Chapter 18 - Truth or Dare

1975 Words
Naglalakad ako ngayon papunta sa room habang nakaheadset. Habang naglalakad, napatingin ako sa gilid ng may kumulbit sakin. "Hi, Brielle!" Nakangising sabi ng babaeng biglang sumulpot sa gilid ko. Napatingin ako sa kaniyang likuran ng makitang naraming tao na nanonood samin. "Pano mo pinatumba sila Daisy. Ikaw ang dahilan kung bakit sila na suspend diba?" Nakangisi niyang tanong habang nagcocross arms ng mga kamay. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. "Ano? Ishare mo namann!" Napakunot ang noo ko ng akbayan niya ako. Tinanggal ko ang braso niya. "Do I know you?" Maikli kong tanong habang tinitingnan siya. Kilala ko 'tong mga ganitong tao ehh. Lumalapit lang para makalakap ng chismis. "Ohhhhh/Woooohh/Burrnnn" Kutyawan ng mga lalaking nasa likuran. Mukhang nakaramdam ng hiya yung babae,masama niya akong tiningnan. Hindi ko nalang ito pinansin at nagdaretso sa paglalakad. *** "Class. Next week niyo pa malalaman scores niyo sa Bio. Hindi ko pa nachecheckan testpapers niyo. For now, we will be having a group activity. Eto ang groupings niyo." Ipinakita ng teacher samin sa flatscreen na tv ang groupings. Nakachart ito. Nasa group 5 ako...Teka. Nanlaki ang mga mata ko. "Make a report about the topic we discuss last time. Next meeting ang presentation." Dagdag pa ng guro namin sa Biology. Napaawang ang labi ko ng makita kagrupo ko yung A4, kasama pati rin sina Valkyrie at Liam. Nagtitigan kaming pito sa isa't isa. "Any violent reactions? If not, proceed to your own groups." Sambit ulit ng teacher namin. Nang nagtayuan na ang mga estudyante, napatayo na rin ako. I don't know if these groupings will be a good thing or not. Nagsama sama kaming pito sa isang sulok. Nakabilog kami habang nakaupo ng angel sit. Katabi ko sa kanan si Valkyrie habang si Liam sa kaliwa. "Kaya niyo bang gawin natin 'to mamayang gabi? Hindi kakayanin ng oras kahit gawin na natin yun ngayon. Bukas na ang reporting." Saad ni Vladimir habang nagaayos ng salamin. "Hmm. Kaya." Saad ni Valkyrie. Nang nagsitinginan sila sakin. Nagnodd lang ako umaaktong pagsang-ayon. Kainis naman kasi si Sir. Nahiya pang sabihin na bukas ang reporting. Pa next meeting next meeting pa, tskk. "Pero kaninong bahay tayo pupunta?" Tanong ni Liam. Kaya nga, parang ang uncomfortable naman pag kami ang dadayo ni Valkyrie sa bahay nila tapos gabi pa. "Samin na lang kaya?" Tanong ni Valkyrie sa kanila. "Pwede din kila Brielle, Magkatabi lang naman ang apartment namin." Dagdag pa niya. Isa isa silang napatingin sakin. Ano ba talaga Valkyrie, ha? Kala ko sa inyo na? "Walang space sa apartment nami---." Napatigil ako sa pagsasalita ng kulbitin ako ni Liam. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Anong problema ng mokong na 'to. "Hindi kasi pala pwede samin. Magsasama ata si Kuya ng mga tropa niya sa bahay." Paliwanag ni Valkyrie. Si Angelo? Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napatingin sa direksyon ni Xyvill. Kilala nga pala ni Xyvill si Angelo! Si Angelo ang sumundo sakin nung gabing yun ehhh. Macucurious siya pag nakita niyang kasama ko si Angelo. Kininginang photoshoot kasi yun! Kaya siguro ako kinulbit ni Liam. Narealize niya kaagad. "T..Then sa bahay na lang namin. Maglilinis na lang ako para magkaspace tayo." Palusot ko sa kanila. Isa isa silang sumang-ayon. Palihim akong nakahinga ng maluwag. *** *Ding! Dong!* *Ding! Dong!* Napatingin ako sa pinto ng may magdoorbell sa labas. Nandito na siguro sila. Nagtali ako ng buhok bago nagsuot ng white oversize na tshirt para matakluban ang fitted kong sando. "Brielle, may tao ata!" Sigaw ni Mama habang nanonood sa sala ng TV. "Oo Ma, wait!" Sigaw ko rin habang nagsusuot ng itim na panjama. Patakbo akong pumunta sa pinto bago binuksan ito. Bumungad sakin yung lima na lalaki. Si Dash, nakasuot ng blue na t-shirt at white na casual shorts. Samantalang si Caspian, nakablack t-shirt na v-neck, at nakatrouser na gray. Si Vladimir naman, nakawhite sando na pinatungan ng blue long sleeves tapos may jeans. Napatingin ako kay Xyvill, nakagray long sleeve siya habang nakatupi ang manggas nito, nakasuot din siya ng demi blue na jeans. "Good eve." Bati ni Liam habang humihikab. Napataas ang kilay ko ng makita kung ano ang suot niya. Nakasuot siya ng ternong pantulog na kulay red. Wow, mokong na 'to. "Ba't ka nakapantulog?" Curious na tanong ko. "Di ba tutulog din naman pagkatapos? Hindi ko nga alam kung bakit gayak na gayak pa ang mga 'to!" Turo niya kila Xyvill. Hindi ko maiwasang mapairap. "Brielle, good evening! Nanjan na sa loob si Valkyrie?" Tanong ni Dash. Inilingan ko siya ng noo. "Wala pa. Pasok muna kayo tatawagin ko siya." Binuksan ko ng malawak ang pinto. Agad silang nagsipasok. Nagpunta ako sa harap ng pinto nila Valkyrie bago nagdoorbell. Ilang segundo ang lumipas, may nagbukas na ng pinto. Nagulat ako ng makita si Angelo. Tiningnan ko yung apartment namin. Buti nalang nakapasok na sila. buntong hininga kong nilingon si Angelo. "Need anything?" Tanong niya habang sumusulyap sa loob ng apartment. "Umm. Pakitawag kay Valkyrie, pasabi kumpleto na kami, pumunta na lang siya dito sa bahay namin." Agad siyang tumango sa sinabi ko. Umalis na ako ng isinarado niya ang pinto. Pagkapasok ko sa apartment namin. Napakunot ang noo ko ng makitang nasa sala yung A4 at si Liam, kasama si Mama. "Woww! Ang gugwapo niyo!" Mangha na saad ni Mama. "Sure ba kayo na walang boyfriend si Brielle ni isa sa inyo?" Rinig kong tanong pa niya. Anak ng---Ano?! Astang magsasalita ako ng sumagot si Caspian. "Wala pa, tita." Nakangiti niyang sagot. Anong wala pa? Pa? PA? Sapakin kita! "Yiee! May gusto ka sa anak ko Hijoh? Gusto mo bang tulungan kita?" Pagsakay ni Mama sa tinuran ni Caspian. Napamasahe na lang ako sa aking noo. "Tita, Tita. Makatawag kala mo gagawing manugang na, tskk!" May binulong si Liam sa hangin pero kinurot lang siya ni Mama. Napadaing siya sa sakit. "Ma," tawag ko. "Wag mo silang kulitin, pwede ba kami rito sa sala? Meron lang kaming group project na gagawin." Napatayo si Mama. "Hindi, dun na lang kayo sa kwarto mo, mas malawak run. May study table ka rin dun diba?" Napaawang ang bibig ko. Bakit sa kwarto ko paaa. "Liam, dalhin mo sila dun. Maghahanda ako ng makakain niyo." Saad ni Mama bago nagpunta papunta sa kusina. "Tsk. Sundan niyo ko." Kahit mukhang nagtataka yung A4 kung bakit alam ni Liam ang direksyon ng kwarto ko, sumunod na lang sila at sumama sa kaniya. Nagbuntong hininga ako ng mariin bago sinundan din sila. Pagdating namin sa kwarto ko, Pansin kong mangha sila Dash sa loob. Malawak kasi, malinis tingnan, tas grey at black ang theme. May LED lights rin sa gilid ng kisame, pati sa ilalim ng kama kaya lalo itong nagpaganda sa loob. "Upo muna kayo dun." Turo ko sa gray couch na kasya ang limang tao. Sinunod ako ni Dash at Vladimir. Pero si Liam umupo sa kama ko bago naglaro ng cellphone. Si Caspian, binuksan yung balkonahe ng kwarto ko. Samantalang si Xyvill, umuli sa buong kwarto. "Brielle, kuha mo ko tubig." Nakapamulsa kong hinarap si Liam. "Wow, ang lapit lapit na iuutos mo pa sakin? Ano ako, katulong mo? Ang galing." Sarkastik na tanong ko. Saglit niya akong tiningnan bago ibinalik ang tingin sa cellphone. "Pretty please," Sambit niya ulit. Napairap ako, Tamad na tamad ng lalaking to. Nagpunta sa sulok ng kwarto bago binuksan ang maliit na fridge at kumuha ng pitsel. Nagsalin ako ng tubig sa baso bago ito iniabot kay Liam. "Thanks." Sagot niya bago nagtanggal ng tsinelas at sumandal sa headboard. Tumingin ako sa pinto, bakit ang tagal ni Valkyrie. "Huy ang cute. Si Brielle 'to?" Napatingin ako sa direksyon nila Dash, may hawak hawak na maliit na frame si Vladimir habang titig na titig sila rito. Teka yun ba yung---"Hey, give me that!" Kinuha ko sa kamay ni Vladimir yung litrato at itinago sa likuran. "Ang cute mo nung bata ka Brielle. By the way, sino yung dalawang bata na lalaki na kasama mo sa litrato?" Napalunok ako sa tanong ni Dash sa akin. Sinulyapan ko si Liam, kita ko siyang natigilan sa paglalaro sa cellphone. Nilingon ko ulit silang dalawa. "Mga childhood friend ko dati." Tanging sabi ko. Napatingin ako sa likuran ng may kumuha ng litrato. "He's right, you're cute." Seyosong saad ni Caspian habang pinagmamasdan ang litrato. Sinubukan kong kunin sa kaniya ang picture frame pero agad niya itong itinaas. "Caspian! Ibigay mo sakin yan!" sinubukan ko talunin yung picture frame na hawak niya pero hindi ko parin talaga siya abot. Napakunot ang noo ko ng pabalik balik niyang tiningan yung picture st si Liam. "Wait. Hindi ba si Liam 'to?" Ina netong si Caspian ahhh. Natahimik ang paligid sa kaniyang sinabi. "Ang talas ng mata mo ahh." Kumento ni liam bago tumayo sa pagkakaupo. "Ano... bakit, pogi rin ba ko jan?" Nakangisi niyang tanong, para baguhin ang awkward na atmospera. "So does that mean matagal na kayong magkakilala?" Tanong ni Vladimir habang titig na titig sakin. Hindi ko alam kung bakit duda na duda sakin ang lalaking 'to. Tumango si Liam kaya nakisangayon na rin ako. "Azalea Gabrielle," Saad ng boses sa aking likuran. Tila nagtaasan ang mga balahibo ko ng marinig ko ang pangalan ko mula kay Xyvill. tininganan ko siya. Nakasandal siya ngayon sa gilid ng headboard ng kama ko habang kalamado akong pinagmamasdan. Ramdam ko ding medyo nagulat si Liam. "Do you know her?" Dagdag ni Xyvill sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Tila nabunutan ng tinik ang lalamunan ko. "Azalea Gabrielle?" Kunwaring ulit ko. Lumapit si Xyvill sakin, pero nung tumuon siya papalapit umantras ako ng isang hakbang. "I'm just wondering if you know her." Nakatitig sakin na sabi niya. Napalunok ako, astang sasabihin kong hindi kaso---"After all, parehas kayong Samaniego." Pagpapatuloy pa ni Xyvill sa kaniyang sinasabi. Inang tooo! Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na hindi ako apektado sa sinasabi niya. "She-Shes's my cousin. Yes, I know her." Sagot ko sa kaniya. Nagsalubong ang kilay ni Xyvill bago unti unting umantras papalayo. "You know Azalea?" Pagsakay ni Liam sa usapan namin habang inosente kaming tinitingnan. Tiningnan siya ni Xyvill bago sinagot. "I met her twice." Sagot ni Xyvill. "Then why are you curious. Are you interested in her?" Tanong ulit ni Liam. Hindi ko alam kung bakit pero inabangan ko yung magiging sagot ni Xyvill. "Guys, nandito na'ko! Sorry, natagalan. Naligo pa ako. Nagi-istart na ba kayo?" Nabaling ang ulo namin sa pinto ng kwarto ng biglang sumulpot sa kawalan si Valkyrie. Tiningnan ko siya, basa pa ang kaniyang buhok at mukhang katatapos lang niya maligo. Nadisappoint ako medyo ng hindi na sinagot ni Xyvill yung tanong. Sayang. Teka... Bakit ko ba inabangan? *** "Ayyy! Sa wakas tapos na rinnn!" Naguunat na sabi ni Valkyrie. "Ako na lang ang mag iintroduction." Pagvuvolunteer ni Vladimir habang may kung ano ng tinatype sa laptop. "Then paghahatian na lang namin ang ididiscuss sa nilalaman ng lesson." Saad ko rin bago pabagsak na humiga sa kama ko. Napatingin ako sa orasan, 6:09 pm kami nagstart tapos 9:35 kami natapos. "Augghh! Ang boring!" Ungot ni Valkyrie. "She's right, tara laro muna bago magsi-uwi." Suggestion ni Liam. "Gabi na, bukas na lang." saad ko. "No, ngayon na." Nawala na akong nagawa ng hinila ako ni Valkyrie paupo sa sahig. Kita kong pati si Caspian at Xyvill napilitan sumali kaya wala na kaming nagawa. "Anong laro?" Tarong ni Liam. "Kung truth or dare kaya?" Suggestion ni Valkyrie. Nakabilog kaming pito habang nakaupo ng angel sit. Truth or Dare, pwede rin. "Then let's start, I'll spin the bottle." Pangunguna ni Dash sa laro. Pinaikot niya ang bote at tumutok ito kay Valkyrie. "Truth or Dare?" Tanong ni Dash sa kaniya. "Umm... Truth." Sagot niya. "Kanino saming lima ka pinakanagagwapuhan?" Nakapogi sign na tanong ni Dash sa kaniya. Saglit na nagisip si Valkyrie bago pinagmasdan yung lima.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD