Napatingin ako sa malaking TV screen ng makitang mapusok na naghahalikan yung dalawang lead. Agad akong napaupo ng ayos, nginuya at nilunok ko lahat ng popcorn na nakalagay sa bunganga ko. Napangisi ako ng may maisip akong bagong ideya. "You know what, I like the main character... He's hot." Nagcross legs ako at tiningnan siya. "Muscular men are always my type. Wanna know why?" Pinalapit ko si Xyvill sakin, na kaagad naman niyang ginawa.
"One reason. Good in bed." Bulong ko. Ramdam ko siyang nagulat. "Magaling ka ba?" Muli kong tanong habang nakatingin ng mapangakit. Unti unti siyang napalayo bago napalunok ng pop corn na kaniyang kinain, sinubukan kong hulihin ang mga mata niya pero hindi na siya ako pinapansin. Knowing him, he doesn't like being seduce. Salamat kay Daisy at naalala ko ang ginawa niya non. Napangisi ako. Ano ka ngayon ha? #Number 3, no decent man will like a slutty behavior. I'm confident he will lose his interest in me now.
***
Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa ng itinigil ni Xyvill ang kaniyang sasakyan sa harap ng isang hotel. Nakaupo ako ngayon sa tabi ng driver's seat habang lihim na kagat kagat ang labi. Ano ba 'tong pinasok ko? "You like muscular men, right?" napatingin ako kay Xyvill ng inopen up na naman niya yung conversation about sa sinabi ko kanina. Unti unti siyang lumapit hanggang marating niya ang tainga ko. "My physique will certainly live up to your expectations." Ramdam kong nakangisi niyang bulong. Napapikit ako ng mariin ng unit unti siyang lumayo at bumaba ng kotse.
Xyvill's POV
I glance at Brielle's direction. She's panicking. I slowly chuckled. "Sir, what can I do for you?" Tanong ng staff sakin kaya napatingin ako sa una. "I'm here to pay for my monthly rental," She nodded while still looking at the computer. "Can I know your name, Sir?" Tanong niya habang may pinipindot sa keyboard ng computer. "Sven Sylvester." I answered. Napatigil siya sa pagtatype at nakatingin bahagya sakin. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang nganga na nganga. She must be a new employee, this is the first time I saw her.
"S-Sir, can I get your autograph?" Kumikinang na mga mata niyang sabi. Itinango ko na lang ang aking ulo. Pagtapos niya akong bigyan ng papel at ballpen agad akong pumirma bago nagproceed sa p*****t. This is so annoying. But since, I'm in a good mood. I won't spoil the fun. Ibinaba ko ang ballpen. "Thank you vey much! Fan na fan niyo po ako!---" "Thanks. Can we proceed?" I asked calmly. She excitedly nodd her head. Pagkatapos ko mabayaran ang monthly rental ko. I walk in Brielle's direction,
"Let's go." Bulong ko sa tainga. Napangisi ako ng maramdaman ko siyang na tense up. Kung ano ano sigurong iniisip ng babaeng 'to. I just tease her earlier. Pagdating namin sa condo unit ko, I swipe my card to open up the door. A secretly smile when I saw Brielle having a second thought of entering my room. "Having a second thought?" Nakangisi kong asar habang sumasandal sa gilid ng pinto. Napakurap siya sakin.
"Just enter. I won't eat you." Seryosong boses kong sabi habang nakatitig sa kaniya. She blushed. "Hoy, hindi yun yung iniisip ko ha!" Tinabig niya ang balikat ko at pumasok sa loob. Napapailing na ulo akong napangisi habang pinapanood ang likuran niya. "Seat on the couch. I will just get something in my room."
Brielle's POV
Tinanguhan ko ang sinabi ni Xyvill pero hindi ko siya nilingon, sobrang nakakahiya yung kanina gago! Umupo ako sa puting sofa sa living roon ng kwarto ni Xyvill. Habang nagmamasid masid sa paligid, napatingin ako sa table ng living room ng makita ko yung sketch book ni Xyvill na lagi niyang ginagamit sa room. Ano kayang pinagdadrawing nun? Kinuha ko ito at pinagmasdan saglit ang front cover.
Binuksan ko ang stechbook niya, kung ano ano ang nakadrawing. Bulaklak, building, ulap at----Napakunot ang noo ko ng may makita akong pigura ng babae na nakaguhit. Nakasalamin, nakapony tail ang buhok, habang nakaubob sa table. Teka, hindi ba ako 'to? A-A-Ako?!!! Astang ililipat ko pa ang page pero narinig ko na ang mga yabag ng paa ni Xyvill na papalapit. Isinarado ko ang sketchbook niya bago ibinalik sa pinanggalingan.
Ng mapalingon ako sa direksyon ni Xyvill. Nakita ko siyang may bitbit bitbit na stuffed toy. Napatayo ako ng makita yun. Yung dalawang banana stuffed toy? Parang pamilyar. Sinalubong ko si Xyvill. "Teka, yan yung sinusubukan kong kunin sa Timezone dati ahh." Sabi ko bago kinuha mula sa kamay niya yung isa. He chuckled. "Yeah. I saw." Pinaglaruan ko yung ulo ng banana stufftoy, ang cute! Ang lambot! Ang sarap yakapin. "Then... Ibibigay mo ba sakin 'to?" Tanong ko habang kumukurap ng ilang beses para may pacute effect.
"No." Napaawang ang labi ko sa sagot niya. Wow, din man lang nag-isip. Talagang daretsong No. "Why? Kung hindi mo ibibigay, bakit mo inilabas?" Pagrereklamo ko habang niyayakap ng mahigpit yung stuffed toy para di niya makuha. Itinaas niya yung female banana stuffed toy na hawak niya, nasakin kasi yung male banana stuffed toy. "This is mine," Saad niya habang itinuturo ang hawak niya pagkatapos tiningnan ako. "That one is for my girlfriend..." Napasimangot ako.
"Girlfriend, girlfriend. Wala ka naman girlfriend diba? Ibigay mo na lang sakin!" Sabi ko. Halos himatayin na ako sa gulat ng bigla siyang lumapit. Kinorner niya ako sa likuran ng couch kaya napaupo ako rito. Bumulong siya sa tainga ko. "You can be the first one." Tila nanghina ang mga tuhod ko sa boses niya. Ang husky, at ang sarap pakinggan sa tainga. Iniling ko ang ulo ko. "S-Stop teasing me!" Tumayo ako. Bago siya tinignan, nakatingin siya sabi habang nakadekwatro ang upo sa sofa. "I'm not teasing you." Tanong niya habang nilulusaw ako sa kaniyang mga titig. "Isn't that the reason why we're dating?"
Tila umusok na ang mukha ko sa sobrang pula. Xyvill's... Xyvill's flirting with me. It feels kinda new to me. "I dated you cause Brielle beg me to!" Pagdadahilan ko sa kaniya, napaantras ako ng bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa direksyon ko. Napatingin ako sa likod ng makitang wala na akong maantrasan dahil nakaharang na ang table ng living room. Tiningnan ko si Xyvill, nakatungo siya sa akin habang medyo seryoso ang mukha.
"Then next time, I should tell her to beg to you to accept my courtship." Lalo siyang lumapit. "If she beg you, would you agree?" Taas kilay niyang tanong. Namula ako. Ramdam ko ang pangangamatis ng magkabilang pisnge ko habang nakatingin sa kaniya. Bakit ang galing makipagflirt ng lalaking 'to. Parang sanay na sanay ahh. "Of course, I won't! That's a different case!" Unti unti ko siyang tinulak papalayo. Hindi ko alam kung ako lang ba o parang narinig ko siyang tumawa saglit. Nilayuan ko siya. I need water. It's too hot.
Nagpalinga linga ako para hanapin ang kusina. Pero napatingin ako kay Xyvill ng magsalita siya. "Turn around. Then turn right." Sinunod ko ang sinabi niya, at tama naman ang dikta niya. Kusina nga yun, by the way, pano niya nahulaan nasa isip ko? Iniling ko na lang ang ulo ko at iniwan siya sa living room. Pagkarating ko sa kusina, dumeretso ako sa refrigirator at kumuha ng isang pitsel ng tubig. "Kalma, Brielle. Kalma. Isang Xyvill Sven Sylvester lang yan." Lumagok ulit sa baso ng tubig. "Tama... " Tumuon ako sa dining table ng kusina. "Tama... Bakit laging natatanggal ang angas ko?"
***
Inuuwi na ngayon ako ni Xyvill. Nakasakay ulit kami sa sasakyan niya. Pagkatapos namin pagtalunan kung kanino mapapapunta yung stuffed toy, hindi niya parin ito binigay sakin. Tskk. Damot damot ng lalaking 'to, laking laki na eh nagi-istuffed toy pa. Tss!!! Pagkarating namin sa apartment namin, itinigil niya ang sasakyan. "Are you sure you don't want me to drive you home? Why bother going to Brielle's house?" Tanong niya sakin habang nagsasarado ng pinto ng sasakyan. "Kakamustahin ko lang sila tita, sige Xy. Una na ako." Sabi ko bago tumalikod, saglit na napakunot ang noo ko, bakit parang may nasabi akong mali.
Haharap sana ako sa direksyon ni Xyvill ng merong nakabungo sa ulo ko. "Ouch!/Aww!" Napatingala ako, at bahagyang nagsalubong ang kilay ko ng makita kung sino 'to. Si Dash... Anong ginagawa niya rito? Kita ko siyang natigilan at napatingin sa kabuuan ko. "Hey," Panimula niya habang nakatitig sakin. "You must be..." Itinuro niya ako, napatingin ako sa likuran niya ng makita si Liam. Nakapamaywang ito habang nakatitig samin. Don't stand there, idiot. Help me! Dash recognize me before! Napatingin ako kay Dash ng ituloy niya ang sunod niyang sinasabi, "You must be the cousin of Brielle! Liam talk about you! The two of you really looked a like!" Nakangiti niyang sabi.
Tiningnan ko si Liam, kaya naman pala siya kalmado. Expected na niya. Gumawa siguro siya ng kwento rito kay Dash. Pilit akong ngumiti kay Dash at tiningnan ang direksyon ni Xyvill. Nanonood lang siya samin habang nakasandal ang likuran sa kotse. Ba't di pa siya naalis? Tiningan ko ulit si Dash. "May---May I know who you are?" Pormal pormalan na tanong ko at parang ngangayon ko lang siya nakita. Ngumiti ng malawak si Dash sakin bago naglahad ng kamay. "Dash Calvinn Fernandez." Kaniyang pakilala, kinuha ko ito bago nakipagshake hands. "Azalea Grabrielle." Pakilala ko rin habang nakangiti pero pinagpapawisan na talaga ako. Damn. That's a close one.
"Azalea, do you also live here?" tanong niya sakin, agad kong iniling ang ulo ko. "No, binabalak ko lang bisitahin pinsan ko" pagdadahilan ko, jusko lord, hindi ko na mabilang bilang mga kasinungalingan ko sa araw na'to. Sumagot si Dash. "Unfortunately she's not here. We didn't know where she went. Her mother said that nagpaalam lang si Brielle tapos umalis." Paliwanag niya habang nagkakamot ng ulo. Tumango ako. "Bakit pala kayo nandito? Bibisitahin niyo rin siya?" Kunwaring pagtatanong ko para malaman ang dahilan ng pagputa nila.
"Yayakagin ko sana siya ng Mall ehh. Maglalaro kami sa arcades. Busy mga kasama ko." Sabi niya. "Ahhh." Tumango nalang ako sa kaniya. Yan, naalala ko na naman yung stuffed toy na hindi ibinigay sakin ni Xyvill. Tiningnan ko siya, ng mahuli niya akong nakatingin sa kaniya, tinaasan niya ako ng kilay habang nataas rin ang sulok ng labi. Tskkk. Napatingin ako kay Dash. Nakatulala siya sakin.
***
Nasa rooftop kami ngayon. Ako, si Valkyrie at ang apat na miyembro ng A4. Bumalik na ulit sa normal ang lahat. Nakasuot ako ng malaking salamin, mahaba at malaking damit, at nakapony tail na buhok. Si Vladimir, natutulog sa gilid na pinagdugtong na silya. Si Caspian naman, tulog rin habang nakasalpak ang magkabilang headset sa tainga, at nakaupo siya sa sulok ng pader. Si Xyvill, same as usual nagdadrawing. Pati na rin si Valkyrie, same as usual nagbabasa ng notes. Napatingin ako kay Dash ng tawagin niya ako. "Brielle" Tawag niya habang umuupo sa tabi ko. "Hmm?" Sagot ko. "Last night, I realize something." panimula niya.
Tiningnan ko si Dash, ano na naman kaya pakulo ng lalaking 'to. "Ano?" Maikli kong tanong. Tiningnan niya ako bago huminga ng malalim. "When I met your cousin.... I think I'm inlove with her." Seryoso niyang sabi. Napakurap ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Nantitrip kaya ang lalaking 'to. Ano na naman ang pinagsasasabi ehhh. "Do you remember when I told you that I want to court you?" Nanatili akong nakikinig. Ba't napasok yun sa usapan? "I think I got confuse before. Bago ko maisipan na ligawan kita rati, nakita ko ang pinsan mo sa arcade na tinatambayan namin, I was stunned by her beauty. And I thought she was you. Maybe that's the reason why an idea of courting you pop in my head." Pagpapaliwanag niya.