Chapter 21 - Claustrophobia

1245 Words
Nagkaklase ngayon ang philosophy teacher namin. Kanina pa akong distracted, hindi ko maiwasang mapatingin sa direksyon ni Xyvill. Nagsusulat siya ngayon ng notes sa notebook. Hindi ko parin talaga maisip na ginawa ni Xyvill yung bagay na yun. No, actually, hindi ko alam kung maniniwala ako. Kasi alam ko sa sarili ko na kahit hindi kami ganon close, alam kong hindi siya ganong tao. Pero kaibigan na niya mismo nagsabi ehh. Ang gulo. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. "Is there something wrong with my face?" Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Nakatingin parin siya sa notebook niya, siguro nahalata niya na kanina pa akong nakatingin. Agad akong naglayo ng tingin. "Nothing--No, I'm not staring at you. Nakatingin ako sa labas, yun may nagvovolleyball ohh." Turo ko sa mga college students na nakasuot ng kanilang P.E uniform habang naglalaro sa labas. Pano ko nalamang college students? Iba kasi ang kulay ng PE uniform namin sa kulay ng kanila. Gray ang P.E uniform namin na may logo ng St. Ivis School. Samantalang Black ang sakanila ng may touch ng blue color. Halos mapalundag na ako sa gulat ng makitang nakatitig si Xyvill sakin. "Okay." Sagot niya na parang hindi kumbinsido bago tumitingin sa unahan. Damn, Brielle masyado ka atang defensive tskk. "Okay, Class Dismissed." Napatingin ako sa unahan ng magdismissed na ang teacher namin. "Brielle," Napatayo ako ng tawagin ako ng teacher namin sa Philo. "Yes, Ma'am?" Pormal kong tanong. Nginitian niya ako, "Come here, help me. Padala ng notebooks niyo." Tumingin siya sa gilid ko. "Xyvill hijoh, padamay na nga rin nitong mga libro." Sinunod namin yung teacher namin. Umalis kami ng classroom at sinundan naming dalawa ni Xyvill si Ma'am Nova. Inakyat namin ni Xyvill simula third floor hanggang 7th floor yung room ni Ma'am. Grabe sa lahat ng pwedeng mautusan ba't ako pa ang nabanggit? Pagkapasok namin sa room ni Ma'am, tiningnan niya kami. "Brielle, Xyvill." Tawag niya. "I checked the exams. Both of you have earned high grades in my subject, which shows your intelligence and potential. However, I still encourage you to participate actively in class or atleast talk to your classmates. I'm worried about you two." Mahabang sabi samin ni Ma'am Nova. Kala ko pagdadalahin niya lang kami ng notebook at libro, eto siguro dahilan kaya kami ni Xyvill yung tinawag niya. "We understand, Ma'am" Sabay namin na sagot ni Xyvill, saglit kaming nagtitigan bago ulit tiningan si Ma'am Nova. "Alright, you may go now. I encourage you both to remove that habit of yours. Okay?" Kaniya ulit na tanong. "Okay." Saglit kaming nagtitigan ulit ni Xyvill. Ginagaya ba ako ng lalaking 'to. Magkasabay kaming lumabas sa room ni Ma'am Nova. Habang naglalakad kami, napatingin ako kay Xyvill ng tatahakin niya sana ang hagdan pero pinigilan ko siya. "Mag-elevator na tayo. Kakapagod na maglakad." Reklamo ko. Saglit siyang napatingin sakin bago itinango ang kaniyang ulo. Sumakay kami sa isang isang elevator, pinindot ko ang 3rd floor kung nasaan ang room namin. Habang naghihintay, halos mapakapit na ako sa kapitan ng biglang tumigil yung elevator at namatay yung ilaw sa mga sulok. Napakunot ang noo ko ng may mabasa ako na Under Maintenance raw ang elevator. "Xyvill, nastuck ata tayo." Sabi ko pero hindi siya nagsalita. Napataas ang kaniyang kilay ko at agad siyang tiningnan. Pinuntahan ko siya sa sulok, hindi ko siya ganon maaninag pero kita kong nasa may sulok siya, "Xyvill?" Hinawakan ko ang braso niya pero nagulat ako ng maramdaman kong nanginginig ang katawan niya. Kahit madilim ang paligid, ramdam kong namamawis rin siya. Unti unti akong nagalala. "Hey. Ayos ka lang? Under Maitenance lang naman, makakalabas rin tayo mamay---" Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Yung kabog ng puso niya, parang tambol sa sobrang bilis. Ramdam kong namamawis rin siya. "I-It's too dark. I.. I want to leave..." Ramdam ko ang mabibigat niyang hininga. He seems to be running out of air. "The small, confined space started to feel smaller with each passing moment." Dagdag pa niya habang mahigpit na nakayakap sakin. Ramdam ko parin ang kaniyang panginginig. Natigilan ako. Claustrophobia? I think he has claustrophobia... Claustrophobia is an anxiety disorder characterized by an irrational and intense fear of enclosed or confined spaces. People with claustrophobia often experience extreme distress and panic when they find themselves in situations where they perceive a lack of escape or a confined environment. "Xyvill," Hinawakan ko ang kamay niya at iniharap siya sakin. "Look at me," Kahit madilim. Aninag ko parin ang mga mata niya. His hands shake with fear. Watching him.... It's unexpected to see the usually composed Sven Xyvill Sylvester reveal a vulnerability. He's human, after all. "Lalabas rin tayo mamaya. Take a deep breath." Pinisil ko ang kamay niya, ramdam ko parin ang kaniyang pamamawis. "Inhale... Exhale" Magiilang minuto ang lumipas bago siya kumalma ng tuluyan. Nakahinga ako ng maluwag. Napatingin ako sa kamay ko ng maramdaman na nakaholding hands parin kami. "Do you want to let go?" Mahina kong tanong. Unti unti na kasing uminit ang mga kamay niya, hindi na kasing lamig ng kanina. Meron siyang Claustrophobia, baka may gusto niyang mas may space sa paligid. Mabilis niya akong pinutol. "Don't let go, I'll hold." Malalim pero mahinang boses niyang saad. Ramdam kong unti unti nang umiinit ang kamay niya habang pinaglaaruan ang mga kamay ko. Tiningnan ko siya. May Claustrophobia si Xyvill... Is it genetic or from a traumatic experience? Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming natahimik pero basta matagal. "Why don't you ask?" Napatunghay ako ng magsalita siya. "About what?" Tanong ko. About sa Claustrophobia ba niya? Pero masyado namang private yun. "About what you heard in the rooftop." Napaawang ang labi ko. Buti na lang madilim, kung hindi mahahalata ang ekspresyon ko. "Hindi ko naman sinadyang mapakinggan yun. Nagkataon lang---" Depensa ko sa sarili ko. Ang tanga tanga, brielle. Nakita ka siguro. Napatigil ako sa pagsasalita ng hinila ako ni Xyvill paupo sa sulok habang hawak hawak parin ang isa kong kamay. "What Caspian said is true." Pag amin niya habang sumasandal. Natahimik ako bago hinintay ang sunod na sasabihin niya. Halos magiilang minuto ang lumipas bago ulit siya nagsalita. "Caspian's Ex seduce me before." Panimula niya sa kwento. "Kaya pinatulan mo?" Curious na tanong ko habang nanlalaki ang mga mata. "Maganda ba?" Dagdag ko pa. Hindi naman kasi basta basta naseseduce si Xyvill kaya nagkakapagtaka. Iniling niya ang ulo niya. "May itsura pero hindi maganda para sakin." Gusto ko siyang tanungin ng ehh bakit mo pinatulan? "I don't like her. She seduces a lot of men she shows an interest in." Saad niya habang pinaglalaruan ang kamay ko. Halos malaglag na ang bibig ko. What? "Alam ni Caspian?" Tanong ko. Iniling niya ang kaniyang ulo. "I don't know... But she's Caspian's first love. He won't believe me even if I tell him. So, my only option is to show him everything to make him realize that the girl he loves is not worth his time." So that's what happened. Now, this is the Xyvill that I know. He's always quiet, solving everything in secret. "It must be hard..." Buntong hininga ko, ramdam ko siyang tumango. Tumingin ako sa kaniya ng may tanong na tumatak sa utak ko. "You did that kahit alam mong maaapektuhan ang pagsasama niyo?" Napatingin siya sakin. "No one will do it." Kaniyang sagot sa akin bago nag-iwas ng tingin. I bit my lips and look away. I can't imagine how much this man suffered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD