Chapter 41- Bonfire

1997 Words
Habang naglalakad si Brielle sa may dalampasigan. Lutang ang kaniyang utak. Tila may sariling katawan ang kaniyang mga paa dahil patuloy parin ito sa paggalaw kahit napakalalim ng kaniyang iniisip. "Brielle," Napatigil si Brielle sa paglalakad ng may kamay na humawak sa braso niya. Nakatayo si Xyvill habang nakatingin sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ni Xyvill ng makitang may isang butil ng luha ang tumulo sa mata ng dalaga. Agad na humarap si Brielle sa una at pinunasan ang kaniyang luha, huminga muna siya ng malalim bago hinarap si Xyvill. "Ma... May problema?" Kunot noo niyang tanong. Saglit siyang tinitigan ni Xyvill sa mga mata. He pursed his lips while looking at her avoiding his gaze. "W-wala ka naman atang sasabihin. Uuna na ako---" Napatigil si Brielle sa pagsasalita ng bigla siyang niyakap ni Xyvill. Nabigla ang mukha ng babae habang pinapanood ang lalaking yakapin siya ng mahigpit. "What... what are you doing?" Nauutal niyang tanong habang sinusubukan ilayo ang lalaki dahil sa lakas at bilis ng t***k ng kaniyang puso. Kinagat ni Xyvill ang kaniyang labi bago nagsalita. "Brielle." Kaniyang panimula. Lumunok muna ng ilang beses ang dalaga bago ulit siya kinausap. "Why?" Brielle. Xyvill caresses her head while still hugging her tightly. "We're both alone here." He said softly. Napakunot ng noo ang dalaga. Hinintay niya ang sunod na sasabihin ng lalaki. "Cry if you wanted." Unti unting nanginig ang mga labi ng dalaga. "...." Nanlaki ang kaniyang mga mata. Humagunggol siya ng iyak sa kaniyang dibdib samantalang nanatiling hinihimas himas ng lalaki ang kaniyang ulo para patahanin. "I.. I don't understand him. *hik!*" Iniubob pa lalo ng dalaga ang kaniyang ulo sa dibdib ng lalaki. "....." Nanatiling tahimik si Xyvill. "I don't understand him. I.. I don't understand my feelings. I-I don't understand myself." Nanginginig na boses na sabi ni Brielle habang nakayakap parin sa kaniya. Xyvill's lips drew together tightly, forming a thin line as if he was holding back his emotions. "I-I don't know what to do anymore! K-Kala ko naka move on na ako, pe-pero nung narinig ko siyang kumanta kanina---" Napatigil si Brielle sa pagsasalita ng may humila sa kaniyang necktie at hinila siya papauna. May kung anong bagay na sumakop sa kaniyang labi. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa pikit na mga mata ni Xyvill. Tila hindi siya makagalaw at tumigil ang ikot ng oras. Ramdam niyang para bang may kung anong mga paru paro ang nagliliparan sa kaniyang tiyan. Nanlalaking mga mata niyang tiningnan si Xyvill na unti unti ng lumalayo. Tila hindi parin magproseso sa utak ni Brielle ang nangyari. "Didn't we already talk about this..." Nilapitan ni Xyvill si Brielle at nakipag-eye contact sa mga mata. "You're not in love with him." He expressed it more as a command. Namumulang mukha na napayuko si Brielle. "Bakit parang ikaw ang nagdecide?" Nakanguso niyang bulong sa sarili. Tiningnan ni Brielle si Xyvill. Hinampas niya ang kaniyang dibdib. "You should be comforting me! What's with the sudden kiss?!" Inis inisan niyang tanong para maitago ang kapulahan ng kaniyang mukha dahil sa kilig. Hinuli ni Xyvill ang kaniyang mga kamay bago hinila siya papalapit. Napalunok ang dalaga ng unti unti na naman siyang lumapit. "I'm sorry. I don't know if you're intentionally making me jelous." Seryoso niyang sabi. "You keep interacting with Caspian, then being too close with Liam... Now you're confused about how you feel to Noah?" Inilagay ni Xyvill ang ilang hibla ng buhok ni Brielle sa likod ng kaniyang tainga bago lumapit. "I get jealous easily." Hinagod ni Xyvill ang kaniyang pisnge habang nilulusaw parin ng titig ang dalaga. "You can't blame me for marking you. I'm selfish." Dagdag pa niya habang unti unting lumalapit. Hindi namalayan ni Brielle na ipinikit na pala niya ang kaniyang mga mata at hinintay ang sunod na gagawin ni Xyvill. Kumurba ang ngisi sa labi ni Xyvill at unti unti ding lumapit. "Don't worry, I will get your consent next time." Bulong niya sa kaniyang tainga. Unti unting napamulat si Brielle at namula ang mukha sa hiya. "Did I just expect something?!" Kunot noo niyang isip isip habang namumula sa hiya. Napatingin siya kay Xyvill ng makita niya itong nakangiti. Saglit siyang natulala sa mukha ng binata. Kagat labing pinagmasdan ni Xyvill ang mga labi ni Brielle dahil natetempt na naman siyang halikan ang mga labi ng dalaga, iniling niya ang kaniyang ulo at tumalikod. Astang siya ay aalis pero napatigil siya ng may humawak sa dulo ng damit niya. "Kala ko naka move on na ako. Pero nung narinig ko siyang kumanta kanina, namiss ko yung pagsasama naming tatlo bago kami magkawatak watak..." Natigilan si Xyvill. He tilted his head in Brielle's direction. Lumunok muna si Brielle bago nagpatuloy. "That's what I'm trying to say earlier... before you cut my words with a kiss." Pagkatapos sabihin ni Brielle ang kaniyang panig, agad niyang iniwan si Xyvill na nakatayo sa may dalampasigan kung saan mismo lumulubog ang araw. Saglit na napaisip si Xyvill bago tiningnan ang direksyon ni Brielle na ilang talampakan na ang layo sa kaniya. Unti unting tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Nang makapasok si Brielle sa retreat house. "Brielle!" Napatigil si Brielle sa paglalakad ng pinigilan siya ni Liam. Kabababa lang nito ng hagdan. "Are you okay?" Concerned niyang panimula. Tinanguhan lang siya ng dalaga. "Yes, yes. Don't mind me." Astang siya ay tatalikod pero napatigil siya ng magsalita ulit ang lalaki. "Wait. Your face, it's red. Are you blushing?" Kunot noo niyang tanong. Napatigil siya at naramdaman niyang uminit na naman ang kaniyang magkabilang pisnge. "N-No! It's.. It's just too hot, I'll quickly take a shower." Kaniyang palusot. Nagmamadaling tinalikuran ni Brielle si Liam bago tumaas sa hagdanan para magpunta sa second floor. Napatingin si Liam sa direksyon ni Xyvill na kasunod lang bumalik ni Brielle. *** Brielle's POV Katatapos ko lang maligo. Nasa labas kami ng retreat house ngayon. Nakaform ng isang malaking bilog habang may malaking bonfire sa gitna. Sama sama na ulit kami. At tangina, hindi ko magawang tingnan si Xyvill! Basta basta nanghahalik---Alam kaya niyang first kiss ko yun? Iniling ko ang aking ulo. No, nagooverthink na naman ako, tskk. Medyo natense up ako ng may lalaking tumabi sakin, kala ko kasi si Xyvill. Si Dash lang pala. "Hi," bati niya habang umuupo sa tabi ko na nakaupo sa buhanginan. Malinis naman ang buhangin at pinong pino, kaya hindi na kakailangan na maglatag pa. "Hello." May kutob na ako ehh kung bakit niya ako nilapitan ngayon. "Brielle, I want to ask somet---" Naputol ang pagsasalita niya ng tinawag kami ng Adviser. "St. Ivis." Natuon ang atensyon namin sa adviser. "Since this will be our last session. I decided to give this time to you so, free time all of you!" Naghiyawan ang mga estudyante. "Yes! Yoohooo! Kaya favorite kita ma'am ehh." Boy 1. "Tara dali, COD o ML?" Boy 3. Hindi ko na lang pinagpapansin ang mga siansabi ng extudyante. Napatingin kami ni Dash kila Valkyrie ng isa isa silang bumilog sa direksyon namin. "Guys, tara laro na lang." Panimula ni Valkyrie. Pito kami ngayon na nakabilog. si Noah, buti wala. Ang awkward kaya ng kanina. "Anong laro?" tanong ni Dash. "Truth or Dare na lang ulit, wala na akong maisip" Bored niyang sabi habang nakikipageye contact kila Caspian, Dash, at Vladimir. Truth or Dare? "Sige, Liam ikaw ang una." Napataas ang tingin ni Liam, may hawak kasi siyang gitara. "Truth of Dare?" Tanong ni Valkyrie. Nagbuntong hininga muna si Liam bago siya sinagot. "Truth." Matapang niyang sabi. Lumawak ang ngisi yung tatlo maliban kay Vladimir na nakapoker face pa din. "Then, who's your first kiss??" Pinitik ni Dash ang ulo ni Valkyrie. Rinig kong napaouch si Valkyrie. Kita kong binulungan siya ni Dash bago maya maya ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Napatingin ako kay Liam ng siya ay magsalita. "None--" Pinutol ko siya habang nakatingin sa mga kuko ko. "Wehh. Sa playboy mong yan" Pangaasar ko lang talaga syempre. Nagkutyawan sila. "Fine! Fine! At the age of 14. I kissed someone, happy?!" Kunot noo niyang sabi. Pigil tawa ko siyang tiningan. "Ba't ka nagagalit?" Tanong ko habang nagpipigil ng tawa. Napatingin siya sa akin at maya maya ay namula sa hiya. Medyo nagtaka ako ng bigla siyang naging seryoso. "Hindi ako galit." Nagkibit balikat ako at inikot ang aking mga mata. Age of 14? Kelan kaya nangyari yun. Sino kaya? Well, sa dami ng babae niya, imposible naman talagang virgin pa ang labi niya. "Brielle, ikaw naman." Napatingin ako may Dash. "Ba't ako kaagad?" Inosente kong sabi habang nakaturo sa sarili ko, alam ko na ang mga binabalak itanong ng mga 'to sa sakin ehh. "Kasi gusto namin." Sabay sabay nilang sabi. Woww. I swear may binabalak talaga ang mga 'tong itanong sakin. Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Sige na nga, dare. Anong utos." Sabi ko sa kaniya. Mukhang nadisappoint sila sa sagot ko. Talagang gusto akong ipagtruth ehhh. Kita kong saglit silang nagbubulungan habang palingon lingon sa direksyon ko. Hayyy. Hindi na natapos ang truth or dare na yan ehh. "Okay! Eto naa." Panimula ni Valkyrie. "Call Azalea. Request ni Dash. Namimiss raw niya ehh." Napamaang ako, nanlaki ang aking mga mata. Whattt?! Tiningnan ko si Dash. Nakangiti siyang kumaway sakin. Hinarap ko silang apat bago gumawa ng dahilan. "Lowbat cellphone ko" Sabi ko. Kinontrata ni Caspian ang sinabi ko. "May powerbank ka ha,." Minsan ang sarap kutusan nitong si Caspian, kasapok sapok ekkk. "Brielle ano na?" Iniling ko ang ulo ko. "Bukas na, mamaya busy pala yun" Natahimik sila sa sinabi ko at para bang ang suspicious. Tskkk. Sabi na ehh. Nagdududa na sila. "Bakit. Sa LIB siya napasok diba? Pano magiging busy yun. Ang pagkakaalam ko academic break nila ngayon." Ilang beses akong napalunok sa sinabi ni Vladimir. Sa kanila talagang apat, siya ang pinakasuspicious sa mga galawan ko, tssk. "She's busy," Napatingin silang lahat kay Xyvill ng siya ay magsalita. Isa isa ilang napakunot bahagya ang noo at taka siyang tiningnan. "Pano mo naman nalaman?" Kontra ni Valkyrie. Tiningnan siya ni Xyvill. "She's working as a part-timer." He said while directly looking at her eyes without a flinch. Wow, he's a great actor. Ang galing magsinungaling. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang ngising gustong kumawala. "Part-timer?" Kunot noong sabi ni Dash at parang nagtataka kung paano nalaman ni Xyvill yun. "She and I work on a same project before." Kaniyang sabi ulit habang nagc-cross arms ng mga kamay. Ang galing din nitong si Xyvill, talagang pinaghalo ang lies sa truth ehh. Naputol ang usapan namin ng biglang sumulpot ang adviser namin. "Kids," Sumulpot ang adviser namin sa likuran ko bago kami isa isa tiningnan at pinatayo. "Magsitayo muna kayo. Napadaan dito ang may ari ng Pearls Sand. Batiin niyo muna si Mr. Fernandez." Bahagyang napakunot saglit ang kilay ko. Fernandez? Diba ang last name ni Dash, Fernandez? Nagsitayuan kami. May lalaking makisig na mukhang nasa kaedaran ni mama. Nakasuot ito ng tuxedo habang papalapit. Binati namin siya pero nangibabaw ang boses ng A4. "Good morning, Sir." Sabay sabay na bati ng A4 kaya napatingin kami sa kanila. Nakayuko ngayon sila, pero maliban lang kay Dash. Na nakatayo ng tahimik. Bakit parang ang pormal nila masyado? "Don't mind me, stand." Utos niya sa tatlo habang sinesenyasan silang magsitayo. Tiningnan ko yung lalaki, magkahawig sila ni Dash ng itsura kaya nakakasigurado akong papa niya yan. "Xyvill."`Napatingin ako sa kaniya ng tinawag niya si Xyvill. Teka ba't si Xyvill? Pinuntahan niya si Xyvill bago inakbayan sa balikat. "I purposely delayed my meeting to get here. It's been decades since the last time I saw you... Come here, let's talk." Saad ni papa ni Dash habang tinatapik tapik ang balikat ni Xyvill. Hindi man niya lang nilingon ang kaniyang anak? Tiningnan ko si Dash. Nakaupo na ito habang nakatitig sa apoy ng bonfire. Napaawang ang labi ko. Mukhang alam ko na ang rason kung bakit siya may galit kay Xyvill.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD