bc

Dangerous Spy

book_age18+
31.3K
FOLLOW
310.6K
READ
spy/agent
dark
one-night stand
powerful
twisted
city
first love
secrets
virgin
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Tamara Gally, sa edad na dalawampu't lima ay masasabi niyang isa na siyang mahusay na secret agent. Siya ang tao na walang sinasanto, lalo na kung alam niyang nagkasala sa batas.

Wala rin siyang pakialam kung wala siyang lovelife. Katwiran niya aanhin niya ang lalaki kung sakit lang ng ulo ang dulot nito sa kanya. Subalit biglang nag-iba ang tinatahak niya. Imbes na maging tuwid ay tila lumiko ito patungo sa taong hindi niya inaasahan.

Paano kung sa unang pagkikita pa lang nila ng taong ito ay para na silang langis at tubig na hindi magkasundo. May pag-ibig pa kayang mabuo sa dalawang tao na magkaiba ang mundong ginagalawan.

chap-preview
Free preview
Ang BaBaeng Walang Bra 1
Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang magkakasunod na katok mula sa pinto ng bahay na aking tinutuluyan. Tila gustong gibain ang pinto dahil sa matinding pagkakatok. Kaya naman nagdadagbog na tumayo ako mula sa kama. Parang gusto ko tuloy manapak dahil na istorbo ang aking pagtulog. Puyat pa naman ako, halos tatlong linggo rin bago natapos ang misyon ko. Saka parang katutulog ko lang dahil kaninang madaling araw lang natapos ang kasong hawak ko.Tapos heto naman ang mangyayari sa akin. Kasarapan ng tulog ko ay may abnormal na tao ang basta na lang kakatok dito sa bahay ko. Kaya naman kahit masama ang loob ay binuksan ko ang pinto. Wala akong pakialam kong para akong bruha. Dahil hindi ko man lang pinadaanan ng suklay ang aking buhok. At kung sino man ang magpupuna sa akin ay gugulong talaga! "Kung mangungutang ka wala akong pera! Kaya puwede ba umalis ka na! Dahil inaabala mo ang masarap na tulog ko!" galit na sabi ko sa taong kumakatok. Pero ang mga mata ko ay halos pikit na rin. Hindi ko nga inalam man lang kung sino ito. Ang tanging hangad ko lang ay muling bumalik sa higaan para matulog maghapon. "Tamara Gally, right?" Nang marinig kong sinambit ng taong istorbo ang aking pangalan ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. At ganoon na lang ang gulat ko nang masilayan ko ang lalaking nasa aking harapan. Para itong angel na bumaba sa lupa. Taglay rin nito ang karismang pinapangarap ng mga kababaehan. Para akong nahipnotismo. Nawalan din ako nang boses at parang nakalimutan kong magsalita. "Ilabas mo ang kapatid ko Miss. Gally. Alam kong ikaw palagi ang kasama niya!" galit na sabi ng lalaki sa akin. Napanganga ako sa mga pinagsasabi nito. Sino kayang kapatid nito? Na hinahanap niya sa akin. Hindi kaya takas ito sa mental? Sayang naman ang gwapo pa naman! "Did you hear me, Miss, Gally? Oh, ako na lang ang maghahanap diyan sa loob ng bahay mo!" mariing sabi nito sa akin. Bigla ko tuloy naipilig ang aking ulo upang mahimasmasan. Para bumalik muli ang utak kong lumilipad mula nang masilayan ko ang mukha ng angel na ito. Pero ngayon ay mukha na itong tikbalang sa aking paningin. "Teka lang Tikba---" "Who is, Tikba?!" asar na tanong nito. Hindi na kasi nito pinatapos ang aking sasabihin. "Ikaw! Sino pa ba? Eh, dalawa lang tayong nag-uusap dito. Hoy! Tikbalang! Kung sino man ang iyong kapatid na nawawala ay huwag mo sa aking hanapin. Dahil hindi bahay ampunan itong bahay ko!" asar na asar na sabi ko. Nakita kong naningkit ang mga mata nito. Parang gusto akong sakaling ngunit nagtitimpi lang dahil siguro babae ako. "Huwag mo akong pinagloloko babae. Alam kong alam mo kung nasaan si Tine Spark. Kaya hindi mo ako malilinlang babaeng walang bra!" Para akong binuhusan ng isang baldeng tubig nang marinig ko ang sinabi nitong walang bra. Ngayon lang tumatak sa aking isipan na wala pala akong suot na panloob. Kaya naman agad kong pinagkrus ang aking mga braso sa tapat ng dibdib ko. "It's too late. Pero hindi 'yan ang ipinunta ko rito. Kundi ang katapid ko. Ngayon sabihin mo sa akin kung na saan siya!" "Hindi ako tanungan ng nawawalang katapid ng isang tikbalang! At kung makita mo siya, bibigyan pa kita ng piso. Saka puwede ba huwag ka nang bumalik pa rito at baka mahigh blood ako sa iyo at baka habulin pa kita ng taga!" sigaw ko sabay sarado ng pinto. "Damn!" narinig ko pang sambit ng pesteng lalaking iyon. Bigla tuloy akong napaupo sa sofa. Sabay hilot sa aking sentido. Hindi ko tuloy matanggap na may lalaking nakakita ng aking dibdib. Nakalaan lamang ito sa aking magiging asawa. Parang gusto ko tuloy maglupasay at mag-amok ng away sa labas ng bahay. "Tamara, ano'ng nangyayari sa pagmumukha mo?" bigla naman akong napatingin sa babaeng sumulpot sa aking harapan. Walang iba kundi si Tine. Ito lang naman ang hinahanap ng lalaking iyon. "Iyong katapid mong mukhang tikbalang hinahanap ka! Ayon galit na galit sa akin. Itinago raw kita!" asar na sabi ko rito. "Oh! My God! Nandiyan si kuya Stanley? Nasaan na siya? Sinabi mo bang nandito ako?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tine. "Muntik ko na sanang sabihin kaso ginalit niya ako. Kaya sabi ko hanapin niya at bibigyan ko siya ng piso," sabi ko. "S-Sinabi mo iyon, Tamara?" nag-aalalang tanong nito. "Yes! Saka mukhang bastos ang katapid mo. Hindi marunong gumalang sa babae," sabi ko ulit rito. Nakita kong alanganin itong ngumiti sa akin. "Pasensya ka na sa aking kapatid Tamara. Mabait naman si kuya Stanley. Medyo suplado lang nga. Paumanhin din kung nadamay ka dahil sa pagtatago ko kay kuya. Naiinis lang kasi ako, dahil masyado niya akong ginagawang baby," sabi pa nito sa akin. "Mas maganda siguro kung magpakita ka na sa iyong kapatid at kausapin mo na rin. Saka alam kong nag-aalala lang iyon sa iyo," saad ko. "Sige mas maganda siguro kung kausapin ko si kuya," sagot nito. "Sabihin mo rin sa kuya mo. Hindi ka na bata. Mas matanda ka pa nga sa akin. Tapos kung tratuhin ka ay parang bata. Kung ganyan ang katapid ko baka masakal ko na siya!" asar na sabi ko. Bigla itong tumawa. "Hindi ko iyon magagawa kay kuya Stanley. Baka ibitin akong patiwarik noon. Saka na sasabi mo lang iyan dahil wala ka namang kapatid, Tamara," sabi nito sa akin. "Naku! Mabuti na lang wala akong kapatid. Kung nagkataon. Siguradong laging may gulo!" bulalas ko pa. Nakita kong umiling-iling si Tine. "Aalis ako ngayon, Tamara. Alam kong hindi pa nakakauwi si kuya Stanley sa lugar namin. Kaya maaari ko pa siyang makausap." Okay! Ako naman ay matutulog muli," sagot ko rito. Sabay tayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Agad akong pumasok sa aking silid para matulog muli. Sublit hindi na naman ako dinalaw ng antok. Bigla ring pumasok sa aking isipan sina inay at itay. Amin na taon na ang nakakalipas mula ng maagang kuhanin sila sa akin. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon na habang nasa school ako ay wala akong kaalam-alam na nilalalom na pala ng apoy ang munti naming bahay. Ang masama pa'y hindi nakalabas sina inay at itay. Nang dahil sa kuryenteng sumabog kaya maaga akong nawalay sa aking mga magulang. Para akong sisiw ng mga panahon na iyon at walang matulugan. Wala ring nag-aasikaso sa bangkay ng aking mga magulang. Hanggang isang araw ay dumating ang boss ni itay. Walang iba kundi si Mr. Fuentebella. Driver ang aking ama sa pamilyang iyon. At nang mabalitaan ang nangyari ay agad itong nagbigay ng tulong. Ito ang nag-asikaso ng pagpapalibing sa aking ama at ina. Subalit ang hindi ko inaasahan ay ang sabihin nito na kung gusto ko raw sumama sa kanya para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na sumang-ayon dito. Hanggang sa alokin ako na maging secret agent ng bansa. Agad akong sumang-ayon dito. Aaminin kong medyo nahirapan ako sa training. Mas malala pa kami sa mga sundalo. Talagang nagpapalabas muna kami ng dugo at pawis bago makamit ang totoong tagumpay. Halos taon din bago ko nakamit ang inaasam kong maging ganap na weapon ng bansa. Siguro kung nabubuhay lang sina inay at itay matutuwa sila dahil sa aking narating. Masasabi kong mayroon na akong naipundar mula ng maging agent ako. Sobrang mis na mis ko na rin sila. "Hay!" tanging sambit ko. Pinilit ko na lang matulog muli. Kailangan kong mapahinga ng isang buwan habang wala pa akong hawak na kaso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
901.4K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.2K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.9K
bc

EASY MONEY

read
178.5K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.7K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.4K
bc

Fated (Eagle Eye Series BOOK 1.) Viper

read
72.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook