Hinawakan 4

1171 Words
Parang gusto kong manakal ng mga oras na ito. Lalo at hawak na parihas nito ang aking dalawang paa. Sublit hindi ako basta magpapatalo sa lalaking tikbalang na ito. Aanhin ko ang pagiging S, W, A ng bansa kung hindi ko kayang ipagtanggal ang aking sarili. Aba! Hindi puwede iyon. Kaya naman seryoso na akong tumingin sa lalaking kaharap ko. Walang nababanaag sa mukha ko na kahit ano. Pagkatapos ay maliksi akong kumilos papalapit dito. At walang babalang inompog ko ang aking noo sa noo nito. Pinaikot ko rin ang mahabang buhok ko patungon sa mukha nito. "Damn it, woman!" sigaw ng lalaki. At ramdam kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking mga paa. Kaya iyon ang sinamantala ko upang makawala sa lalaking tikbalang. Maliksi kong hinila ang aking mga paa. Para tuluyan makaalis mula sa mga kamay nito. Hindi naman ako nabigo. At nang makawala ako ay medyo lumayo ako rito, sabay tingin sa mukha ng binata. Biglang tumaas ang kilay ko nang makita kong dumugo ang ilong nito. Aba! Sa ilong ko pala siya tinamaan. Akala ko'y sa noo lamang. Nakikita ko rin sa mukha ng lalaki ang galit habang nakatingin sa akin. Ngunit wala akong makapang takot sa aking puso. Ang katwiran ko. Sino ba ito? Para katakutan ko. Kapatid lang naman ito ni Tine na kaibigan ko. "B-Boss, dumudugo po ang ilong mo!" biglang anas naman ng driver. Ngunit hindi iyon pinansin ni tikbalang. At patuloy pa ring nakatingin sa akin. "Talagang ginagalit mo ako babaeng walang bra!" bulalas nito. Parang medyo napahiya ako nang sabihin nitong walang bra. Lalo at kasama namin ang driver nito. Kaya naman lalong umusok ang ilong ko. At kuyom ang mga kamao ko habang nakatingin din sa lalaki. Napansin kong dahan-dahan lumalapit sa akin ang lalaki. Kaya naman naghanda ako sa muling pag-ataki ko rito. Hinding-hindi na ako magpapahawak dito. Hanggang sa bigla itong napahinto nang marinig kong tumunog ang cellphone nito. Maliksi naman kinuha ng binata ang phone nito para sagutin kung sino ang tumatawag. At iyon ang sinamantala ko upang tuluyang makaalis sa kotse nito. Ngunit hindi naman ako basta papayag na hindi makaganti rito. Lalo at kinuha nito ang aking unang halik na dapat ay mapupunta sa magiging nobyo ko, oh, asawa ko pagdating ng tamang panahon. Kaya bago isagawa ang aking plano na pag-alis sa loob ng kotse nito. Ay naglakbay muna ang paningin ko sa katawan nito. Nakatagilid kasi ito sa akin habang nakikipag-usap sa tuwag sa cellphone nito. Kaya naman puwede kong gawin ang aking balak kay Tikbalang. Hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa gitnang hita nito. Hmmm! Bakit hindi! Tutal naman ay hinalikan niya ako nang walang pahintulot mula sa akin. Kaya puwede ko ring gawin ang nasa isipan ko ngayon. Kaya naman singbilis ng kidlat gumalaw ang mga kamay ko. Patungo sa gitna ng hita nito. At pagkatapos ay walang babala ko itong pinisil. Bigla naman itong napahinto sa pagsasalita. At pagkatapos ay dahan-dahang lumingon sa akin. Ako naman ay nakataas ang kilay habang hawak ko pa ang itlog ni tikbalang. Hindi pa nga ako nakontento. Sapagkat patuloy ko pa rin na pinipisil iyon. "Parang nabubuhay yata ang itlog mo tikbalang. Kanina lang ay malambot iyan, ah. Nagising ko yata," baliw na sabi ko pa. "f*****g s**t!" sigaw nito. Kaya naman nagmamadali kong inalis ang kamay ko mula sa itlog nitong na buhay. Pagkatapos ay maliksi kong binuksan ang pinto ng kotse nito at agad na lumabas. "Armando, habulin mo ang babaeng iyon! At muli mong dalhin sa akin!" narinig kong sigaw ni Tikbalang. Kaya naman agad akong umalis sa harap ng kotse nito. Ngunit muli akong bumalik sabay umang ng aking paa na may suot na sapatos. Hanggang sa lumabas sa unahan ng shose ko ang matalim na kutsilyo. At walang babalang malakas kong itinusok sa gulong ng kotse ng lalaki. At nang alam kong butas na iyon ay matuling ulit akong tumakbo. Ngunit narinig ko pa ang pagbukas ng pinto ng kotse ni tikbalang. "Boss, binutas ng babae ang gulong ng kotse mo!" sigaw ng driver ni tikbalang. Nagdidiwang tuloy ako habang tumatakbo papalayo. Sa aming dalawa ay ako pa rin ang nagwagi. Hindi rin ito nakakatuwang kausap. Kasi naman masyadong mababa ang tingin nito sa mga babae na tila isang alipin. At ang mga lalaki raw ay mas mataas at dapat igalang. Eh, hindi naman ito kagalang-galang na tikbalang. Para sa akin ay isa itong toxic sa buhay ko na bigla na lamang sumulpot sa aking harapan. Nakunsume tuloy ako. Saka, ang malas naman ni Tine pagdating sa kapatid. Napapailing na lamang ako. Ngunit bigla akong napatigil nang makita ko ang isang school bus na dumaan sa aking harapan. Bigla ring kumunot ang noo ko dahil parang may kakaiba sa loob noon school bus na iyon. Saka parang may nag-iiyakan na mga bata sa loob. Kaya naman hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Matuling akong tumakabo para maabutan ko ang school bus. Hindi naman mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan. Sapat na para maabutan ko iyon. Alam kong maabutan ko ito dahil trapik naman. Kaya naman maliksi akong sumampa sa bubong ng taxi upang alamin kung na saan na ang school bus. "Ayyy! Ano ba iyon!" narinig kong sigaw ng pasahero ng taxi. Hindi na lamang ako nagsalita at hinanap ng mga mata ko ang school bus. Agad ko naman itong nakita. Nakatigil pa ito dahil sobrang trapik. At tatlong sasakyan pa ang dadaanan ko bago ako makalapit sa school bus. Bago ko isagawa ang aking plano ay kinuha ko muna ang aking panyo pagkatapos ay inilagay ko iyon sa aking mukha. Upang walang makakita sa akin. Hanggang sa simulan ko nang lumapit sa school bus. Malakas talaga ang kutob kong may kakaiba sa loob noon. Kaya naman kahit kainitan ay nagawa ko pa ring dumaan sa mga bubong ng taxi. Alam kong nagugulat sila kapag aapak ako sa bubong ng sasakyan nila. Ngunit hindi ko na lang pinansin iyon. At nang malapit na ako sa sasakyan na school bus ay maingat akong lumapit sa likuran nito. At sumampa na rin. Kahit na tumakbo ito ay kasama naman ako kapag umalis na. Halos magpakayuko-yuko ako ng ulo para lang hindi makita. "Punyetang trapik iyan. Baka may makakita sa atin dito!" marinig kong sigaw ng isang lalaki. "Boss, barilin na kaya natin para makadaan tayo!" anas naman ng isang lalaki na nasa loob ng sasakyan. "Bobo ka ba? Gusto mo bang mabulabog ang mga pulis! Sayang ang pagkaktaon natin. Saka marami-marami nating nakuha na mga bata ngayon!" Kuyom ang mga kamao ko dahil sa aking narinig. Tama mga aking hinala. Peste! Imbes na mamasyal ako ngayon ay nandito naman ako sa likod ng school bus para iligtas ang mga kawawang bata na umiiyak. "Mag sitigil kayo! Ngayon pa lang ay masanay na kayo na wala sa inyong tabi ang mga magulang ninyo. Dahil simula ngayon ay sa akin na kayo titira!" sigaw ng isang lalaki sa loob ng school bus. "Peste! Mga baliw yata sila...!" bulong ko na may halong galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD