Chapter 27 - Revamonte

2000 Words
Nasa library ako ngayon. Kasama ko si Valkyrie. Nakaupo siya dun sa table namin. Habang ako naghahanap ng libro. Habang naguuli, napatingin ako sa liblib na parte ng library ng may marinig akong dalawang tao na naguusap. "The nerve you have to say those words to me?!" Zayriel? I'm sure it's her, I can recognize her annoying voice more than anyone. Pumunta ako sa pinanggalingan ng boses bago sumilip. Magkaharapan sila ni Caspian. At mukhang nagtatalo. "Look what she did to my hair! Sa tingin mo ba palalampasin ko siya ng hindi nakakaganti?!" Zayriel. Napaawang saglit ang labi ko. Ohh, she's talking about me? Kita kong nagbuntong hininga si Caspian. "It's your fault in the first place! The hell? You're trying to cheat?! Talagang inutos mo pa kay Daisy." Mukhang inis na sabi ni Caspian. Saglit na natahimik si Zayriel. "Bakit? Naaawa ka sa babae mo?" Bahagyang napakunot ang noo ko, nanatili akong nakikinig. "We don't have a thing, Zayriel. Don't change the topic. Hindi ka ganito dati. " Seryosong boses na saad ni Caspian. Mapait na tumawa si Zayriel. "Aba, dati yun! Kung pinagbigyan mo ko sigurong maging tayo dati, baka nasa tamang landas pa ako ngayon." Rinig kong mapait na sabi ni Zayriel sa kaniya. Kaya pala nagpaplastikan sila ni Daisy? "Wag mo sakin isisi---" Astang masasalita si Caspian ng sumabat si Zayriel. "Why wouldn't you give me a chance, Caspian! Iba ako sa ate ko! Hindi kita lolokohin kagaya ng ginawa niya sayo!" Medyo lumakas ang sigaw ni Zayriel. Ohh. Napatago ako sa gilid ng bookshelf ng biglang napatingin si Caspian sa direksyon ko. Umalis na ako at naglakad papunta sa table namin ni Valkyrie. Habang naglalakad, napapaisip ako. So hindi si Zayriel ang Ex ni Caspian. Kapatid ni Zayriel? Iniling ko ang ulo ko. Ang sakit sa ulo, grabe. Pagdating to sa table namin, agad akong tinanong ni Valkyrie. "What's wrong Brielle? Para kang nakakita ng multo." Saad niya sakin habang nakaupo at may hawak hawak na libro. Umupo ako sa harapan niya bago sumagot. "Wala 'to." Saad ko. Napatingin ako sa likod ng makitang papalabas na si Caspian ng Library. Napatingin ako sa direksyon ni Zayriel, papalabas na rin siya ng library. Napatingin siya sa akin ng makita niya akong nakatingin sa kaniya. Ng makita niya ako, napatigil siya saglit at agad akong inirapan. Lihim akong napairap. Tusukin ko yang mata mo. Hinarap ko na lang ang aking tingin sa una. Bakit parang mukhang close si Caspian at Zayriel dati? Naapektuhan kaya ang pagsasama nila dahil sa issue ni Caspian sa ate niya? At yung ate niya, sino kaya yun. Napatingin ako kay Valkyrie ng magsalita siya. "Tara Brielle. 15 minutes magii-start na ang next class." Napatingin ako sa kaniya bago tumango. Third Person's POV Sa sulok ng computer lab, naggigitara si Liam habang may katawanan na babae, nakaupo siya sa table habang kandong kandong ito. Napatingin sila sa pinto ng kwarto ng bigla itong nagbukas, napatingin sila sa harap ng makita si Xyvill na nakatayo. "Tell me his name." Maikli pero seryosong sabi niya sa binata. Malalim na nagbuntong hininga si Liam bago tumingin sa babaeng nakaupo sa lap niya. "Babe, alis ka muna. May kakausapin lang ako." Nakangiti niyang sabi sa babae habang kilig na kilig sa kaniya "Okayy. Meet me later ha." Hinalikan ng babae si Liam sa pisnge bago humahagikhik na umalis. Pagkalabas ng papababae. Pinunasan ni Liam ang kaniyang pisnge habang hinarap si Xyvill. "You're quite desperate, aren't you?" Kaniyang tanong kay Xyvill habang nagpapatuloy sa pagstring ng gitara. Hindi sumagot si Xyvill at pinanood si Liam na nakasandal sa table habang nagpapatuloy sa paggitara. "Before she enrolled here, sa Liberty International School din siya dati pumasok." Panimula ni Liam sa pagkukwento. "Actually, sinundan ko lang siya dito." Tiningnan ni Liam si Xyvill. "We've known each other since childhood." Kahit hindi related ang tanong ni Xyvill sa kinukwento niya, nakinig parin si Xyvill. "Tatlo kaming magkakasama dati." Seryoso niya na kwento ni Liam habang nagi-istring parin ng gitara. "Ako... Si Brielle," Itinaas ni Liam ang tingin kay Xyvill. "Tas si Noah..." "Noah? That's his name?" Isip isip ni Xyvill. "When we were sixteen, the three of us vowed that we wouldn't fall in love with one another." Pagpapatuloy niya. Napakunot bahagya ang noo ni Xyvill. "But that vow was broken when Noah and Brielle had a thing in secret." Tiningnan ulit ni Liam ang kaniyang gitara bago nagpatugtog ng malungkot na melodiya. "After kong malaman, I had no choice but to give them my blessing. *chuckles* Sino pa ba ako para tumutol diba?" Mapait na sabi niya. "Why did they break up?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Xyvill sa kaniya. Naging seryoso ang mukha ni Liam bago siya unti unting tiningnan. "He... He hurted Brielle's feelings." Seryoso niyang sabi habang pinatutugtog ulit ang gitara. Agad na nagsalubong ang kilay ni Xyvill sa kaniyang sinabi. "Explain it further." Seryosong utos ni Xyvill kay Liam. Inilingan siya ni Liam. "I can't do that. Directly ask it on Brielle." Maikli niyang sagot habang patuloy sa pagtugtog. Saglit silang natahimik hanggang binago ni Xyvill ang kaniyang tanong. "Did you like her before?" Napatigil si Liam sa paggigitara. Dahil sa biglaang pagtigil ni Liam, nahulaan na ni Xyvill ang sagot sa kaniyang katanungan. "No, never." Maikli niyang sagot, tila nawalan ng gana si Liam sa paggigitara. Tumigil siya sa pagtugtog at ibinaba ang gitara sa table. *** Brielle's POV Kanina pa akong kinakain ng kuryosidad dahil sa narinig ko kanina. Kanina pa akong sulyap ng sulyap sa direksyon ni Caspian. "Boo!" Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang sumulpot si Dash sa aking likuran. Ang sarap kutusan ng lalaking 'to! Nanggugulat ehh! Tiningnan ko siya, ang laki ng ngiti niya sakin at para bang may naiisip na kalokohan. Nagbuntong hininga ako. Ano na naman kaya ang trip ng lalaking 'to? "Bakit?" Bulong ko habang nililingon ang direksyon ni Xyvill. Nakaheadset siya habang nagdadrawing na naman, ano kayang dinadrawing ng lalaking 'to. Pansin ko tuwing free time, lagi siyang nagdadrawing ehh. Hindi ko kasi makita ang idinadrawing niya kasi natatakpan ng cover ng sketchbook ang papel niya. Ibinalik ko ang tingin kay Dash. "Bakit ka nakatingin kay Caspian ha?" Taas kilay niyang tanong. Umayos ako ng upo. "Wala." Bored na sabi ko. Astang titingin ako sa unahan pero may ideya na pumasok sa utak ko. "Dash," Tawag ko sa kaniya na nakatuon ang dalawang kamay sa likod ng silya ko. Ininaba niya ang tingin sakin at tiningnan ako ng 'What's wrong?' look. "Pwede magtanong?" Kahit nagtataka, nagnodd na lang siya sakin. "Tungkol sa kapatid ni Zayriel, kilala mo ba?" Nawala ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa tanong ko. That's quite suspicious. "Yes, I know her." Maikli niyang sagot. "Sabihin mo nga sakin ang pangalan," Saad ko. "Bakit ka curious sa kambal ni Zayriel?" Tanong niya. Kambal? "Wala lang, narinig ko lang na may kapatid siya kaya na curious ako." Pagdadahilan ko. Lalong napataas ang kilay niya sakin pero maya maya ay nginisian ako at para bang may naisip na kalokohan. "Ang chismosa mo pala noh?" Taas kilay niyang tanong. Dinagukan ko ang likuran niya pero tinawanan niya lang ako. Inang lalaking 'to, kinakausap ko ng matino ehh. Pagkatapos niya tumawa, pumunta siya sa unahan ko at umupo sa table ko. Nakacross arms siyang tumingin sakin bago ibinaling saglit ang ulo sa direksyon ni Xyvill. "Zayriel and she are fraternal twins of the same gender." Panimula niya. "Nakilala namin sila nung high school, sabay silang nagtransfer..." Dash. ''Dati, hindi lang A4 ang sikat dito sa SIS." Tiningnan niya ako ng diresto sa mata. "Yung ex ni Caspian, dati siyang member ng B4. Pakulo ng mga fans, parang girl version. Ngayon, ang alam ko si Daisy, Stacey, at si Zayriel na lang ang members. As you can see, classmate natin si Daisy. Tapos si Stacey, nasa HUMSS strand. Sa totoo lang, sa naaalala ko, gusto maging Surgeon si Zayriel, STEM dapat ang pipiliin niya pero hindi ko alam bakit siya biglang nag-ABM." Nacurious ako. "Close niyo dati yun?" Tanong ko kay Dash. Tumango siya. "Yah. But things become different when both of those twins fell inlove with Caspian." My mouth forms 'O'. Sumandal ako sa likod ng upuan bago umupo ng nakadekwatro. "Si Zayriel. Bakit hindi niyo siya pigilan?" Hindi ko alam pero kusang lumabas ang mga salitang yun sa bunganga ko. Ewan ko, gusto kong itanong ehh kahit alam kong maooffend siya. He shakes his head. "Her bullying? I can't. My family can't mess with hers." Ehh? "Talaga ba? Tell me the details about her family. Nakakapanibago, nabahag ang buntot ng A4 ehh." Pang-asar kong sabi. Nagchuckle siya sakin. "Uyyy! Hindiii. Their family owns an entertainment industry." Dash. Tila nanlamig ang katawan ko sa sunod niyang sinabi. "R'monte Entertainment," Natagalan bago magprocess ng husto yung utak ko. R'monte? Revemonte?? Hindi ko namalayang hinigit ko na pala ang dulo ng uniform na suot suot ni Dash. "Can you tell me... Zayriel's name?" Seryosong boses kong saad. Napuno ng pagtataka ang reaksyon niya sa tono ng boses ko. "Bakit--" "Just tell me." Natigilan siya ng medyo tumaas ang boses ko, kita ng peripheral vision ko na napatingin si Xyvill sa direksyon namin at nagtanggal ng headset. Malalim akong nagbuntong hininga bago ulit nilingon ang direksyon niya. "Please?" I said in lower voice. Kahit mukhang naguguluhan, unti unti siyang nagsalita. "Monte... Zayriel Sandara Revamonte." Mula sa mahinang boses, lumakas ng dahan dahan ang boses niya. Revamonte. R'monte Entertainment. Zayriel is her sister. No, twin to be exact. Kaya naman pala unang tingin ko kay Zayriel, umiinit na ang dugo ko ehh. Napatingin ako kay Dash ng iwinagayway niya ang kamay niya sa harap ko. "Are you okay, Brielle?" Kaniyang tanong sa akin. "...." hindi ko siya sinagot. I can't be okay after finding out that Zayriel was related to Serena. *** Habang naglalakad ako, napatingin ako sa gilid ng may humawak sa braso ko. "Brielle!" Medyo nagulat ako ng makita si Chloe at Yasmin. Yung nameet ko sa cafeteria nung first day. "Hey," Maikling bati ko. "Grabe ka ha! Sikat na sikat ka na, Close na pala kayo nung A4!" Pabirong sumuntok si Yasmin sa balikat ko. Napakamot ako sa aking ulo. "Hindi naman kami ganong close. Kakikilala lang din namin sa isa't isa." Saad ko. Tumango sila sa aking sinabi. Habang naglalakad kami, napatingin kami kay Chloe ng may nagnotif sa cellphone niya. "Omg. Guys, samahan niyo ko. May pinapakuha sakin si Ma'am Vane sa school auditorium." Saad ni Chloe. Sabay silang napatingin sakin. "Brielle, sama ka na rin. Madali lang naman." Sabi naman ni Yasmin sakin. Tumingin ako sa aking relo, 30 minutes pa bago ang next class, tumingin ako sa kanila. "Sige." Sabi ko. Habang naglalakad kami, kanina pang tahimik yung dalawa kaya ti-nry kong magopen ng convo. "Anong pinapakuha sayo ni Ma'am Vane sa auditorium, Chloe?" Tanong ko. Agad siyang napatingin sakin bago mabilis na sumagot. "May nakaiwan daw ng cellphone sa auditorium, pinapadala sa lost & found." Sagot niya sakin bago mabilis na tumingin ulit sa harap. Bumulong sakin si Yasmin. "Kasali siya sa talent search. Kakanta siya." Unti unti akong napatango habang nanlalaki ang mga mata. Agad kong tiningnan si Chloe. "Good luck. Fighting!" Bulong ko. Ngumiti siya sakin, pero bakit ganon parang ang lungkot ng mga mata niya. Pagdating namin sa auditorium, ako ang unang pumasok. Malaki ang school auditorium, napakalawak at ang daming upuan pero walang katao tao. Habang naglalakad, inuli uli ko ang aking mata sa paligid. Ang dilim sa loob. *door closes!* Napatingin ako sa pinto ng auditorium ng bigla itong nagsarado. Dahil sinag ng ilaw lang sa labas ang nagsisilbing ilaw sa loob, nang maisara ang pinto, naging kulay itim ang paligid. "Chloe? Yasmin!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pinto mula sa loob. "We're sorry, Brielle. Napagutusan lang kami." Rinig kong boses ni Chloe. Napakagat ako sa aking labi ng maisip yung taong pwedeng mag-utos sa kanila para ikulong ako rito, sino pa ba? Si Zayriel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD