Chapter 47 - Account

1297 Words
Tumikim muna ako bago siya dahan dahan na tiningnan. "Nahibang ka na ba?" Halos pabulong ko ng sabi ng may seryosong tono. Itinabingi niya ang ulo niya sa akin at mukhang sinasabi ng ekspresyon niya sa mukha na hindi niya ako naiintindihan. I looked at his eyes. It so innocent yet it's seems tempting me. Ilang beses akong napalunok. "Yan na naman kayo ohh!" Napatingin kami ni Xyvill sa una ng nagsalita na naman si Valkyrie. Nang maidako ko ang mata ko sa kaniya, nakasimangot siya samin, at ang haba haba ng nguso. "Nagbubulungan na naman kayo tapos di niyo kami sinasali." Nakapout niyang sabi. Kinuha ko tsansang 'to para malayuan si Xyvill. "Alam mo, nagtatanong lang siya about sa acads. Ituloy mo yang pagkain mo, nagooverthink ka na naman." Saad ko bago kinuha muli ang aking kutsara, astang susubo ako pero narinig ko muli siyang nagsalita. "Masyado kang defensive, Brielle. Ni wala pa nga akong sinasabi." Nakabusangot niyang sabi sakin. Napatigil tuloy ako sa pagsubo ng kanin. Ramdam kong nag-init ang magkabilang pisnge ko sa hiya. Mahina kong iniling ang aking ulo bago iniyuko ng kaunti ang ulo bago nagpatuloy sa pagkain. Napatingin ako kay Caspian ng tinawag niya ako. "Hey, ugly nerd." Hindi mapakaniwala ko siyang tiningnan. Ibinaba ko ang kutsara ko sa plato bago tiningnan siyang nakatingin sa cellphone niya. Inis akong nagreklamo. "Kelan mo ko balak tigilan sa pagtawag ng baduy na nickname na yun?" Umuusok sa inis kong turan. He just rolled his eyes. I scoffed. "Do I look ugly, Caspian?" Asar kong sabi habang tinataasan siya ng kilay. Tinanggal niya ang kaniyang mata sa cellphone at ako ay tiningnan. Oh ano, tulaleyy. Sa ganda kong 'to ehh. Hindi naman sa nagmamayabang. Pero maraming nagsasabi sakin na pasok ang visuals ko sa k-beauty standard. Marami ngang nagsasuggest na mag artista na lang ako, iba naman maging singer pero ang karamihan maging Celebrity Idol na lang ako. I frowned when he pushed me slowly. "Still the ugly nerd I know." Bored niyang sabi bago may kinalikot sa cellphone. "Ugly--ugly?! Ipaalala ko lang yung sinabi mo sakin nung nasa detention room tay--" Napatigil ako sa pagsasalita ng may iniharap siya sa mukha ko. Yung screen ng cellphone niya. Nasa isang account ito. Account ko? Yung first account. AG Samaniego. 284k followers. 21 mutual friends. You follow AG Samaniego. Cancel Request. Napatingin ulit ako sa direksyon ni Caspian. Iniharap kasi niya sakin yung cellphone. As in tutok na tutok. Inilayo ko ito dahil masakit sa mga mata gawa ng brightness. Agad na napakunot ang magkabilang kilay ko. Yung account ko na AG Samaniego. Nakafollow siya sakin sa sss. Taka ko siyang nilingon. "Follow me." He spoke. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit naman? Atsaka pano ka nakakasure na account ko yan?" Taka kong tanong. Aba, pano nalaman ng lalaking 'to na ako yun. Lahat kasi ng post ko, hindi kita yung mukha ehh. Tsaka kaya nga ginawa kong AG Samaniego yung account ko para hindi agad mahanap pag may gusto manstalk. AG is short for Azalea Gabrielle. Napakunot ang noo ko ng saglit siyang tumingin sa direksyon ni Xyvill na tahimik na kumakain. Xyvill Sven Sylvester. 897k followers. 1 mutual friend. +Add friend "Madali lang naman mahanap ehh." Kaniyang sabi kaya agad kong tiningnan yung cellphone. Nasa account na ito ngayon ni Xyvill. 897k followers niya pero sa dalawang tao lang siya nakafollow. Di sila friends ng A4? Pero wait, punta tayo sa main point. Nalaglag ang panga ko sa table ng makitang nakafollow pala siya sa parehas na account ko. Na-accept ko na siya sa second account ko na Brielle Samaniego, pero hindi ko pa siya naaccept sa main account ko na AG Samaniego. Dahan dahan kong tiningnan si Xyvill, pero nagulat ako ng nakatingin pala siya samin. Agad akong namutla ng makita ang mukha niya. Napatingin sa direksyon ni Caspian ng bumulong siya sa tainga ko. "He's glaring." Bulong niya bago ako dahan dahan na nilingon. Yes, I know! Agad akong lumayo sa kaniya bago umayos ng upo. Lihim akong nagbuntong hininga. "M-Mamaya ko iaaccept friend request mo. 10% na kasi cellphone ko, kailangan ko pa kontakin si Mama mamaya." Pagiiba ko ng topic habang inilalayo ang tingin kay Xyvill. Gad, I can still feel chilling sensations on my back. Tinitigan ako ni Caspian. "Okay. Make sure to accept my friend request before the sun sets. Or else I'll go to your house." Napatabingi ang ulo ko sa kaniya. Is he serious? Friend request lang naman ehh. Ginagawa niyang big deal? Tsk. *Tsingg!* Napatingin kaming lahat sa direksyon ni Xyvill ng bigla siyang tumayo. Gumawa ng ingay ang kutsara at tinidor na hawak niya. Agad akong napalunok ng makitang nakaglare siya sakin... or samin ni Caspian. Tulala ko siyang pinanood umalis. Hindi ko alam pero tila may sariling diwa yung katawan ko dahil ito ay tumayo at binabalak na maglakad sa direksyong tinutunguhan ni Xyvill. Astang aalis na ako pero may humawak sa mga kamay ko. "Hey, stay. We're not done talking yet--" Pinutol ko si Caspian. "Let go." Kalmado kong sabi habang nakatingin sa kaniya. Mukha siyang nagulat at para bang hindi inexpect na pakikitunguhan ko siya ng malamig. "Come back before the class starts..." Rinig kong sabi niya. Pero hindi ko na ito ganon pinagtuunan ng pansin. Pagkalabas ko ng cafeteria. Agad na hinanap ng mga mata ko si Xyvill. Hindi ko siya makita. Hanap dito, hanap doon. Nacheck ko na ang room, library, headquarters ng A4 pero wala pa rin. Bilad ako ngayon sa initan, kanina pa akong hingal sa paghahanap. *sighs* San bang lupalop nagpunta ang lalaking yun? Napatingin ako sa kabilang sulok ng hallway. Natanaw ko sila Dash, Valkyrie, Vladimir at Caspian. Mukhang tinatahak ang direksyon ng classroom. Pinagmasdan ko si Caspian na nakaakbay kay Dash habang naglalakad. Minsan, ang cocomplicated din ng mga lalaki noh? Well, unti unti ko ng narerealize ehh. Caspian... Caspian's trying to win my heart to get his revenge on Xyvill. Bakit ang tanga ko, at ngangayon ko lang narealize 'to? Tuwing nag uusap kasi kami lagi, napapansin kong maya't maya niyang chinecheck ang direksyon ni Xyvill. Na para bang inoobserve niya ang reaksyon nito pero hindi ko ganon inintindi at binalewala lang. Malalim akong nagbuntong hininga. Nabuo ang suspision ko ng umamin si Xyvill sakin. Kaya naman pala nung nasa detention room kami. Bigla siyang bumait. Habang nag uuli ng tingin, napadako ang mata ko sa isang building, yung building kung saan ako natulog dati nung first day. Right! "He's there." Bulong ko sa hangin. Agad ulit akong tumakbo. I think he's there. No, he's there. Agad kong tinakbo yung building. Pagkarating ko. Kusang bumukas ang pinto dahil sa guard na nagbabantay, hindi ko na nga nagawang batiin si kuyang guard sa pagmamadali. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang rooftop. This is my last card, if wala parin siya dito hindi ko na talaga siya hahanapin. Teka bakit ko ba siya sinundan in the first place? Nagflash sa utak ko yung reaksyon ni Xyvill kanina. Yung reaksyon niya habang kinakausap ako ni Caspian. Parang may mabigat siyang dinadamdam, tapos tumingin siya sakin... Natigil ako sa pag-iisip ng bumukas ang elevator. *Tingg!* Pagkabukas na pagkabukas pa lang nito. May nakita akong pigura ng tao na nakatalikod. Nakatayo siya sa railings ng rooftop, habang nakatingin sa view sa baba. Nagliliparin ang ilang hibla ng kaniyang buhok dahil sa lakas ng hangin. Agad akong nakahinga ng maluwag. It's him. Unti unti akong lumapit. Hindi ko alam kung bati pero parang mawawala siya sakin kapag hindi ko siya kinausap ngayon. Ito kaya ang rason... Kung bakit kita hinanap. Napahawak ako sa aking dibdib. Patuloy ito sa pagkabog ng mabilis. Muli kong idinako ang tingin sa direksyon niya na nakatalikod parin. Mahal na kaya kita, Xyvill?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD