Chapter 20 - Fuel

1503 Words
"Liam" Tawag ko. "Bakit?" Ngumunguya niyang sabi habang kumakagat ng chicken wings. Nasa cafeteria kami ngayon. Nakaupo sa isang table habang magkatabi. Lunch time na namin. Di ko talaga makalimutan yung nangyari kahapon. Di ako pinatulog ehh. "Ano ibig sabihin kapag bigla kang finallow ng isang tao?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sakin, saglit niya akong tinitigan bago tumabingi ang ulo. "Anong klaseng tanong yan? Hindi ba normal lang yun?" Inosente niyang saad habang kinakagat ulit yung chicken wings na hawak niya, at parang sarap na sarap pa sa kinakain. Inilingan ko siya ng ulo. "Ang ibig kong sabihin, yung unexpected talaga. Yung di mo talaga inexpected na ifafollow ka ng taong yun---" Napatigil ako ng sumingit siya. "Bakit? Si Xyvill ba yan?" "Ha? Hindii." Pagtanggi ko habang umaayos ng upo. Bakit naman nalaman ng mokong na'to. Teka hindi naman siguro ako nagmukhang defensive noh? Astang magsasalita pa ako ng pigilan niya ako. "Shhh. Papunta sa direksyon natin ang A4." Bulong niya habang nakaakbay sakin bago nakatingin sa likuran. Napatingin tuloy ako sa likod. Naglalakad nga sila papunta sa direksyon namin habang may dala na tigigisang tray. Mahinang nagtilian ang mga babae kaya kapansin pansin ang presensya nila. "Yieee! Napapadalas ang punta ng A4 sa canteen ahh!" Girl 1. "Kaya ngaa. We're so luckyy!" Girl 2. "You wouldn't mind if we seat here?" Nakangiting bungad ni Dash sa amin. Si Liam ang sumagot. "No. Go ahead." Sabi ni Liam habang itinuturo ang mga silya na walang laman. Nagsiupo ang A4 sa harapan namin. Magkatabi si Dash at Caspian bago si Vladimir at Xyvill. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Ramdam kong umaawkward ang atmosphere dahil walang nagbabalak magsalita. Nabasag ang katahimikan namin ng magsalita si Liam."CR lang ako saglit" Paalam ni Liam. Tumango ako. Pinanood ko siya hanggang nakalayo, humarap ulit ako sa pagkain ko. Astang susubo ako ng may marinig akong boses. "Old-Fashioned Nerd... Hey." Hindi ko pinansin si Caspian at nagpatuloy sa pagkain. Umupo siya sa upuan kung saan nakaupo si Liam kanina. Iba rin ang mood swing ng lalaking 'to. Ang hirap sakyan. Minsan flirty to the point na ang sarap sapukin tas minsan lakas mangasar. "Talk to me. Why don't you talk?" Muntik na akong mapairap sa inis. Inang kulit ahh. "Fine since you don't want to talk. I'll talk." Nakita ng peripheral vision ko na may kinuha siyang card sa wallet niya. Napakunot ang noo ko ng inabutan niya ako ng card, parang invitation card. "Birthday ko this coming Friday. May simple kaming handaan. Attend if you have a time." Sa 28? Tiningnan ko siya. "Sige. Pag-isipan ko." Sagot ko. Kakahiya naman kung tanggihan ko siya. Siya na mismo ang nag-aya ehh. *Phone ringing* Napatingin kaming lahat sa cellphone ni Liam ng bigla itong tumunog habang nagvi-vibrate. Nagkatinginan kaming lima. "Sagutin niyo baka mahalaga yan." Saad ni Dash habang kumakain ng pizza. Ako na ang nagkusa. Kinuha ko ito, unknown number yung tumatawag. Sino 'to? Agad ko itong sinagod pero syempre hindi muna ako umimik. Hinintay kong umimik yung caller habang nanatiling nakalagay ang cellphone sa tainga. [What the f*ck, Liam?! How many times did you block my number?! Talagang kailangan ko pang gumamit ng ibang sim para sagutin mo tawag ko?!] Sigaw ng lalaki sa kabilang linya, hahid sa kaniyang boses ang inis. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung kaninong boses ang nasa kabilang linya. It's him. It's been years since I heard his voice. [Why are you keeping quiet? What the hell is wrong with you?! You've been ignoring me for a month now! Meet me. Let's talk this out.] Nagbalik ako sa ulirat ng may humablot ng cellphone sa kamay ko. Napatingin ako kay Liam, agad niyang pinatay ang tawag. "Who's that? You know him?" Tanong ni Caspian na nasa tabi ko pero nanatili akong tahimik. Tiningnan ako ni Liam. "Brielle--" "Nagyayakag si Caspian sa Birthday niya. Sasama ka?" Pag-iiba ko ng topic. Tiningnan niya lang ako saglit bago tiningnan ang direksyon ni Caspian. Malalim siyang nagbuntong hininga bago ibinalik ang tingin sakin. Just avoid the topic, Brielle. Just avoid the topic. *** Nakasakay ngayon ako sa elevator habang hawak hawak ang mga libro na kinuha ko mula sa library. Binabalak kong pumunta sa rooftop para makalimot. Bumalik na naman sakin yung mga sariwang sugat ehh. Kala okay na ako pero hindi parin pala. Nagbalik ako sa wisyo ng bumukas ang elevator. Pagkabukas ng elevator, naglakad na ako papalabas pero napatigil ako ng may marinig akong dalawang tao na nagsasalita. "Stop what you are doing right now Caspian, it's not funny." Nakakunot saglit ang noo ko ng narealize na boses yun ni Xyvill. "I don't know what you mean." Caspian's voice said in a serious manner. Nacurious ako sa paguusap nila, kasi ang pagkakaalam ko, close raw ang dalawang 'to batay sa sinabi ni Dash, pero bakit ganun, hindi ko ramdam yung closeness nila sa isa't isa. Sinilip ko sila Caspian, nasa may tabi sila ng railings habang titig na titig sa isa't isa. Silang dalawa lang ang tao at mukhang may napakaseryosong pinaguusapan. "You know what I mean." Seryosong boses na sabi ni Xyvill. Nagtago ako ng mabuti bago sinilip sila ng ayos. Lalo kong tinalasan ang tainga ko. Ano ba kasi ang pinaguusapan ng dalawang 'to? Lalo akong nacurious sa conversation nila ng biglang tumawa si Caspian. Yung pagtawa niya. Ang sarkastik. At para bang nangaasar. Nagaaway ba sila? "I don't really get why you're threatening me right now," Humakbang si Caspian papalapit kay Xyvill. "Is it because of her? Afraid I'll take away your girl?" Dagdag pa niya. Girl? Napakunot ang noo ko. Sinong Girl? Now that I think of it. Malapit sila Caspian at Valkyrie. Hindi kaya si Valkyrie? Shocks. Edi kung Valkyrie ibig sabihin nun may gusto si Xyvill sa kaniya? Naputol ako sa pagiisip ng nagsalita muli si Caspian. Sinamaan ni Caspian si Xyvill ng tingin. "Don't be so petty, Xyvill." Lumapit ng dahan dahan si Caspian sa direksyon ni Xyvill bago... Hinablot niya ang kwelyo nito. "You can take my girl, but I can't take yours?" Seyoso pa niyang dagdag habang hinihigpitan ang kapit sa kwelyo niya, nanatiling blanko ang mukha ni Xyvill. Shocks. Serious revelation ba'to? Seryoso? Inagaw ni Xyvill babae ni Caspian? Parang ang unbelievable naman, hindi naman ganon si Xyvill ehh. O hindi ko lang talaga siyaa kilala?... I guess what they said is true... Don't judge the book by its cover. Umantras na ako paalis, masyadong serious usapan ng dalawang 'to. Ang awkward naman pagnahuli nila akong nakikinig sa kanila. "c***k!" Napatigil ako sa pag-antras ng mahulog ang isang librong nakapatong sa kamay ko sanhi ng pagkagawa ng nakakabulabog na ingay sa paligid. Napalunok ako ng biglang natahimik yung dalawa sa paguusap. Nagpatuloy ako sa pagantras. Kita ko na yung anino nung dalawa na papunta sa direksyon ko kaya nataranta ako. Nagulat ako ng may nagtakip sa bunganga ko mula sa likod. "Hpmhhh!" Hinila ako ng taong nasa likod ko patungo sa elevator. Kita kong pinindot niya ang ground floor hanggang magsara ang elevator. Bigla akong kinabahan. Sino 'to? Pano kung yung minions na naman nila Daisy? "You have a habit of eavesdropping on someone, huh?" Halos makahinga ako ng maluwag ng may marinig akong pamilyar na boses. Napatingin ako kay Dash. Unti unti na niyang tinanggal ang kaniyang kamay na nakataklob sa bibig ko. Agad akong lumingon sa kaniya. "Bakit ka ba biglang nanghahatak? Ang gulat ko dun ehh!" Kinakabahan kong sabi, ngumiti lang siya sakin at napakamot sa kaniyang ulo. "Hehe sorry," Peace sign niyang sabi habang ngiting ngiti na halos nawawala na ang mga mata. *Ting!* Napatingin ako sa elevator ng magbukas ito, nauna ng bumaba si Dash pero pinigilan ko siya ng may maalala ako. "Dash, wait!" Hinabol ko siyang habang masabayan ko siya sa paglalakad. Nasa Building B kami ngayon, nandito yung library, gynasuim at laboratory. Samantalang nasa building A ang classrooms. "Hmm?" Response niya habang ako ay tinitingnan. Nag-iwas muna ako ng tingin bago inayos ang salamin na suot suot ko. "Ahh... About dun sa sinabi ni Caspian tungkol kay Xyvill. Gusto ko sanang itanong kung--" Itatanong ko sana kung tunay yun pero inunahan niya ako."Tunay yun." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Tumigil rin siya bago ako tiningnan habang nakatalikod parin. Bale nakatilt lang ang ulo niya sa direksyon ko. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sakin. "Inagaw ni Xyvill ang girlfriend dati ni Caspian," This is the first time I saw him being serious. "at ito ang naging rason kung bakit may fuel sa pagitan nila." Kaniyang dagdag pa. Saglit akong natulala. Xyvill really... May fuel? Ehh bakit parang may galit rin si Xyvill kay Caspian? Hindi ba dapat si Caspian lang ang magagalit kasi siya ang naagawan ng jowa? Napatingin ako sa direksyon ni Dash ng tawagin niya ako. "Let's go, Brielle. Malalate tayo sa next class." Pagiiba ni Dash ng usapan habang nagsisimula na ulit na maglakad. Pinanood ko ang kaniyang likuran. Dash is a little weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD