Katatapos lang ng klase. 4:30 pm. Kasama ko si Valkyrie at Liam. Habang naglalakad sa corridor. Iba't ibang bulungan parin ang mga naririnig ko. Halos parang mas maingay pa nga dito sa labas kesa kanina sa classroom.
"Yeahh! Ano kayang dahilan..."
"Atsaka nag-away pala sila."
"Last time na may nagdeclare ng red4 si Caspian at Xyvill ang naglaban diba?"
"Godd, ang troublemaker ngayon ni Baby Xyvill!"
Nagsalubong ang kilay ko. Naglaban? Pano sila naglaban? Nawala ang tingin ko sa kanila ng magsalita si Valkyrie. "Liam, tulungan mo nga ako. May pinakukuha si Ma'am Vane na mga libro sa room, dalhin daw sa office niya." Napatigil kami sa paglalakad dahil sa sinabi ni Valkyrie. Isinakbit ni Liam ang bag niya sa kaniyang balikat. "No way. Ayoko nga. Bakit ka kasi masyadong pateacher's pet? Tskk." Bored niyang sabi naglalayo ng tingin.
"Hoy! Hindi ako teacher's pet ha! Nakakahiya lang tumanggi." Pagtanggol niya sa sarili niya. Hinawakan ni Valkyrie ang kamay ko. "Brielle tara ngaa. Hindi daw kasi macontact ng adviser natin si Vladimir. Para kasing tanga. San lupalop nagpunta ang lalaking yun. Tas ako pa ang inabala." Nakapout niyang sabi sakin. Napahagikgik ako ng mahina. Tiningnan ko si Liam bago siniko.
"Samahan mo na." Sabi ko. "Ala, kakatamad--" tatanggi sana siya pero nagsalita ako. "Gusto ko siyang samahan pero masakit ang puson ko ngayon." Pagsisinungaling ko. Nanlaki ang mga mata niya. "Red day mo?" May bakas na pagalala niyang tanong. Alam niya kasing irregular periods ko. Tumango ako. Palusot ko lang yun. Ayaw niyang samahan si Valkyrie, ehh sakin lang yan nakikinig.
Kalalaking tao, tamad na tamad. Inis niyang tiningnan si Valkyrie. "Tskk... Tara," Mahinahon niyang sabi pero bakas ang inis sa kaniyang mga mukha. Sinundan ni Valkyrie si Liam na bumalik sa classroom namin pero bago siya tumalikod, nagokay sign siya sakin. Kinindatan ko lang siya bago ngumiti.
Ibang klase rin yung lalaking yun. Pag chicks hanap, laging pacute pero pagkakilala na, yung as in comfortable siya, lalabas tunay na ugali niyan. Iniling ko na lang ang aking ulo. Kelan kaya makakahanap ng matinong babae ang lalaking yun. Humarap ako sa unahan para maglakad ulit pero napatigil ako ng may makabungguan ako. Agad akong napaantras, at muntik ng matumba kung hindi ko nabalanse ng ayos ang katawan ko. "Oppss. Are you okay, kid?" Boses ng isang lalaki. Mukhang lalaki ang nakabunggo sakin.
Napataas ang tingin ko ng mapansin kong pamilyar ang boses nito. Agad na nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "P.. pa..." Mahina kong usal habang nakatingin sa kaniya. Pinagmasdan ko siya. Nakasuot siya ng blue long sleeve at itim na pantalon habang may hawak hawak na lab coat. Kita kong umitim ang ilang hibla ng kaniyang buhok. Nagkameron na din siya ng wrinkles sa noo dahil sa katandaan. Unti unting nag-init ang mga mata ko. Ba't siya nandito? Gusto kong umiyak. Ang laki na ng tinanda niya. "Hey, kid... Are you okay?" Natauhan ako ng iwinagayway niya ang kaniyang kamay saking harapan. Agad akong tumikim bago sumagot.
"A.. Ahh opo." Sagot ko, nagiwas ako ng tingin. Bago umantras at tumalikod. Dito na tuluyang pumatak ang luha ko. Sobrang bigat sa dibdib. Ang sakit sakit. He doesn't remember me. Sabagay ang laki ng pinagbago ng itsura ko. Ilang taon na ang lumipas ng huli niya akong makita, pero nakakadissapoint parin. Unti unting nanginig ang aking mga labi. "Hey, wait!" Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisnge ng marinig ko ang mga yabag ni Papa na papalapit. Malalim muna akong nagbuntong hininga bago siya hinarap.
Palinga linga ang tingin niya sa paligid at para bang may hinahanap. "Bakit po?" Patay malisya kong tanong, agad siyang tumingin sakin. "Can I ask you something? Hinahanap ko kasi ang anak ko..." Panimula niya. Nakaramdam ako ng galak saking puso pero hindi ko ganon pinahalata. Napalunok ako ng ilang beses. Hinahanap? Hindi kaya alam na niya. Ibubuka ko sana ang aking labi para magsalita pero naunahan niya ako. "I saw your ribbon. Do you perhaps know a girl named Zayriel Sandara Revamonte? She's my daughter." Seryoso niyang sabi sakin habang nakatingin saking mata. Si Zayriel... Oo nga, nakalimutan ko. Step father na siya ngayon ni Zayriel. Ang tanga ko naman para isipin na ako yung tinutukoy niya.
Tiningnan ko siya. Lalo akong nasaktan sa mga tingin sakin ni papa, ang blanko. Hindi kagaya dati na lagi siyang nakangiti sakin at ramdam ko ang pagmamahal ng isang ama. "Kanina ko pa siyang hinahanap pero hindi ko siya makita. I tried asking you because both I think both of you are the same age." Kaniya pang sambit. Mukhang hindi nga niya ako nakikilala. Pinigilan kong kumawala ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Be strong, Brielle. Be strong. "I know her pero hindi po kami naguusap. Magkaibang strand po kami." I tried my best na wag mautal habang nakatingin ng daretso sa mga mata niya.
"Ohh, is that so. Anyway. Thanks." Kita kong bubuka pa ang bibig niya para kausapin ako pero hindi ko na talaga kaya. Ako na ang unang tumalikod at umalis. Habang lutang na naglalakad. Hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. I look forward for nothing. Kala ko naaalala na niya ako. Naalala ba niya ako? Sabagay, bakit niya ako maaalala eh may bago na siyang pamilya. Ni di man nga niya naisipang hanapin. Kita kong nagtitinginan na sa direksyon ko ang mga tao, malalim akong nagbuntong hininga. Habang naglalakad ng nakayuko.
Nagulat na lang ako ng may biglang humablot ng braso ko. *..BEEEPP!* Nauntog ang ulo ko sa isang matigas na pader. No, hindi pader, tao. May taong humila sakin. "What the f*ck, Azalea!! Are you out of your mind?!!!" Kahit nanlalabo ang aking mga mata. Alam ko kung ano ang nangyari. Muntik na akong masagaan ng overspeeding na truck kung hindi ako hinila ng taong 'to. Alam ko kung sino ang taong nasa harapan ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang boses niya. Kinusot ko ang aking mata bago ulit siya tiningnan. "What's wrong with you?! You want to die early?!" Malakas niyang sabi.
Galit na galit ang mukha niya sakin habang mahigpit ang kapit saking magkabilang braso. Nanginig ang labi ko. "H.. Hindi niya ako naalala." Nanginginig na boses kong panimula. "What?" Mahina niyang sabi habang nakatingin sakin. "N-Nakita ko si Papa. Hindi niya ako naalala..." Kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata habang nakatingin sakin. Tuluyan ng pumatak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Umiyak ako ng malakas. I don't care anymore. I just need comfort right now. Ramdam kong niyakap niya ako bago hinagod ang aking likuran. Sobrang bigat sa dibdib.
Xyvill's POV
I watched her cry in Noah's arms. Kalalabas ko lang ng gate, pero naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita si Brielle na nakayakap sa mga bisig ni Noah. I feel a sharp and painful sensation in my heart. What's happening? Why are they hugging like there's no tomorrow... And most of all. Why is she crying? She's breaking my heart. Just watching her like that makes me weak and jelly. I grip my hands. Why? Why are you crying Brielle? There are so many thoughts running through my head... "Ano ba yan! Itutuloy niyo pa RED4?"
Rinig kong sabi ni Caspian saking likuran, bahid sa kaniyang boses ang pangaasar. Hindi ko siya nilingon at inimikan. Itinuon ko lang ang atensyon ko kay Brielle. I want to wipe her tears. Watching her cry breaks my heart. "Mukhang may nanalo na ohh." Bored niya pang dagdag, kita ng peripheral vision ko na sa direksyon ni Noah siya nakatingin. "Shut it, Caspian" Rinig kong inis na sabi ni Dash saking likod. I grit my teeth. That man? There's no way Brielle will fall for that man again. Mariin akong napakagat sa labi bago tinanggal ang tingin sa kanila. Iniwan ko sila. I'll prove it.
She's mine.