"Chloe, Yasmin! Buksan niyo pinto!" Sigaw ko ulit. Nagbuntong hininga ako ng walang sumagot. They must be threatened to do this, tskk. Nawala ang tingin ko sa harap ng may marinig akong piano na tumutugtog sa music room. May ibang tao? Wala naman siguro nagmumulto noh? Napalunok ako. Dahan dahan akong nagpunta doon bago binuksan ang pinto. *Creaks* Pagkabukas ko sa kwarto ng music room. Bukas ang ilaw sa loob at may nakita akong pamilyar na pigura na tumutugtog sa piano.
"Xy?" Bulong ko. Nakaheadset siya, habang tahimik na nagpaplay ng piano. Pumasok ako bago isinarado ang pinto. Marahan kong nilapitan ang direksyon ni Xyvill na tumutugtog parin at mukhang hindi pa napapansin ang presensya ko. Habang pinapakinggan ko ang melodiya na kaniyang nililikha, napatigil siya ng biglang mapapunta ang kaniyang mga mata sa akin. Saglit siyang nagulat sa presensya ko. "Brielle? What are you doing here?" Kunot noo niyang tanong habang nagtatanggal ng headset.
"They lured me here." Saglit na napakunot ang noo niya. Kaya dinagdagan ko ang aking sinabi. "Sila Zayriel, inutusan nila mga kaibigan ko na itrap ako dito sa Auditorium." Maikli kong sabi, umupo ako sa tabi niya. Natahimik siya. Hindi ko na lang pinansin. Napadako ang tingin ko sa chords niya. Nakasulat ito sa sketchbook niya na madalas niyang ginagamit sa klase. Recognize ko ang sketchbook niya. Madalas niyang hawak ehhh. "Does that mean we're both trapped here?" kaniyang tanong sa akin. Tumango lang ako.
Hindi kami parehong makakaattend sa last subject. Kinulong nila kami rito ehh. Tiningnan ko ang relo na nakalagay sa kaliwang braso ko. 2:30 PM na. Pag nag 3:40 PM tapos na ang klase. Pano kami lalabas rito? *Sighs* "Don't worry, laging nagiinspect ang mga security guards sa loob ng mga room. Baka mapadaan sila rito." Xyvill. Humahukipkip na lang ako. He said not to worry pero siya na rin mismo nagsabi na baka lang mapadaan sila rito. Baka raw. Di mo sure.
Inang yan kasi, kung kelan emergency bakit wala akong dala na cellphone! Napatingin ako kay Xyvill ng may maisip akong tanong. "Xyvill, Nasayo cellphone mo?" Napatingin siya sakin, bago iniling ang ulo. "Nakacharge sa classroom." Maikli niyang sagot. Bumagsak ang magkabilang balikat ko. Ano ba yan, ba't ang malas namin. Natahimik kami pagkatapos. Medyo naawkwardan na ako kaya sinubukan ko magstart ng topic. "Ang galing mong tumugtog ng piano ahh. Sinong nagturo sayo?" Napatingin siya sakin. "My mother," Napatango ako. "Kelan ka niya tinuruan? Ang galing mo magpiano ehh." Dagdag ko pa.
Tiningnan niya ako bago ako binigyan ng half smile. "When she taught me the basics when I was seven... She died when I was ten.... airplane crash." Nanlaki ang mga mata ko. Ilang beses akong napalunok at parang nakonsensya sa topic na aking simulan. "Sorry," Tanging nasabi ko. Natulala ako sa kaniya ng nagchuckle siya. "There's nothing to be sorry about, it's not your fault." Nakangisi niyang sabi, sobrang lalim ng dimples niya pag nakangiti. Nakakainggit. Pero back to reality, Ang hirap talaga basahin ng lalaking 'to. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang na okay o ano ehh.
Saglit kaming natahimik. "Brielle" Tawag ni Xyvill sakin. "Hmm?" Sagot ko habang tinitingnan siya. Nakatingin siya ng diretso sa mata ko at para bang may gustong sabihin. "Aza." Natigilan ako ng banggitin niya ang nickname ko. Tiningnan ko siya mata sa mata. No, kalma Brielle. Ayusin mo ekspresyon mo. Tama ba ang hinala ko last time, kilala na niya ako? "It's about Azalea's Account, I can't find it." Tila nawalan ng tinik ang lalamunan ko. Palihim akong nakahinga ng maluwag. "Can you just tell me her number?" tanong niya sa akin.
Ilang beses ako na napakurap habang nakatingin sa kaniya. Why is he so interested in my real identity. "Okay. 09812183173." Mabilis kong saad. Napakurap siya sakin at para bang sinasabing repeat it again. Pero iniba ko ang topic. "That's her old number. I don't know if yun parin ang number na gamit niya." Sabi ko. To tell the fact, number ko talaga yun pero confident naman ako na hindi mamememorize ni Xyvill yung sinabi ko. Tumango na lang siya sakin. Lihim akong napangiti. Sure akong hindi niya yun naintindihan.
Napatingin ako sa direksyon ni Xyvill ng nagsimula ulit siyang tumugtog. Bawat angle ng kaniyang mukha, sobrang perpekto. Grabe talaga ang lalaking 'to. Sobrang gwapo ehh. Hindi naman ako yung type na nagagwapuhan talaga sa normal na lalaki pero itong si Xyvill. Talagang nasa ibang level. Habang nakikinig ako sa kaniyang pagtugtog, hindi ko namalayang unti unti ng bumigat ang takulip ng aking mga mata.
Xyvill's POV
Agad kong inilagay ang ulo ni Brielle sa balikat ko. When I called her Aza for the first time, I experienced a slight sense of connection with her. Calling her real name feel so nice. I stroked her hair slowly, she was sleeping so soundly. I watched every inch of her face. This girl, why is she so defenseless? How can she sleep so soundly? Napakapa ako sa bulsa ko ng may magring. Agad kong kinuha ang cellphone ko. Vladimir Calling. Pinatay ko ang tawag bago tiningnan ang oras sa lockscreen, 4:30 PM. Tapos na ang klase.
Napatingin ako kay Brielle ng gumalaw siya. I breathed a sigh of relief when her eyes remained closed. I thought she woke up. I immediately turn my phone off and put it on my pants. I will call the guards later. I'll stare at Brielle for a while. As she slept, she had her glasses on, but that didn't prevent me from recognizing her true face when I saw her in person.
"... Clear?" Napadako ang tingin ko sa labas ng music room ng may marinig akong boses na nagmula sa Auditorium. Mukhang dahil sa ingay sa labas, unti unting nagising si Brielle sa pagkakatulog. "They're here? Already?" Salubong na kilay kong isip isip. "Xyvill, tara may guards na!" Tiningnan ko si Brielle ng naglakad siya papunta sa pinto ng music room. Binuksan niya ito bago tumawag. "Kuya! May tao rito!" Sigaw niya bago tinakbo yung mga guards na isasara na ulit sana ang pinto ng Auditorium. Kinagat ko ang labi ko bago pinigilan ang ngiti na gustong kumawala.
She's so cute.
Brielle's POV
Naglakad ako sa direksyon ng security guards. Napatingin sila sakin, no samin. Ramdam kong nakasunod si Xyvill sa likuran ko. "Mga bata, 7:08 PM na. Ba't nasa school pa kayo?" Kunot noong tanong nung isang guard. Dalawa kasi sila, parehas sila na parang nasa 40's. "Nalock po kami sa auditorium." Pagdadahilan ko. Sumagot yung isang lalaki. "Ayy siya sige, umuwi na kayo. Delikado ang daan pag mas lalo pang lumalim ang gabi." Nagnodd ako. "Grabe mga generasyon ngayon. Kung saan saan na lang gumagawa ng milagro." Rinig kong bulong ng isang guard sa likod. Agad na namula ang tainga ko. Inosente po talaga kami.
Umalis na ako, ramdam kong sinabayan ako ni Xyvill. Pagkadaan namin sa room namin. Nakalagay ang bag naming dalawa sa labas ng classroom, nakasandal ito parehas sa pinto. Bahagyang nagsalubong ng kaunti ang kilay ko. Sino kayang naglabas, tumingin ako kay Xyvill. Hindi naman siya mukhang nagtataka kaya hinayaan ko na lang. "Xyvill, uuna na ako." Sabi ko, astang aalis na ako pero pinigilan niya ako. "Chat me when you get home," Seryoso niyang sabi sakin. Tumango lang ako.
***
"Brielle? Aba! Anong oras na?! San ka nanggaling?" Bungad ni Mama sakin. Nakaabang siya sakin sa pinto habang nakasuot ng oversized na damit at nakabun ang buhok. Mukhang kanina pa siyang nagaalala. "Nagkaschool project kami Ma, diko nasabi---Nalowbat phone ko." Pagdadahilan ko. Malalim siyang nagbuntong hininga bago nakapamewang akong tiningnan. "Ba't di mo chinarge? May powerbank ka diba?" Tanong niya, mukhang nagdududa. "Naiwan ko yung cord sa kwarto Ma," Dagdag ko pa sa kasinungalingan ko. "Hayy, brielle. Aatakihin na ako sa pagaalala. Sige, kumain ka na'ron." Tumango ako.
Habang kumakain, napatingin ako sa cellphone ko ng maalala ang sinabi sakin ni Xyvill. Pinagchachat niya ako sa kaniya kapag nakauwi. Mamaya na lang siguro. Pagkatapos kong kumain, dumaretso ako ng banyo at naligo. saglit akong nagshower, at pagkatapos naglagay ako ng aking mga skincare routine tuwing gabi. Dumaretso ako sa study table bago kumuha ng blower at tinuyo ang aking buhok. Pagkatapos kong magtuyo ng buhok, naglagay ako ng lotion bago pabagsak na humiga sa kama.
Hayy. Kakaantok. Napatingin ako sa gilid ng makita ang cellphone ko na nakapatong sa mini table. Bakit parang may nakakalimutan ako? Hay. Bahala na tutulog na ako. May pasok pa bukas, time check nga. Tumingin ako sa pader kung saan nakasabit ang orasan sa kwarto ko. 10:14 PM? Sh*t, kailangan ko na talagang matulog. Nagpalamon ako sa antok hanggang tuluyan na akong makatulog.
***
*Beep! Beep!* *Beep! Beep!* Kunot noo kong binuksan ang cellphone ko ng marinig na parang may tumatawag. Alam kong tawag yun kasi alam ko ang tunog ng ringtone pag alarm lang. Bakit parang alam ko kung sino 'to. Pikit mata kong sinagot yung tawag. "Putakte kang lalaki ka, bukas na tayo mag-usap. Ang lalim lalim na ng gabi ehhh!" Reklamo ko kay Liam.
Siya lang naman ang malakas ang trip para tumawag ng ganitong oras ehh. Tatawag para magyaya maglaro online. Napakunot ang noo ko ng hindi siya sumagot. "Liam?" Humihikab na sabi ko habang nakapikit. Hindi parin siya sumagot. "Aishh!" Pinatay ko na ang tawag bago Inilagay ang cellphone sa mini table. Tumalikod ako at muling natulog. Kininginang lalaking yun, kabadtrip. Lalo akong mapupuyat ehh.
Xyvill's POV
"It's already 12:30. Did she get home?" Bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang messenger ko at paulit ulit na chinecheck ang messages. It's been hours since I waited for her message but I received none. Napabangon ako sa pagkakaupo sa sofa ng may maalala ako. Ohh right she gave me her number. Agad akong nagpunta sa contacts at itinype ang number niya. From what I remember it's 09812183...173. Agad kong idinail ang number niya, buti na lang tanda ko pa. After it rang for a few times. She answered the call. Inilagay ko ang aking cellphone sa tainga. [Putakte kang lalaki ka, bukas na tayo mag-usap. Ang lalim lalim na ng gabi ehhh!] Napatingin ako sa cellphone ko.
Unti unting tumaas ang sulok ng labi ko ng marealize na hindi niya alam na ako ang tumawag. Now, can you still deny your Identity, Azalea Gabrielle? I smirked. I was about to speak but she spoke again. [Liam?] Mukhang inaantok at confuse niyang sabi sa kabilang linya. Nawala ang ngisi sa labi ko ng banggitin niya ang pangalan ni Liam. Kunot noo kong tiningnan ang cellphone. Are they that close that she already expects that Liam is the only person who always calls her during night time?
[Aishh!] Napatingin ako sa cellphone ng pinatay na niya ang tawag. Looks like she's already fallen asleep but I disturbed her. Sumandal ako sa sofa bago nagbuntong hininga. Why is she so cute? You're driving me crazy, Brielle. Napapailing na ulo kong isip isip. Naghubad ako ng aking pang itaas bago nagdaretso sa aking kwarto.
Brielle's POV
Nagising ako ng masinagan ng araw ang mukha ko. Nagunat unat muna ako sa kama bago bumangon. "Brielle, kakain na!" Rinig kong sigaw ni Mama sa labas. Tumango ako bago sumagot. "Sige Ma. Wait!" Sigaw ko rin habang naguunat unat. Agad kong binuksan ang cellphone ko para maglibang libang muna saglit. Humiga ulit ako sa kama. Bahagyang napakunot ang noo ko ng makitang may unknown number na tumawag sakin kahapon.
Napabangon ulit ako sa kama. Bago napatakip saking bibig. Unknown Number? Yun ba yung gumising sakin ng madaling araw? Sino kaya 'to? Pinagmumura ko pa naman sa cellphone kasi kala ko si Liam. Ang tanga tanga mo talaga Brielle. Hindi ka muna nagbabasa bago ibuka ang bunganga mo tsskk. Iniling ko na lang ang aking ulo.
Yaina. Baka scam lang yun, wala namang matinong tao na tatawag ng madaling araw para mangamusta diba? Tumango tango ako sa aking naiisip.