawang bata. Pagbaba ko'y natawan ko agad si Boss Zach. Papalapit ito sa akin. "Mabuti na lang at ikaw ang nakakita sa mga bata," anas nito sa akin nang makalapit sa pwesto ko. "Kaya nga po boss. Kawawa ang mga bata kung sakaling makuha sila ng wala man lang kalaban-laban," anas ko. "Bukas ng umuga pumunta ka sa bahay. Dahil sa kasong ibibigay ko sa 'yo." "Teka lang, boss! Di ba bakasyon ko ngayon? Bakit hahawak agad ako ng kaso?" reklamo ko sa aking boss. "Huwag ka munang magbakasyon. Kapag natapos mo ang kasong ibibigay ko sa iyo. Kahit limang buwan kang magbakasyon," muling anas ng boss ko. Hindi ako naniniwalang aabot ako ng limang buwang bakasyon. Dahil mahilig mag-scam ang boss ko. Ang pinakamatagal na bakasyon ko ay limang araw lamang. At ayon nga pinatatawag na ako ka agad. Kakamot-kamot na lamang ako sa aking ulo. "Tatlong milyon ang kapalit kapag nalutas mo ang kasong ibibigay ko sa 'yo," biglang singit ng boss ko sa perang tatlong milyon. Mautak talaga ito. Para hindi ako tumangi sa kasong ibibigay niya sa akin. Ay sasabihin agad nito ang kabuuhang bayad. Ako naman ay pasaway rin. Dahil nang marinig ko ang tatlong milyon ay parang nagdiwang ako at tanging pera lamang ang aking nakikita. "Tatanggapin ko na boss," anas ko at gumanda ang ngiti ko. "Good! Bukas ng alas-otso ka pumunta sa bahay. Medyo marami kong sasabihin sa iyo, Agent. Alam mo naman kapag malaki ang bayad mas malaking kaso ang iyong hahawakan," anas niya sa akin. "Yes boss, alam ko. Basta't may tatlong milyon ako," sabi ko at lalong gumanda ang ngiti ko. Nakakalokong tumawa naman ang aking boss. Alam na alam na talaga nito kung papaano ako mapapapayag pagdating sa kasong ibibigay niya sa akin. Mayamaya pa'y agad na rin akong nagpaalam dito. Ito na ang bahala sa mga bata at driver. Malalaki ang mga hakbang ko para umalis sa lugar na ito. Nang may dumaan na taxi ay agad akong sumakay para magpahatid sa bahay ko. Hindi naman nagtagal ay tuluyan na akong nakarating sa tapat ng aking bahay. Pagkatapos kong magbayad sa driver ng taxi ay agad akong pumasok sa bahay ko. Sa bahay ko sana sa Makati ako pupunta lalo at ilang linggo na rin akong hindi nakakapunta roon. Siguro'y bukas na lang. Mas sanay kasi ako sa bahay ko rito. Ito kasi ang naging unang bahay ko noong nagsisimula pa lang ako bilang agent. Kaya hindi ko ito basta maiiwan. At iyong bagong bili ko namang bahay sa Makati ay parang bakasyunan ko lang. At doon kasi nakalagay ang lahat ng mga gamit ko sa pagiging agent ko. Hindi ko puwedeng ilagay dito lalo at nandito rin si Tine.Walang kahit na sino ang puwedeng makaalam kung sino nga ba ako at ano'ng tunay kong trabaho. Pabagsak na lang akong naupo sa sofa. Sabay hilot ng aking noo. Subalit bigla akong napatingin sa pinto ng bahay ko nang may kumakaatok doon. Hindi tuloy maipinta ang mukha ko nang tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa. Para buksan ang pinto. Subalit nagsisi ako nang mabuksan ko ang pinto. Dahil ang tumambad lang naman sa aking harapan ay walang iba kundi si Tikbalang. Bigla na naman nagsink-in sa utak ko ang paghalik nito na walang pahintulot mula sa akin. Kaya lalong hindi maipinta ang aking pagmumukha. Kaya ang ginawa ko'y nagpalinga-linga muna ako sa kaliwa ang kanan ko. Bago ko gawin ang aking plano. "Peste namam, oh! Sino ba ang kumakatok na iyon? Pinagloloko yata ako ng aking mga kapatid bahay, ah. Kakatok tapos wala namang tao!" galit na anas ko at lampasan talaga ang tingin ko sa lalaking tikbalang na aking kaharap. Nagkunwari talaga ako hindi ko siya nakikita. "Damn it, woman!" biglang sabi ni Tikbalang. Ngunit hindi ako nagpasindak dito. Umiling-uling na lamang ako. At balak na sanag isara ang pinto nang may huwak sa aking braso. "Ha! My Gosh! Bakit hindi ako makaalis sa aking pwesto? May multo ba sa aking bahay?"baliw na tanong ko pa sa aking sarili. Ngunit ang aking puso ay labis na tuwang-tuwa dahil sa nakikita ko ang pagkaasar sa mukha ni Tikbalang. "Don't waste my patience, woman!" "O-oh! My multo nga! Sino ba iyong nagsasalita? Huwag mo akong takutin dahil dati na akong takot!" muling palatak ko. At tila takot na takot din ang boses ko. Nag sign of the cross din ako. Kaya sa sobrang asar sa akin ng lalaki ay maliksi akong isinandal sa pinto ng bahay ko. Sabay hawak sa aking panga nang sobrang higpit. Ngunit hindi ako nagpatalo. Tumingin pa rin ako rito ng lampasan na tila hindi ko talaga siya nakikita. Umataki rin ang aking bibig na pasaway. "Kung sino ka mang humahawak sa akin ngayon. Ayosin mo nang paghawak sa aking balat kasi nilalamig ako. At para ka ring aircon. Inaantok tuloy ako," anas ko at tangka nang ipipikit ang mga mata. "f*****g s**t!" sigaw ng binata. Ngunit hindi pa rin ako nagpatinag sa aking kabaliwan. "Huwag mong hinataying halikan kita. At dalhin sa kama para gahasain, babae!" Sa sinabi nito ay agad akong nagmulat ng mga mata at ubod lakas kong itinulak ang lalaki. At pagkatapos ay maliksi kong sinadaro ang pinto ng bahay ko. "Lintik na iyon! May pagnanasa pa yata sa akin!" bulalas ko pa, habang nagmamadaling pumanhik sa kwarto ko para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD