Chapter 51 - RED4

1011 Words
"Ouchh..! Hiss!" Tinanggal ni Dash ang pagkakahawak sa kaniyang mukha, bago ibinaba ang salamin na kanina ay hawak hawak. Nakaupo siya ngayon sa kama na may puting kutson at punda. May tapal na band aid ang kaniyang gilid ng kilay, putok rin ang kaniyang labi, may malaking tapal ang kaniyang gilid ng pisnge. At nananakit rin ang kaniyang mga katawan. Napatingin siya sa gilid ng may naghawi ng kurtina na nagsisilbing room divider ng mga kwarto. "Para kang bakla." Tiningnan ni Dash si Caspian. Nakahawak ito sa hinawing puting kurtina, habang bored na nakatingin sa kaniya. May bangas rin ang kaniyang mukha. Pasa ang kaniyang labi at may band aid ang bridge ng kaniyang ilong. "Ikaw kaya ang mapaulanan ng suntok?! Porke't sanay ka sa pakikipagbugbugan!" Inis niyang turan bago siya tumayo, lihim lang na inikot ni Caspian ang kaniyang mga mata. Tiningnan niya muli si Dash, nagtungo siya sa isa pang kurtina na katabi rin ng kaniyang kwarto. "Hoyy, Xyvill!" Umuusok sa Inis niyang asik habang hinahawi ang kurtina. Agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang direksyon ng lalaki. Nalaglag ang panga ni Dash ng makitang chillax ang lalaking nakahiga sa kama habang naglalaro ng rubik's cube gamit ng isang kamay. "Potcha..." Mahina pero may halong inis niyang bulong. Nilapitan niya ang lalaki pero hindi siya nito pinansin. Kaya kinuha niya ang rubik's cube na kaniyang hawak hawak. Tumaas ang tingin ni Xyvill sa kaniya. Kagaya ng kay Caspian, putok rin ang labi ng lalaki, at may band aid sa may cheekbone. "I can't believe you still have time to play after ruining my face!" Inis niyang panimula sa kaibigan habang tinuturo ang kaniyang mukha. Sumandal si Xyvill sa headboard ng kama. "It's you who started the punch. It's self-defense." Maikli niyang sabi habang humuhikab sa antok. Self-defense?! Pocha! Ako yung pinuruhan! Isip isip ni Dash. Kumulo ang dugo ni Dash sa kaniyang sinabi. Astang susugod pero inakbayan siya ni Caspian. "Enough. Ikaw lang pupuruhan niyan" Kaniyang bulong habang tinatapik ang kaniyang balikat. Kumunot ang noo ni Dash sa kaniya. "Kaya ka nga nandito diba?" Bulong rin ni Dash. "Tulong tayo." Kaniya pang dagdag, nagbuntong hininga si Caspian. "Pinagtulungan na namin siya kanina diba? Tayo napuruhan." Mahina niyang bulong bago nilingon si Xyvill na nakataas ang kilay sa kanilang dalawa at para bang naweweirdohan sa kanilang kinikilos. Napakamot na lang ng ulo si Dash sa kaniyang sinabi. "Xyvill," Binitawan ni Caspian si Dash bago tumayo sa gilid ng kamang hinahihigaan ng lalaki. "Dash is declaring a red4." Bahagyang napakunot ang noo ni Xyvill sa kaniyang sinabi. "What?" Mahinang maang ni Dash sa sinabi ni Caspian. Tiningnan ni Caspian si Dash at kinausap gamit ang kaniyang mga mata. Nanlaki saglit ang mga mata ni Dash bago sinangayunan ang sinabi ni Caspian. "Y.. Yes, I did." Malalim na nagbuntong hininga si Xyvill. "Alright. State your demands." Malamig at seryosong sabi ni Xyvill kay Dash. Naging seryoso ang atmosphere sa paligid. "If I win, lalayuan mo si Brielle." Seryoso niyang sabi. Hindi na ganon nagulat si Xyvill sa kondisyon niya. "That's all?" He asked while looking at him with a cold gaze. Dash nodded his head. "Then, if I win..." Tiningnan ni Xyvill ang dalawa na curious sa kaniyang sasabihin. "I'll tell you after." Kaniya pang pagdagdag. "Tskk." singhal ni Dash. "Then it's a deal." Binuksan ni Caspian ang cellphone niya bago nagpunta sa *** account ng fanpage nilang apat. "Hashtag... red4. Dash and Xyvill..." Kaniyang type sa keyboard. "Send.." Kaniyang bulong. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi bago nilingon silang dalawa. Brielle's POV "Heyyy heyyy!!! Loooookkkk!!!" Napabangon ako sa pagkakaubob ng may babaeng biglang sumigaw. Breaktime ngayon, dalawang subject na ang namiss nung tatlo, hindi parin sila bumabalik. Nasa classroom ako. Nakaubob sa mesa ko. Natutulog kanina, kaso biglang may babaeng biglang sumigaw. Napatingin tuloy ako sa direksyon nito. "Open your phones! Tingnan niyo yung pinost ni Caspian sa wall ng fanpage natinn!! GOD!!" Pahiyaw niya ulit na sabi habang may matching na pagtayo pa sa silya. Napakunot ang noo ko ng isa isa silang nagkagulo. Ano pa kasing meron? Yung mga mukha kasi ng mga kaklase ko, ang paprizeless. Para bang may hindi magandang event na mangyayari. "Ohh goshhh!!" "Is this real?!" "Anong nangyari mga sis?!" "Oh no, my heart..." Samu't saring reaksyon ang aking naririnig pero wala akong naiintindihan dahil sa lakas ng mga boses nila sa paghihysterical. "Oh my." Napatingin ako sa direksyon ni Valkyrie. Pati kasi siya parang gulat. Kasi nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatakip pa ang kamay sa bibig. Nagbuntong hininga ako bago tumayo. Ano ba kasing meron? Kanina pa akong curious. Humawak ako sa likod ng upuan niya bago lumapit at binasa kung ano ang nakalagay sa cellphone niya. Napataas ang kilay ko. "#RED4?" Takang basa ko dun sa post ni Caspian na three minutes ago lang. Ano ibig sabihin nun. Tapos nakamention pa sa post niya si Xyvill at Dash. Caspian Blaze Suarez Nov. 11, 2023. 3 minutes ago... #RED4 @Dash Calvinn Fernandez & @Sven Xyvill Sylvester "Ano ba kasi yan?" Curious na curious kong tanong. Tumingin si Valkyrie sakin. "Hindi ko rin alam. Shock kasi sila kaya makigaya na lang tayo para hindi tayo feeling left out" Nagkakamot ulo niyang sabi. talagang ang bruhang 'to. Napatingin ako sa gilid ng may mabigat na brasong umakbay sa balikat ko."Hahahaha! You're funny, Valkyrie." Nakangising pagsingit ni Liam sa usapan. Nang humarap siya sakin, agad ko siyang tinanong. "Alam mo ba kung ano yun?" Taas kilay kong tanong. Iniling niya ang kaniyang ulo. "No..." Ibinaling niya ang ulo niya sa kabilang row. "But just looking at Vladimir's face..." Napatingin kaming dalawa ni Valkyrie sa direksyon ni Vladimir. Nakayuko ang ulo niya, at kahit nakatalikod ang pwesto niya samin, madilim ang kaniyang aura. "It's not a good sign." Kaniya pang dagdag. Gusto kong itanong kay Vladimir yung about sa red4 na yun pero parang hindi maganda na kausapin ko siya ngayon. Halatang bad mood siya ehhh. Ano ba kasi yung RED4?? Pero tama si Liam ehh. Kulay palang, di na maganda ang kutob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD