Chapter 46 -Her first kiss (Part 2)

1506 Words
Astang aalis na si Xyvill pagkatapos magsalita subalit---"Don't try to butt in. You don't know anything." Ibinagay ni Liam ang gitarang kaniyang hawak hawak sa table. "Since our conversation moved to this. Let me tell you a story...." Nakangisi siyang tumayo. "Nung 14 pa kami, ayos pa ang grupo namin. Ayos pa ang relationship nila Noah. Pero dati, kinakasama na namin si Serena gawa nga ng bet na pinagpustahan naming tatlo. That same month, nagpunta kami ng beach, mga around december?..." "Pagkatapos namin magbanana boat, sumakay kami sa bangka. I don't know the full story but bigla na lang nahulog ng sabay sa dagat si Brielle at Serena. Even though hindi nagkukuwento sakin si Brielle, I know that push was intentional. Anyways, back to the story. Malamang to the rescue si Noah pero... Inuna niyang iligtas si Serena kahit alam niyang hindi marunong lumangoy si Brielle, kaya ako na ang kumilos nung papalubog na siya... Why do you think I'm telling you this, Xyvill?" Lumapit si Liam kay Xyvill bago hinawakan ang kanang balikat nito bago tinapik. "On our final day at Pearl Sands, as the sun set, I saw both of you kissed..." Kaniyang bulong. Kumunot ang noo ko ni Xyvill bago siya saglit na tiningnan. "You must be happy that day. But sorry to tell you, the day that I rescue her..." Lumapit si Liam sa tainga ni Xyvill bago nakangising bumulong. "I'm her first kiss." Unti unting lumubog sa utak ni Xyvill na ang kwento ni Liam. Nag-igting ang mga panga ni Xyvill, unti unting nagdilim ang kaniyang mukha, Ikinuyom din niya ang kaniyang mga kamao ng mahigpit. Nakangising naglakad si Liam papalayo pero napatigil siya ng magsalita ng malamig si Xyvill. "So what?" Bahagya siyang napatingin sa likod at tiningnan ang mga mata ng binata. "From your story, she's unconscious. She doesn't remember what happened." Hinablot ni Xyvill ang kwelyo niya dahilan para maagaw nila ang atensyon ng buong klase. "And what she remembered, is what happened between me and her." Kaniya pang dagdag habang nakatingin ng masama sa direksyon ni Liam na nakatitig rin sa kaniya. Namuo ang tensyon sa paligid. Walang nagbalak na umimik, miski si Caspian at Vladimir na kanina ay naguusap kasama si Valkyrie ay nanahimik at napatingin sa direksyon nila Liam. "Are they fighting?" Bulong ni Valkyrie kay Vladimir. Saglit siyang tiningnan ng lalaki bago sumagot. "How could I know?" Bored niyang sabi habang nakatingin sa direksyon nila Liam na nagbabatuhan ng masasamang tingin. Itinulak ni Valkyrie si Caspian. "Tingnan mo. Awatin mo nga." Turan niya habang nakakunot ang dalawang kilay. Dahil sa pagtulak ni Valkyrie kay Caspian, kamuntikan na siyang mapasubsob ang kaniyang mukha sa sahig kung hindi niya nabalanse agad ang kaniyang katawan. Napataas ang kilay ng binata at tiningnan siya. "Why should I?" Taas kilay niyang sabi bago pinagpagan ang jocket na suot suot. "Anong why should I why should I... Kaibigan mo yun. Awatin mo!" Pagtukoy ni Valkyrie kay Xyvill habang siya ay lihim na itinuturo. Natahimik si Caspian sa kaniyang sinabi. Saglit niyang nilingon ang direksyon ni Vladimir na nakatingin rin pala sa kaniya. Agad niyang iniharap ang tingin kila Xyvill. "Why should I care? Pakialam ko kung naghahanap ng away yan." Bored niyang sabi, napanganga si Valkyrie. Pinanood niyang maglakad si Caspian papaalis ng silid. Agad niyang tiningnan si Vladimir at kinulbit. "Anong problema nun?" Kaniyang tanong habang nakakunot ang dalawang kilay. Saglit lang siyang tiningnan ni Vladimir bago nagbuntong hininga ng malalim. "Di ko rin alam. Wag mo na lang pansinin." Kaniyang sabi sa dalaga. "Alam mo, ang gulo niyong magkakaibigan. Bakit wala kayong pake sa isa't isa---Magkakaibigan ba talaga kayo?!" Naghy-hysterical niyang sabi habang salubong ang kilay sa direksyon ni Vladimir. Agad na napatawa si Vladimir sa kaniyang sinabi. Inayos niya ang kaniyang salamin bago siya sinagot. "Yes, magkakaibigan kami and... This is how we show that we care to each other.... And don't worry, they won't fight here inside the classroom." Kaniyang mapaglarong ngisi na sabi bago ginulo ang kaniyang buhok, muli niyang tiningnan si Liam at Xyvill. Brielle's POV Nasa cafeteria kami ni Valkyrie ngayon. Astang uupo kami sa isang table pero. "Brielle, dun tayo! Nandun sila Dash ohh!" Sabi niya habang hinihila ako. Kaya wala na akong nagawa kung hindi magpahila sa kaniya. Pagdating namin sa direksyon nila, kumpleto yung A4. Tiningnan ko sila, si Dash, Xyvill at Caspian ay may bakanteng upuan. Actually, isa lang silya ang distance ni Xyvill at Caspian. Napatingin ako kay Valkyrie ng mawala na siya sa tabi ko, napakamot ako ng aking ulo. Umupo kasi si Valkyrie sa tabi ni Vladimir, kaya hindi ko alam kung kanino ako tatabi. I pinched the bridge of my nose. Talagang ang babaeng yun, traydor. *sighs* Tiningnan ko si Dash. Nahuli ko siyang nakasulyap sakin tapos maya maya rin ay namula. Hayy. No. Nagtatampo ako ha, pagkatapos niya akong pahabulin sakaniya sa palibot ng campus, di man niya lang ako kakausapin? Tiningan ko si Caspian, pinaghila niya ako ng silya at sinenyasan na umupo sa tabi niya. Malalim akong nagbuntong hininga bago lumapit sa tabi niya. Astang uupo ako sa tabi niya pero, nagulat ako ng may malaking kamay ang humawak sa braso ko at hinila ako papunta sa lap nito. Nanlalaking mga mata kong tiningnan si Xyvill. "Who's that girl?" "The nerve she has to sit on Xyvill's lap?!" "Siya daw yun nerd na lagi nilang kasama..." "What?! No way!" "Kaya nga! No way. Sa pangit nun!" "Uh... Uhh, let.. let go?" Nauutal kong sabi habang nakatingin mga mata niya. Pigil hininga ako ng lumapit siya sa tainga ko. "You're attracting a lot of attention..." Napatingin ako sa paligid. Marami ngang mga taong nakatingin sakin, ngangayon ko lang napansin kasi nasanay na ako sa nobody treatment nila dati ehh. Yung iba, titig na titig sakin at para bang nakakita ng kung ano, kasi nanlalaki ang mga mata tapos pag naeye contact-an ko, mamumula. Idinako ko ulit ang tingin ko kay Xyvill. "K-Kaya nga bitawan mo na ako. We're attracting too much attention." Bulong ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin at nanatiling nakatingin sakin. Iniwas ko ang mga mata ko. He's making me awkward. He's staring on every inch of my face! I can feel my cheeks burn. "Ehem! Ehem!" Napatingin ako sa harap ng nagfake cough si Valkyrie. "Nandito pa kami ohh. Maawa naman sa single dito." Nakangisi niyang sabi sakin. Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong tinanggal ang mga braso ni Xyvill na nakapulupot sa tiyan ko. "Anong sinasabi mo?! Single kaya ako!" Pagdipensa ko sa sarili ko bago umupo sa pagitan ni Xyvill at Caspian. "Ohh she's single!" "We still have a chance dude!" "Yeahh!" Lihim kong tinakpan ang mukha ko sa hiya. Napalakas ata ang sigaw ko. Inang yan, Brielle. Magpalamon ka na sa lupa! Kinagat ko ang labi ko ng marinig ko ang tawa ni Xyvill. He's making fun of me! "Did.. Did you just laugh?" napatingin kaming lahat kay Vladimir ng bigla siyang nagstart ng awkward na conversation kay Xyvill. Tiningnan ko ang reaksyon nung natitira pang dalawa. Mukhang gulat rin sa biglang pagtawa ni Xyvill. Ibinalik ko ang aking mata kay Xyvill. Muling naging blanko ang kaniyang mukha. "I always laugh." Blanko niyang mukha na sabi. Kaya nga. Minsan kaya, nakikita ko siya tumawa. "No. Something's different. You laughed genuinely. You're not being sarcastic." Kunot noong sabi ni Vladimir. Sumandal ako sa upuan at pinanood silang tatlo na nakatingin kay Xyvill. Sarcastic? Hanggang ngayon talaga nagtataka parin ako kung paano naging magkakaibigan ang mga 'to. Dinaig pa ang mga babaeng nagpaplastikan sa kanto ehhh. Napatingin ako sa gilid ko ng may marinig akong bumulong. "It's seems geniune." Rinig kong sabi ni Caspian. Ibinulong niya lang ito sa hangin. Astang kakausapin ko si Caspian pero nagsalita ulit si Xyvill. "I did?" Tanong ni Xyvill ng maikli. Yan. Bumalik na naman yung mga tipid niyang salita ohh. Hindi na lang sumagot pa si Vladimir. Pagkatapos ng conversation nila. Nagsimula na kaming kumain. May dala akong lunchbox. Pati si Valkyrie. Yung A4 naman. Sa mismong counter sila bumuli. "Brielle." Napatigil ako sa pagsubo ng kanin ng bigla akong tinawag ni Xyvill. Tinaasan ko siya ng kilay. He cupped his face with his right palm and looked straight at me. This man, his every move is just so attractive. "Bakit?" Tanong ko bago ipinagpatuloy ang pagsubo sa kanin na nakalagay sa kutsara. Habang ngumunguya, nabilaukan ako at napahawak saking dibdib dahil sa sunod niyang sinabi. "Who's your first here." Agad kong kinuha ang tumbler ko sa table ng makitang itinuro ni Xyvill ang mapupula at malambot niyang labi sa akin. Nagmamadali akong lumagok ng tubig. Kahit pabulong, narinig ko ng malinaw ang sinabi niya. Tinetempt ba ako ng lalaking 'to?! Atsaka ano raw?! First kiss ko ba ang tinutukoy niya? Inaasar niya ba ako kasi first time ko dating humalik nung hinalikan niya ako?! *bamm!* Pabagsak kong ibinaba ang tumbler ko sa table. Bago nagpupunas na labing tiningnan si Xyvill. Ano na naman ang plano ng lalaking 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD