Chapter 45 - Her first kiss (Part 1)

1492 Words
"Brielle!" Napatingin ako sa harap ng may babaeng tumatakbo patungo sa direksyon ko. Si Valkyrie. May hawak hawak siyang sandamakmak na libro habang patakbo na lumalapit sakin. "Abaaa. Wala kang salamin ngayon ahhh!" Nakangiti niyang bungad. Kinuha ko ang tatlong pares ng libro sa kaniya para mabawasan ang bigat ng kaniyang dala dala. Sinabayan niya ako sa paglalakad. Binalewala ko ang mga taong napapatingin sakin. Mukhang babalik na naman ang dati kong buhay. Saglit akong nagbuntong hininga. "Nasira ehh. Nagcontacts na lang ako." Pagsisinungaling ko kahit wala naman akong suot na contact lenses. May kulay kasi ang mata ko kaya napagkakamalan ng iba na nakasuot ako ng contact lense. Tinanguhan niya lang ako. Kilala na talaga ako ni Valkyrie kahit walang suot na salamin dahil nakita na niya ako at agad na namukhaan. Atsaka, hindi pa naman niya nameet yung Azalea version ko kaya hindi ko na kinakailangan pang magsinungaling sa kaniya. "Brielle? Isn't that the name of the ugly nerd in St. Ivis Class?" "No, sa ganda niyang yan. They can't be same person!" "Pero kaibigan nun yung tumatakbong chicks diba?" Gaya kanina. Hindi ko ulit sila pinansin. Kasi hindi naman sila kapansin pansin. Ganitong ganito dati ang mga tao sa LIB ehh. Mukhang manunumbalik na ang dating pamumuhay ko. "Ahh. Kala ko may pinagagandahan ka ehh" Pang aasar niya sakin pero mahina ko lang na hinampas sa kaniya yung isang libro na hawak hawak ko. Tinawanan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko at sinabayan ako sa paglalakad. "Nasa classroom na ba si Liam?" Tanong ko sa kaniya, tumango siya sakin. "Oo. Pati yung A4." Tumango tango ako. "Ouchh!" Napatingin ako sa harap ng may nakabungguan ako. Si Zayriel at Noah. Magkasama. Nagsalubong agad ang mga kilay ni Zayriel ng makita niya ako. "Oh hello there," Tinaasan niya ako ng kilay bago pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Who are you? Transferee? I never seen you before." Taas kilay at mataray niyang tanong. Tinakluban ko ang bibig ko at pinigilan ang tawang gustong kumawala sa sistema ko. She doesn't recognize me. Tiningnan ko yung mukha niya. May band aid parin ang pisnge niya. Napangisi ako. Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita sa kaniya ang kuko ko na gumasgas sa mukha niya. Saglit na kumunot ang noo sakin ni Zayriel. Tsaka nanlaki ang mga mata ng makita at marealize kung sino ako. "Brielle...? You f*cking annoying b*tch." Ibinulong niya sa hangin ang mga sunod niyang sinabi. "I'm glad you recognize me Zayriel. Did you miss me? 'Cause I missed you." Inosente kong sabi. Kita kong napuno siya sa galit at astang susugurin ako pero pinigilan siya ni Noah. "Enough," Kunot noo niyang bulong sa kaniya. Galit siyang tiningnan ni Zayriel. "My allowance was cut off because of her!" Pabulong niyang sigaw. Itinaas ko ang dalawang kilay ko at napa ohh ang hugis ng aking labi. Buti naman, deserve. "Ohh sorry. Poor you." Nakangisi kong iniwan si Zayriel sa corridor bago hinila si Valkyrie papaalis. Kita kong iyamot na iyamot si Zayriel sakin at gusto magwala kung hindi lang siya pinipigilan ni Noah. Nagtataka ba kayo kung bakit mukhang close yung dalawa? Well, nagtataka rin ako. Hindi ko alam kung may affair ba sila o talagang sinasamahan ni Noah si Zayriel dahil kapatid nito si Serena. Pagdating namin sa classroom. Tumigil muna ako sa may pinto bago huminga ng malalim. I can do this. I don't know kung ano ang magiging reaction ng A4. Lalo na ni Dash. Ng binuksan ni Valkyrie ang pinto. Agad kaming pumasok. Kita kung paano. Isa isang magsidako ang mga mata ng mga kaklase ko sakin. Hindi kagaya dati na hindi nila ako pinagtutuunan ng pansin. Maraming namamangha, may mga nagtataka rin at nanlalaki ang mga mata. Tiningnan ko si Liam, saglit lang siyang tumingin sakin bago nag patuloy sa pagstring ng hawak hawak niyang gitara. Mamaya ko na siya kakausapin. Maraming mga mata na nakatingin. Tiningnan ko ang reaksyon nung A4. Si Vladimir, nakatitig sakin at para bang nanjujudge or talagang sinusuri lang ang kabuuan ko. Si Caspian naman, nakaupo sa table niya, habang nakatulala lang sa itsura ko. Hindi ko na ganon tinuunan ang reaksyon ni Xyvill dahil kilala na naman niya ako. Huli kong tiningnan si Dash, kunot ang kaniyang noo at para bang nagtataka. "Azalea?" rinig kong kaniyang bulong sa hangin. Kinagat ko ang labi ko. Kita kong lalo siyang naguluhan ng ibinaba ko ang bag ko sa upuan ko kung saan si Xyvill ang katabi ko. Hinarap ko si Dash at agad na napalunok. "Dash. There's something a should tell you." Seryoso kong sabi sa kaniya. Nakatitig lang siya sakin at mukhang litong lito na sa nangyayari. "I---" Astang sasagot si Dash pero may teacher na biglang may sumingit sa usapan namin. "Ms. Samaniego?" Naagaw ang atensyon ng lahat ng may pigura ng tao ang nakasilip sa gilid ng pinto namin. Napatingin ako sa isang babaeng maliit na may suot na salamin. Mukhang teacher dahil nakasuot ng teacher attire. "Here Miss." Sagot ko. Kita kong nashock silang lahat dahil sa tinuran ko. Hindi ko muna ito tinuunan ng pansin at ifinocus ang tingin sa teacher na dumating, unfamiliar kasi. Hindi naman namin subject teacher o adviser. Agad siyang patingin sakin at tiningnan ang kaniyang folder na hawak hawak. "Ms. Brielle Samaniego. You're the one who's requesting for a name change, right? I work as an office teacher. I'm only here to validate your name." Agad silang napatingin bahagya saakin. Nagtaka ako. "Huh?" When did I request that? Agad akong napatingin sa direksyon ni Liam. Patuloy parin siya sa pag string ng gitara. Mukhang alam ko na kung sino ang may pakana. Agad akong nagbuntong hininga. Why is he interfering again? Binasa ko ang labi ko bago ibinalik ang tingin sa teacher. "Yes. I send a request." Maikli kong sabi habang medyo mabigat ang loob. Di man niya lang kasi sinasabi sakin. Ang toxic niya ha. Nilapitan ako nung teacher. "Alright. Let me confirm your original name.... Azalea Gabrielle Samaniego, is it correct?" Kita kong nagulat si Dash sa sinabi ng teacher. Napalunok ako at itinango ang aking ulo. "Yes. That's my name." Kita ko kung paano nagsalubong ang mga kilay ni Caspian at Vladimir pero nanatili akong nakatingin kay Dash na mukhang hindi mapakaniwala sa nangyayari. *** "Dash!" Tawag ko habang hinahabol siya sa paglalakad. Actually siya lang yung lumalakad, tapos ako tumatakbo na. "Dash!!" Nandito kami ngayon sa may corridor. Nakabuntot ako sa kaniya pero ayaw niya akong pansinin. Talaga bang galit na galit siya sakin? To the point na hindi na niya ako pinapansin? Dahil sobrang laki ng mga agwat ng mga paa niya, hindi ko siya mahabol habol. Mas lalo kong binilisan ang aking paglakad. Nang makakuha ako ng tsansa na makalapit, agad kong hinawakan ang kaniyang braso. "Look, I'm sorry! Please let me explain. I didn't mean to hide it from you---" Napakunot ang noo ko at napatigil sa pagsasalita ng makita ko ang mukha niya. Hindi naman siya mukhang galit. Pulang pula lang ang kaniyang mukha, sa sobrang kapulahan, parang tinadtad ng blush-on. Nag-iwas siya ng tingin at napaantras. Mukhang hindi galit yung nararamdaman niya. Nahihiya ba siya kasi kung ano ano ang pinagsasabi niya sakin? Siguro naalala niya yung time na cinonfess niya na gusto niya ako. "L-Let go!" Nagbalik ako sa wisyo ng tinanggal niya ang kamay ko na nakakapit sa braso niya. Pinanood ko siyang makalayo hanggang mawala na siya sa aking paningin. Napakamot ako sa aking ulo. Hindi ko tuloy maidentify kung galit ba siya o nahihiya. *** Third Person's POV "Why are you doing this?" Bahagyang napatigil si Liam saglit sa pagstring ng gitara ng bigla siyang kinausap ni Xyvill. Nakasandal siya sa table at nakaupo naman si Liam sa silya. Habang naguusap sila Valkyrie at ang ibang natitirang miyembro ng A4 na si Caspian at Vladimir, nakaupo sila sa pwesto ng first row. Samantalang, sila naman ay nakatambay sa sulok habang naguusap ng masinsinan. "Doing what?" Bored niyang sabi habang ipinapatuloy ang pag string. "You know what I mean." He said while crossing his arms and observing every students in the classroom, checking if they're listening to their conversation. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Liam bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I know she transferred here to start over so I thought..." Malalim na nagbuntong hininga si Liam. "... If I help her meet new friends. Everything might change in a good way.... so I helped her get close to the five of you but..." He looked at Xyvill's direction. "... I didn't think that the consequence of being friends with a popular group like yours might bring her harm." He said in a serious voice. "That's why you want to bring back her old self?" Bahagyang napatingin si Liam sa kaniya, halata ang kaguluhan sa kaniyang ekspresyon."The old self she was trying to forget." Umayos ng tayo si Xyvill. "You're tying her in the past, Liam."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD