Parang si Dash at Caspian lang talaga ang pinaka clueless. Rinig kong mapang asar na tumawa si Xyvill. I really don't get him. Sila dash na lang nga ang mga kaibigan niya tapos nagpapanggap pa siyang gago sa harap nila kahit wala naman siyang ginagawa. "What to do..." Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Xyvill ng ibinulong na niya ang mga salitang yung sa tainga ni Dash. Ano ba yan! Alam na nakikinig ako ehh! Sinilip ko sila saglit. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nagliliyab na ang mga mata ni Dash habang nakatingin kay Xyvill, may ngising nakapaskil sa kaniyang labi. Ano na naman ang sinabi nito??
Natigil sa pagtitigan yung dalawa ng bumukas ang pinto. May bagong pares ng sapatos ang lumapit. Kulay asul naman ito na rubber shoes. Ang suot kasi ni Dash, sneakers. "What are you two doing?" rinig kong boses ni Vladimir. Tiningnan ko ang mga sapatos ni Xyvill at Dash. Unti unting naglayo yung dalawa. Natahimik sila. Ng maramdaman ni Dash na mukhang walang balak na sumagot si Xyvill, siya na lang ang sumagot. "Nothing. We are just talking." Kaniyang sabi, kita ko ang mga yabag niyang naglakad papalayo.
Naiwan sa loob ng kwarto si Vladimir at Xyvill. "Meoww" Napakunot ang noo ko ng marinig ang pag-meow ni Xybrie. Sinilip ko ng kaunti ang direksyon nila. Karga karga ni Vladimir yung pusa. "I thought you were not fond of animals. Why did you bring a stray cat in your house?" Pagoopen ni Valdimir ng topic. Kita kong tumalon si Xybrie paalis sa mga kamay ni Vladimir. "She's not a stray cat." Seryosong sabi ni Xyvill habang muli umuupo sa gilid ng kama. Ramdam kong tumalon si Xybrie sa kama at humiga sa kandugan niya para magpalambing. Vladimir struggles his shoulders.
"If you say so." He answers. "Her name is quite unique." Paoopen ulit niya ng panibagong topic. Nakita siguro niya ang collar ni Xybrie. "It's like the combination of Brielle's name and yours." Hindi na umimik pa si Xyvill. Namula ako. Wag mo na siya integrahin pa, Vladimir. Ako ang nagisip ng pangalan ni Xybrie. "Vlad." Napatingin ako sa sa pinto ng may pumasok. Panibagong pares ng sapatos. Kulay pula na rubber shoes. Base sa boses, paniguradong si Caspian yun. Kita kong sumandal siya sa may pintuan. "Dash... he left without a word." Panimula ni Caspian sa kanilang dalawa na kanina ay naguusap.
Rinig kong saglit silang natahimik. Narinig kong may taong nagbuntong hininga. "Then, hindi muna tayo tuloy ngayon. Tutal hindi naman tayo kumpleto." Rinig kong seryosong sabi ni Vladimir. Hindi na umimik si Xyvill. Maya maya rin, kita kong naglakad na ang kaniyang mga sapatos papaalis. "tsk." Na agad ring sinundan ni Caspian. Pansin ko sa kanilang apat. Si Vladimir ang laging nagiging tulay nila sa isa't isa. Magkakagalit kasi ehh. Tapos pag may hindi pagkakaunawaan si Vladimir ang nag aayos. Buti na lang nanjan siya. Kung hindi baka matagal ng watak watak ang grupo nila.
Kita kong sinarado ni Xyvill ang pinto bago inilock. Agad akong lumabas sa ilalim ng kama. Bago huminga ng malalim. Hoooohh! Tiningnan ko si Xyvill. "Sinadya mo bang galitin si Dash para mawala siya sa mood at hindi kayo matuloy?" Agad kong tanong habang umuupo sa kama ng nakaangel sit. Pinunasan ko ang gilid ng noo ko. Ang banas kasi sa ilalim. Pinagpawisan ako. Buti na lang hindi magabok. Humarap siya sakin bago nagcross arms. Tumango siya. Napaawang ang labi ko. "Ang manipulative mo." Kumento ko. He chuckles at what I said. Then move slowly in my direction.
"I grew up with them since I was little. I know them the most. Hindi kami nagbobonding kapag hindi kami sama sama." He explained. Naguilty tuloy ako. Ginawa niya yung para sakin ehhh. Para mapaalis sila at hindi nila mahalata na may iba siyang kasama sa condo. Iniyuko ko ang ulo ko. Lalo pa tuloy silang magkakagalit ni Dash. I sighed. Napatunghay ako ng ipinatong ni Xyvill ang kamay niya sa ulo ko. "Don't blame yourself. It's my fault 'cause I brought you here." He said while giving me a half smile. Sumimangot lang ako. Kasalanan ko parin kasi.
Atsaka pwede bang wag niyang guluhin ang buhok ko? Ang hirap kaya suklayin!
***
Pagkatapos ng insidente, iniuwi na ako ni Xyvill sa bahay namin. Inihatid niya ako gamit ng kaniyang kotse. Nakatambay ako ngayon sa kwarto ko habang nagcecellphone. Di kasi ako makatulog ehhh. Guilty na guilty talaga ako kanina. Oo, hindi naman namin inexpect na dadating sila Caspian pero nakakaguilty parin. Lalong nagalit si Dash kay Xyvill ehhh. "Ughh!" Iniubob ko ang mukha ko sa unan bago nagpagulong gulong sa kama. "Kung tulungan ko kaya silang magkabati bati?" Bulong ko sa sarili ko habang tinatanggal ang unan sa mukha.
"Brielle, Anak?" Napatingin ako sa direksyon ni Mama ng tinawag niya ako. Hindi ko namalayang nasa harapan na pala siya ng pinto ng kwarto ko, nakasandal doon habang nakatingin sakin. "Bakit po Ma?" Sagot ko habang umaayos ng upo. Medyo nagtaka ako ng makitang seryoso ang mukha niya. Bakit parang feeling ko may ginawa akong mali kahit alam kong wala? Agad akong napalunok. "Tumawag sakin ang papa mo." Napakunot bahagya ang magkabilang kilay ko. "What?" Mukhang nagkamali ata ang rinig ko.
Si papa? As in si Papa? Yung papa ko? Atsaka, Pano niya ako nakilala? Si papa. No, kilala na ba niya ako? "Ba.. Bakit daw po?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galak sa aking kaloob looban. "Gusto ka niyang makita, hinihingi ang consent ko..." Gusto akong makita? Ni papa? Napangiti ako bahagya. Pero nawala ang ngiti sa labi ko sa sunod na mga salitang binitawan ni Mama. "Sabi niya sa tawag, It's about the bullying case in school." Seryoso niyang sabi habang titig na titig sakin. Ahhh, kaya... Unti unti akong napayuko. Alam kong galit si Mama kasi wala akong minemention na nabubully ako pero mas nalungkot lang talaga ako kasi...
Kala ko, gustong makipagkita ni Papa kasi nakilala na niya ako. "Are you getting bullied?" Muling sabi ni mama pero lutang ang utak ko. Mukhang gusto niya lang akong makita dahil sa nangyari samin ni Zayriel. Napatingin ako kay mama ng malalim siyang nagbuntong hininga. "Sleep early, okay? We will talk about this tomorrow." Astang isasarado na ni Mama ang pinto pero pinigilan ko siya. "M-Ma. Pano mo nalaman ang bagay na yan..?" Pagtatanong ko habang napapalunok ng ilang beses. Agad siyang napatingin sakin, saglit niya akong tiningnan,
nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko na siya kayang tingnan pa, napatingin lang ulit ako kay mama ng magsalita siya. "Bakit? Kung hindi ko ba malalaman sa iba, hindi mo babalaking sabihin?" Seryoso niyang sabi kaya napalunok na lang ako. Nang maisara niya ang pinto. Agad kong kinuha ang cellphone na nakalagay sa mini table ko. Mukhang alam ko na kung sino ang may pasimuno dito. Kagat kagat na kuko kong hinintay ang kaniyang magsagot sa kabilang linya. [Yes?] Saad niya. Mukhang tampo parin ahhh, di man lang nag hello. Atsaka, Hello?! Ako dapat ang mag tampo dito! Sinumbong niya ako!
"Ikaw ba ang nagsabi?" Seryoso kong tanong. [.....] Hindi siya sumagot. Nakaramdam ako ng inis sa silent treatment niya sakin. No, kalma. May kasalanan ka rin sa kaniya Brielle. Nagbuntong hininga ako. "Bakit kailangan mo pang iopen up kila Mama? Pati perents ni Zayriel idinamay mo?" Inis kong sabi habang tinitingnan yung cellphone. [If I didn't do this. You won't take my words seriously.] Kaniyang pagdadahilan. Napaawang ang labi ko. "Wow. Just wow." Sarkastik kong sabi habang hawak hawak ang cellphone ng may hindi mapakaniwalang ekspresyon. "You really have gone far this time, Liam! Dad ko ang pinaguusapan natin dito! Alam kong alam mo yun! Step father ni Zayriel ang tatay ko!" Mataas na boses at may inis na tono kong sigaw.
Rinig kong mukhang magpapaliwanag pa siya pero agad kong pinatay ang call dahil sa inis na nararamdaman. He went too far this time. But, knowing him. He did this because he wanted to teach me a lesson. Liam has a toxic side, if he wants something, he will do everything because he has connections. Malalim akong nagbuntong hininga bago pabagsak na humiga sa kama. "Ughh. Everything's giving me a headache." bulong ko sa hangin. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Kahit hindi ko pa trip matulog. I need energy for tomorrow. 'Cause tomorrow.
I got a feeling that... Everything will start to change slowly.
***
"Hey, who's that??"
"Ang ganda, shett."
"Breathtaking..."
"Ang sexy, tol."
"Ngangayon ko lang siya nakita, sobrang ganda tol!"
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi saking kumento ng mga lalaking nadadaanan ko at nagdaretso sa paglalakad. Hindi na ako nakadiguise ngayon. Nasa tamang sukat na ang suot kong uniform kaya fit na fit sa katawan ko. Wala na rin akong suot na salamin. At lugay na ang aking buhok. Mahirap na. Warning pa lang sakin ni Liam, nakakatakot na ehh. Baka kung ano pang gawin ng mokong na yun pag ginalit ko pa lalo. Hindi naman ako galit. Kasalanan ko din kasi ehh. Nagtago ako ng sekreto sa kaniya. Kami na lang nga ang magkaclose tapos magtatago pa ako ng sekreto. Natigil ako sa pagiisip ng may tumawag sakin.