Chapter 1- The A4
Brielle's POV
Napamulat ang mga mata ko ng maramdaman kong may taong gumigising sakin. "Brielle, Brielle!" Napakunot ang mga kilay ko, "Hmmm. Ma, Ang aga aga!" Tinakluban ko ang mukha ko ng maramdaman kong nawala na ang presensya na kaya muli akong natulog pero---*SPLAASHH!*
"Augh! Shitt!!" Nabalikwas ako ng bangon ng maramdaman kong may malamig na tubig na bumuhos sa katawan ko. Nanlalaking mga mata akong napamulat at napatingin sa damit ko, mukha akong basang sisiw dahil sa malamig na tubig na binuhos ni Mama sakin. Napayakap ako sa katawan ko dahil ramdam ko ang lamig ng hangin na tumatama sa balat ko, tiningnan ko si Mama ng masama.
"Ma! Ano bang problema mo?!" Nakasuot siya ng yellow floral dress na oversize habang nakabun naman ang buhok, may hawak siyang sandok sa isang kamay at nakapamewang ang isang kamay sa bewang habang may hawak na baso. Ibinaba nya ang basong hawak niya sa maliit na lamesa.
"Brielle Samaniego!" Napasandal ako sa headboard ng kama ko ng bigla siyang sumigaw. Napalunok ako. "Mukhang nakakalimutan mo ah? May pasok ka ngayon!" Nanlaki ang mga mata ko, bago napalunok na naman. "Anong oras na at hindi ka pa bihis?!" Agad kong tiningnan yung orasan. 7:40 AM. Nanlaki ang mga mata ko. "Aishh!" Pandalas akong tumakbo sa CR ng kwarto ko bago agad na nagbukas ng shower.
***
Pagkalabas ko sa CR, mabilis kong tinutuyo ang buhok ko. "Brielle, Nasa kama ang damit mo!!" Rinig kong sigaw ni Mama. "Sige Ma, Thank You!" Agad kong tiningnan ang uniform ko. Black skirt, na may matching coat at necktie, at high socks. Saglit akong napatigil sa pagtutuyo ng buhok. New school new start, huh? Nang makapagbihis ako, kinuha ko ang bag ko.
Pagkalabas ko nakita ko si Mama na nagluluto ng itlog at bacon, "Brielle, kumain ka muna---" "Hindi na Ma, late na ako!" Pumunta ako sa lagayan ng sapatos namin bago kinuha ang sapatos kong itim. Pumunta ako sa lamesa bago kinuha ang salamin ko, astang lalabas na'ko ng bahay ng marinig ko si mama. "Brielle, kailangan mo pa ba magsalamin? Hindi naman malabo ang mga mata mo---"
Iniling ko ang ulo ko. "Hindi na kailangan Ma, mas komportable ako." Nagaalala siyang tumingin sakin. "Pero Briell---" Hinalikan ko siya sa pisnge. "Alis na ko Ma. Malalate ako." Sabi ko bago tumalikod. Rinig ko siyang nagbuntong hininga. Dali dali akong tumakbo, pagkalabas ko ng apartment, tumawid ako sa kalsada bago tumingin sa cellphone. 8:09 AM. Meron pa akong 15 minutes.
"Sh*t..." First day na first day late pa ko? Inerelax ko ang katawan ko, bago nagsprint position. "No. No. No... Bagong school bago buhay... Hindi ka pwedeng ma late!" Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Agad kong tumakbo ng mabilis pero ilang minuto pa lang---"Ha.. hahh! Hindi... Hindi ko na Hahhh kayaaa!" Sumandal ako sa isang poste. Timecheck. 8:21 AM na.
Tiningan ko ang unahan, kaunting lakad na lang mararating ko na yung school. Tanaw ko na kasi ito. Nine minutes pa kaya pa 'to! Tumakbo ulit ako, malapit na ako, apat na bahay na lang mararating ko na yung school. Habang tumatakbo ako, napatingin ako sa isang babaeng tumatawid ng kalsada, nakasuot siya ng uniform na kagaya ng sakin, nakasalpak ang headphone sa kaniyang tainga habang nagcecellphone na naglalakad.
*Vroooooooommmm!!!* Napakunot ang noo ko, may motor kasing humaharurot papunta sa direksyon niya. Parang pinupuntirya talagang sagasaan yung babae. "Hoyyy!" Sigaw ko. Pero mukha hindi ako rinig. Tumingin ako sa cellphone. 8:28 AM na. Tiningnan ko yung babae, nasa gitna na siya ng kalsada. Aishhhh! Iniling ko ang ulo ko at agad siyang tinakbo. "Hoy! Tabee!!" Sigaw ko, pagdating ko sa kanya agad ko siyang hinila,
Pagkahila ko saktong dumaan ng mabilis yung motor. Ramdam ko yung paninigas ng katawan ng babae na hawak hawak ko. Tumigil yung motor at tumingin saglit samin yung rider pero dahil nakahelmet hindi namin mamukhaan kung sino, napakunot ang noo ko ng mapansin na uniform ng SIS ang suot niya. Nanlaki ang mga mata ko ng magsimula na siyang humarurot papaalis. Aba tarantadonggg---!!!
Astang sisigaw ako ng may humawak sa braso ko. "H... Hello. Salamat sa paghila sakin, kinabahan ako dun!" Tiningnan ko yung babae. Halos malaglag na ang panga ko sa ganda ng itsura niya. Straight soft hair, dark brown eyes, sharp pointed nose, soft pink lips. Hindi naman sa naghi-hysterical ako sa ganda niya pero---Iba kasi talaga yung ganda niya, nakakalaglag panga.
"Uh. C... Can I know your name?" Nakangiti niyang sabi sakin. Kumunot ang noo ko, my name? "Brielle..." Sabi ko, pero parang nageexpect pa siya na habaan yung sinabi ko. "Brielle Samaniego." Nagliwanag ang mga mata niya. "I'm Valkyrie Houston! Huh. red... Uyy! STEM ka din?" Excited niyang sabi. The ribbon she's talking about is the red ribbon on my right chest. The red ribbon means senior high school STEM.
There are also other colors, like yellow, which stands for the HUMSS, green for the ABM, and blue for the MAUD. She's weird. Someone just tried to hurt her earlier but she doesn't care. Inalis ko ang pagkakahawak niya sakin bago inayos ang pagkakahawak sa bag ko.
"I'm sorry but I have to go," Sabi ko sa kaniya. Tiningnan ko ang cellphone ko. 8:40 AM. I let out a big sigh. Late parin, tsk.
***
Patakbo kong pinuntahan ang classroom namin. Sinilip ko ang pinto, Nandun na yung teacher namin. Papasok na sana ako pero---"LISTEN UP, CLASS. What I hate the most are the students who are late in my subject" Pasigaw, I mean pagalit na sabi nung teacher. Agad akong nagtago.... Ang malas. Pumunta ako sa back door ng classroom. Dahan dahan akong naglakad habang naghahanap ng bakanteng silya.
Nagdidicuss na yung teacher sa harap kaya focus yung mga students sa harap. Habang naghahanap ako ng silya na bakante... may nakita ako sa dulo, may lalaking nakaupo sa gilid, nakasuot siya ng earpads habang nagsusulat. Hindi ko na siya ganon tinuunan ng pansin. Astang uupo na ako ng---"Ms?? Can I know your surname?"
Napatingin ako sa teacher sa harap ng magsalita ito. "Valkyrie Houston po, Sir" Nakahinga ako ng maluwag ng makita na hindi ako ang tinutukoy ng teacher. Nasa front door siya habang ay kausap na babae. "You're a transferee. Bakit ka late, Ms.Houston?" Tanong ng teacher. "I woke up late. I'm sorry." Nakangiti nyang sabi. Dummy. She should said she wasn't feeling well or just have an upset stomached!
"That transferee is so pretty"
"Yeah. Her cute smile almost bewitched me"
Habang nagbubukas ako ng bag, nakatingin parin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ako lang ba pero nagtagpo ang mga mata namin ni Valkyrie, ng makita niya ako lalo siyang ngumiti sakin. Iniwas ko ang mga mata ko. "Is that so? Don't be late next time, okay?" Nakangiting sabi ng teacher. Wow, favoritism yan? Kanina galit na galit ehh. Buti na lang di ako nahuli. Iginala ko ang tingin sa paligid.
"Gen Math, page 23."
Napatingin ako sa gilid ko ng magsalita yung katabi kong lalaki. Muntik ko na siyang makalimutan. Bakit bigla bigla siyang nagsasalita?! Mind reader ba 'to? Huminga ako ng malalim bago nagsalita rin. "Salamat." Maikli ring sabi ko, kinuha ko na ang libro sa Gen Math bago ito binuksan. Pagkatapos ko magsalita, hindi ko na ulit siya kinausap at tinuon ang atensyon sa lesson. Grabe wala man lang introduction, or late na late lang talaga ako?
***
Nasa cafeteria ako ngayon. Wala pa kong almusal kaninang umaga kaya gutom na ako. Bumili ako ng banana milk at burger. Habang tahimik akong kumakain, nagulo ang tahimik kong pag-iisa ng may dalawang babae na tumabi sakin, isa sa kaliwa at isa sa kanan ko. "Hi! Puwede makiupo? Wala ng table ehh." Saad nung isa sa kaliwa ko. Di na ako nagsalita pa kasi nakaupo na sila. "Transferee ka noh?" Di ako sumagot.
"Ako pala si Chloe! Tas siya si Yasmin!" Sabi ng nasa kaliwa ko habang tinuturo yung babae sa kanan ko, tumango lang ako. Bakit mga feeling close 'to?"Anong pangalan mo?" Tanong niya. "Brielle" Maikli kong sabi.
"Brielle? Ahh... Brielle, Alam mo ba may fanclub kami, gusto mo bang sumali?" Tanong ni Chloe. Napatigil ako sa paginom at nilingon siya. Fanclub? "Ano ba Chloe, ginugulo mo siya! Ako na nga ang mageexplain!" Inakbayan niya ako bago nagsalita ulit. "Alam mo... Ganito kasi yun..."
"Dito sa St. Ivis School, may tinatawag na A4!" Yasmin. Kinagat ko ang burger na hawak ko, A4? Tsk. Uso parin mga heartthrobs ngayon? "Marami silang fangirls, halos lahat ng girls dito sa SIS, kasali sa fanclub! Nahahati sa apat ang fanclub nila. Si Chloe, member ng fanclub ni Vladimir, samantalang ako kay Xyvill!" Nagliliwanag na mga mata niyang sabi.
"Kyaaaaaaa!!! Nandito silaa!!"
"Eykkkkkkkkk!!!"
"Yieeeeeeee!!" Natigil sila sa pagsasalita ng may nagiritan na mga babae sa gilid ng table namin. No, I think lahat ng babae sa cafeteria, iginala ko ang mata ko sa apat na lalaking pumasok. Naglalakad sila papunta sa counter, halos lahat nagtatabihan. Pinagmasdan ko sila. Yung nasa una, nakaearpads habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa, yung padalawa, nakasuot ng salamin, yung patatlo naman, mukhang happy to go lucky kasi panay ang ngiti, yung panghuli, nakatingin lang sa cellphone.
"EkkkkkkkkkKkk!!"
"Ahhhhhh!"
"Dash! Do you have a girlfriend?!"
"Ack, he wink!"
Napatingin ako kay Chloe ata ng yugyugin niya ang mga balikat ko. "That's Dash Calvinn Fernandez" Turo niya sa pangatlo, yung mukhang friendly at maamo ang mukha. "He's the most approachable among the four!" Sabi ni Chloe.
"Caspian!"
"Sh*t, he's so tall!"
"His bad boy look! I CAN'T. Take me to the hospital, I can't breathe!"
"Yung nasa tabi ni Dash, si Caspian Blaze Suarez. He gives off vibes of a classic bad boy, etched into reality." kinikilig naman na sabi ni Yasmin. I sigh deeply.
"Vladimir!"
"He's so cool with that reading glasses!"
"He's the top one last year, right?"
"Yes!! Our handsome academic achiever!!"
Yung may salamin... He was walking while looking at his book. "That man was Vladimir Hayden Bautista, the smartest one. He's the student president. He's the definition of perfect!" Explain ni Yasmin ng mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. I looked away. It's always the one with glasses.
"Pregnant me with your child, Xyvill!"
"Xyvill! I love youuu!"
"Xyvill!! Can I go to your room tonight?!"
"Shut up, girl! You don't deserve it!!"
"And last, but not least, is the one and only Xyvill Sven Sylvester—the super famous model we all adore. At kung titingnan mo ohhh!! His looks are on another level compared to the rest!! (^o^)/" Chloe said in a hysterical tone.
I think all of them are in my class. How did I notice? Si Dash, maingay. Si Vladimir? Active sa klase kanina. Then si Caspian... never mind him, I don't remember. Then si Xyvill Sylvester? katabi ko sa upuan. Overreacting, they look pretty ordinary to me.
"Huy yung chika, hindi ba sabi nila dapat si Xyvill daw ang magiging Student President pero di natuloy?"Chloe."Narinig ko din yun! Ang sabi nila, ayawdaw ni Xyvill maging parte ng student council ehh" Yasmin. Ng mapansin ng dalawa na wala akong balak magsalita, tiningnan nila ako. They both sighed.
"He's so cool!" Sabay nilang sabi, I almost rolled my eyes.
"By the way, Brielle. Anong strand mo? St. Elizabeth ako. MAUD. Future IT." Sabi ni Chloe habang nakangiti. "HUMSS naman. Future lawyer!" Yasmin. "STEM" I answered. Natahimik sila. Maybe because di ko sinabi kung anong career path tatahakin ko,"St. Elias or St. Elea?" Tanong naman ni Yasmin. Tatlo ang section ng STEM. Elias, Elea, at Ivis. From what I know. St. Ivis was named after the school. Why? Because it's the golden section of the STEM strand. Most of the students receive special treatment because of their families that have significant shares in the school or are referred to as investments. I rest my back on the chair. "I'm from St. Ivis class." Maikli kong sabi. Natahimik yung dalawa bago napatingin sakin.