Chapter 29 - Date

1997 Words
Habang naglalakad sa corridor. Hindi ko maiwasang mapahikab sa antok. Pinuyat ako nung caller kahapon. Habang naglalakad, napadaan ako sa locker area, nakita ko si Yasmin na naglalagay ng libro sa kaniyang locker. Nakatalikod siya sakin, pero sigurado akong siya yun. "Yasmin," Tawag ko. Kita ko kung pano siya natigilan at napatingin bahagya sakin. Nanlaki ang kaniyang mga mata na para bang gulat na gulat. "B.. Brielle" Tawag niya saakin. "Yung kahapon. Pano niyo nagawa sakin yun?" Tanong ko ng mahinahon. Ilang beses siyang napalunok bago muna nagbuntong hininga. "You'll know later." Makabuluhan niyang sabi bago ako iniwan mag-isa. Nagbuntong hininga ako. I thought totoo sila sakin, but the fact that they betray me. This is the reason kaya ang ilap ko sa tao dati ehh. *** "Class, proceed to the Auditorium mamaya. Napili ang section natin para manood ng talent show." Sabi ng adviser namin. Naghiyawan ang mga kaklase namin. Sumandal ako sa upuan ko bago nagunat unat. "Yey! Walang klase!" Hiyawan ng boys habang nagiingay. Hindi ko ito pinansin at sumandal ng ayos sa upuan. Napatingin kami sa harap ng nagsalita si Ma'am. "By the way, Class. May maalam ba magpiano dito? Hindi kasi makakaattend yung pianist na kinuha ng school. Nagkaemergency raw sa bahay kaya naghahanap ng pwedeng ipalit para sa opening mamaya." Isa isang nanatimik yung mga studyante na kanina ay nagiingay. Hindi sila sumagot at nagtitigan lang sa isa't isa. Para bang naghintay lang kung may magvovolunteer. Tiningnan ko yung A4, lalo na si Xyvill. Mukhang wala silang pakialam. Si Dash, pinaglalaruan lang ang ballpen niya. Si Vladimir, nakatingin lang sa unahan pero hindi nagsasalita. Si Caspian naman, nakaheasdset lang. Samantalang si Xyvill naman, tahimik lang habang nakaubob sa table. Itinaas ko ang aking kamay. Kaya lahat sila napatingin sakin. "Yes, Ms. Samaniego?" Tanong ng Adviser namin. "Xyvill can play. I heard him play before." Pag nonominate ko kay Xyvill. Hindi ko alam pero parang naging weird yung atmosphere sa paligid. Natahimik ang buong room at para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "She heard him play?" "From what I know Xyvill stopped playing piano when his mother died." "She's lying. She's just trying to get some attention." Hindi ko ito pinansin. "Alright, Xyvill. Proceed ka sa office ko. Let's talk about it." Saad ng adviser. Idinako ko ang tingin kay Xyvill na kanina pa palang nakatingin sakin. "You want to hear me play?" He asked while raising his left brows. I seat properly and nodded my head. Napasandal ako sa likuran ng upuan ng tumuon siya sa table ng upuan ko at lumapit sakin. "Then you must do me a favor." Napakunot ang noo ko. "What favor?" Tanong ko. Tumuon siya papalapit sa tainga ko, "You will know after." Bulong niya. Unti unting siyang umantras bago tumayo. I think my heart skips a beat. Tumungin ako sa ibang direksyon at palihim na pinaypayan gamit ng kamay ang mukha ko. Ba't kasi ang init dito? "Huy!" Napatingin ako sa direksyon ni Liam, kasama niya si Valkyrie, at Dash. Sinundot ni Liam ang pisnge ko. "Ano yan? Ang pula, parang kamatis ohh!" Hinampas ko ang kaniyang kamay. "Aishh, lumayo ka nga! Ang init na ohh!" Ngumisi siya sakin. "Ehh. Tutok na tutok ang aircon sa direksyon mo. Naiinitan ka pa sa lagay na yan." Kiningina talaga nitong lalaking 'to. Tumayo ako bago siya tinulak sa likod. "Umalis ka nga, pinaiinit mo ulo ko!" Inis kong turan pero tinawanan niya lang ako. "Brielle." Napalingon ako sa direksyon ni Dash ng tawagin niya ako. Nakangiti siya sakin pero parang may mali. "Nothing's going on between you and Xyvill. Right?" Tanong niya sakin. Natahimik ako. Parang naging blanko ang laman ng utak ko. Saglit na nawala ang ngiti sa kaniyang labi, nginitian niya ulit ako pero ngayon halata na talagang pilit. Lumapit siya sa akin bago pinantayan ang balikat ko, lumapit siya sa tainga ko. "Xyvill is a cheater. Don't get involve with him." Seryoso niyang bulong habang nakangiti parin. "...." Pinanood kong umalis si Dash. I understand Caspian's grudge against Xyvill, but why does Dash also have a hidden grudge against him? Talagang totoo pala ang don't underestimate the book by its cover. Aakalain mo ba, si Dash na jolly at easy going sa harap ng maraming tao, may ganitong side na tinatago. Tiningan ko ang silya ni Xyvill na walang laman. "Ano na naman ang issue na sinimulan mo, Xy?" Bulong ko sa hangin. *** Nakaupo kami ngayon sa una, nasa auditorium na kami. At dahil nasa una ang section namin, kitang kita namin ang stage. Magsisimula pa lang ang talent show, at ngayon tutugtog na ng piano si Xyvill. Sa kaniya nakafocus ang limelight habang nakaposition sa pagtugtog. Nakaupo na siya sa upuan at nakapwesto sa harap ng piano. Nang tumugtog na siya, pansin sa mukha ng mga manonood ang pagkahanga. "We never heard Xyvill play piano before." Napatingin ako kay Vladimir ng ibinulong niya ang mga katagang yun sa tainga ko. "Aksidente ko lang naman siya nakita tumugtog non---" Pinutol niya ako habang nakatingin parin sa harap. "That's not my point." Bulong niya ulit, katabi ko si Vladimir sa right side habang nasa left side ko naman si Valkyrie na nanonood rin sa pagtugtog ni Xyvill. "The fact that he agree to play piano because of your request... It's weird." Seryoso niyang bulong. Napatingin ako kay Dash. Kaya ba ganon na lang ang reaksyon niya sakin kanina? "Huy, anong pinagbubulungan niyo." Parehas kaming napatingin ni Vladimir sa likod ng magsalita si Liam. Nasa likod namin siya, at katabi niya si Caspian na nakatingin sakin. Tiningnan ko si Liam. "Wala. Wag kang chismoso." Masungit kong sabi sa kaniya. Nagpout siya, tsk. Kala mo cute. Napatingin kami sa harap ng magpalakpakan na ang mga tao. Natapos na ang pagp-piano ni Xyvill. Tiningnan ko siya, nakatingin pala siya sakin. Maya maya rin, tinanggal niya ang tingin sakin at nagbow ng kaunti bago bumaba ng stage. Nagtaka ako ng nagpunta siya sa exit at lumabas ng Auditorium. "Valkyrie," Tawag ko kay Valkyrie. "Bakit?" Tanong niya. "CR lang ako ha. Babalik rin ako kaagad." Sabi ko habang tumatayo. "Hala, sasama ako---" Pinigilan ko siya. "No. Don't you remember what our adviser said earlier?" Napakunot ang noo niya. "One person at a time." Napakamot siya ng ulo at para bang lalong naconfuse sa sinabi ko. Makoconfuse talaga siya, wala naman ganon sinabi ang teacher. Habang distracted siya. Umuna na ako. Naglakad ako patungo sa pinto na nilabasan ni Xyvill. Pagkasarado ko ng pinto ng auditorium, biglang may humila ng braso ko. "Huyy!" Nagpunta kami sa fifth floor. Dinala niya ako niya ako sa balcony ng building. "Anong meron?" Tanong ko ng humarap siya sakin. Dumadaloy sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin, ramdam kong hinahangin rin pati ang ilang hibla ng buhok ko. Humakbang siya ng isang beses papalapit sakin. "You made a promise." Panimula ni Xyvill sakin, pinantayan niya ako. "You will do me a favor." Seryoso niyang sabi. Iniwas ko ang aking mata at napakapit sa railings ng balcony. "What do you want?" Saglit na kumurba ang ngisi sa labi niya pero agad ring nawala. Ano kayang pabor ang hihingin ng lalaking 'to. Napasandal ako sa railings ng mas lumapit siya, nagkatitigan kami sa mata. "Set me on a date with Aza." What? Napalunok ako. "Aza?" Hindi ko na namalayang kusang bumuka ang labi ko. How did Xyvill know my nickname, this is the second time he called me that. "Azalea Gabrielle. I heard Liam call her that. I met them in an Timezone before." Napatango na lang ako wala sa oras. Ang tagal na nun ahh, tanda niya pa? Iniling ko ng kaunti ang aking ulo, no focus. How should I answer. "Medyo mahirap naman ang pinagagawa mo. Hindi naman kami ganon close eh--" Napatigil ako ng pinutol niya ako. "Your promise." Xyvill. Nagbuntong hininga ako. "Fine. Fine, gagawan ko ng paraan." Buntong hininga na sabi ko. "Kelan mo gusto?" Tanong ko. "On Saturday." Napakurap ako. "Next week?" Tanong ko ulit. "This week." Tinitigan ko siya ng matagal. Diretso lang ang tingin niya sakin at kalmado. Wow, nahiya pa siyang sabihin na bukas niya gusto makipagdate. Malalim akong nagbuntong hininga. "Sige. 9:30 AM." Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ko. Tiningnan ko siya, nakatitig lang siya sakin. "9:30 AM. Sasabihin ko kay Azalea imeet ka. San place mo gusto?" Tanong ko ulit. "Just tell her in the place where we last met." Napakunot ang noo ko. "7/11?" Bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako kay Xyvill ng lumapit siya sakin. "How did you know?" Seryosong bulong niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Kinuwento niya!" Itinulak ko siya ng kaunti, hindi ko alam kung ako lang ba o parang nakita ko siyang nag smile saglit. Astang aalis na ako pero narinig ko siyang nasalita mula sa likod. "Sabi mo, hindi kayo close?" Tanong niya sakin, mariin akong napapikit. Ang tanga tanga mo talaga Brielle. Nagbuntong hininga muna ako bago hinarap si Xyvill. "Basta mahirap iexplain. Ipagdasal mo na lang na sumipot siya bukas sa date niyo. Mailap sa mga lalaki yun ehh." Pagiiba ko ng topic which is effective--"Edi ikaw ang aattend kapag hindi siya sumipot." Nakacross arms niyang sabi sakin habang sumasandal sa railings ng balkonahe. Ramdam kong namula saglit ang pisnge ko. "Xyvill!" Inis inisan kong sigaw. Itinaas niya ang kaniyang magkabilang kamay, senyales na sumusuko. "I'm just kidding. Okay?" Is it me or he just turned childish? *** Nakabihis ako ngayon, nakasuot ako ng khaki dress na walang sleeves at hanggang tuhod ko lang ang haba. Ngayon ang date namin ni Xyvill. Tiningnan ko ang sarili ko sa maliit na salamin na hawak ko, hindi naman siguro ako marerecognize ni Xyvill noh? Nakasuot rin ako ng make-up. Medyo kinapalan ko para hindi niya talaga ako marecognize. Ang balak ko talaga ngayon araw, kailangan kong masigurado na mawawalan ng interes si Xyvill sa akin. Kapag nagtagal, marerealize niya na si Aza at ako ay iisa. Kaya---Operation: Trash our date. Napatingin ako sa pinto ng magbukas ito. Pumasok si Xyvill. Nakasuot ng black trouser at plain but oversize na white t-shirt, may nakasakbit rin na silver pendant sa kaniyang ulo na nagpadagdag sa angas niya. Aesthetic. Yun yung itsura niya ngayon. "Hi, I'm sorry. How long did you wait?" Panimula ni Xyvill habang umuupo sa harapan ko. Napangisi ako ng may idea na nabuo sa utak ko. Tiningnan ko siya. "I feel like I waited for years! Isiningit ko nga 'tong date kahit busy schedule ko. Tapos ang tagal mo? Halos ten minutes na akong naghihintay rito ehh!" Kunot noo at mataray bungad ko. Natigilan siya at saglit nanlaki ang mga mata. #Number 1, no boys can tolerate an overreacted and childish reaction. Tumaas ang sulok ng labi ni Xyvill sakin. "I'm sorry," Mapagkumbaba niyang sabi, nalaglag ang panga ko, ano daw?? Kahit hindi ko pa ganon kilala ang lalaking 'to, alam kong mapride siya, kaya nakakapagtaka yung biglaan niyang pagsosorry. Bakit parang ako naman yung naguilty. #Number 1 failed. *** Nasa isang cinema kami ngayon. Nanonood, yakap yakap ko ang popcorn naming dalawa ni Xyvill. As in, pinagdadamutan ko siya kumuha. #Number 2, no boys can tolerate a girl who isn't cute while eating. Sunod sunod kong sinubo ang popcorn sa bunganga ko hanggang sa mapuno, tiningnan ko si Xyvill, nakatitig siya sa akin. Natuturn off na siguro 'to, mukhang nangjujudge na ang mga mata ehh. "You know what. Katatapos ko lang ng part time ko kanina. Sobrang nakakagutom--" Dumighal ako ng malakas bago siya tiningnan at nginisian. Napakunot ang noo ko ng bigla siyang nagchuckle habang nakatitig sakin. Lumapit siya sa akin bago kinuha nagiisang piraso na popcorn sa lalagyanan na hawak ko. Lumapit siya sakin bago bumulong. "You're cute." he said in a throaty whisper, he then savored the single piece of popcorn in his grasp. Bakit ba ang weird ng lalaking 'to? Iba siya sa mga lalaking kilala ko! #Number 2, failed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD