Maingat akong sumilip upang makita ko kung ilang bata ang nasa loob at kung hindi ako nagkakamali ay mga sampu sila. At ang mga lalaki naman ay tatlo. Hindi ko lang alam kung kasabwat ang driver ng school bus. Napansin ko ring may mga dala-dala silang baril at nakatutok sa mga bata.
"Mga inutil...!" galit na bulong ko. Labis akong nagagalit sa mga lalaking nasa loob ng school bus. Lalo na sa pananakot nila sa mga bata na magbibigay ng malaking impack sa mga paslit.
Kailangan ko nang kumilos bago tuluyang matakot ang mga paslit. Baka may makakita rin sa akin dito at kung ano ang isipin nila. Kaya naman maliksi akong sumampa sa ibabaw ng bubong. Sa ultimong driver seat ako dadaan. Nakita ko kasing bukas ang bintana.
"Ano iyon? Bakit parang may tao sa ibabaw ng bubong?" narinig kong anas ng isang lalaki sa loob ng sasakyan.
"Ha! Boss, wala naman kaming narinig, ah?" sagot naman ng isang lalaki at mukhang tauhan iyon nang tinatawag na boss.
Kaya hindi muna ako gumalaw. Hanggang sa maramdam kong wala namang sumilip para magtangka na alamin kung may tao nga ba rito sa itaas ng bubong. Hanggang sa magsimula na ulit akong humakbang para malaman ko kung kasama ba nila ang driver.
Pagkatapos ay dahan-dahan akong dumapa rito sa itaas ng bubong upang silipin ko ang driver ng school bus. Naramdaman ko rin na dahan-dahan nang tumakbo ang sasakyan. At nang tuluyan kong masilip ang loob ng driver seat. Ay biglang kumunot ang aking noo.
Dahil ang tumambad sa akin ay isang lalaking may edad na. Bumaba rin ang mga mata ko sa mga kamay nitong nakahawak sa manibela. At nakikita kong nginginig iyon at tila kinakabahan.
"Hoy! Ikaw tanda! Ayosin mo ang pagdriver. Baka ikaw ang samaan sa akin kung sakaling mahuli tayo ng mga pulis. At ang pamilya mo ang aking babalikan upang iligpit!" narinig kong pagbabanta ng isang lalaki. Kaya naman na kuyom ko ang mga kamao ko.
May nadama rin akong awa sa matanda. "Peste! Kahit matanda hindi nila pinalampas..." bulong kong labis na naiinis sa mga lalaki. Kaya naman naghanda na ako sa aking gagawin pag-ataki.
Hanggang sa biglang mapalingon sa akin ang matandang lalaki. At nagsenyas akong huwag maingay. Agad naman siyang tumango sa akin.
"Tanda, bilisan mong patakbuhin itong sasakyan nang makarating na kami sa aming pupuntahan!" muling sigaw ng isa lalaki sa kawawang matanda. Kaya naman nagtitimping kinuyom ko muli ang aking mga kamao.
Hanggang sa biglang ibigay sa akin ng matanda ang sombrero niya. Agad ko iyong kinuha mula sa kamay nito. Inalis din nito ang kanyang jacket at binigay sa akin. At muli ko namang kinuha. Ako naman ay alam ko na agad kung bakit nito ibinigay sa akin. Gusto rin niya akong tulungan para makaligtas sila.
Pagkatapos ay muling sumilip ang matanda sa likuran upang alamin kung nakatingin sa kanya ang tatlong lalaki.
Mabuti na lang din at walang nakaupo sa tabi nito. Sabagay sira kasi ang upuan kaya hindi makakaupo.
"Huwag mo akong dayain! Ako ang panalo dahil, alas na lang ang sa akin!" sigaw ng isang lalaki sa loob ng sasakyan.
Hmmmm! Kaya pala hindi hindi nila nakikita ang ginagawa ng matanda kasi nagsusugal sila. Ang masama pa'y nasa harapan sila ng mga batang umiiyak. Mga utak talangka.
Hanggang sa biglang suminyas ang matanda sa akin na puwede na raw akong bumaba. Kaya agad akong kumilos. Medyo umurong ito nang kaunti habang yukong-yuko ang ulo niya. Ako naman ay walang kahirap-hirap na nakababa at naupo sa driver seat at ako na mismo ang nag-driver ng school bus.
Kaya naman matuling kong pinatakbo ang sasakyan. At iniba ko rin ang daang tinatahak. Hindi naman siguro nila agad mapapansin lalo at busy sila sa pagsusugal. Muli naman akong tumingin sa matandang kasama ko medyo naawa ako rito dahil sa pagyuko nito.
Alam kong hirap na hirap na ito. Kaya kailangan makarating agad ako sa pupuntahan ko.
"Hoy! Tanda! Ang bilis mong magpatakbo, ah. Saka bakit iba yata ang dinadaanan natin. Hindi mo ba narinig ang sinabi kong address na pupuntahan natin! Siraulo ka. Itigil mo itong sasakyan at ako na ang magdrive!" galit na sigaw ng isang lalaki.
Kaya naman sa sobrang gigil ko'y agad kong itinigil ang sasakyan. Maliksi din akong bumaba at pumunta sa likod ng school bus. Pagkatapos ay agad kong sinipa ang pinto ng sasakyan dahilan para bumukas ko iyon.
Muling lumpad ang isang paa ko dahil sa lalaking nasa harap ng pinto ng sasakyan. Gulat na gulat itong bumagsak sa ibaba at nanlalaki pa nga ang mga mata nang tamaan ko ng malakas na tadyak.
Ako naman ay maliksing pumasok sa loob sabay lambitin sa bakal na nasa itaas ng sasakyan.
Nakita kong nagulat ang dalawa pang lalaki. Ngunit hindi naman nagtagal ang pagkagulat nila. Maliksi silang tumayo para sana sugurin ako. Subalit sinalubong sila ng mga paa kong lumilipad na tila isang kidlat sa bilis.
Una kong pinatamaan ang dibdib ng isang lalaki. Patumba na sana ito. Ngunit nagpahabol pa ako nang sipa sa tagiliran nito. Kaya agad itong bumagsak.
"Ahhh!" malakas na sigaw nito.
Tumingin naman ako sa isang lalaking may hawak ng baril at nakatutok sa akin. Kaya naman walang takot na umigkas ang isang paa ko patungo sa baril nito. At lumabas sa dulo ng suot kong sapatos ang sobrang talim ng sandata. Kakaiba ang patalim na ito. Lalo at sariling embention ito ng mga kawpa ko mga Agent.
Kahit maliit lang ang patalim na ito ay nakakaputol ito kahit bakal. Kaya naman isang padaan ko lang sa gitna ng baril na hawak ng lalaki ay siyang kinaputol nito sa gitna. Nanlaki pa nga ang mga mata ng lalaki. Napapailing na lamang ako at pagkatapos ay muling lumipad ang paa ko patungo sa panga, balikat at tiyan nito. Kaya naman bumagkas itong hinanghina.
"S-Sino ka? Bakit nanggugulo ka rito. Hindi mo ba alam na papasok na ang mga bata?!" galit na tanong ng isang lalaki habang nakangiwi pa ang mukha nito dahil sa sakit na aking ginawa.
Malakas muna akong tumawa. "Papasok? Ipapaalam ko lang sa inyo na alas-dos na ng hapon. Kaya huwag ninyo akong paglolokohin!" galit na sigaw ko.
Subalit nakita ko ang isang lalaki na balak kuhanin ang baril mula sa gilid nito. Kaya naman agad akong tumalon papunta sa tabi nito. Sabay sipa ng baril papalayo. Agad ko ring inapakan ang kamay nito.
"Ahhhh!" sigaw nito. Talagang sisigaw ito sa sasakit dahil sa maliliit na karayom na nasa ilalim ng aking sapatos. Kaunting push ko lang sa button at gamit ang daliri ko sa aking paa ay lalabas na ang mga karayom. Kaya hindi basta-basta ang aking suot na sapatos.
"Kahit sa iba ako nakatingin at ay nakikita ko pa rin ang mga galaw ninyo!" sigaw ko. Sabay alis ng aking sapatos sa kamay nito. Kaya kitang-kita ko ang paglabas ng dugo mula roon.
Pagkatapos ay muli kong inumang ang dulo ng sapatos ko sa leeg ng boss nila. Hanggang sa muli na namang lumabas ang matalas na patalim doon.
"Saan mo daldalhin ang mga bata?!" galit na tanong ko sa boss nila.
"Kahit patayin mo ako. Hinding-hindi ko sa sabihin sa iyo! Isa ka lamang babae!" pagmamaliit niya sa akin. Kaya naman sa sobrang inis ko ubod lakas kong itinarak sa hita nito ang dulo ng sapatos ko na may patalim. At pinagdiinan ko talaga nang husto.
"Ahhhh!" sigaw ng lalaki at namimilipit sa sakit.
"Manong, patakbuhin mo na itong sasakyan! Sa sabihin ko na lang sa 'yo kapag ililiko muna," utos ko sa matandang lalaki.
Pagkatapos ay muli akong bumaling sa lalaking kaharap ko. "Ano kaya mo pa ba ang sakit? Puwede ko pang ulitin. At sa kabilang hita mo naman!" seryosong sabi ko.
"P-patayin muna lang ako!" sigaw nito sa akin. Ngunit isang nakakalokong pag-ngisi lang binigay ko rito.
"Mga bata. Ipikit muna ninyo ang mga n'yo. Maglalagay kasi ako ng tattoo," utos ko sa mga batang paslit. Pagkatapos ay sabay tingin sa isa pang lalaking nakalugmok dito.
"Ikaw! Tumayo ka rin at alisan mo ng pantalon ang boss mo. Dahil magpa-painting ako," anas kong makangisi. Maliksing naman sumunod ang lalaking inutusan ko.
"A-Ano'ng gagawin mo sa akin?!" pasigaw na tanong nito at nasa boses ang takot.
"Alalahanin mo isa lamang akong babae. Iyon ang sabi mo sa akin kanina. Kaya no worry, darling," anas ko.
"Huwag!"