Chapter 42 - Something fun

1993 Words
Habang nag uusap ang papa ni dash at si Xyvill. Kita kong panay ng sulyap ni Dash sa direksyon nila. Alam mo yung ekspresyon na parang may selos at galit sa mga mata. Yun yung nakikita ko kay Dash ngayon. Tinabihan ko si Dash. Pinaglalaruan niya ngayon ang kaniyang mga paa na nakababad sa white sand. Hindi ko alam kung pano ko siya kakausapin, hindi ko naman alam ang pinagdadaanan niya at kung anong nangyari ehh kaya nanahimik na lang ako. Ayoko naman manghimasok ehh. "Xyvill's smart." Saglit akong natigilan at napatingin kay Dash ng biglaan niyang pinuri si Xyvill. Nakatingin siya sa direksyon ni Xyvill at ng papa niya ngayon na nakatayo sa may dalampasigan habang naguusap. Halos ilang talampakan ang kanilang layo sa direksyon namin. Dahil pagabi na, naghi-high tide na ang tubig sa dagat. Kaya malakas ang hampas ng alon pati ang simoy ng hangin. Nanatili akong nakatingin sa direksyon ni Dash at inantay ang mga katagang sunod niyang sasabihin."Others always say that each of us exudes unique talents. Little do they not know that Xyvill is the real definition of talent." Tiningnan niya ako. "He got everything. Intelligence, personality, and visuals. He's almost perfect." Inilayo ni Dash ang tingin sakin bago malalim na nagbuntong hininga. "Others admire him. Even my dad. Dad always seeks his advice in business. Kahit wala pa siyang experience business field, his theories and advices are always accurate... Tskk." Bored niyang sabi habang kumukuha ng bato at ibinabato sa buhanginan.Tiningnan ko ang direksyon nila Xyvill. Mukhang nag-uusap parin sila. Inilingon ko ulit ang direksyon ko kay Dash. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Gaya ng sinabi mo diba, almost perfect." "Almost lang. Pero hindi siya perfect. Kasi walang taong perfect," Inunat ko ang aking mga braso bago tumayo. "It's normal to be insecure, all people get insecure." Inilagay ko ang dalawa kong kamay tuhod ko bago siya nilingon. "Just be yourself. I love the way you are." Nginitian ko si Dash bago tuluyan naglakad paalis. Humikab ako dahil nakaramdam ako ng antok. Saglit akong tumigil sa paglalakad at sinulyapan ang direksyon nila Xyvill. He's right. Xyvill's almost perfect. Kaya ang understandable na ang daming nagseselos sa kaniya. I can understand Dash's feelings because even me, there's a person I'm always insecure about. Third Person's POV Iniwan ni Brielle na tulala si Dash sa kawalan. Natauhan lang ang binata ng may tumawag sa kaniya. "... Ash. Dash." Agad siyang napatingin sa harap. Nakita niyang nakatayo si Vladimir habang nakapamulsa. "Let's go," Pagyayakag niya. Pinanood niya ang kaibigang umalis pero nanatili paring lutang ang isip ni Dash sa sinabi ni Brielle kanina. Napahawak siya sa kaniyang dibdib, paulit ulit itong tmitibok ng malakas. Napabulong na lang siya sa kawalan, "What was that?" Napahawak siya sa kaniyang pisnge ng maramdaman niya itong unti unting nagiinit. Agad siyang napatayo at napatakip sa mukha. "I'm blushing..." He muttered. "No, no. Why would I blush? Azalea is the one that I like... Not Brielle." kaniyang bulong sa sarili. "Why am I blushing so hard. My heart is also racing... " He muttered again while listening to his heartbeat. *** Brielle's POV Pauwi na kami. Nakasakay na kami ng bus ngayon. Same as usual si Valkyrie ang katabi ko. Bale hindi na kami nagchange seat kaya kung sino yung magkakatabi sa una naming sakay sila parin ang magkakatabi ngayon. Natutulog ngayon si Valkyrie, nakasandal siya ngayon sa balikat ko. "Brielle," Napatingin ako kay Liam ng tawagin niya ako, si Caspian ang katabi niya. Tulog rin si Caspian pero sa bintana nakasandal ang ulo niya. "Hmm?" Sagot ko habang nakataas ang kilay. "Let's talk later." Saglit na napakunot ang noo ko. Bakit parang ang seryoso ng boses niya. Hindi na ako sumagot at tinanguhan na lang ang sinabi niya. *tweet!* Napatingin ako sa cellphone ko ng magnotif dito. Binuksan ko ang mesenger. Saglit akong napatingin sa direksyon ni Xyvill ng makitang sa kaniya nanggaling yung chat. Nakasuot siya ng headphone habang tutok na tutok ang tingin sa cellphone. Ibinalik ko ang tingin sa aking cellphone at binasa ang message niya. Put on your headset. Basa ko sa chat niya. Napataas ang kilay ko bago muli siyang nilingon. This time nakatingin na siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. Nginisian niya lang ako. Humarap ako sa una at humalukipkip ng upo. Kinuha ko ang headset sa bag ko bago ito sinalpak sa magkabilang tainga. Ipinlug ko ito sa cellphone ko. Bahagyang napakunot ang noo ko ng magforward ng voice message si Xyvill. "Ano namang trip nito." Bulong ko sa hangin bago ipinlay yung sinend niya. Saglit itong nagloading dahil hindi ganon kalakasan ang signal. Pero maya maya rin, nagstart ito."Meet me later." Malalim at husky na boses niya sabi. Ang tamad ng lalaking 'to na magtype. Pero infairness ha, ang sarap pakinggan ng boses niya sa tainga. Ang sarap paulit ulitin. Tiningnan ko siya, nakasuot na siya ng black hoodie at natatakluban ang kaniyang mukha ng hood. Ibinalik ko ang tingin sa cellphone ko bago nagtype. Ge. Isinandal ang ulo ko sa upuan. Hindi na ako nagtanong pa. Inaantok na kasi ako. Hindi ako ganon nakatulog kahapon, inang yan kasi si Xyvill. Basta basta nanghahalik, wala tuloy akong nagawa kahapon kung hindi magoverthink, tsss. Pinatay ko na ang cellphone ko at natulog na. *** "Brielle," Unti unti akong nagising ng maramdaman kong may mahinang yumuyugyog sa balikat ko. Kunot noo ang nagmulat ng mga mata. "Hmmm." Ungot ko. "Nandito na tayo," Pagkamulat ko ng mata, nakita ko ang mukha ni Valkyrie. Sumilip ako sa labas, nasa may gate na nga kami ng SIS. Tumayo muna ako bago nag unat unat. "Nga pala Brielle," Napatingin ako kay Valkyrie. "Hinihintay ka ni Liam sa baba." Ayyy Oo, ano kayang bagay ang gustong pagusapan namin ng lalaking yun. "Sige, una ka na. Susunod ako." Sabi ko, tumingin ako sa paligid. Kaming dalawa na lang pala ang tao. Isinakbit ko ang mga gamit ko bago sinundan na bumaba si Valkyrie. Pagkababa ko, nakita kong nakatambay si Liam sa gilid ng poste. Agad ko siyang tinawag. "Liam!" Lumapit ako sa kaniyang direksyon. Agad siyang napaayos ng tayo at napatingin bahagya sakin. "Anong meron?" Tanong ko habang inaayos ang pagkakalagay ng salamin ko. "......." Medyo kinilabutan ako ng tiningnan niya ako ng sobrang seryoso at para bang may malaking pagkakamali akong ginawa. "Huyy. Tinatakot mo na ako." Nakabusangot kong sabi. Bigla akong nagulat ng tinanggal niya ang salamin na suot suot ko. "Heyyy!" Astang aagawin ko ang salamin ko dahil maraming tao pa sa paligid pero itinaas niya ito. "Noah and I talked last night." Kaniyang panimula habang nakatingin sakin ng seryoso."Then...?" Kinakabahan kong sabi sa kaniya. Ang seryoso niya kasi. "I heard from him that you're getting bullied physically." Napalunok ako at hindi umimik. Napaantras ako ng lumapit siya. Tunay talagang galitin mo na lahat. Huwag na wag lang ang mababait. Mga nakakatakot magalit. "I had enough of your disguise. Now Noah knows about your identity, don't ever wear fake glasses again." Malamig niyang sabi. Mukhang galit na galit talaga siya, eto ang rason ehh kaya ayaw ko sabihin sa kaniya yung sitwasyon ko. Atsaka, hindi kaya ako nabubully, nageenjoy pa nga ako tuwing makikita ko ang pagmumukha ng impaktang sila Zayriel. Dinepensahan ko ang sarili ko. "Ehh Hindi pupwede yun. Pag sinunod ko gusto mo, makikilala nila ako! Yung A4, lalo na ni Dash! Alam mong nagustuhan niya ako diba?!" Malalim siyang nagbuntong hininga bago ako itinuro gamit ang index finger niya. "No." Maikli niyang sabi para sabihin na hindi siya sang ayon sa gusto kong mangyari. Tinaasan ko siya ng kilay. "But it's not your decision---" Pinutol niya ako. "Enough, Azalea!" Nagulat ako dun. Kita ko kung paano lumabas ang ugat sa noo niya. Mukhang nagpipigil pa siya. Napaantras ako. As in, sinigawan niya ako ehh. Hindi ko pinansin ang mga taong napatingin samin at nanatiling nakatingin sa mga mata niya. First time na nangyari 'to. Galit na galit siya ngayon habang nagliliyab ang mga mata na nakatingin sakin. "Alam mo ba kung gano kabigat saking dibdib na kay Noah ko pa mismo nalaman ang bagay na'to?" tanong niya sakin. Hindi ako umimik. Paano ba nalaman ni Noah? Naikwento ba sa kaniya ni Zayriel o nagkaclue siya nung naabutan niya kami sa locker area? Inang yan ahh. Ba't kasi sinabi pa niya kay Liam? "I'm so mad at myself that I can't protect you." Seryoso niyang sabi. Nagbuntong hininga ako bago lumapit ulit sa direksyon niya. "Okay lang naman ako ehh. Tingnan mo ohh." Umikot ikot ako bago ulit siya hinarap. "Buong buo diba?" Huminga siya ng malalim kaya kala ko kakalma na siya. "Atsaka takot sila sa A4. Hindi mo na---" Napatigil ako ng pinutol niya ang mag salita ko. "Hindi ko na kailangan magalala?" Tinawanan niya ako, pero hindi genuine, puno ng kasarkastikan. Parang wrong move tuloy yung ginawa ko. Pinanood ko lang siya hanggang tumingin ulit siya sakin. "Why do I feel na parang mas kaclose mo sila, kahit na ilang taon na tayong nagsasama, Aza?" Kaniyang tanong sakin, himig sa kaniyang boses ang sakit. Agad ko naman itong binawi. "Hindi naman sa ganon!" Pagtanggi ko. Ba't ba ang OA ng lalaking 'to ngayon? Dinaig pa ang babaeng may period ehhh! "Enough," Minasahe niya ang kaniyang noo bago ako tiningnan. Saglit niya akong tinitigan bago nagpatuloy sa pagsasalita. "My request is simple. Don't wear fake glasses again," Seryoso niyang sabi. Astang tatalikuran niya ako pero hinawakan ko ang braso niya. "Anong gagawin mo pag di kita sinunod?" Saglit siyang natahimik bago nagsalita. "You won't like what I'm gonna do. So don't ask." Sabi niya sakin habang nakaharap parin sa likod. Napakagat ako sa aking labi. Dapat pala hindi ko na sa kaniya isinekreto. Hindi ko naman alam na magiging big deal 'to sa kaniya ehhh. Parang kapatid na rin kasi ang turingan namin dahil ilang taon na kaming nagsasama. Parang siya na yung tumayong kuya ko. Pinanood ko si Liam hanggang mawala siya sa paningin ko. "He's mad." Napatingin ako sa sulok ng may narinig akong nagsalita. Isang lalaking nakasandal sa tagong parte ng poste habang nakatingin sa direksyon ko. Si Xyvill. Bahagya akong napahawak sa dibdib ko dahil sa biglaan niyang pagsulpot. Nagbuntong hininga ako. "Ang complicated din niyong mga lalaki noh. Alam mo, hindi ko alam kung bakit ang big deal sa kaniya ng nangyari." Nakabusangot kong sabi. Unti unting lumapit si Xyvill sakin. Isa din 'tong lalaking 'to ehh. Bigla bigla susulpot, pinakinggan siguro nito ang pinagusapan namin. Napaantras ako ng isang hakbang ng tumuon siya papalapit sakin. "If I were in his position. I would react the same Brielle" He said while crossing both of his arms, kaya naguluhan ako. Astang tatanungin ko siya kung bakit pero iniba niya ang topic. "His tantrums are just one word, Brielle..." Lumapit siya sa akin lalo bago bumulong sa tainga ko. "Pride." Malalim na boses niyang saad. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa tainga ko. Napalunok ako nung naalala ko yung nangyari kahapon. Iniling ko ang ulo ko, no let's go to the main point. Oo nga noh, pansin ko rin. Napalunok ako ng ilang beses hanggang unti unti na siyang lumayo. "But I take his side," Kunot noo kong tiningnan si Xyvill. "Don't wear glasses again." Unti unting tumaas ang sulok ng labi niya. "It obscures the beauty that you possess." Ramdam kong bahagyang namula ang magkabilang pisnge ko. Waitt, my heart. Iniyuko ko ang ulo ko at itinago ang kapulahan ng mukha ko. Napataas lang ang tingin ko ng magsalita ulit siya. "Let's go," Tumikim ako bago sumagot. "Saan?" "To my place." He said. Bahagyang kumunot ang noo ko. "We will do something fun." Dagdag pa niya bago ako nakapamulsang nilapitan. Tila kinamatis pa lalo ang pisnge ko sa kapulahan. Something fun? Maggagabi na. Can he stop misleading people? Iniling ko ang aking ulo sa aking iniisip. No, no. Think straight Brielle, don't get distracted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD