Chapter 50- School field

1007 Words
Napatingin ako kay Vladimir ng magsalita siya. "Kausapin mo yun." Nakatingin siya kay Xyvill ng seryoso bago din ako tiningnan. Ilang segundo niya akong tiningnan bago kami tinalikuran at umalis. Galit ba siya? Atsaka kausapin, si Dash ba? Kagat labi akong nagbuntong hininga. Sabi na magiging problema 'to ehhh. Pinanood kong lumabas ng classroom si Xyvill. Ilang segundo ang lumipas hanggang maisipan kong sumunod sa kanila. "Class, good afternoon." Nadismaya ako ng biglang pumasok ang teacher namin. "Go back to your seats." Kaniyang sabi sa amin. Wala kaming nagawa kung di sumunod, bago ako bumalik sa upuan. Sinilip ko muna ang pinto. Sana maging ayos ang usapan ng tatlong yun. I sighed deeply. *** Third Person's POV *Thwack!* Sa gitna ng school field. Nakatayo si Caspian habang nakacross arms na pinapanood si Dash na inupakan ng suntok ang kanang pisnge ni Xyvill. Magkaharap sa isa't isa si Xyvill at Dash, habang si Caspian naman ay ilang talampakan lang ang layo at pinapanood sila. Napaantras at napatabingi ang ulo ng binata. Pinunasan niya ang kaniyang putok na labi bago tiningnan si Dash na nanlilisik ang mga mata sa direksyon niya. Dinilaan niya ang kaniyang sugat bago ngumisi. "Three times" Maikli niyang sabi. "I will allow you to punch me three times." Kaniya pang dagdag habang nakatingin sa lalaki. Nagsalubong lalo ang kilay ni Dash at labis ang insultong naramdaman sa kaniyang sinabi. Hinila niya ang kwelyo ni Xyvill bago muling sinuntok ng mas malakas. "Are you toying me?!" Kaniyang sigaw. Naagaw niya ang atensyon ng ibang estudyante na napapadaan sa gilid ng field. Hindi siya sinagot ni Xyvill at pinagmasdan lang siya bago idinura ang dugo sa gilid. "Just one left." He said while looking at Dash with plain expression. Lalong humigpit ang hawak ni Dash sa kwelyo niya dahilan ng unti unti nitong pagkagusot. "Why are you so selfish..." Nanginginig sa galit at pang hihina niyang saad. "You know that I like her. Hindi ka ba maalam magparaya? K-kahit ngayon lang, Xyvill..." Unti unti niyang binitawan ang kwelyo ng lalaki. "Well..." *Twacckk!!* Astang magsasalita si Xyvill pero may bagong kamao ang dumako sa kaniyang pisnge. "Why are you being soft all of the sudden?" Seryosong sabi ng lalaking kanina lang ay nanood sa kanila. Pinalagutok ni Caspian ang kaniyang mga kamay habang tinitingnan si Xyvill na lumayo paantras dahil sa lakas ng suntok niya. "There's no point of gaining his sympathy. Hindi ka pa ba natututo? Ehh ako nga, nagawa niyang agawan ehh." Bored niyang dagdag habang pinapanood si Xyvill na na nagpupunas ng labi. Tiningnan ni Xyvill ang dalawa. "It's finally done... Now, it's my turn." Unti unting lumapit si Xyvill sa direksyon nila. Habang magkaharapan sila, hindi nila alam, na sa hindi kalayuan, may mga estudyante na nanonood sa kanilang bawat kilos . *Twackkkk!* Walang pasabi na sinuntok ni Xyvill ang mukha ni Caspian, kaya agad itong napaantras. Astang susuntukin rin siya ni Dash pero umiwas siya at hinila ang braso nito bago tinuhod sa tiyan. Napaluhod sa sahig ang lalaki at napaimpit sa sakit. "About Brielle... I never steal her from you, Dash." Tiningnan ni Xyvill si Dash na namimilipit parin sa sakit. "And if you have family issues. Don't blame it on me." Seryoso niyang saad. Nag-igting ang panga ni Dash dahil natamaan siya sa sinabi ng lalaki. Sunod niyang tiningnan si Caspian na sinubukan siyang atakihin ng suntok. Agad siyang umantras bago tiningnan ang lalaki. Lumalabas na ang ugat nito sa sobrang galit. "What?" Panimula ni Xyvill kay Caspian na nakatitig sa kaniya ng masama. "It's been years... You still can't move on?" Malamig niyang sabi sa lalaki. Igting panga siyang tiningnan ni Caspian bago sumigaw. "Yes! You know I'm territorial yet you touch my things! It's so f*cking irritating!!" Galit niyang bulyaw. Unti unting tumaas ang sulok ng labi ni Xyvill sa kaniya. Alam niya ang katotohanan. Hindi mahal ni Caspian ang kaniyang naging babae. Inakala ng iba na kaya galit na galit si Caspian kay Xyvill dhil inahas nito ang naging pinakauna niyang naging babae. Ngunit hindi nila alam, ang babaeng si Serena ay matagal ng may pagtingin kay Xyvill pero hindi siya pinapansin ng binatilyo kaya kay Caspian siya lumipat. Nang malaman ni Caspian ang katotohanan, labis na insulto ang kaniyang naramdaman. Kaya naging toxic ang relasyon nila ng babae. Hanggang sa nasakal ang dalaga at naintriga na maghanap ng ibang lalaki. Tumawa si Xyvill sa kaniyang tinuran. Nanlaki ang mga mata ni Caspian saglit ng mapagtanto niya kung ano ang kaniyang sinabi. Tiningnan niya si Xyvill. Samantalang pati si Dash na kanina ay namimilipit sa sakit ay napatingin sa kanilang dalawa. "I'm just making her desire come true. After all, she's not satisfied with you." Nag-igting ang panga ni Caspian sa kaniyang sinabi. Agad na lumapit si Caspian at hinigit ng mahigpit ang kaniyang kwelyo, habang nakatingin si Xyvill kay Caspian, nakita niya sa gilid na aatakihin siya ni Dash kaya pinagpalit niya ang pwesto niya kay Caspian. *Twacckk!* Napabitaw sa kwelyo ni Xyvill si Caspian ng siya ang tinamaan ng suntok ni Dash, na ngayon ay nanlalaki ang mga mata. Kuyom kamao at igting pangang nilapitan ni Caspian si Dash. "What was that punch for?!" Kaagad rin na uminit ang ulo ni Dash ng pagtaasan siya ng boses ng kaibigan. "It's not for you! Paharang harang ka kasi!!" Inis niya ring sigaw bago tinanggal ang kaniyang kwelyo. Agad silang napatingin sa direkyon ni Xyvill, nakatayo ito habang nakapamulsa na nakatingin sa kanilang dalawa. Sinenyasan ni Caspian si Dash gamit ang kilay na pagtulungan si Xyvill na kaagad namang sinangaayunan ng binatilyo. Nagpapalagutok na leeg at kamay silang lumapit sa direksyon ni Xyvill. Pinanonood ni Xyvill si Caspian at Dash na umikot ikot sa pinagpupwestuhan niya. Hindi na siya ganon nagulat ng sinunggaban siya ni Dash mula sa likod at natumba silang dalawa sa damuhan ng field. Pumangibabaw si Caspian sa harap ni Xyvill bago umaro ng suntok. Naapataas ang kilay ng lalaki bago tiningnan ang dalawa. "Are you two serious? It's unfair fight." Bored niyang saad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD