"Meoww" Nanlaki ang mga mata ko ng may dumamba na puting pusa sa hita ko. Nandito kami ni Xyvill sa condo niya. Hindi ko nga alam kung bakit ako sumama sa kaniya eh. Agad kong tiningnan si Xyvill. "Xy! Si muning ohh. Inampon mo pala." Nakangiti kong sabi. Bahagyang kumunot ang noo niya sakin. "Muning?" Inilagay niya ang kaniyang bag sa sala bago ako sinundan ng tingin. "Muning's not her name." He spoke. Napataas ang kilay ko. Her? So, babae pala si Muning. Kala ko nung una, lalaki ehh. Tiningnan ko yung pusa, ikinukos nito ang katawan niya sa akin at parang gustong magpahawak.
Tiningnan ko ang collar nito. Kapansin pansin kasi tumutunog, may maliit na bell kasi na nakakabit. Paheart shape na pendant na may nakaengrave na pangalang... Xybrie. Unti unting nanlaki ang mga mata ko, hindi ko namalayang unti unti din palang naginit ang mga pisnge ko. Narinig pala niya yung sinabi ko last time. Marahan kong tiningnan si Xyvill na nagtatanggal ng necktie. Agad akong tumikim at may ngisi sa labi niyang tiningnan. "Wag mo sabihin na kaya mo inampon yung pusa kasi narinig mo yung sinabi ko." Pangaasar ko sa kaniya.
Rinig kong bumulong siya sa hangin. "You want it. It's for you." Parang nagbackfire sakin yung pangaasar ko kasi ako yung natamaan. Tila tinadtad ng blush on yung mukha ko sa sinabi niya. "K-Kakauhaw" Pagiiba ko ng usapan. Binuhat ko yung pusa at tumayo. "Let's go to the kitchen, Xybrie." Kunwaring pagkausap ko sa pusa habang hinihimas ang ulo nito. Buhat buhat kong dinala yung pusa pakusina. Pagdating ko sa kusina, sinilip ko muna si Xyvill sa gilid ng pader. Nagpunta na siya sa kwarto niya at kita kong nagtanggal siya ng pangitaas na damit kaya nakita ko ang mga muscles niya sa likuran, agad kong inilayo ang aking mata at napalunok.
Agad akong napatago sa pader, nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Damn, that guy. He's always giving me a heart attack. Pumunta ako sa refrigerator bago kumuha ng tubig. Kumuha din ako ng baso bago nag salin ng tubig dito. Uminom ako ng dalawang baso ng tubig bago huminga muli ng malalim. "Meooww..." Napatingin ako kay Xybrie. Dinidilaan nito ang kaniyang mga kamay habang nakaupo sa taas ng refrigerator. "Ang expert din ng amo mo na magpakilig ng babae noh?" Pagtatanong ko rito kahit alam kong hindi siya sasagot. Tiningnan lang ako ng pusa at itinabingi ang ulo nito.
"Sabihin ko mo nga sakin Xybrie. Ilang babae na ang inuwi niya dito?" Pagtatanong ko habang nakatingala sa kaniya na palakad lakad sa taas ng refrigerator. Ipinagpatuloy ko ang pag-inom ng tubig."Only one." "Pbwehh!" Nasamid ako ng may bilang nagsalita saking likuran. Ramdam kong natapon din ang aking iniinom. Nabasa rin ang aking dibdib ng tubig. At halos magyelo na ako sa lamig. Agad kong tiningnan si Xyvill. "Y-You---" Namumulang mukha kong tinuro turo si Xyvill. Samantalang siya, sinuri ako mula ulo hanaggang paa. Agad akong nagtaka sa itssura niya. Hindi kasi niya maalis ang kaniyang mata saking dibdib.
Tapos pansin ko, parang namumula pa ang kaniyang mga pisnge. Agad akong napatingin dito. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang bumakat yung itim na bra na suot suot ko sa puting t-shirt na nakapatong. Tinakpan ko ang aking dibdib at tumalikod. Lihim akong napapikit ng mariin at kinagat ang aking labi sa sobrang hiya na naramdaman. Napakunot ang noo ko ng may twalyang biglang nagtaklob sa mukha ko. itim ang kulay nito at makapal. "Go to my room and change." Rinig kong sabi niya habang tumatalikod. Agad akong napakagat sa labi ko habang pinagmamasdan siyang lumayo. Nagpunta siya sa sala bago umupo.
"Kakahiya ka Brielle." Bulong ko sa sarili ko bago binalot ang sarili ko ng twalyang ibinigay niya sakin. Infairness, ang bango ha, amoy baby cologne. Pagkarating ko sa kwarto niya. Nagpunta ako sa closet at naghanap ng damit na masusuot. Mga hindi kasya sakin. Puro XXL ang size eh small lang ako. Nagbuntong hininga na lang ako at pinili yung black t-shirt niya na plain. Hindi na ako nagpalit ng jogging pants dahil hindi naman ito nabasa. Pagkatapos ko itong maisuot, agad akong nagpunta sa salamin niya. "Ang laki." Bulong ko habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin.
Nagmumukha akong mataba. I clicked my tongue. No, this won't do. Tinanggal ko ang jogging pants ko dahil may suot pa naman akong itim na cycling na hanggang hita ang haba. Pinagmasdan ko ulit ang sarili ko sa salamin. "Yan. I look cute." I whispered while staring at myself in the mirror. Pagkalabas ko ng kwarto ni Xyvill, pinuntahan ko ang direksyon niya. Hinahawak hawakan niya si Xybrie na nakahiga sa lap niya habang nagpapalambing. Agad siyang naestatwa sa kinauupuan ng tumingin siya sakin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Nag-iwas ako ng tingin bago nahihiyang umupo sa unahan niya.
"I think..." Napatingin ako sa kaniya ng magsalita siya. Nakatitig parin siya sakin. "I have to drive you home." Kumunot ang noo ko. Pinilit pilit niya akong pumarito tas ngayon pinauuwi na niya ako? Nasa sasakyan na niya yung mga gamit ko. Iniwan ko na lang dun kasi ihahatid na lang daw niya ako pauwi. Napanguso ako. "Pero lalaruin ko muna si Xybrie. Hindi ko siya pwedeng iuwi sa bahay. May allergy si Mama sa mga mababalahibong hayop ehh." Pagtanggi ko. Nilabanan ko ang mga titig ni Xyvill sa akin. "Meoww!" Habang nakatitig siya sakin, ibinaba niya si Xybrie sa gilid kahit mukhang gusto parin nitong magpahawak sa kaniyang amo.
"No, I have to get you home before I lose control." Seryoso niyang sabi habang umuupo ng nakadekwartro at ako ay pinagmamasdan. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "H-Ha?" Maang maangan ko. Kahit alam kung tinatraydor ako ng sarili kong katawan dahil ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisnge ko, nagmaang maangan parin ako sa harap niya.
Bakit ang honest niya? Ako ang nahihiya ehhh! *Clingg!* Napatingin kami sa pinto ng marinig namin na may nag bukas nito. Passcode door lock kasi ang pinto niya kaya kayang buksan ng card at ng nakakaalam ng password.
Bahagyang napakunot ang noo ko, kita kong gayon din siya. "Man, it's been a decade since our last visit here" Vladimir. Agad akong napatayo ng marinig ang boses ni Vladimir. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig na may mga yabag na papalapit. Nandito ang A4?! Nagpanic ako. Siguradong magtataka ang mga yun pag nakita ako. Lalo na wala akong salamin dahil kinuha ni Liam ang salamin ko! "Brielle, just---" Hindi na naituloy ni Xyvill ang kaniyang sasabihin sakin dahil walang pasabi akong nagtakbo sa kwarto niya, agad kong isinarado ang pinto.
Nakahinga ako ng maluwag. At napasandal sa pinto bago dahan dahan napaupo. "No, wait. Ba't ako nagtatago?" Bulong ko sa sarili ko. Wala naman kaming ginagawang masama ahhh. Pero nakakaguilty kasi ehhh. Baka pag nakita ako ni Dash lalo siyang magalit kay Xyvill. Ehh may gusto pa naman siya sakin. Hindi alam kung ilang minuto akong nakatambay sa kwarto ni Xyvill bago may mga yabag na lumapit. Agad akong nagtago sa likod ng pinto. *Creakk* "Brielle?" Nakahinga ako ng maluwag at pinunasan ang pawis sa noo ko ng makitang si Xyvill lang ang pumasok.
Lumabas ako sa pagkakatago. "Anong nangyari. Ba't bigla silang nagsipunta dito?" Aking tanong sa kaniya. Agad niyang isinarado ang pinto ng dahan dahan. "They come here to drink at my place." Maikli niyang sabi. Ang wrong timing naman! "Ehh.. Eh pano ako lalabas?" Pagtatanong ko sa kaniya. "I'll think. Just hide yourself first." Napatingin kami sa pinto ng may kumatok. "Xyvill?" Boses ni Dash. Agad kaming nataranta. "Hide, hide hide." Bulong niya sakin habang marahan akong tinutulak, agad ko siyang tiningnan. "I know! I know!" Bulong ko rin. Agad akong nagtago sa ilalim ng kama.
"Can I come in??" Rinig kong sabi ni Dash sa labas. Ramdam kong umupo si Xyvill sa kama bago kinuha yung rubik's cube niya sa mini table. "Sure." Rinig kong bored na saad ni Xyvill at tila nagpapanggap na normal lang ang lahat. Hanga talaga ako sa acting skills ng lalaking 'to. Babagay siguro pag nagartista siya. *Creakk...* Unti unting bumukas ang pinto. Rinig ko ang mga yabag ng paa ni Dash, nakasuot siya ng sapatos na itim, kita ko siyang umupo sa gilid ng kama. "I have to talk to you." Panimula ni Dash. Hindi siya sinagot ni Xyvill kaya siya ay nagpatuloy. "Why do I feel that your close into Brielle's cousin? Si Azalea."
Kaniyang pagtatanong. Mariin akong napapikit ng mata, ba't ba hindi magawa gawa ni Dash na kalimutan ako?! Ang awkward ha. Ako ang pinaguusapan nila. "You won't like my answer." Maikling sabi ni Xyvill. Rinig kong mukhang pinaglalaruan parin niya ang rubik's cube na hawak hawak niya. Ang sarap sapakin ng lalaking 'to. Unti unti ko ng naiintindihan kung bakit mukhang may galit yung mga kaibigan niya sa kaniya ehhh. Pagsasabihan ko nga next time. Ang bulok niya makipagsocialize ehh. Nakakapagtaka kung pano silang apat naging magkakaibigan.
"....." Saglit silang natahimik at tanging rubik's cube lang ni Xyvill ang gumagawa ng ingay. Nanlaki medyo ang mata ko sa sunod na sinabi ni Dash. "Are you dating her? The first time I saw her, bumababa siya sa kotse mo." Rinig kong seryosong sabi ni Dash sa kaniya. Hindi sumagot si Xyvill at nanatiling tahimik. Ba't ayaw niya sumagot?! Parang inamin na din niya na nagdadate sila ni Azalea---I mean kaming dalawa! "Think what you wanted." Bored na sabi ni Xyvill. Ramdam ko siyang sumandal sa headboard ng kama dahil gumalaw ito.
"Then I'll change my question..." Saglit na nanahimik si Dash bago tinuloy ang sunod niyang sasabihin. "Kay Brielle? Interesado ka?" Kaniyang tanong. Kagaya kanina hindi sumagot si Xyvill. Talagang playing safe ang gago ehh. Rinig kong nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Dash. "Bakit ka ga hindi makausap?" Mukhang inis na nasabi ni Dash. Aba, sino gang hindi maiinis ehh parang hangin lang ang kinakausap niya dahil sa sobrang tahimik ni Xyvill ehh. Kita kong tumayo sa pagkakaupo si Dash.
Ang hula ko si Dash, dahil siya lang naman ang nakasapatos. Si Xyvill kasi nakasuot ng tsinelas. "You know what... I've realized that my feelings for Azalea are mostly about her looks. However, during the retreat, Brielle showed me what love feels like. If you're with Azalea, that's okay. Just respect my relationship with Brielle and don't bother us." Mahabang sabi ni Dash. Napanganga ako. Whatt?!!! This man... I'm speechless.
Pano siya na in love sakin. Anong ginawa ko? Hindi siya sinagot ni Xyvill sa kaniyang tinuran. Pero maya maya rin. Ramdam ko siyang tumayo sa kama bago nagsalita. "Bother you? Why would I bother you? If you're the one who's bothering us." Saglit na nanahimik si Dash. "Us? Who are you talking about?" Rinig kong confuse niyang sabi. Kahit ako nacurious kaya inilapit ko ng kaunti ang tainga ko sa direksyon nila. "Us. Me and the two of them." Napanganga ako sa sinabi ni Xyvill. This man is so logical! Kung ako ngayon ang nasa posisyon ni Dash, pihong sasabog na ako sa galit. Pero may point naman kasi siya ehh.
Ako naman parehas si Azalea at Brielle ehhh. Iniling ko ng kaunti ang aking ulo, he's so smart to come up with that idea, annoying Dash with the truth. Tsk tsk tsk. I bet Dash is so annoyed right now. Napakunot ang kilay ng nakakitang naglapit yung sapatos nung dalawa. "Are you serious? Igagaya mo ba rin ang ginawa mo kay Caspian sakin? Sa tingin mo papayag ako na mangyari yun?" Seryoso niyang tanong. Napakunot bahagya ang noo ko. Right, Xyvill never mentions the three of them the truth. Hindi ko sure kung the three of them nga kasi parang may alam na si Vladimir ehhh.