Sumandal siya sa gilid ng kama ko bago nag-unat. "Ano ba yan ang hirap!" Reklamo niya. Tinawanan siya ni Caspian. "Ang hirap kasi lahat kami gwapo o mahirap sabihin kasi ako ang pinakagwapo?" Tanong sa kaniya ni Caspian, tinawanan siya ni Valkyrie. "Hahahahaaha! Hindiii! Wala naman kasi akong nakikitang gwapo sa inyo ehh, kaya alam mo yun, mahirap pumili." Nakangiti pero himig ang pangaasar sa boses niya na sabi.
Lihim akong napabungisngis ng makitang hindi paipinta ang reaksyon ni Caspian sa sinabi ni Valkyrie. "Grabe naman yan. Pati ako nadamay?" tanong ni Liam. "Tsk." Inirapan lang siya ni Valkyrie. "Then let's proceed." ibinigay ni Dash kay Valkyrie ang bote. Pinaikot ito ni Valkyrie at tumapat kay---
Tumapat kay Dash ang bote. "Ohh Dash... Truth or Dare?" Tanong ni Valkyrie. Saglit na nagkamot ng ulo si Dash bago sumagot. "Truth?" Sagot niya ng patanong habang inosenteng nakatingin samin. Nagnodd si Valkyrie bago saglit na nag-isip. "Sige eto tanong ko, sino ang pinakaclose mo sa A4?" Tanong ni Valkyrie habang tinitingnan yung tatlo. Nanlaki ang mga mata ni Dash bago tiningnan yung tatlo na mukhang walang pakialam sa nangyayari.
Nagalinlangan siya saglit bago hinarap si Valkyrie. "Pwedeng iba na lang?" Tanong ni Dash kay Valkyrie na parang nag susumamo na. "Hindi. Kaya nga truth diba? Sasabihin mo totoo?" Taas kilay niyang tanong. Nagbuntong hininga si Dash bago nanahimik saglit at tuluyang sumagot. "Si... Si Vlad." Tiningan ni Dash yung dalawa, si Caspian at Xyvill. "Saming apat kasi, ang madalas na nagsasama. Ako at si Vladimir. Tapos si Xyvill at Caspian." Paliwanag niya. Tiningan ko si Caspian at Xyvill. Hindi sila naggagalawan at nagiimikan sa isa't isa. Ako lang ba ang nakapansin na parang may mali sa kilos nila? Kung close sila gaya ng sinasabi ni Dash bakit hindi ko ramdam yung closeness nila?
"Alright. I'll spin the bottle!" Pagbabago ni Dash sa topic.
Pinaikot ni Dash ang bote. Tumutok ang ulo ng bote sa sa direksyon ni Vladimir. "Dude, Truth or Dare?" tanong ni Dash. "Dare." Mabilis na sagot ni Vladimir sa kaniya. "Then I dare you to call our Biology Teacher and say that a dog ate our project!" Medyo tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa itsura ni Vladimir. Kunot na kunot ang kaniyang noo habang hindi makapaniwala sa itinuran ng kaibigan. "What?!"
"Why? You're not in?" Nakangising tanong ni Dash habang may mapaglarong ngisi sa labi. Ramdam kong nagpipigil ng tawa sila Liam at Valkyrie. Eto naman kasing si Vladimir, parang student's pet sa sobrang seryoso sa acads ehh. Tapos idadare siya ng ganon ni Dash. "I'm in!" Napipilitang sabi niya habang kinukuha ang cellphone sa bulsa at may dinadial. Wow, Alam niya ang number? Pero hindi na rin imposible yun. Student Council President naman siya ehh.
"I-loud speaker mo ha. Para marinig namin." Pagsakay ni Valkyrie sa pangaasar ni Dash kay Vladimir. Saglit lang siyang tiningnna ni Vladimir. "Tsk.." Ilang segundo ang lumipas. May sumagot sa kabilang linya. [Hello, Mr. Bautista. May itatanong ka ba? Gabi na ahh.] Panimula ng subject teacher namin sa kabilang linya. Huminga ng malalim si Vladimir bago masamang tiningnan si Dash na titig na titig at mukhang excited sa sasabihin ni Vladimir.
"It's about our reporting, Sir." Kaniyang panimula. [Bakit, Hijoh. Anong problema?] Huminga ulit ng malalim si Vladimir bago nagsalita. "E-earlier... M-My dog ate our project." Utal na boses na sabi ni Vladimir. "Pftt!" Dash, Vakyrie & Liam. [....] Natahimik yung subject teacher namin sa kabilang linya. [I'm afraid that you dial the wrong number.] *toot!* *toot!* Pinatay nung subject teacher namin yung tawag at doon na talaga kami tuluyang nagtawanan. "HAHAHAHA I-I'm afraid you dial the wrong number raw! Hahahaha!" Liam - (˃᷄ꇴ˂᷅๑)༡
"Okay lang yan, Dre. Kasalanan mo naman, nagdare ka pa." Pang aasar pa ni Dash sa kaniya. Sinamaan niya ito ng tingin. Nang makarecover na kami sa pagtawa. Hindi na namin napansin na nag-ikot na pala si Vladimir ng bote. Tumama sa pagitan namin ni Valkyrie yung bote kaya inikot niya ulit ito. Napatingin kami kay Caspian ng sa kaniya ito tumama. "Truth or Dare?" Tanong ni Vladimir sa kaniya, umayos ng upo si Caspian bago sumagot.
"Truth." Mukhang natakot magdare to ahhh. Napangisi si Vladimir sa kaniya at para bang expected na niya na magtutruth si Caspian. "Then tell me the truth, may bago ka na ba?" Kunot noo kong tiningnan si Vladimir. What does he mean by bago? Bagong bahay, bagong sapatos o ano? Napalingon kami kay Caspain ng sumagot siya. "Yeah. She's inside this room." Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero parang nakita kong napatingin si Caspian sa direksyon ko. Tangina niyo, anong pinaguusapan niyo? Nagtaka ako ng tingnan ako isa isa nila Liam.
Tumango si Vladimir kay Caspian bago ibinigay ang bote. Pinaikot ni Caspian ang bote. At tumapat ito---sakin? "Brielle," Ngisi sakin ni Caspian. "Truth or Dare?" Tanong niya. "Truth." Ayoko magdare, may galit 'tong si Caspain sakin. Baka kung ano pa ipagawa sakin. "Then reveal one of your secrets you don't want others to know." Tiningan ko siya sa mata. "Hey that's--" Astang tututol si Liam pero nagsalita na ako. "Fine." Maikli kong sabi.
"Si mama. Pamangkin niya si Liam pero..." Itinuro ko si Liam. "Hindi ko yan pinsan." Nakatitig sa mata niya na sabi ko. Saglit silang natahimik at parang nagloloading pa sa utak nila kung ano ang koneksyon ko kay Liam. "Edi kung ganun..." Panimula ni Dash. "Hindi kayo blood related ni Tita?!" Gulat na turan ni Valkyrie pero hindi na ako sumagot at kinuha ang bottle.
Pinaikot ko ito at tumama ito kay Liam. Tiningnan ko siya. Nakatitig siya sakin habang nakalagay ang kamay sa baba. "Truth or Dare?" Tanong ko. "Truth" Mabilis niyang sagot. Ayaw din magdare ng mokong na 'to ahh. Mukhang natatakot sa iuutos ko. "Same question. Reveal a secret but it should be a secret that I don't know." Napakamot siya sa ulo. "Ehh wala naman eh--" Pinutol ko siya. "Hindi ako naniniwala." Sabat ko sa kaniya. Nagbuntong hininga siya ng malalim.
"Okay. Eto na lang. I felt betrayed before."
Napataas ang kilay ko. Someone hurt him? Aba nagseryoso na ga ang lalaking 'to sa babae? "I feel disappointed because they don't even remember breaking a promise that hurts me deeply inside." Natahimik kami. Naninibago siguro sila Valkyrie, ngangayon lang nila nakita na may ganitong side si Liam. Pero balik tayo dun sa sinabi niya. Parang natamaan ako. Isa ba ako sa pinatatamaan ng mokong na 'to? Pero anong ginawa ko rito? Wala naman akong natatandaan. O baka nagooverthink lang ako at hindi ako ang tinutukoy niya.
"Ikaw naman Xyvill," Pag-iiba ni Liam sa topic. "Since ikaw na lang ang hindi natatawag, Truth or Dare?" Napatingin sa kaniya si Xyvill. "Dare." bored niyang boses na sabi. Lumawak ang ngisi sa labi ni Liam. "I dare you to follow the person you like on social media if none---follow the person on your mind right now." Nanatiling tahimik si Xyvill pero kinuha niya ang cellphone niya at may kinalikot roon. Hindi ko alam pero kusang bumaling ang ulo ko sa table nang maibaba ni Xyvill ang kaniyang cellphone.
*Tweet!* Halos nabaling ang ulo naming lahat kay Valkyrie ng may nagnotif sa cellphone niya. Bakit parang nakaramdam ako ng bigat saking dibdib? "Guys," Gulat na sabi ni Valkyrie. Lalo tuloy akong nakasigurado na siya ang nakatanggap ng friend request ni Xyvill. Tiningan niya kami isa isa. "Pinauuwi na ako ni Kuya. 11:00 PM na pala!" Sambit niya. Parang natanggal yung kirot sa dibdib ko.
"Ano ba yan, ang bilis ng oras!" Liam. "Then uuna na din kaya kami since tapos na yung game?" Pagsabat ni Dash. "Maaga rin kasi ang pasok natin bukas ehh." Kaniyang saad. "Then, Brielle. Aalis na kami, goodluck satin bukas sa reporting." Tumatayong sabi ni Vladimir. Tumango ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa table bago hinatid ko sila papalabas ng bahay. "Brielle, uuna na kami. Wag mo kong mamimiss." Makapal na mukha na sabi ni Caspian.
"Hindi talaga, ihahatid ko na kayo pababa." saad ko. "Wag na!" Tutol nila pero inilingan ko sila ng ulo. "Tara, hanggang baba lang naman ako." Wala nang nagawa yung boys ng bumaba na ako sa hagdan, nagsisunuran na rin sila. Pagkababa namin sa groundfloor. Isa isa na silang namaalam. "Brielle, good luck satin bukas. Fighting!" Saad ni Dash habang naglalakad patalikod. Nagnodd lang ako. Pinanood ko silang umalis, astang tatalikod na ako ng may nagsalita sa gilid.
"Wait," Tiningan ko si Xyvill. "May kailangan ka?" Tanong ko. "I want to ask Azalea's social media account. Alam mo ba?" Tinitigan ko si Xyvill. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. Oo, ako si Azalea Gabrielle. Ako yung magandang female partner niya that day pero---alam mo yung ang weird isipin na hindi ako nagugustuhan ni Xyvill sa itsura ko ngayon.
Napalunok muna ako bago sumagot. "AG Samaniego. Yun ang *** Account niya." Maikli kong sabi. Tumaas ang sulok ng labi ni Xyvill. Natulala ako saglit. This is the first time I saw him smile. "Thanks. I wanted to know her better." May kinalikot siya sa cellphone niya pero nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Pinanood ko lang siya hanggang tumingin ulit siya sakin.
"Thanks again. See you in class," Nakahalf smile niyang sabi bago ako tinalikuran. Iba talaga pag si Xyvill ang ngumiti, talagang nakakabighani. Pinanood ko siya hanggang mawala siya sa paningin ko. Hayyy. Mabuti pa makauwi na lang. Habang naglalakad papabalik, napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. *Tweet!* Friend request? Binuksan ko ang cellphone ko habang naglalakad parin.
Sven Xyvill Sylvester starts following you.
Two minutes ago.
Kumunot ang noo ko ng makita kong finollow ako ni Xyvill sa account kong Brielle Samaniego kesa sa Account ko na AG Samaniego. Waitttt!! What's happening here?! "Ouchh!" Para akong natauhan sa pagkakashocked ng biglang umumpog yung ulo ko sa pader. Aakyat sana ako ng hagdan ehh! Hinawakan ko ang noo ko. I can feel the pain. I'm not dreaming! "Sh*t..." Bulong ko habang nakatingin sa pader. Hindi ko pinansin yung mga taong nakakita bago itinuon ang atensyon sa cellphone. Nirefresh ko ang cellphone ko ng ilang beses. Hindi nagbabago... Finallow nga niya ako! Pero why? Anong gusto niyang iparating sakin.